NAABUTAN ni Franco si Allen na may kausap sa telepono pagkapasok niya sa loob ng bahay na tinutuluyan nila. Hindi naman napansin ni Allen ang pagdating ng pinsan kaya patuloy pa rin ito sa pagkausap sa babae sa kabilang linya. Napapailing naman si Franco habang pinapanood ang pinsan na tumatawa sa ginagawa. Naalala nito 'yong sinabi ni Allen noong nakaraang araw na titigilan niya na ang pangbabae dahil iyon ang kasunduan nila ng nanay niya. Pero mukhang hindi talaga magpapatigil si Allen sa pagkahilig nito sa mga babae. "Nandito ka pala," sabi ni Allen sa pinsan nang makita ito sa kaniyang likuran nang matapos siya sa pagkausap sa telepono. "Ay, wala ako rito. Kaluluwa ko lang 'to," pagbibiro ni Franco sa kaniya. Lumapit naman ito at umupo sa harapan ni Allen. Napatingin ito sa hawak ni