“Dito na lang, Rufo. Salamat,” sabi ko nang huminto ang aming van sa tapat ng isang matayog na building.
Nagpaalam na ako kay Nay Jimena. Pagbaba ko pa lang ng sasakyan ay sinalubong na ako ng guard.
“Good afternoon po, Miss Leigh.”
Sukbit ang bag at suot pa rin ang uniform ay tiningala ko ang malaking building. In front is our company’s name written on it, Alta Rejos Hotels, the fastest rising hotel chain not just locally but as well as outside the country for the past decade.
Mabilis ang aming pag-angat sa nakalipas na mga taon. Napakalaki na rin ng improvement ng hotels namin. We are continuously upgrading our hotels and suites and even adding resorts to some. Tuloy-tuloy rin ang pagtatayo ng mga bago sa iba’t ibang lugar at probinsiya, maging ibang bansa.
“Magandang hapon po, Miss Everleigh,” bati ng mga nakakasalubong ko sa aking pag-akyat. Tunog lang ng school shoes kong may takong ang naririnig sa pagdaan ko sa mga empleyado na kilala ako bilang nag-iisang anak ng president.
“You asked for me, Dad?” tanong ko nang makapasok sa opisina ni Dad.
Nakita ko si Daddy na naroon sa kaniyang swivel chair. I was about to ask him nang natigilan ako nang makita ang dalawang tao na naroon sa couch. Because inside my father’s office, naroon ang mag-asawang De Alba!
Naagaw ko ang atensyon nila pagdating ko. Lumawak ang ngiti ni Tita Devone nang makita ako at nangislap ang mga mata. In her elegant black dress, tumayo siya at agad akong sinalubong ng yakap.
“Tita Devone?” gulat kong tanong.
Sa kaniyang tabi ay ang asawa niyang si Tito Silvianno na sa loob ng iilang taon ay ngayon ko na lamang din nakitang muli.
“Oh, yes, hija! How are you? It’s been a long time! Dalagang-dalaga ka na!” nasisiyahang bati nito sa ‘kin.
Hindi pa agad ako nakagalaw mula sa yakap ni Tita kaya hindi ko ‘yon nasuklian. Wala sa sarili ko ring binati si Tito Silvianno.
“You’ve grown so much now, Everleigh. Dalaga na ang inaanak ko, Iverson,” sabi ni Tito Silvianno kay Daddy sabay halakhak.
Proud ang ngiti ni Daddy na tumango. “I know, Silvianno. Parang dati lamang ay naglalaro pa iyan sa lupain ninyo nang gusgusin, hindi ba?”
Humalakhak ang tatlo roon. Gusto ko mang makitawa o mag-react ay hindi ko nagawa. Kinain ako ng kaba ko at nilingon ko agad ang buong opisina ni Daddy sa pag-iisip na may kasama pa silang iba.
“Who are you looking for, hija? It’s only me and your Tito Silvianno...” sagot ni Tita Devone nang mapansin ang reaksyon ko.
Natigilan ako at natauhan bago tumango at pilit na ngumiti, yet my heartbeat is still not calming. Ano ang ginagawa ng mag-asawang De Alba rito sa Maynila? Dito sa opisina ni Daddy? At bakit ako pinapunta rito?!
Tito Silvianno is a close friend of my father. Matalik na magkababata ang dalawa kung kaya’t magkasosyo sila sa iilang negosyo. It’s just that higit na mas mayaman ang pamilya nina Tito Silvianno kaysa sa pamilya namin.
“Halika, maupo ka, Leigh, hija,” sabi ni Daddy.
“May boyfriend ka na siguro ngayon? Napakaganda mo na, hija,” ngiting-ngiti na sabi nito habang hawak ang dalawang kamay ko.
Ngumiti na lamang ako. “Just a few, Tita Devone... studying gets me too busy to entertain boys,” sagot ko.
Napatikhim si Dad kaya tumingin ako sa kaniya at ngumuso. Bakas na bakas kay Daddy na gusto niya akong ilaglag sa parte na iyon.
“Ganoon ba? O baka naman ay iba ang gusto mo? Do you like someone right now, hija?” panunukso ni Tita Devone. Sa tingin niya pa lamang ay mukhang may kahulugan na iyon.
“Time flies indeed. Hindi ako makapaniwalang namumuti na ang mga buhok natin, kumpare,” natatawang sabi ni Tito Silvianno.
Ano ba itong nangyayari? Bakit ako nandito? Bakit narito ang mga De Alba?
De Albas are known in our province. Sa hometown nina Daddy at Mommy. Sa El Amadeo, a province somewhere in Luzon. De Albas are known hacienderos. Marami silang lupain at ari-arian. Maraming negosyo. Pagmamay-ari nila ang pinakamalaking planta sa El Amadeo na nagdi-distribute ng mga produkto na galing sa mga plantation nila.
Our company is already successful, but the De Albas’ success are way greater. They are old-money rich, ibig sabihin ay talagang nasa dugo na ng pamilya nila ang pagiging mayaman.
Akala ko ay kasali ako sa kanilang magiging usapan, pero mukhang tapos na yata nang dumating ako. Ilang sandali lang din kasi at nagpaalam na ang mag-asawang De Alba.
What did they talk about? Daddy seems to be happy!
“I heard about you cutting your classes again, Everleigh?” tanong ni Daddy nang makaalis na ang mga bisita.
“They’re boring, Dad. I can’t stand it. At inaaral ko naman din iyon sa library para makahabol ako sa lesson. I can do it on my own.”
“Edi, sana’y nag-homeschool ka na lang kung hindi ka susunod sa proseso ng mga unibersidad. Come on, hija. You have to follow the rules. Perhaps you have to stop trying to make your own...” Naiiling si Daddy habang sinasabi iyon. Nagbubuklat na siya ng mga papeles niya.
“Bakit narito sina Tito Silvianno, Dad? Anong ginagawa nila rito? And... what did you talk about?”
Tiningnan lamang ako ni Daddy at tumikhim. Pagtapos ay binalik niya na sa kaniyang trabaho.
“Oh, just some business matters, hija...” Dad answered but I wasn’t convinced. Naningkit ang mga mata ko. Iba ang pakiramdam ko, eh! I know something’s suspicious...
“Dad, don’t tell me you sold our company to them? Bumabagsak na ba itong kompanya?” tanong ko sa natarantang boses.
“Ano ba iyang iniisip mo, Everleigh? Hindi babagsak ang Alta Rejos Hotels,” sabi ni Daddy. Kalmado pa rin siya at pagkaganoon ay alam ko talagang may kung ano silang pinag-usapan ng mga De Alba! It’s making me damn nervous! “Kailanman ay hindi babagsak ang ating kompanya, Leigh... kahit mawala man ako.”
Pumait ang mukha ko sa sinabi ni Dad. Ganito ba talaga kapag tumatanda? Nagiging morbid at hindi talaga iyan nawawala sa mga linyahan nila.
“Fine, Dad. Kung anuman iyan, I still wish everything’s going alright.” Bumuntonghininga ako at kinuha na ang aking gamit. “I have to go now, Daddy. Kumain ka po at huwag masiyadong ma-stress.”
Nagpaalam na ako kay Daddy pero aalis pa lamang sana ako ay may pahabol pa siyang sinabi.
“Also, hija, I’ve heard about you being banned in a billiard house? Nakipag-away ka?”
Napatigil ako sa akma kong pag-alis. Napapikit ako nang mariin. Sinasabi ko na nga ba at walang sekretong hindi nabubunyag! But how did Dad find out about that? Is it Louis again?
Na-ban kami sa isang bilyaran kahapon lamang, ang dahilan ng away namin ni Louis dahil sa kaniya ko iyon sinisi. Nakipag-away kasi siya kaya malamang siya talaga ang dahilan! That’s why we broke up!
Oh! Napailing ako nang may mapagtanto. Baka naman ay kakilala niya iyong may-ari ng bilyaran. Baka nakilala ako roon at sinabi kay Dad ang ginagawa kong pagpunta roon, kaya inutusan sila ni Daddy na i-ban ako. Is that what happened? Malaki ang tyansa dahil wala namang ibang pwedeng maging dahilan para ma-ban ako roon!
Hindi naman ako ang nakipag-away kundi ang basagulerong si Louis. He should be the one banned from that place and not me! Oh, well, kawalan na nila iyon!
“Yeah... my f-friend got into trouble. Nadamay lang po ako... nakakapagtaka nga lang na ako lang ang banned sa aming magkakasama, when I’m not even the one who got into trouble,” naiiling kong sabi at makahulugang tiningnan si Dad. Napanguso ako. “It’s you who got me banned from going to that billiard house, Dad, right?”
Umiling si Daddy, denying my allegations.
“Oh, dear, wala po akong kinalaman diyan. At nito ko nga lang din nalamang nagbibilyar ka na naman pala sa kung saan-saang lupalop ng ka-Maynilaan?” Umiling-iling si Daddy. “I closed your other credit cards on purpose, Everleigh... so that you’d be careful when it comes to spending, pero ano ba naman iyang pinaggagastusan mo, hija? Naaadik ka na riyan at para kang sugarol.”
Nanlaki ang mga mata ko. Sugarol!
“I had to do it to support my escapades, dahil wala na akong pera. Isn’t it a wise action?” nakangusong sabi ko sa ama. Alam ko namang hindi ako matitiis ni Daddy.
“Maybe I am really at fault for spoiling you too much when you were a kid. You’ve become so spoiled. Iyan at naging gastador ka na nga, magiging sugarol pa.” Daddy tsked. “And not only that, Everleigh, nakarating din sa akin ang balita na papalit-palit ka raw ng nobyo. Honestly, what are you doing with your life, anak?”
Napaawang ang mga labi ko. Pati iyon ay alam niya na rin?! Who spied on me? Lintik talaga kapag nalaman ko kung sino iyon!
“Because all those boys are boring, Dad... kaya napapalitan agad ilang linggo lang!” I reasoned out. “I swear, Dad, sila ang namimilit na manligaw at sagutin ko. You know I can’t stand rejecting people. Kaya ko sinasagot. It’s just silly childish relationships! Harmless, Daddy. Promise!” depensa ko.
Of course, I don’t want my father to think na pakawala na ako ngayon. It’s true that I had different boyfriends. Lahat iyon ay hindi tumatagal dahil nagiging boring, childish, immature, sobrang possessive na nakakasakal.
Niyaya pa nga ako ng ilan na magpakasal! How can I do that when I just turned eighteen for Pete’s sake? That’s why I changed boyfriends! Pero itong si Louis naman, basagulero din. I got banned from my favorite billiard house because of him! Sigurado iyon. Siya talaga ang dahilan kaya hindi na ako makakatapak doon.
Pinagbintangan pa akong nanlalaki. How dare he? Sino sa aming dalawa ang two timer na takot sa sariling multo? He even insulted me by telling me na baka hindi na ako virgin?! F*ck him, really!
“You’re playing too much, Everleigh. Siguro nga oras na...” madramang sabi ni Daddy na malalim pang huminga.
I creased my forehead and rolled my eyes.
“Oras na para magtino ka,” dagdag ni Daddy sabay iling-iling niya. For the dramatic effect, inalis pa nito ang kaniyang eye glasses sabay punas sa mga matang walang luha. Pag-angat niya ng tingin sa akin ay determinado siyang nagsalita.
Ang hirap naman kung ganitong may isip-bata akong ama!
“You’ll go back to El Amadeo. Doon ka mag-e-enroll for college. I am already fixing everything with your school,” biglang sabi niya at tumango-tango na tila sinasabing hindi siya nagbibiro.
“What?” mahinang tanong ko, still not sinking in what Dad just said.
“Yes, hija. You’re leaving Manila sooner than planned. And yes, this is a punishment. And yes again, babalik ka na sa El Amadeo at pag-aaralan mo ang lahat ng kailangan mong matutunan doon, mula sa lupain natin hanggang negosyo. I’ll have our house renovated and you’ll be learning how to manage our hotel in Laia.”
Napatayo ako mula sa couch dahil sa sinabi ni Daddy. My eyes grew wider. Kulang ang salitang gulat sa naramdaman ko.
“What, Dad? W-What are you talking about?!”
Leaving Manila. Punishment. El Amadeo. Y-You mean...
“That’s one month from now. Saktong pagtapos ng graduation mo sa senior high school. Ihahatid kita roon pero babalik din ako agad dahil marami pa akong trabaho rito sa Maynila na hindi ko pwedeng pabayaan. Doon ka na mag-aaral muli sa Amadeo College.”
I laughed sarcastically. “Dad, please, sabihin mong nagbibiro ka lang? Hindi ako babalik doon!” pakiusap ko.
Dad just smiled with finality. Sinuot niyang muli ang kaniyang eye glasses. “It is what it is, hija.”
“Dad, no, please! Magtitino na ako! Huwag mo lang akong ibalik doon! Daddy naman!” Naiiyak na ako. Natataranta. Hindi ako makakapayag na bumalik doon! Kahit katayin pa ako nang buhay! I will never ever go back to that hell of a place!
“This is decided, hija. You’ll go back to your mother’s hometown and that is final. Sa El Amadeo, naniniwala akong magbabago ka.”
F*ck! Hell, no!