Chapter 1

1158 Words
PATULOY ang pagtulo ng mga luha ni Ira Mae Velasquez habang pinapasok ang mga damit niya sa maleta. Hindi niya lubos maisip na iiwan niya ang lugar na ito para makipagsapalaran sa Maynila. Wala naman siyang ibang choice kung hindi ang sumubok lalo na at kailangan niya ng malaking halaga ng pera para sa operasyon ng nakatatandang ate niya. Kailangan niyang i-sacrifice ang lahat pati ang pangarap nito para lang dugtungan ang buhay ng kapatid niya. "Ira," tawag ng Ate Rissalyn nito sa kaniya. Nakaupo ito sa may wheel chair at halata sa itsura nito ang sakit na dinadala. Bata pa lang ay sakitin na si Rissalyn at nitong nakaraang buwan lang nila nalaman na lumulubha na ang sakit niya. Nalaman nilang isa lang ang pwedeng solusyon nito at iyon ang operahan siya. Ngunit, nangangailangan ito ng malaking halaga ng pera. Kulang ang kinikita ng magulang nila sa trabaho at kahit ang bakery store nila ay hindi sapat ang kita para lang ipanggamot kay Rissalyn. Mabilis namang pinunasan ni Ira ang kaniyang luha at pilit na sinalubong ng ngiti ang ate niya. Lumapit si Ira sa kaniya at tinulak ang wheel chair papasok sa loob ng kwarto niya. Pareho naman silang napatingin sa mga nakaimpakeng gamit sa lapag. "Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo, Ira? Masyadong magulo sa Maynila. Maraming krimen ang napapanood ko sa telebisyon na nangyayari doon. Bakit kasi doon mo pa balak mag-aral?" Napaiwas ng tingin si Ira nang magsalubong sila ng tingin. Kinuha niya ang damit na nasa ibabaw ng kama at nagkunwaring inaayos ito. "Nandoon kasi ang scholarship na binigay sa akin," pagsisinungaling niya. Sa totoo lang ay hindi naman talaga totoo na may scholarship siya sa Maynila. Alam niya kasing hindi siya papayagan ng magulang at ate nito. Lalo na kapag sinabi niyang magtatrabaho siya roon para makatulong sa bayarin. "Puwede mo namang i-pursue ang pagiging fashion designer mo rito. Matutulungan ka pa namin," paliwanag ni Rissalyn at patuloy na pinipilit ang nakababatang kapatid na mag-stay na lang. Kung ipagpapatuloy niya ang pangarap na maging fashion designer ay mas mahihirapan ang magulang niya. Iyon pa naman ang kahinaan niya--- ang makitang nahihirapan ang taong mahal niya dahil lang sa kaniya. Napatigil si Ira sa kaniyang ginagawa at humarap sa ate nito. Kinuha nito ang parehong kamay at hinawakan ng mahigpit. "Ate, hindi ba at pangarap mo maging artista at makilala sa buong mundo? Kapag natapos ako sa pag-aaral ay ako na mismo ang magtatahi ng mga susuotin mo." "Pero ang pangarap ko ay magkasama tayo ng buo rito. Ira, ilang taon na tayo magkasama. Simula bata ay ikaw na ang tinuring kong kaibigan at kakampi. Ayoko lang na magkahiwalay tayo. Hindi ako sanay na hindi ka kasama." Napakagat ng labi si Ira sa narinig mula sa ate. Hindi niya rin kayang lumayo sa kapatid dahil simula bata ay magkasama na silang dalawa. "Kung puwede lang na magkasama tayo ay gagawin ko. Pero kailangan ko ring makapagtapos para makatulong na rin ako sa inyo." "Ako ang panganay rito. Ako dapat ang tumutulong sa inyo. Ako dapat ang nagpapaaral sa iyo." Napayuko si Ira sa narinig sa ate at alam niyang sinisisi na naman nito ang sakit. "Kung hindi lang ako nagkasakit baka kasama mo pa akong abutin ang pangarap mo. Pero mukhang malabo ng mangyari ang gusto ko. Alam kong hindi na ako aabot sa panahon na 'yon." "Ate Rissalyn, huwag ka naman magsalita ng ganiyan. Walang mawawala. Walang may maiiwan. Parehas nating aabutin 'yong pangarap natin. Kailangan mong pumunta sa graduation ko at ikaw magsasabit ng medalya ko." Hinatak naman ni Rissalyn si Ira palapit sa kaniya. Pinunasan niya ang luha sa magkabilang pisngi ni Ira nang makita ang pagluha nito. Pinilit ni Rissalyn na ngumiti sa nakababatang kapatid, pero ang totoo ay gusto niya na ring umiyak. "Kung hindi man ako makarating sa araw na 'yon. Ipangako mo na ikaw ang tutupad sa mga pangarap ko." "Ate, huwag namang ganiyan.” "Ira, please. Promise me." "Promise." Niyakap niya ng mahigpit ang ate nito. Pinapangako niya sa sarili na gagawin niya ang lahat para madugtungan pa ang buhay ng kapatid niya. Tuluyang tumulo ang mga luha ni Ira dahil alam niya ang tungkol sa sakit ni Rissalyn at wala siyang magawa para dito. Kung maaari lang ipasa ang sakit nito sa kaniya ay ginawa niya na noon pa man. Masyadong mabait ang ate niya at alam niyang hindi nito deserve ang nangyayari sa kaniya. Kaya hangga't maaari ay gagawa siya ng paraan para tuluyan nang gumaling ang ate niya. "Nandiyan na 'yong maghahatid sa iyo sa Maynila. Tapos ka na ba sa pagliligpit ng mga damit mo, Ira?" Napabitaw sila sa pagkakayakap nang marinig ang boses ng nanay nila. Lumapit ito sa dalawang anak at kahit si Mrs. Velasquez ay hindi rin mapigilang malungkot nang maisip na hindi niya na makakasama ang bunsong anak. Pumasok din ang ama nila para magpaalam kay Ira, pero hindi ito nagsalita at tinitigan lang ang anak. Tumulong na lang ang ama sa pagbubuhat ng mga gamit ni Ira para maisakay sa loob ng sasakyan. Samantalang inalalayan naman ni Mrs. Velasquez ang panganay na anak. Nahihirapan silang magpaalam sa isa't isa dahil hindi sila sanay na magkahiwalay. Pero wala silang magawa dahil gusto nilang makapagtapos ng pag-aaral ang bunsong anak. Sa huling pagkakataon na magkakasama ay niyakap nila ang isa't isa. "Mag-iingat ka roon, Ira. Iyong mga bilin ko sa iyo huwag mong kalimutan. Huwag mong pababayaan ang sarili mo. Wala kami roon para sawayin ang katigasan ng ulo mo." Tumango naman si Ira nang marinig iyon galing sa ina. "Pa?" pagtawag ni Ira sa kaniyang ama. Hindi naman makatingin ng maayos ang kaniyang ama dahil pinipigilan nito na huwag umiyak. Hindi nagsalita si Ira at lumapit sa kaniyang ama para yakapin ng mahigpit. "Alagaan niyo po sina Mama at Ate. Tigilan niyo na rin po ang paninigarilyo, masama po 'yon sa kalusugan mo." Nang humiwalay si Ira ay lumapit naman siya kay Rissalyn na tahimik na nakaupo sa wheel chair nito. Kinuha naman ni Rissalyn ang kaliwang kamay ni Ira at sinuot doon 'yong bracelet na ginawa niya kagabi para sa kapatid. "Thank you, Ate. Ang ganda," ani ni Ira habang nakatingin sa bracelet niya na may design na lotus. "Tumawag ka sa amin palagi, Ira. Huwag ka munang magbo-boyfriend doon, ah." "Ate, naman," nakangusong sabat ni Ira sa kaniya. "Biro lang, Ira. Alam ko naman na hindi mo kami bibiguin. Basta palagi kang mag-iingat doon. Huwag kang gumala sa gabi dahil maraming masasamang tao roon." Sunod-sunod naman ang pagtango ni Ira sa mga paalala ng kaniyang nakatatandang kapatid. Pagkatapos mamaalam ay sumakay na si Ira sa loob ng sasakyan. Sa pag-andar nito ay hindi niya napigilang lumuha habang nakatanaw palayo sa pamilyang maiiwan niya sa lugar na ito. Sa pagdating niya sa Maynila ay mag-isa niyang haharapin ang mga pagsubok. Isa lang naman ang goal niya at iyon ang maipagamot ang ate niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD