MASAKIT ang ulo ni Ira nang magising ito at alam niyang naparami na naman ang nainom niya sa alak kahapon. Bumangon ito papunta sa banyo para sana mag-ayos, pero agad siyang napatingin sa reflection niya sa salamin nang makita ang pamumula ng pisngi nito. Mabilis tuloy siyang napa-text sa kaibigang si Jhoyce para magtanong ng nangyari, pero wala siyang nakuhang sagot. Iniisip niya kung saan ito nanggaling at alam niyang may nagawa na naman siyang kasalanan at nakalimutan niya lang kung ano ang exactly na nangyari. Hinayaan niya na lang ito at nilagyan ng foundation para matakpan ang pamumula. Pagkatapos magbihis ay pinaghandaan niya ang sarili ng almusal. Nagluto siya ng pancakes at nagtimpla ng kape. Ganito siya tuwing umaga simula noong nagkaroon siya ng sariling condo unit. Nasanay n