Minsan ko nang hiniling na sana’y ipinanganak ako nang mas maaga. Maybe if I was born earlier, he’d like me. Siguro titingnan niya rin ako sa paraan kung paano niya tingnan ang mga babaeng type niya.
Siguro ay hindi kukwestyunin ng mga tao kung bakit gustong-gusto ko siya...
“Pahingi nga niyan,” sabi ko at nilapitan si Ralph na nagsisindi ng sigarilyo, tinutukoy ang kahang hawak niya.
Inabot niya ito sa akin na tinanggap ko. Inayos ko ang buhok ko at nilagay sa isang balikat bago humugot ng isang stick at nilagay sa aking labi.
I tasted the mint flavor on the other end of the cigarette stick. Napangisi ako. Hmm, matagal ko nang gustong tikman ito at ngayon ko pa lang gagawin.
Mukhang masarap naman pala! Hindi naman siguro masamang tumikim?
“Lighter, Ralph?” tanong ko sabay lahad sa aking palad.
Dinig ko ang singhap ng ibang nakikitingin sa akin dahil sa akma kong pagsisigarilyo. Wala akong pinansin ni isa sa mga ito. Ganiyan naman ang mga iyan lalo na ang mga lalaki, titingin lang pero kapag tiningnan ko pabalik ay parang mga tigreng nababahag bigla ang buntot.
Oh, boys indeed!
Pagkaabot sa akin ng lighter ay tinagilid ko ang aking ulo. With my thumb finger that is freshly painted with red nail polish, pinindot ko ang lighter upang sindihan ang stick ng sigarilyo sa aking bibig ngunit bago ko pa iyon magawa ay may bigla nang umagaw ng lighter sa aking kamay.
Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko ang galit na mukha ni Louis.
Imbes na matakot, napaikot ang mga mata ko at tumayo nang maayos. I’m still on my uniform. Bumuntonghininga ako at hinawakan nang muli ang aking tako. Napaka-kill joy talaga!
“Tigilan mo, Zarina. Hindi bagay sa isang babaeng katulad mo ang manigarilyo,” mariing sabi ni Louis at sinundan ako.
Umikot ako sa billiard table kagat-kagat ang sigarilyo sa aking bibig. Bakit ba ang pakialamero naman nito, ha?
Louis is my most recent ex-boyfriend. We broke up yesterday because of a huge fight. Break na kami pero kagabi pa siya nangungulit sa text at akalain mo namang pumunta pa talaga rito. He’s so possessive and he knows how much I hate possessive guys!
Niyuko ko ang billiard table at hinanda ang tako. Walang kahirap-hirap kong tinira iyon ngunit sa halip na magawa ito nang maayos ay kinapos pa ang tulak ko sa cue stick dahil bigla ring kinuha ni Louis ang sigarilyo sa aking bibig kaya nawala ako sa focus.
Dumaloy ang inis sa akin. Ano bang problema nito?
“You’re just my ex-boyfriend now, Louis,” nakalabing sabi ko, iritado dahil gusto ko lang namang tikman iyong sigarilyo pero ipinagdamot niya!
Sumama ang timpla ng mukha nito sa sinabi ko. “Mag-usap tayo, Zarina.”
“Wala tayong pag-uusapan! At bakit ba nandito ka?”
Napatikhim lamang si Ralph at ganoon na rin si Claudia na nakahilig kay Ralph kung kaya’t napatingin ako sa kanila, ang mga kaibigan ni Louis na naging kaibigan ko na rin dahil sa isang buwan naming pagde-date ni Louis.
Sila ang talagang magkakaibigan kung kaya’t talagang hindi mawawala sa paningin ko si Louis kahit pa nga break na kami kahapon lang.
“My turn?” tanong ko sa kalaban kong schoolmate namin.
“Oo, L-Leigh,” utal nitong sagot sabay adjust sa makapal niyang salamin.
What a nerd.
Ngumiti lamang ako at inayos na ang aking tako habang tinatantiya ang titirahin kong bola. Nilagyan ko ng chalk ang tip nito bago hinawi ang aking buhok at umikot sa pool table.
Masiyadong madali ang magiging pagkapanalo ko rito. O sadyang hindi lang inaayos nitong kalaban ko? Willing ba siyang magpatalo o talagang hindi siya makapag-focus?
Panay ang tingin nito sa akin sa halip na sa mga bola ituon ang atensyon. Tuwing turn na nito ay laging mintis. Hindi ko alam kung dahil ba hindi ito marunong o sadyang nanginginig ang kaniyang kamay sa kaba!
“I-Ikaw na ulit, Leigh,” sabi nito matapos ang isang bad shot.
“You’re wasting Leigh’s time. Iyan na ba lahat ng iyon?” tanong ni Claudia sa nerd na kalaban ko at tumawa.
Tumawa na rin ang iba. Pati tuloy ako ay hindi ko maiwasang matawa. Mukhang napahiya ito dahil sa pagtawa namin. Kaya naman ginawan ko na siya ng pabor. Tinuloy-tuloy ko na ang pag-shot at hindi siya binigyan ng pagkakataon tutal ay patapos na rin naman ang laban.
“Galing! Wala talagang makakatalo sa ‘yo, Leigh! Lahat ng trick shots mo, lusot na lusot!” puri nila sa aking pagkapanalo.
Napangisi ako at tinanggap ang tatlong libo mula sa schoolmate na natalo.
“Let’s go, Zarina,” entrada ni Louis at akmang hihigitin ang braso ko.
“Uuwi ako nang mag-isa, Louis! I don’t need you. And we just broke up so don’t even bother.”
May ilang mga estudyante ang talagang nakikiusyoso sa aming table, ang iba ay gusto pang makipaglaban. Nagtulakan sila roon at ang isa ay lumapit sa aming table.
Sumama ang tingin ni Louis. Hindi ko siya pinansin.
“Hindi ako pumapayag na maghiwalay tayo, Everleigh,” mariing sabi niya.
“Hindi naman ako humihingi ng permiso mo,” malamig kong sagot.
“Sabihin mo nga, Everleigh. Is it because you’ve found a new boytoy? Huh? Nakahanap ka na ng ipapalit sa ‘kin kaya nakikipaghiwalay ka na?” pagalit na tanong ni Louis.
I heaved a sigh and didn’t even pay attention to him.
“Ang sabihin mo ay may bago ka na namang gustong akitin? Ganoon, hindi ba? Sino naman ngayon, Leigh? Ang bilis mong makahanap ng ipapalit sa ‘kin?” galit na tanong niya pa rin.
Sa lahat yata ng naging ex kong hindi tumatagal, siya na ang pinakapakialamero. Nakakainis!
“Sandali nga, Louis. Don’t act so possessive around me! No one bosses me around!” mariin kong sabi sa kaniya.
Iyan naman ang gusto niya, eh! Makipag-away! Then, fine! Mag-away kami!
Tiningnan kami nina Ralph at Claudia sabay iling-iling, sinasabing huwag kaming mag-away roon. Tiningnan ako ng sunod kong kalaban na naghihintay kung handa na ako.
Tumango ako kaya nagsimula na ito sa break shot. Titira na rin sana ako pagkatapos ngunit bago ko pa iyon magawa ay nahila na ni Louis ang braso ko paalis.
“Louis! Ano ba, wait!” singhal ko at halos kaladkarin ako nito palabas sa bilyaran. Saan nito nakukuha ang lakas ng loob na ganiyanin ako?!
“Ano bang problema mo?” inis kong sabi nang makalabas kami. Sa gilid ng bilyaran kung saan mayroong bakod at maliliit na puno sa paligid.
“Hindi tayo maghihiwalay, Leigh!” mariin at galit niyang sinabi. Dinuro niya ako kaya napanganga akong hindi makapaniwala. “You can’t just play with my feelings like that!”
“Oh, Louis, come on! Aren’t you dating someone just last week? Sinabi sa akin ni Claudia! You are two timing me!” sigaw ko sa kaniya. “At huwag mo akong duduruin. I’m an Altarejos, don’t you ever forget about that!”
Natigilan siya nang kaunti sa sinabi ko pero ang galit niyang awra ay hindi napalitan. Hinigit niya ang braso ko at nag-aapoy sa galit akong tiningnan.
“Sabihin mo sa akin, Leigh! May nahanap kang bagong lalaking paglalaruan kaya mo ako ididispatsya, hindi ba?! Dahil ganiyan ka naman! You trick men to go on their knees for you! Malamang may nakagalaw na sa ‘yo! So, don’t act like you’re still a virgin wh—”
Bago niya pa matapos ang kaniyang sinasabi ay nasampal ko na siya. A loud thunder echoed on my system.
Natigilan siya at napanganga dahil sa namamanhid niyang panga.
“Don’t you f*cking disrespect me, assh*le!” sigaw ko at tinalikuran na siya. Bumalik ako sa loob.
“Oh, Leigh, saan ka pupunta?” tanong ni Claudia nang makita ang nagtataas-baba kong mga balikat sa galit at iritasyon. Idagdag pa ang namumula kong mga mata.
Dinampot ko ang aking bag. Sumunod si Louis at malakas ang boses na tinatawag ako.
“Sir!” awat ng staff dahil sa ingay na nililikha ng ginagawa nitong pag-eeskandalo.
“What now, Everleigh?! Magwo-walk-out ka? Pupunta ka na sa bago mong lalaki?!”
“Louis!” saway nina Ralph.
Sinukbit ko ang bag sa aking balikat saka mabilis na naglakad palayo.
“Everleigh!” malakas na tawag ni Louis ngunit hindi ako lumingon. Narinig ko ang pagsipa nito sa isa sa mga upuang naroon maging ang pagkakagulo sa mga table.
Hindi na ako lumingon pa. Pumara ako ng tricycle at habang nasa loob nito ay tinawagan ko na ang aming driver para magpasundo.
Pumikit ako nang mariin.
Nag-init ang sulok ng mga mata ko. My chest is burning in anger.
Tang ina niya!
A cheating assh*le who is afraid of being cheated on!
Pagod ako nang sumakay sa aming van nang tumigil iyon sa isang waiting shed malapit sa aming paaralan. Doon na ako naghintay dahil hindi naman alam ng aming driver na nagpunta ako sa bilyaran ngayon.
“Rufo, salamat,” pasasalamat ko sa aming driver na tauhan na rin ni Dad sa kompanya. Nakasuot pa ito ng pormal na damit bilang bodyguard at mayroong ear piece.
Pagsakay ko ay naroon din si Nay Jimena, isa sa pinakamatagal nang nagtatrabaho sa mansyon ng mga Altarejos. Bata pa lamang ako ay siya na ang nag-aalaga sa akin at tumutulong sa aming mansyon.
“Oh, Leigh? May nangyari ba?”
Ngumiti lamang ako at pinikit ang mga mata saka hinilig ang ulo sa bintana ng sasakyan.
“W-Wala naman, Nay. Napagod lang sa mga klase namin,” sagot ko na lang dahil higit sa ayaw ko ay ang nagpapaliwanag lalo na ganitong pagod ang utak ko.
“Klase ba talaga? O bilyaran?” Nakita kong nakatingin siya sa aking neck tie na may bakas ng chalk.
Para ko na siyang nanay na nag-aalaga sa akin, hindi lamang basta mayordoma.
“Napaaway ka na naman ba?” tanong niya at bumuntonghininga. Inabot niya ang aking neck tie at inayos ito. Inalis niya ang bakas ng chalk dito na kung makikita ni Daddy ay tiyak na grounded na naman ako.
My father prohibited me from going to places like that, but of course, it’s one of my hobbies! And stress reliever... at source na rin ng stress dahil sa mga away na nasasangkutan ko.
“Sinabi ko na sa iyo, Leigh, huwag kang masiyadong makikisangkot sa mga gulo, hindi ba? Baka talagang ipatapon ka na ni Don Iverson niyan sa probinsiya kapag hindi na nakapagtimpi ang iyong ama.”
Halos kilabutan ako sa sinabi ni Nay Jimena. Oh, please. Kahit magtrabaho na lang ako rito sa Maynila ay gagawin ko, huwag lang akong tumira sa probinsya namin!
“Hindi naman iyan magagawa ni Daddy sa ‘kin. I’m his only daughter... at marami siyang business, wala na siyang panahon sa ganiyan,” sagot ko at napanguso.
Humilig na lamang ako sa balikat ni Nay Jimena. Hinaplos nito ang aking buhok.
“Hay, naku, hija. Iyon nga ang iyong ipagpasalamat, na mahaba ang pasensya sa ‘yo ng ama mong si Don Iverson kung hindi ay baka nag-aararo ka na ng palay sa mga oras na ‘to!”
Tumawa na rin si Rufo. Para na akong kinikilabutan iniisip pa lamang na nag-aararo ako o kaya nagtatanim. Gusto kong ang natitira kong teenage years at early twenties ay sa syudad ko gugulin!
I used to go to the province when I was younger, tuwing summer vacation. But that’s it. Ngayon, tatlong taon na akong hindi nakakabalik doon. At wala nang balak pang tumapak muli rito. Especially not in our hometown!
“Tumatawag ang Don, Ma’am Leigh. Ipinahahatid kayo sa opisina. Mukhang kakausapin ka po ng don.”
“Ano kaya iyon?” takang tanong ko.
“Hindi ko rin sigurado. Wala bang nasabi si Don Iverson?” sabi ni Nay Jimena. “Baka naman magkatotoo na ang sinabi ko? Na ipapatapon ka na sa probinsiya n’yo?”
Oh, God, please, no!
Inalala ko ang naging mga pag-uusap namin ni Dad pero wala namang kakaiba! Well, except noong last week na sinabi niyang sana’y ihulog na raw ng langit ang magpapatino sa akin at magpapalambot sa matigas kong ulo!