Prologo

1607 Words
“Maghiwalay na tayo. I want to end this marriage.” Reigan’s eyes darted to me, kulang na lang ay tanungin niya ako kung nababaliw na ba ako. And maybe yes! Mababaliw ako lalo kapag hindi pa kami naghiwalay! “What?” “Buntis ako. Hindi ikaw ang ama,” mabilis kong anunsyo, hinihintay ang matinding reaksyon mula sa kaniya. Pero wala. Nagsalubong lamang ang mga kilay niya at bahagyang nangunot ang noo sa biglaan kong sinabi habang dahan-dahang bumaba ang matalim niyang tingin sa aking tiyan. Nanatili ang prente niyang pagkakaupo sa kaniyang swivel chair. Lumapit ang babaeng secretary. Reigan raised his hand to tell that secretary na ayos lamang ang lahat. Tumango naman ito at agad nang umatras papalabas ng opisina habang iniiwasan ang matatalim kong tingin. “What did you say?” malamig na tanong ni Reigan kaya napabalik ang mga mata ko sa kaniya. “Ang sabi ko ay buntis ako at hindi ikaw ang ama! I love someone else at magpapakasal na kami. Maghiwalay na tayong dalawa,” taas-noong anunsyo ko pero mukhang hindi siya naniniwala. He glanced at me with his cold, dark eyes, bago isang ngisi ang lumitaw sa labi niya. “You think I’ll believe that? At sino ang nakabuntis sa ‘yo, hmm?” The devil, Reigan, was smirking, sitting comfortably on his swivel chair. Sa kaniyang mesa ay ang name plate na nagsasabi ng katayuan niya sa kompanya namin as the CEO of my family’s hotel chains, the biggest operating hotel chain in different regions of Asia. He has been a billionaire himself since he was more or less twenty-two! And now, his net worth even doubled. Oo nga naman, Everleigh! This is Reigan De Alba we’re talking to. Malamang hindi iyan maniniwala agad sa mga sasabihin ko. He’s pretty smart and I know I can’t fool him. Kaya nga naman naghanda ako... Ipinakita ko sa kaniya ang engagement ring sa aking daliri na binili ko lang naman. Gumuhit ang nanghahamon na ngiti sa ‘kin. Lahat ng alam kong pwedeng panloko sa kaniya ay nilapag ko na, ultimo mga pekeng dokumento at results. “See? Nagdadalang-tao talaga ako! At sa ayaw o sa gusto mo, hindi sa ‘yo ang dinadala ko!” “Stop lying,” malamig niyang sabi nang hindi man lang nag-abalang usisahin ang mga iyon. “I’m not lying! Totoo ang sinasabi ko. Bakit hindi mo na lang tanggapin na hindi na kita mahal, huh? Nawala na ang lahat ng pagmamahal ko sa ‘yo at pinagsisisihan kong pinakasalan kita. Maybe I should’ve just gave you up to that girl.” Tumayo siya mula sa kinauupuan. His tall physique towered over me and all of a sudden, ang kaninang parang tigre sa loob ko ay para na lamang biglang naging isang kuting at maamong pusa habang nakatingala sa kaniya. “Huwag kang magsinungaling sa ‘kin, Everleigh,” malamig niyang sabi. Napalunok ako pero pinantayan ko ang kaniyang galit. “N-Nagsasabi ako nang totoo!” “Sino ang gumalaw sa ‘yo kung ganoon?” galit niyang tanong. “F*cking tell me, Leigh!” Napalunok ulit ako. Pakiramdam ko ay lalabas na itong kaluluwa ko sa mga pinagsasabi ko. “I-I have a boyfriend in the U.S! He wants to marry me! May nangyari sa amin at magkakaanak na kami... please, pakawalan mo na ako. Pagod na ako sa kasal na ‘to. Maghiwalay na tayo.” I suppressed every personal emotion inside of me. Ang tinira ko lamang ay ang bahaging pilit na pinagnunuknukan sa kaibuturan ko na hindi ko na siya mahal. “What did you say, Leigh? Are you f*cking kidding me?” Napapalunok akong nakatingin sa kaniya habang nagagalit. Ngayon ko na lang yata siya nakitang ganoon. “H-Hindi kita niloloko. Sadya lang na may mahal na akong iba. May nakilala akong mas mamahalin ko pa... at buntis ako. Hindi ikaw ang ama ng dinadala ko...” For the dramatic effect, I let my tears fall more. Reigan stared at me. Lumambot ang kaniyang ekspresyon sa pagluha ko. Nagkatitigan kami at bago pa niya mapagtanto lahat ng kasinungalingan ko ay nag-iwas na ako ng tingin at pinatulo lalo ang mga luha ko. Everything was planned perfectly. Ang kailangan ko na lamang ay mahulog si Reigan sa pinagsasabi ko. “We’re not breaking up—” matalim niyang sinabi. “Yes, we—” “We’re not, Leigh!” putol niya. Mas lalong dumilim ang kaniyang tingin, hindi makapaniwala at kung may ididiin pa ang pagkakakuyom ng kaniyang kamay ay baka nagawa niya na. His jaw is clenching very hard and he’s trying to control his temper. “Hell, yes, we’re breaking up! Ipagpapatuloy ko ang annulment and you can’t stop me!” Lalong sumidhi sa kaniyang mga mata, like my words triggered him more, lalo nang marinig ang tungkol sa annulment na dahilan ng pagpunta ko rito. The news reached me, that he’s not agreeing with it, and he’s planning to contest the annulment! “Stop making this harder for the both of us, Reigan. My boyfriend is waiting for me!” Mas nagdiin ang kaniyang tingin. Sarkastiko siyang natawa sa galit. Nilagay niya ang mga kamay sa bewang at hinawi ang suit, malamig at galit na tinititigan ako. Halos mapaatras ako sa ayos ni Reigan pero pinilit kong magtapang-tapangan. “Stop fooling me,” malamig na sabi niya, hindi pa rin naniniwala. “We’re not breaking up, Everleigh,” he said with finality. “Wala rin namang patutunguhan ang kasal natin kaya bakit pa—” “You’re my wife and I’m still your husband whether you like it or not. Walang maghihiwalay, Leigh. ‘Til death do us part, right? So, tell whoever your boyfriend is, that I won’t let the annulment take place. Besides, your ground has no f*cking basis!” “Fine! Don’t sign, then! Pero itutuloy ko iyon kahit na umabot pa tayong dalawa sa korte—” “Do it. I’ll see you in court, then,” matalim niyang sinabi. Damn him! Bakit ba pinapahirapan niya pa kaming dalawa?! This marriage is nothing and we married out of my anger! Kumuyom ang aking kamay dahil doon at masama ang titig sa kaniya. His masculine body and handsome face were proofs why so many girls line up just to be his wife, pero heto ako at gumagawa ng mga kasinungalingan para lamang hiwalayan niya na ako. We’re married for four years... but we aren’t living together. I’m in the US while he’s here. I don’t even consider him my husband and he doesn’t consider me his wife! Ang lahat ay sa papel lamang. Kaya bakit ngayon? Ayaw niyang makipaghiwalay? Tinukod niya ang kaniyang kamay sa mesang nasa pagitan naming dalawa na mukhang gustong ipagnuknukan sa isip ko ang sasabihin niya. He didn’t even age a bit. Kung gaano siya kagwapo noon ay tila nagtriple pa yata ngayon. He matured. He looks more ruthless. Kung dati ay pinalalampas niya ang lahat ng aking kalokohan, mukhang simula ngayon ay mahihirapan na ako. His eyes are even more intense. The way he stands and his posture demands respect and authority. Isang tingin pa lamang sa kaniya ay malalaman na agad ng mga tao kung gaano siya kadominante. Isang ngisi ang sumilay sa gwapo niyang mukha. Ang malalim niyang mga mata ay tumitig sa ‘kin. And it took me back to my younger years when I still vividly remember how I was so stupidly inlove with him. “We’re married. You should be sleeping next to me. Sa akin ka dapat umuuwi... dahil sa akin ka, Leigh... you are married to me.” Madilim ang kaniyang mga mata, pero sa dilim niyon ay nahahanap ko ang pamilyar na pakiramdam. His darkness made its way to my colorful world and now... mine always asks for him to come back. “You’re mine, Leigh. Akin ka lang. Might as well start to fulfill your duties as my wife, and shall I do the same to you?” marahan ngunit mapanganib niyang sinabi, lahat ng lumalabas na salita sa bibig ay may kahulugan. “D-Damn you, Reigan.” Kinagat niya ang kaniyang labi. He chuckled sexily that his voice sent shivers down my spine. Ilang taon na ang lumipas, Everleigh. Iniwan mo na siya, kinalimutan, kahit pa kasal kayo sa papel ay parang wala lamang iyon! Kaya ngayon, bakit parang baliw na baliw ka pa rin sa lalaking ito? It’s true. I tricked Reigan De Alba to marry me because I was young, and stupid, and selfish. I want him all for myself. Gustong-gusto ko siya. Now, I’m tricking him to break up with me because I’m tired of loving him... at napapagod na rin ako sa kapapamukha sa akin ng mga tao na pinakasalan niya lamang ako dahil napilitan siya, dahil pinikot ko siya para maging akin. I want to correct my mistakes now... I want to end this. I want him gone. “Bitawan mo ako, Reigan,” matigas kong sabi at binawi ang kamay ko. Kung nagawa kong lokohin siya noon para magpakasal sa akin, magagawa ko rin iyon ngayon para hiwalayan niya ako at putulin ang aming kasal. Sigurado ako roon. I’ll make his head hurt hanggang sa sumuko na lang siya sa mga kalokohan at kasamaan ko. And eventually, iiwan niya rin ako na dapat ay matagal niya nang ginawa. Pero... bakit ganito ang nararamdaman ko? Why do I feel like he’s tricking me and it’s not the other way around? “Tama na ang paglalaro, Leigh. Umuwi ka na sa ‘kin. Come back to me now... I need you beside me...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD