Chapter 8:

1966 Words
Alexa Hindi ko alam kung anong nangyayari pero nang makita kami ng mga tao agad nila kaming pinalibutan at pinagkaguluhan. "H-Hey! W-Wait." narinig ko ang pagkairita ni Kelly dahil sa mga taong umaaligid samin. "Wow, congratulations! I'm anticipating for this year's Campus Royalties. I'm so excited." Hindi ko alam kung bakit nila kami kino-congratulate. Naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari. "Alam niyo bang kayo ang napiling Campus Princesses ngayong taon?" nanlaki ang mata ko nang marinig ko iyon. "What?!" sigaw ni Danica, siguro'y hindi rin siya makapaniwala sa narinig. "Seriously? Omygod!" napatingin ako kay Danica, halatang masaya siya. Well, hindi ko rin naman masisisi si Danica dahil matagal na niyang gustong mapasali dito. Aaminin ko, ako rin naman matanggal ko nang gustong sumali dito. Bakit? Alam kong kakaunti lang ang naghahangad na mapasali dito dahil natatakot sila sa pwedeng mangyari sa kanila pero marami ka pa rin namang benefits na makukuha katulad nalang ng private room, fans and everything. Magbubuhay prinsesa ka naman talaga, ang kaylangan mo lang mag ingat sa fans ng Princes. "For real? Waaa! Dream come true~" tuwang tuwang sabi ni Danica. Napatigil si Danica sa pagsigaw niya nang magkaroon ng hawi ang mga tao at dumaan doon ang Princes papalapit samin. "Stop!" seryosong sabi nila habang nakatingin ng diretso samin. Nawala ang kakarimpot na ngiti ko kanina dahil sa nakita kong ekspresyon nila. Gusto ko 'to, matagal ko nang gustong mapabilang dito. Huwag mong sabihing pipigilan nila kami? "Backout." utos ni Kuya habang diretsong nakatingin samin. Hindi kami kumilos o nagsalita. Hinintay naming ipagpatuloy niya ang sasabihin niya. "I said, backout. Magback out kayo!" nagulat ako nang magtaas ng boses si Kuya at halata ang pagkainis sa mukha niya. "Why?" emotionless na sabi ko sa kanya. Gusto ko ng valid reason para magbackout kami dito. "Basta magbackout kayo. Kung ayaw niyong mapahamak, magbabackout kayo ngayon mismo." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Para kasing nainsulto ako doon, para bang pinaparating niya na wala kaming magagawa para protektahan ang mga sarili namin. Parang pinapalabas niya na mahina kami at walang kayang patunayan. "Paano kung ayaw namin and please don't insult us. Wag niyong maliitin ang kaya naming gawin. Yan ang hirap sa inyo eh, masyado kayong kampante. Gusto niyo palagi kayo ang bida." hindi ko napigilan ang sarili ko kaya't nasabi ko ito. "Ate, please do something about this." napatingin ako kay Andrei nang marinig ko iyon mula sa kanya. "Kung saan sila, doon din ako." simpleng sagot naman ni Kelly. Tiningnan siya ni Kuya, "Bakit, iyan bang buhay mo nakadepende sa kapatid ko at sa kapatid ng ibang tao?! Wala ka bang sarili mong desisyon?" halatang mainit na ang ulo ni Kuya dahil sa kanina niya pa pagtataas ng boses. "Hindi, sadyang ayoko lang iwan sa ere ang mga kaibigan ko. Kung gusto niyo kayo ang magbackout." seryosong sabi ni Kelly sa kanila. Napangisi naman ako sa sinabi niya. "Luri, you have no interest in this kind of thing right? You can leave the group if you want." Sabi ni Zander. Naiinis na talaga ako, ano bang pakealam nila kung gusto naming sumali. "No, I won't leave my group. I won't leave my friends." plain na sabi ni Luri. See? Kahit ngayon palang kami ulit nagkasama sama, malakas na ang kapit namin sa isa't isa. "Nag aaway ba sila?" "Hindi, nagkakatanhan duet pa nga oh. Tss, loser." napangisi ako sa narinig ko. Ayon nga sa kasabihan, kung ayaw mong masagot ng pabara wag kang magtatanong ng patanga, got that? "Mag uusap tayo mamaya pag uwi natin sa bahay Alexa. We're not done yet." pagkatapos sabihin ni Kuya iyon, umalis na sila. Nararamdaman ko naman eh, ayaw akong pasalihin ni Kuya dito pero ano bang magagawa niya kung gusto ko rin. Gusto ko rin namang patunayan sa ibang tao na kung ano kakayanan ng kapatid ko meron din naman ako. Ayokong lagi nalang isinusunod ang pangalan ko sa kanya. ✖✖✖ Hindi kami pinapansin ng mga kapatid namin, sa tingin ko nga sinasadyan nila iyon para iparating samin na galit sila sa desisyon namin kanina. Tapos na ang klase namin, at alam ko pag uwi ko sa bahay kaylangan kong harapin at kausapin ang kapatid ko. Hindi ko alam kung ano ba talagang dahilan kung bakit galit na galit siya na mapasali kami don. Like, edi manalo ang deserving na manalo hindi ba? Hindi rin naman namin ine-expect na mapipili kami, mga admin ang pumipili ng canditate don. Pagkarating namin sa bahay, nagmamadaling pumasok si Kuya sa loob. Hinabol ko siya at nakaramdam ako ng pagod. "Kuya, ano ba?! Hinahapo ako sayo." naiinis na sabi ko sa kanya. Kung may problema siya sabihin na niya ngayon para matapos na 'to. "Backout." napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Kanina ko pa naririnig ang salitang iyan. "Kuya naglolokohan ba talaga tayo dito? Hanggang ngayon ba ito pa rin ang issue nating dalawa. Sinabi na ngang ayo—" "Kapag hindi ka nagbackout, alam mo bang pwede kang masaktan?! Tahimik na ang buhay mo sa school papasok ka pa sa gulo. Iniisip ko lang ang pwedeng maging kalagayan mo nang dahil dito. Alexa, mahihirapan ka lang at bubully-hin ng ibang estudyante." humarap si Kuya sakin, kitang kita ko ang pag aalala niya at ang galit niya. "Ano bang masama?! Gusto namin 'to. Ayokong laging nakakabit ang pangalan ko sayo, ayokong laging nakukumpara sayo. Pagod na pagod na akong marinig lahat ng sinasabi ng ibang tao sakin at sayo. Gusto kong patunayan na kaya ko rin kung anong kaya mo." short tempered akong tao. Mabilis mag init ang ulo at kapag sobrang nagalit at napuno akala mo walang puso. Nakakabit na rin sa pangalan ko ang pagiging heartless dahil sa mga mata kong walang buhay. "Gusto? Gusto niyo kaming kalabanin?!" napakuyom ang kamay ko. May mga bagay akong gustong sabihin sa kanya pero ayoko dahil ayokong mas lumala pa ang sitwasyon. "Hindi sa ganoon. Bakit ba ayaw niyo kaming intindihin?!" Hindi naman talaga namin sila gustong kalabanin pero may mga bagay kaming gustong patunayan. "At kung yang mga utak biya niyong fans ang inaalala niyo, pwede naman silang pigilan hindi ba?" Alexa, tandaan mong nakakatandang kapatid mo ang kaharap mo, manatili kang kalmado. "Akala mo ba ganoong kadali iyon? May sariling pag iisip ang mga 'yon. Pigilan mo man sila, gagawin at gagawin pa rin nila ang gusto nila. Nag aalala lang ako sa mga pwedeng mangyari sayo dahil dito kaya hangga't maaga pa, tigilan mo na 'to!" hindi ko na ata kayang pigilan ang sarili ko. "Sayo na rin nanggaling, may sariling pag iisip ang tao at gagawin ko kung anong gusto ko." tiningnan ko nang diretso si Kuya. "Ayan lang ba talaga ang rason kung bakit ayaw niyo kaming pasalihin dito? Bakit ayaw niyong sabihin na natatakot kayong matalo namin kayo? Matagal na akong nagtitiis at nagpapanggap na hindi naaapektuhan tuwing ipagkukumpara tayong dalawa pero sa totoo lang pagod na ako. Masakit ikumpara sayo. Hindi mo naiintindihan 'yon dahil palaging ikaw yung bida. This is my life Kuya and you have nothing to do with it." nakita ko ang pagkagulat ni Kuya sa narinig niya sakin. Napatakip ako sa bibig ko, hindi ko rin inaasahan na sasabihin ko iyon sa kanya pero wala, wala nang bawian, wala na ring atrasan. "K-Kuya..I'm so—" huminga nang malalim si Kuya. "You want this? Then do as you please. Hindi na kita pipigilan pa, sana lang wala kang pagsisihan sa papasukin mo and yes you're right, Alexa. I have nothing to do with your life" pagkatapos niyang sabihin iyon ay tinalikuran na niya ako at umalis sa harapan ko. Luri Hindi ko maintindihan si Kuya pero iniwan niya nalang akong mag isa dito. Lagi kaming sabay umuuwi pero this time, wala kasi bigla nalang siyang umalis nang hindi man lang ako isinasama. Tch, hanggang ngayon ba big deal pa rin sa kanya ang pagsali at pagkakapili samin na maging Campus Princesses? Kapag ba sumali kami dito magiging dahilan ng kamatayan nila at kaylangan nilang magreact ng ganito? Stupidity at its finest. Magbu-bus nalang siguro ako papauwi, ayoko na ring magpasundo dahil ilang minuto pa akong maghihintay para makarating sila dito. Hindi naman ako maarte sa sasakyan ko eh, ang importante ngayon ay makauwi ako. Papaalis na sana ako ngayon dito sa school nang mapatigil ako dahil sa nangyayari sa daraanan ko. "Ito na po yung pera ko, kunin niyo na po lahat ng gamit ko pakiusap lang wag niyo akong sasaktan." napakunot ang noo ko. Nakakita kasi ako ng isang lalaking nakahiga at sira ang polo habang inaapakan siya ng isa namang lalaki. "Pera?" napatingin ako sa lalaki, nakangisi ito habang matalim at galit na galit na nakatingin sa lalaking binubugbog niya. Diniinan niya ang pagkakaapak niya sa dibdib noong lalaki. "Sa yaman naming ito sa tingin mo kaylangan ko ng putanginang pera mo? Ang kinagagalit ko, bakit sa dinamirami ng mga babae dito sa school kapatid ko pa ang pinili niyong maging isang Campus Princess." Kung hindi ako nagkakamli ito ang kapatid ni Danica. Lexter? Yeah, maybe that's his name. "H-Hindi ko po alam, nag announce lang po ako. Ang head admin po ang namili noon." paulit ulit itong inapakan ni Lexter sa dibdib at sumisigaw ito dahil sa sakit. "That's bullshit! You're excuse is lame as f**k! Gusto niyo ba talagang makakita ng gera sa pagitan naming magkakapatid, ha?! O mas gusto mong sirain ko muna yang mukha mo?" Talaga palang galit na galit sila 'no? "Bakit ba kasi ginagawa niyong big deal ang maliit na bagay? That's just a game. If we lose then, fine. Accept it." napatingin siya sakin. Hindi pa rin nagbabago ang tingin ng mga mata niya. Sinipa niya sa huling pagkakataon iyong lalaki bago ako lapitan. "Ang lakas ng loob mong magsalita 'no? Palibhasa wala ka kasing alam sa pwedeng mangyari." diretso ko lang rin siyang tiningnan. "Why do you care? We decided to join, just accept it." Dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sakin bago ngumisi. "Wala akong pakealam kung sumali ka diyan, well ewan ko lang sa kapatid mo kung hahayaan ka niya pero ang mapasali sa kalokohan ng mga gagong iyon ang kapatid ko? Iyon ang hindi ako makakapayag. Hindi ko kayang saktan physically lalo na emotionally ang kapatid ko." matipid akong ngumiti, which is ginagamit ko lang paggusto kong magpaka-sarcastic. "Edi wag mo syang saktan. Kayo pala ang may problema eh." inilayo niya ang mukha niya sakin. "Pag isipan niyong mabuti ang papasukin niyo pero sana lang wag niyo nang idamay pa ang kapatid ko baka kasi makalimutan kong babae kayo." pagkatapos noon ay umalis na siya. Is that a threat? Hindi man lang ako kinilabutan. "Oh, look who's here. Another slut who will compete with our Princes. Let me guess, they can't do it. Maybe, at the end of the month they will surrender." nanatili lang akong nakatingin sa kanila. Gusto ko na sanang umalis pero may humarang na naman sa daraanan ko. "Don't stare with us with that cold eyes. You freaking ugly b***h!" Ayoko na sanang patulan kaya lang si Lexter, he already push the sarcastic button na meron ako. Nag activate tuloy. "If I'am a b***h what are you then?" tinaasan ko sila ng isang kilay, hinihintay sumagot pero hindi sila sumagot. "I know, you're an envious bitch." naglakad na ako at lalagpasan na sana sila. "Agh, go to hell b***h!" nagpatuloy nalang ako sa paglalakad ko. "You first." napangisi ako, it's been a while since someone push the b***h button I have. "Use an express train para naman mapadali ang pagpunta mo don. Hinihintay ka na ng mga kauri mo. May family reunion daw kayo" Umuwi na ako sa bahay. Ayoko sa araw na 'to. Siguro kapag naging Campus Princess ako, mawawala na yung boring na buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD