Chapter 3

1997 Words
ISANG malakas na sigaw ang gumising kay Ira. Kurtina lang kasi ang naghahati ng buong silid kaya maririnig kung sino ang nag-uusap. Alam niya na kaagad kung kanino nanggagaling ang boses na 'yon. Araw-araw ba naman kung magparinig ito sa kaniya tungkol sa pagtira niya sa bahay nito. Wala naman siyang choice kung hindi ang iwasan na lang ito at isipin na para bang walang nangyari. "Hanggang kailan mo ba balak patirahin ang babae na 'yon, Danica?" malakas na tanong ni Aling Beth sa anak nito. Si Danica kasi ang nag-offer kay Ira na tumira sa bahay nila noong nalaman niyang walang matuluyan ang dalaga. Malaki ang utang niya kay Ira dahil nailigtas siya nito noong muntikan na siyang masagasaan. Nagpakalunod kasi ito sa alak noong nalaman niyang niloloko siya ng boyfriend niya. "Ma, may pangalan si Ira. Isa pa ay nakakapagbigay naman po ako ng pera pangdagdag sa gastusin natin sa bahay," paliwanag ni Danica. "Paano siya? Ano ang naiambag niya?! Danica, naman! Halos mag-iisang buwan nang nandito 'yong babae na 'yon at kahit singkong duling ay wala pa akong natatanggap sa kaniya." "Ma, alam mo namang naghahanap pa si Ira ng trabaho. Intindihin mo na lang 'yong tao." "Paano naman tayo, Danica? Kailan niya tayo maiintindihan? Wala ba siyang planong tumulong naman dito?" Napabangon si Ira at wala na siyang balak ituloy ang naputol nitong tulog. Halos isang buwan na siya rito sa Manila at nahihirapan siyang makahanap ng trabaho. Lahat kasi ng pinapasukan niya ay kailangan na college graduate o kaya naman may experience. Hanggang ngayon ay wala pa siyang naaabot na pera sa pamilyang naiwan niya sa probinsiya. Bukod doon ay nahihirapan na siyang magsinungaling sa tuwing tinatanong siya ng magulang tungkol sa pag-aaral nito. Ang perang natira na lamang niya ay para sa kaniya. Kung mag-aambag pa siya sa bahay na tinutuluyan niya ay baka magkulang lamang ito. Mas lalo lang siyang mahihirapan. Kaya laking pasasalamat niya sa pamilya ni Danica dahil kinupkop siya nito. "Bigyan pa natin siya ng pagkakataon, Ma. Galing probinsya si Ira at bago lang siya dito sa Maynila. Nangangapa pa 'yong tao," patuloy na paliwanag ni Danica. Ayaw niya rin kasing paalisin si Ira, lalo na noong malaman niya ang dahilan ng pagpunta nito sa Maynila. "Tatlong araw, Danica. Bibigyan ko siya ng tatlong araw para makahanap ng malilipatan. Siguro naman ay sapat na 'yon para sa kaniya?" "Ma, naman!" sabat nito sa nanay at hindi sumasang-ayon sa gusto nitong mangyari. "Tama na ang pagpapatira sa kaniya. Hindi charity work ang bahay natin para magpatuloy ng hindi natin kaano-ano!" Napabuntong hininga si Ira nang marinig 'yon galing kay Aling Beth. Kailangan niya nang magdoble sikap para makahanap ng trabaho at baka matagpuan niya na naman ulit ang sarili sa gilid ng kalsada. Napatalon pa ito sa gulat nang marinig ang malakas na pagbagsak ng pinto. Naging tahimik ang paligid at napagtanto niyang umalis na ang mag-ina sa loob ng bahay. Tinignan niya ang bracelet na binigay sa kaniya ng Ate Rissalyn nito bago bumuntong hininga. "Kaya mo yan, Ira," ani nito sa sarili. Mabilis niyang inayos ang hinigaan at agad na lumabas. Hinawi nito ang kurtina sa kaniyang harapan at nagulat pa ito nang makita si Danica sa harap na diretsong nakatingin sa kaniya. Akala niya ay kasama ito noong lumabas ang nanay niya. "K-Kanina ka pa nandiyan?" nauutal na tanong ni Danica at nakaramdam ito ng hiya sa harap ni Ira. Hindi rin naman agad makapagsalita si Ira dahil naunahan ito ng gulat. Dahan-dahan namang napatango ang kausap. "Iyong mga narinig mo kay Mama, huwag mo na lang pansinin. Alam mo namang bungangera talaga 'yong nanay ko na 'yon. Sinabi ko naman na ka---" "Tama siya." Napatigil sa pagsasalita si Danica nang putulin ni Ira ang sinasabi nito. "Pabigat lang ako rito. Alam ko namang nahihirapan na kayo, pero hindi pa rin ako gumagawa ng paraan para lang makaambag sa mga gastusin dito. Sorry talaga, Danica." "Hoy, ano ka ba?" Lumapit naman si Danica kay Ira at hinila ito papunta sa may lamesa at sabay silang umupo sa isang mahabang upuan na gawa lamang sa kahoy. "Sabi ko naman sa iyo ay okay lang 'yon. Isa pa ay ako naman ang nagpatira sa iyo dito, kaya hindi mo kailangang isipin ang mga bayarin. Kaya ko naman 'yon, e." "Danica, sobra na 'yong ginawa niyong mag-ina para sa akin. Tama ang nanay mo, kailangan ko nang umalis dito. Masyado na akong pabigat para sa inyo." "Anong gusto mo? Ang bumalik ka na naman sa pagala-gala sa kalsada? Paano kapag may nangyaring masama sa iyo? Hindi kaya ng konsensya ko ang ganoon, Ira. Mas okay nang nandito ka para kahit papaano ay matulungan kita." "Hindi rin kaya ng konsensya ko ang tumira nang alam kong wala akong maitutulong sa iyo." Inabot ni Ira ang mga kamay ni Danica at hinawakan ito nang mahigpit. "You've done enough for me, Danica. Malay mo naman ay may taong katulad mo rin ang makasalamuha ko? Hindi naman siguro lahat ng tao ay masama, hindi ba?" Napabuntong hininga si Danica at alam niyang wala na siyang magagawa sa desisyon ni Ira. Hinawakan din niya ang kamay ng kaibigan at pagkatapos ay niyakap nang mahigpit. Nang humiwalay sila sa pagkakayakap ay pareho lang silang natahimik hanggang sa putulin ito ni Danica. "Kailan ka aalis? Wala ka ba talagang pamilya dito sa Maynila?" Napailing si Ira at sinundan niya na lamang ito ng ngiti. "Paano 'yan, Ira? Sapat pa ba 'yong pera mo para sa mga susunod na araw?" "Oo," pagsisinungaling ni Ira. Ayaw niya lang kasi mag-alala pa ang kaibigan. "Natitipid ko naman 'yon. Sobrang thankful nga ako sa iyo dahil ikaw pa ang nagbabayad ng panggastos ko rito sa bahay niyo. Ang laki na ng naitulong mo sa akin, Danica." "Ira, kulang pa nga 'yon sa ginawa mo sa akin. I am dead right now if you wouldn't save me. Utang ko ang pangalawang buhay ko sa iyo." "Lahat naman siguro tayo ay gagawin 'yong ginawa ko, hindi ba?" "Not everyone," agad na sabi ni Danica at natahimik nang biglang may maalala. Hindi naman makasagot si Ira dahil alam niyang malalim ang pinanghuhugutan nito. Kilala niya si Danica bilang isang masayahin na dalaga. Silang dalawa lamang ng kaniyang nanay ang natira noong nasunog ang bahay nila dati. Kilala ang pamilya nila dahil sa pagtulong na ginagawa nila. Pero noong nasusunog ang bahay nila ay walang taong tumulong sa kanila. Kung hindi lang siguro namatay ang tatay at dalawang nakababata niyang kapatid ay hindi mangyayari sa kanila ang ganito. Hindi magbabago ang ugali ng nanay niya at patuloy pa rin silang tumutulong sa kanilang kapwa. Katulad nga ng sinasabi ni Danica palagi, 'hindi mo alam ang takbo ng bawat tao. May mga taong mababait at may taong hahayaan ka lang sa ilalim.' Palaging ganiyan ang nasa isip niya kaya natatakot na siyang magtiwala sa ibang tao. "Bukas ka na lang maghanap ng tutuluyan mo, Ira. May isa naman akong kaibigan na makatutulong sa atin. Bibili lang muna ako ng pagkain natin." Hindi na nakasagot si Ira nang agad na tumayo si Danica para kunin ang wallet nito at lumabas ng bahay. Naging tahimik sa loob ng silid at tinignan ni Ira ang paligid niya. Pinagtagpi-tagpi lamang na kahoy ang nagsisilbing pader ng bahay. Kung may malakas na bagyo na tatama rito, paniguradong hindi nito kakayanin. Kung ano man ang paraan na ginagawa ng mag-ina ay alam ni Ira na malalagpasan din nila ang ganitong problema. Kahit alam niyang masungit si Aling Beth ay alam niyang hindi niya pababayaan ang isang pamilyang natira sa kaniya. Tumayo ito at dumiretso sa kaniyang silid. Inayos niya naman ang mga gamit at nilagay sa kaniyang bag. Hindi niya na hihintayin ang kinabukasan para lisanin ang lugar na ito. Ayaw niyang magalit si Aling Beth kay Danica dahil sa kaniya. In the first place ay siya naman ang nakigulo sa tahimik nilang buhay. Mabilis na kinuha ni Ira ang ballpen at papel sa gilid para sumulat doon na nagpapasalamat siya sa pagkupkop nito sa kaniya at paghingi ng tawad. Nangako rin ito na ibabalik ang kabutihang ginawa nila kapag nakahanap na ito ng trabaho. Nang matapos sa pagsusulat ay kinuha na nito ang gamit at bago umalis sa bahay na tinuluyan ay tinignan niya ulit ito sa huling sandali. Nagpapasalamat siya sa halos isang buwan na pagtira niya dito. Hindi niya makakalimutan ang mga memories na nabuo niya rito kahit saglit lang. Naglakad si Ira sa kabilang iskinita kung saan alam niyang hindi dadaanan ni Danica. Ayaw niya nang makaabala pa sa dalaga kaya umalis ito ng walang pasabi. Tinahak niya ang daan kahit na hindi nito alam kung saan paroroon. Ang importante ngayon ay makahanap siya ng trabaho na pwedeng stay in. Isang buwan na siyang nasa Maynila kaya alam niya na kung saan may maraming tao. Dalawang jeep at isang bus ang sinakyan niya bago niya narating ang nagtataasang mga gusali. Pagkababa nito ng sinasakyan ay agad na naagaw pansin niya ang isang nakapaskil na papel sa isang salon sa kabilang kalsada. Kahit na pawisan at kita na sa mukha ni Ira ang pagod ay hindi nawala ang ngiti sa labi niya nang mabasa ang nakasulat doon. Dali-dali siyang lumapit habang bitbit ang mga gamit nito. Bumungad naman sa kaniya ang lalaking nagmamay-ari ng salon na 'yon at halata sa kaniya ang mga makukulay na kolorete na nakalagay sa kaniyang mukha. Nakataas ang kanang kilay ng may-ari nang pumunta sa harapan niya ang nakangiting si Ira. "Good afternoon po. Available pa rin po ba 'yan?" Tinuro ni Ira ang nakapaskil na papel na may nakasulat na 'Wanted: Makeup Artist' Maraming alam si Ira tungkol sa pag-aayos at hindi lang damit ang naging hilig ni Ira noon. Alam niyang malaki ang maitutulong ng mga nalalaman niya sa pagiging makeup artist. "Do you have an experience?" tanong ng may-ari at agad na napatango si Ira. "May mga gamit ka ba pang makeup?" Napatingin si Ira sa kaniyang mga dala at nawala ang ngiti sa labi nito nang mapagtantong wala siyang kagamit-gamit. Kung sabagay kapag nagma-makeup naman siya ay may gamit ang kaibigan niya kaya agad itong nakakahiram. "Never mind. Anong natapos mo?" Lalong nawalan ng pag-asa si Ira nang marinig ang sunod na tanong nito. Kahit ba naman sa salon ay kailangan pa rin ng college graduate? "I am currently a first ye---" "Sorry, but we won't be able to accept for now. I've already hired a makeup artist yesterday," pagputol sa kaniya ng may-ari. Alam niya na kaagad na kahit sa ganitong trabaho ay walang tatanggap sa kaniya. "Kahit tagalinis na lang po ako. Kailangan ko lang po talagang may matutuluyan ngayon," pagmamakaawa ni Ira. Tinignan lamang siya ng may-ari at hindi man lang nakaramdam ng awa para sa dalaga. "Maghanap ka na lang diyan. Marami pa namang ma-aapplyan," tanging sagot nito. Napayuko naman si Ira at bumagsak ang dalawang balikat nito dahil sa kawalan ng kumpyansa. Paalis na sana si Ira nang tawagin siya ng lalaki. "Why don't you try working at the club? Maganda naman ang katawan mo at may itsura ka. For sure, marami kang magiging customers doon. Maraming club ang hiring ngayon. Mas madali kang makakakuha ng trabaho roon." Isang pilit na ngiti lamang ang sinagot ng dalaga at naglakad palayo. Narinig niya pa ang pahabol na salita ng may-ari ng salon. "Wala talagang tatanggap sa iyo kung masyado kang mapili!" Alam ni Ira kung ano ang trabahong marangal para sa kaniya. Kahit kailan ay hindi niya ibebenta ang sariling pagkatao para lang sa pera. May panahon pa siya para makahanap ng trabaho, hindi pa naman huli ang lahat. Naglakad siya kahit hindi niya alam kung saan makakarating. Ramdam niya na ang pagod at tagaktak ng pawis sa katawan. Hindi alintana sa kaniya ang pagbibilad sa init habang bitbit ang mga gamit nito. Ang mahalaga ay makahanap siya ng trabaho at matutuluyan. She forced a smile and encouraged herself that everything would be fine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD