“Hi, Leigh! P-Pwedeng makuha ang number mo?” nauutal na tanong ng schoolmate kong lalaki habang sinusundan ako papasok sa gate ng paaralan. Ngumiti ako nang matamis habang yakap-yakap ang mga libro sa aking kamay, tuloy-tuloy lamang ang lakad, pero kahit ganoon ay hindi pa rin sila nagpaawat. Sinundan pa rin nila ako. “Sure!” Sinabi ko na agad ang number ko na agad-agad naman nitong sinulat sa kaniyang palad habang nanginginig pa at halos hindi mapigilan ang pagkagat ng labi. “Leigh, ang ganda mo talaga! Birthday nga pala ng pinsan kong si Rex sa Sabado. Punta ka, ha?” invite naman ng isa. Boys flocked to me as soon as I entered our school’s gate. Ngumiti naman ako at pinaubaya ang bag at mga libro ko na gusto nilang dalhin para sa ‘kin. Halos mag-agawan pa nga sila roon. “Sure,