DUMAAN ang mga araw simula noong malaman niya ang masamang balita tungkol sa Ate Rissalyn ni Ira. Agad naman itong gumawa ng paraan para aksyunan agad at makapagpadala ng pera sa probinsya. Naging madali naman 'yon dahil maraming tumulong at nakapag-advance pa siya sa next project na gagawin niya. Noong ipadala niya ang pera sa magulang ay nagtaka at nagtanong sila kung saan nanggaling ang pera. Pero hindi sumagot si Ira at sinabi na lang na magtiwala sa kaniya. Basta ang mahalaga ay mapagamot na ang Ate niya at maagapan ang sakit nito bago lumala. Nasimulan kaagad ang operasyon ni Rissalyn kaya kahit papaano ay nawala na ang kaba sa dibdib ni Ira. Naging successful naman 'yon at hinihintay na lamang magising ang dalaga. Araw-araw namang pinagdadasal 'yon ni Ira kaya alam niy