NAPALINGON si Allen sa may pintuan ng kaniyang kuwarto nang lumabas ang isang hubo't hubad na babae. Napailing na lang ang binata sa nakita at pinagpatuloy ang pag-inom sa kaniyang kape. "Magbihis ka nga, Monica," utos sa kaniya ni Allen pero hindi naman nakinig ang babae sa kaniya. Naglakad ito palapit sa kaniya at pumwesto sa likuran nito. Napatigil naman si Allen sa pag-inom at nilapag ang tasa sa ibabaw ng lamesa nang maramdaman niya ang paghaplos ng dalaga sa kaniyang likuran. "Why? Hindi ba at gusto mo namang nakaganito ako?" may malandi sa boses na sabi nito. Hindi naman kaagad nakasagot ang binata nang maglayag ang kamay nito papunta sa dibdib niya. Naka-half naked kasi ito kaya ramdam niya ang init ng palad na nanggagaling sa haplos ni Monica. "I do, but this is not th