MAAGANG nagising kinabuksan si Ira dahil iyon ang bilin ni Madam Flora bago siya ihatid sa kwarto kagabi. Kahit hinihila pa siya ng kama para matulog ay wala itong nagawa kung hindi mag-ayos na. Pagkalabas ay naabutan niya si Madam Flora na may kausap sa telepono. Napatingin naman ang matanda kay Ira at sumenyas ng saglit lang. Ilang sandali pa ay natapos na rin ito sa pagkausap sa kabilang linya. "Okay ka na? Pwede na tayong umalis?" tanong ni Madam Flora sa kaniya. Napadako ang tingin ni Ira sa orasan na nakasabit sa dingding sa gilid nito at nakita niya ang saktong ala sais na oras. Binalik niya ang tingin kay Madam Flora at tumango. "Okay, good. Hintayin mo ako rito, I will get my things first." Tumango naman si Ira at saglit na naghintay. Napahawak naman ito sa kaniyang t