Chapter 2

1289 Words
HALOS lahat ng babaeng napapadaan kay Allen Ramirez ay napapatingin dito. Kahit na nasa sulok lamang ito at umiinom ng alak ay agaw pansin pa rin ang kaniyang itsura. He has brown expressive eyes, thick eyelashes, a pointed nose, thin lips, and a defined jaw. Idagdag mo pa ang kulay niya na akala mo ay may halong ibang lahi. He's indeed a panty-dropping man. "Allen," pagtawag ng kaibigan niya na si Carolline. Napalingon naman sa kaniya ang binata at halata sa itsura nito na kanina pa naghihintay. "Pasensya ka na talaga at ngayon lang ako dumating. Sa totoo lang ay tumakas lang ako kina Mommy." "Tsk," singhal ni Allen. Tumayo naman ito para ipaghila si Carolline ng upuan, pero tinanggihan lang siya ng dalaga. "Iiwan mo na naman ako? Akala ko ba bonding moment natin ngayon?" Napa-peace sign naman si Carolline at lumapit kay Allen ng nakangiti. Sinabit nito ang kamay sa kanang braso ni Allen. Hindi tuloy mapigilan na lingunin sila ng mga tao sa loob at pagtinginan. Simple man tignan si Carolline pero agaw pansin naman ang kaniyang magandang katawan at maamong mukha. "Bawi na lang ako sa iyo. Kailangan ko rin kasing tapusin 'yong project na binigay sa akin ng professor ko." Nag-puppy eyes pa si Carolline habang nakatingin kay Allen. "Ilang beses ko na narinig 'yan sa iyo," walang ganang sagot nito kay Carolline. Tinanggal niya naman ang kamay ni Carolline at umupo sa kanina niyang puwesto. Ito kasi ang araw na sinabi ni Carolline sa kaniya para mag-bonding dahil ilang araw na silang hindi nagkikita. Pero mukhang mag-isa na naman ulit siya na ubusin ang mga alak na in-order nito. "Promise, Allen. Babawi talaga ako sa iyo sa susunod. Ako naman ang manlilibre." "Huwag na!" matigas na ani ni Allen at pinagpatuloy ang pag-inom ng alak. "Huwag ka na magtampo. After nitong project ko, pupunta pa tayo sa kabilang baryo." "Hindi na ako aasa." Ilang beses na itong naniwala sa sinabi ni Carolline, pero palaging nauudlot. Pero kahit ilang beses na hindi natutuloy ay umaasa pa rin siya. Kung wala lang talaga siyang gusto sa dalaga ay hindi na sana siya nagkakaganito ngayon. Hindi niya alam kung manhid ba talaga si Carolline o pilit lang talaga nito iniiwas ang sarili sa kaniya. Wala itong nagawa kung hindi pumayag na lang sa kagustuhan ng dalaga. Ilang minuto pa nag-stay si Carolline roon bago umuwi. Naiwan na naman ulit siyang mag-isa. Pinagpatuloy niya ang pag-inom ng alak hanggang sa napatigil lang ito nang may lumapit sa kaniyang babae. "Are you alone?" may malanding tono na tanong ng babae. Hindi sumagot si Allen at pinagpatuloy ang pag-inom nito. Wala siya sa mood na makipag-usap sa iba dahil iniisip niya pa rin 'yong pag-iwan sa kaniya ni Carolline. Pero parang tukso na ang lumalapit sa kaniya at hinihila siya para gawin ang bagay na 'yon. Para bang mabilis na apoy ang kumalat sa buong katawan niya nang maramdaman nito sa braso ang pagsagi ng dibdib ng babaeng katabi niya. Sinasadya nito na kunin ang atensyon ni Allen at nagwagi naman siya. "Would you like that?" she asked. Binaba niya ang hawak na bote at napatingin sa babae nang muli na naman nitong idiin ang dibdib niya. Hindi rin nakawala sa mata nito ang pagbuka ng mga binti ng babae sa harapan. Pinipigilan ni Allen na iwasan ito, pero mukhang may sariling utak ang kaniyang mga kamay na kusang gumalaw. His hands skimmed over her hips, down her legs. He ran one hand between her legs, inching closer but not quite touching that spot. She moaned, unable to talk. "I love how your body responds to my touch," he said, drawing her attention back to him. "I d-do... love it," she said between her breaths. She whimpered her body arching, silently begging for more. "You like it?" She nodded silently. "Why don't we continue it privately? How about in my car?" "S-Sure." Mabilis nilang tinungo ang kotse ni Allen na naka-parking sa labas. Parehas na nag-aalab ang mga katawan nila sa isa't isa. Nang makapasok sa backseat ay agad na sinunggaban ng babae si Allen ng mga halik. Hindi rin naman nagpatalo si Allen at nakipag-espadahan pa gamit ang kanilang mga dila. Parehas nilang hinahabol ang paghinga nang matapos. Naging madali lang kay Allen nang maangkin ang gabi ng babaeng kasama niya. Hindi niya maitatanggi na nasarapan ito sa nangyari at hinahanap niya palagi ang putahe na palaging hinahain sa kaniya. Alas kwatro y medya na nang makauwi si Allen sa bahay nila sa Floresidad. Kahit na sobrang dami nang nainom nito ay kaya nitong i-handle ang sarili. Siguro ay malakas lang talaga ang tolerance niya sa alak. Nasa labas si Allen nang mapansin niyang nakapatay pa rin ang ilaw sa loob ng kwarto ng magulang niya. Hindi niya tuloy mapigilang mapangiti na makauuwi na naman siyang hindi napapansin ng magulang. Mabuti na lang talaga at may susi rin siyang dala. Pinasok niya ang bahay ng tahimik at iniiwasang makagawa ng ingay. Akala nito ay makararating siya sa kaniyang kwarto agad, pero hindi niya napansin ang ina sa may kusina na tahimik na nakatingin sa kaniya habang hawak ang baso na pinag-inuman nito. "Bakit ngayon ka lang, Allen?" Napatigil ito sa paglalakad nang marinig ang boses ng kaniyang ina. Napalingon ito sa kaniyang likuran at nakita niya ito na nanggaling sa may kusina at may hawak pang baso ng tubig. "May inasikaso lang ako," paliwanag niya. "Inasikaso sa madaling araw? Kailan ka pa nag-overtime sa trabaho mo?" Sanay kasi ang ina nito na umuuwi siya ng maaga. Ilang araw nang napapansin niya na para bang may nagbago kay Allen. Hindi niya sigurado kung dahil ba ito sa stress sa trabaho o baka na-pressure ito sa mga sinasabi niya palagi sa anak. "Mom, please. Pagod na po ako. Puwede bang bukas na lang tayo mag-usap?" sagot nito sa mahinahong tono. Nahihilo na siya at gusto niya na lamang makapunta sa kuwarto para makapagpahinga. Pero mukhang sasabak na naman ulit siya sa panibagong giyera. Lumapit naman ang kaniyang ina rito at kahit sa malayo pa lang ay naamoy niya na ang matapang na amoy ng alak sa anak. "Kailan ka pa natutong mag-overtime sa alak?" Napaiwas ng tingin si Allen sa ina at napabuntong hininga. Pinahid naman ni Alyanna ang pulang marka na nagkalat sa pisngi ni Allen. Alam nito kung saan nanggaling at ano ang ginawa ni Allen. "At kailan pa kumalat ang pulang tinta na 'yan sa mukha mo?" Alam niya na kaagad ang sunod na sasabihin ng ina sa kaniya. Paniguradong pagsasabihan na naman ito sa mga ginagawa niya. "Ilang beses ko naman sa iyo pinapaalala ang golden rule ko, Allen. Kailangan mo muna magpakasal bago mo gawin 'yan. Ayoko lang naman na matulad ka sa amin ng ama mo na maagang nagka-anak. Gusto kong i-enjoy mo muna ang buhay mo bago ka matali." Naalala na naman ni Alyanna kung paano siya minaliit noong pinagbubuntis niya pa lang si Allen. Hindi niya hahayaan na mangyari ‘yon sa anak. Gusto niyang ipakita na naging successful siya bilang ina kahit sa paraan na iyon lang. "Mom, alam ko naman 'yon. Isa pa ay alam ko naman 'yong ginagawa ko." "I know, Allen. May tiwala naman ako sa iyo, pero iba na ang panahon ngayon. Please, sundin mo na lang ako kasi alam ko ang makabubuti sa iyo." Walang nagawa si Allen kung hindi ang tumango na lang sa ina. Kahit na alam niyang matanda na siya para gawin ang bagay na ‘yon ay hindi niya naman kayang suwayin ang ina. Ayaw niya rin kasi biguin ito dahil nag-iisang anak lamang siya. Bukod doon ay wala ring ibang hinangad si Allen kung hindi ang ipagmalaki siya ng magulang nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD