Hindi ko alam kung saan kami pupunta, kung didiretso na ba kami pabalik sa hotel o ano. Basta’t hinayaan ko na lang si Reigan na tutok lamang ang paningin sa daan at nakakuyom pa rin ang kamay sa manibela. Sa kabila niyon, maingat ang pagmamaneho niya. Tila ba nagpipigil siya at kinokontrol ang sarili, still annoyed and mad about what happened. He wiped the blood on the side of his lips using his knuckles. Napangiwi siya dahil sa sakit niyon. “B*llshit. I’m not done with that bastard,” may diin niyang sabi. “H-Hayaan mo na... nananadya lang iyon,” sabi ko. Hindi pa rin ako makatingin sa kaniya at may parte sa ‘king nahihiya. Pakiramdam ko nga ay kasalanan ko. Dahil ako ang topic. At hindi ako magiging topic kung... hindi nila ako kilala. Bumagsak ang mga balikat ko. I don’t know