"GANYAN ka na lang ba, Ira? Wala ka na bang balak iahon ang sarili mo? Lunod na lunod ka na sa ganyang sistema. Nasaan na 'yong Ira na nakilala kong matapang noon?" Napalingon si Ira kay Allen nang marinig ang sinabi nito. Nakatingin ito ng diretso sa mga mata niya at alam niyang suko na rin ito sa paulit-ulit na ginagawa niya.
"Paano pa ako babangon ulit, Allen? Nawala sa akin ang lahat. Namatay si Ate, nawalan ako ng trabaho, unti-unti na akong nababaon sa utang, at nagkakasakit na ang magulang ko katatrabaho sa probinsya." Napatigil sa pagsasalita si Ira at huminga ng malalim nang maramdaman na naman niya ang pagtulo ng mga luha. "Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng lakas."
Dahan-dahang napaupo si Ira sa couch at binaon sa palad ang mukha nito. Ayaw ni Ira na makita siya ni Allen na nasa ganoong sitwasyon. Pero anong magagawa niya? Nandiyan na si Allen at naabutan siyang ganiyan.
"Susuko ka na?" Unti-unting tumigil ang pagpatak ng luha ni Ira at inangat ang tingin kay Allen. "Susuko ka na ba, Ira?" pag-uulit ni Allen sa kaniya.
Pinag-isipan niyang maigi 'yong tanong ni Allen at naisip nito ang mga taong nasa paligid niya. Ang magulang niya na hindi siya pinabayaan. Ang nakatatandang ate nito na kahit na maaga siyang iniwan ay alam niyang madi-disappoint kung hindi niya pinaglaban ang pangarap nito. Ang mga kaibigan niya na naniniwala sa kaniya. Paano sila kung sumuko na lang agad si Ira?
"Tsk!" singhal ni Allen nang walang matanggap na sagot mula sa dalaga. "Alam ko naman na hindi mo gagawin 'yon. Now, get yourself ready. Baka gusto mo namang mag-unwind? Ilang araw ka na hindi lumalabas ng unit mo. Don't worry, my treat."
Pagkatapos sabihin ni Allen ‘yon ay agad na kumilos ang dalaga para maghanda. Hindi na niya ito pinaghintay pa ng matagal. Mabilis silang nakarating sa isang restaurant para makakain si Ira.
Nang matapos ay pumunta sila sa club na palagi nilang pinupuntahan. Alam niya kasing hilig din ni Ira ang mag-night party. Nag-order kaagad si Allen ng alak katulad ng mga sinabi nito kanina kay Ira na ililibre niya raw ito.
Hindi na nag-abala pa si Ira na yayain si Allen nang dumating ang alak at agad na uminom. Alam nitong nakatingin sa kaniya ang binata simula pa kanina, pero hindi na ito nag-abala pang lingunin siya.
Gustuhin mang tumayo ni Ira at pumunta sa gitna para makisabay sa tugtog ay mas nagustuhan niya naman ang lasa ng alak na hinahagod ang lalamunan nito. Pakiramdam niya ay kapag nakaiinom siya ay unti-unting nawawala ang sakit na nararamdaman niya.
Katulad ng mga sinasabi nila ay alak nga talaga ang dahilan para makalimutan mo ang mabigat na problema na dinadala. Ilang oras silang ganoon lang ang ginagawa. Iinom, titingin sa dance floor, mag-uusap saglit, iinom ulit, magbabanyo. Pabalik-balik lang ang ginagawa nila, pero hindi pa rin nagsasawa ang katawan ni Ira na gawin 'yon.
"Marami na 'yong naiinom mo, Ira. Wala ka pa bang balak tumigil?" nag-aalalang tanong ni Allen sa kaniya.
"You said it's your treat, so I'm just taking advantage of what you are going to spend." She took another bottle of beer and drink it again. Kung mahina lang siguro ang tolerance niya sa alak, malamang kanina pa ito bagsak sa kinauupuan niya.
Napatingin naman ng masama si Ira kay Allen nang bawiin nito ang bote na hawak niya.
"Will you stop it?"
"Why? I'm just enjoying it. Bakit hindi ka na lang makisabay sa akin? Paunahan tayong makaubos ng alak na yan." Pagturo nito sa dalawang bote ng alak sa harapan na hindi pa nababawasan.
"Hindi na lang sana kita niyaya," bulong ni Allen kaya pinanliitan siya ng mata ni Ira nang marinig.
"I heard you, Allen!"
"Huwag kang mag-alala, pinaparinig ko talaga sa iyo." Napanguso naman si Ira at inagaw sa kaniya ang bote. Uminom naman ito ng kaunti at pabagsak na nilapag ang bote sa lamesa.
Napabuntong hininga na naman si Ira nang maalala 'yong problema nito. Pagkatapos niyang uminom ay babalik na naman siya sa bahay at ganoon na naman ang mangyayari sa buhay niya. Napapagod na rin siya.
"You need money, right?" She looked at him when he said those words. Hindi siya nakatingin ng diretso sa kaniya, pero alam niyang siya lang ang kinakausap nito. "Kailangan mo 'yon para mabayaran 'yong condo unit na tinutuluyan mo at para makapagpadala ka sa magulang mo."
Napangisi si Ira at napailing sa sinabi niya. "What if I said yes? Papautangin mo ba ako?"
Nawala ang ngisi sa labi niya na mapagtanto na seryoso si Allen sa sinasabi nito. "What if I said yes also? Will you accept it?"
“Tigilan mo nga ako. Uminom ka na lang.”
“I’m serious, Ira.” Kinuha naman ni Allen ang cellphone niya at may pinindot doon. Ilang saglit lang ay nakarinig si Ira ng tunog mula sa kaniyang phone. “Check your email.”
Mabilis naman itong tinignan ni Ira at binasa. Nang matapos ay nanlalaki ang matang napaharap siya kay Allen. Napatingin din siya sa cheque na may nakalagay na five hundred thousand pesos.
"That's my downpayment, and don't worry because I will pay for your condo unit. Aside from that, I will give you a monthly income. In exchange for that, you will act as my wife. You will act as a mother of my son."