Danica
Nakakabadtrip naman 'tong kapatid ko, sarap ipasagasa sa bus. "Bakit ba kaylangan ko pang sumama sayo? Like hello! I can take care of myself, big brother!" Naiinis talaga ako sa bully na katabi ko ngayon. "Sasama ka sakin sa ayaw at sa gusto mo. Wala sila Mama sa bahay at day off rin ang mga katulong don. Mahirap na baka kung ano pang mangyaring sayo doon lalo na't solo ka lang." Sabi ni Kuya na maingat na nagda-drive. Natatakot siyang magkaviolation dahil baka daw bawiin sa kanya 'tong kotse niya.
"Naiinis ako sayo Kuya! Nakakabwiset ka, alam mo ba 'yon?! Alam na alam mo namang may kinaiinisan ako sa kabarkada mo isasama mo pa ako. Nang aasar ka ba?!" habang ako nakasimangot, siya naman tawa lang ng tawa.
"Alam mo Danica, wag ka na ngang mag inarte. Hindi ka naman iinisin non ngayon eh, may kaylangan lang talaga kaming pag usapan. At ayokong iwan kang mag isa sa bahay. Baka mamaya pasukin ka ng kung sino don ikapahamak mo pa. Walang magtatanggol sayo, lahat ng maids at security natin day-off at bukas pa silang lahat babalik" sabi ni Kuya sakin. Naiintindihan kong nag aalala siya sakin pero ang hindi ko maintindihan bakit sa dinami rami ng bahay, kila Andrei pa.
"We're here!" Buti pa siya masaya, ako kasi kabaligtaran ng nararamdaman niya. Pinatay na ni Kuya yung engine ng kotse bago lumabas ng kotse. Hindi agad ako bumaba, mas gusto ko pang dito nalang sa loob.
Binuksan ni Kuya ang pintuan sa side ko, "Ano pang ginagawa mo diyan?" sinimangutan ko siya. Ayoko talagang pumasok sa loob ng bahay nila. "Dito nalang ako, ayoko sa loob may monster!" kunwaring natakot pa ako. Hinila ako ni Kuya palabas. "Hindi pwede, tara na." hinigit ko ang kamay ko at tumayo ng maayos. "Oo na, wag kang manghila!" pagkatapos non ay pumasok na kami sa haunted house—joke!
Malaki ang bahay nila, ang laki ng tinitirhang kweba ng mokong na 'yon ah. Hindi ko pa rin alam kung paano siya naging kapatid ni Kelly. Magkaibang magkaiba kasi sila, maganda si Kelly at si Andrei mukhang halimaw. Kambal ba talaga sila? Baka naman joke lang 'yon.
"Good evening Sir. Young master is waiting in the living room" sinundan namin iyong maid na nagbukas ng pintuan para samin. Young master daw, mukha niya mukhang monster!
Nakarating na kami sa living room. Naandon na si Zander at si Young Monster na mukhang kanina pa nag uusap. "Tol, kayo palang? Nasan si Rence?" nagtatakang tanong ni Kuya bago umupo sa tabi nung dalawa. Tumingin si Andrei at Zander kay Kuya bago sakin, "Bakit kasama mo ang aso niyo? Sadista pa naman 'yan, baka kagatin ako niyan ha." Ngumiwi ako sa sinabi niya. HAHA! Nakakatawa! Sige lang Andrei, galingan mo pa.
"Bro, walang kasama sa bahay eh. Ayoko namang iwan mag isa baka kung anong mangyari diyan. Kahit naman hindi halata mahal ko 'tong kapatid ko" Cheesy ha, dapat na ba akong kiligin Kuya? "Dapat iniwan mo nalang, wala rin namang magkakainteres diyan." Mamaya mukhang may mapapatay ako.
"Wala pa si Rence, tumawag siya kanina at sinabing baka daw malate siya ngayon." Natatawang sabi ni Zander. Kaya ayokong kasama 'tong mga 'to, lagi nalang akong inaasar. "Si Ate nga rin hanggang ngayon wala pa. Nag aalala na nga ako eh. Isasabay ko sana pauwi kanina hindi ko naman naabutan." Biruin mo marunong palang mag alala ang lalaking 'to? Bravo!
"Baka naman may pinuntahan. May kaibigang dinalaw, ganon." Sabi naman ni Kuya sa kanila. "Tol, hindi pala kaibigan ang kapatid ko. Walang kaibigan 'yon dito." Sagot naman agad sa kanya ni Andrei.
"Pero kasi baka kung ano nang mangyari don. Kapag nangyari 'yon, humanda sakin ang gagawa ng ano mang kahayupan sa kapatid ko. Sisiguraduhin kong hindi na siya sisinagan ng araw" Ayan, ganyan ang mga linya ng mga hambog!
"Paano kung umaga mo mapatay edi sininagan pa din siya ng araw?" sarkastiko kong sabi sa kanya bago irapan. Matalim naman akong tiningnan ni Andrei. "I'm not talking to you. You're not supposed to talk. So your shut you mouth!" Kapag ako ang nang aasar sa kanya ang bilis niyang mainis kapag siya naman akala mo wala nang bukas. Bwiset!
"Danica, umupo ka na nga lang dito." Lumapit ako kay Kuya at uupo na sana sa tabi niya kaya lang may pesteng stubborn sa tabi. "Lex, pakisabihan mahal ang bili diyan baka madumihan." Tingnan niyo na ang ugaling taglay niya. Hindi pa nga ako nakakaupo, "Kung 'yang ugali at budhi mo kaya ang linisin natin? Kasi wala na nga siyang kwenta, ang dumi dumi pa!" Wala talagang preno ang bibig ko kapag naubos na ang pasensya ko. Nakakarumi.
"Danica!" tapos ako pa ata ang masamang tao ngayon. Bakit ba mas kinakampihan ni Kuya 'tong Andrei na 'to. Tiningnan ko siya at sinimangutan, "Bakit ba kasi sinama sama mo pa ako dito" naiinis na sabi ko sa kanya bago umiwas ng tingin. "Do you think I have a choice? Kung pwede lang kitang iwan don iiwan talaga kita. Kaya lang wala, hindi pwede. Ayokong maiwan kang mag isa don. You're still a girl and you're still my sister. I still have an obligation and responsibility to you." Tumahimik nalang ako. Ayokong makipag away sa kanya ngayon, ngayong may isa pa akong kaaway.
Nagkwentuhan lang muna silang tatlo, hindi rin kasi sila makapag umpisa sa meeting kuno nila dahil nga wala pa si Rence. Si Rence ang tinuturing na leader ng grupo nila at dahil siya ang leader kaylangan siyang hintayin.
Habang busy ako sa paglalaro dito sa iphone ko may narinig akong nagdoorbell. Hindi ako kumilos dahil may maid naman na gagawa noon at isa pa hindi ko 'to bahay, maybe soon? Agh! f**k you kung sino mang nagsabi ng soon. Hindi mangyayari 'yon, kainin man ako ng lupa ngayon.
"Ate!" napatingin ako sa kanya nang sumigaw si Andrei, nakita ko si Kelly na basang basa. "Where have you been?" halata nga ang pag aalala sa boses ni Andrei. Biruin mo 'yon, marunong pala talaga siyang mag alala? "Somewhere." Simpleng sagot niya.
"Kelly, you're soaked." Tumingin sakin si Kelly bago ngumiti. "I'm okay. I'll excuse myself, I need to take a shower first" pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad siyang pumunta sa kwarto niya. Nagkatinginan sila Kuya bago magkibit balikat.
Ilang minuto pa ang lumipas lumabas na ng kwarto niya si Kelly at dumiretso sa kusina nila. Si Rence, hindi pa rin dumarating. Ang tagal naman non, hindi pa rin tuloy nakakapagsimula sila Kuya. Gusto ko na kasing umuwi pero dahil naandito na rin naman si Kelly mukhang okay na rin. Atleast kahit papaano may excuse ako para umalis at mawala na sa paningin ko ang surot na si Andrei.
Napatingin ako sa pintuan nang may marinig akong nagdoorbell. Pumasok ito at nakita namin si Rence, mukha ngang bagong paligo rin. "Tol, kanina ka pa namin hinihintay! Bakit ngayon ka lang?" salubong sa kanya ng mga kaibigan niyang abnormal. Oo, pati kapatid ko.
Ngumiti si Rence, "Kasi..haha none of your business." Natatawang sabi nito. Mga abnormal talaga. Napatingin kami kay Kelly na kakagaling lang sa kusina at may dalang isang baso ng tubig. Napatingin si Rence kay Kelly at nakita kong parang nagkangitian sila. Sige, ngumiti ba talaga sila sa isa't isa o sadyang nag iimagine lang ako ng mga bagay bagay na malabong mangyari?
"Danica, if you like you can go with me in my room. Baka ma-out of place ka lang sa kanila." Pagyayaya sakin ni Kelly. "Oh si—"
"Oo nga Ate isama mo na 'yan. Nakakabanas eh, ang pangit hindi ko maatim titigan at nakakasira lang ng gabi." Tiningnan ko ang pangahas na sumabat samin ni Kelly. "At sino bang may sabi sayong titigan mo ako? Geez." Lumapit ako kay Kelly, "Tara na nga, nakakainis 'yang kapatid mo ang sarap ilagay sa loob ng malaking vase na 'yon" narinig ko ang pagtawa ni Kelly. Anong meron at parang ang saya saya niya?
Pagkapasok namin ng kwarto niya, agad ko siyang tinanong. "Kelly, ano yung ngitian niyo ni Rence kanina? Parang noong nasa cafeteria tayo kung makapagsagutan kayo akala mo katapusan na nang mundo tapos ngayon makikita ko kayong ngumingiti sa isa't isa?" Naiintriga ako eh.
"Ako, ngingitian ang lalaking 'yon? N-No way!" bigla siyang umiwas nang tingin sakin at naglakad papunta sa kama niya. "Sus, masyado kang matago. So ano nga? Kayo na ba?" kumunot ang noo ni Kelly bago tumawa. "Are you kidding me, Danica? No way! It's not gonna happen. I rather go to Pluto and stay there for the rest of my life than being his girlfriend" makadeny naman 'to akala mo may ketong yung tao.
"Wag kang magsalita ng tapos baka sa huli sa kanya din ang bagsak mo" tapos tumawa nalang kaming dalawa.
3rd Person
Kinabukasan lahat ay nagkakagulo at nakatutok sa flat screen televisions ng school. "Omygod! Girls ito na 'yon!" sigawan ng mga babaeng naandon.
Napatigil sa paglalakad sila Rence at tiningnan ang isa sa mga flat screen television na nasa harapan nila. "Ano na namang meron at mukhang may kaguluhan?" nakakunot noong tanong ni Rence habang nakatingin pa rin sa tv. Parami na rin ng parami ang mga tao sa paligid.
"Good morning Sky-ians! We will now announce the chosen candidates for Campus Princesses. Are you guys ready to meet them? This is early than what we all expected because at last we already found them. We spotted for beautiful and lovely girls that have the ability to compete with the Campus Princes. Are you curious about them? We will announce them in a minute."
Napangisi ang Princes dahil sa narinig nilang announcement, "So, may handa na palang kumalaban satin huh?" nakangising sabi ni Zander.
"Exciting. Mukhang magiging maganda na naman ang taon natin dito ah?" naiiling naman na sabi ni Andrei habang nakangisi rin.
"Alright! May bago na naman tayong bubully-hin. Kahit babae pa sila, wala akong pakealam." Natutuwang sambit naman ni Lexter. Samantalang si Rence seryosong nag aabang ng ipa-flash sa screen ng tv. "Kahit sino pa sila, hindi nila dapat maagaw ang trono natin satin. Marami tayong paghihirap na pinagdaanan para makarating tayo dito. Hindi pwedeng basta mawala satin ang pagiging Campus Royalty natin sa huling taon natin dito sa school" napatingin ang tatlong kasama niya sa kanya. "This is our last year in this school so we need to win. We must win." Dagdag pa ni Rence.
Sumang ayon naman ang natitirang tatlo dahil alam nila kung gaano kaimportante ang pagkapanalo nila sa kompetisyon na ito lalo na kay Rence.
"We're here again to announce the candidates for the title of Campus Princesses. We picked four beautiful ang young ladies. So let's begin!"
"The 4th Princess is a transferee. She's mysterious and to our surprise she is also the younger sister of Zander Villafuerte. Wow! Her name is Luri Villafuerte!"
Natigilan ang Princes sa kanilang narinig. Hindi sila makapaniwala na isa ang kapatid ni Zander sa makakalaban nila. Nagkatinginan sila at umiling "This is impossible."
"The 3rd Princess is known to be a sadist. She's very 'maldita' and also the younger sister of Lexter Lim and yes it is Danica Lim!"
Naglakihan ang mata ng Princes ng isa-isa nang tinatawag ang pangalan ng kanilang kapatid. "Oh no, don't tell me—"
"The 2nd Princess is a heartless. She has the title of the'Heartless Princess' of Sky High Academy like her father when he was still a student. She is the younger sister of Rence Kang, no other than Alexa Kang!"
Hindi makapaniwala at hindi na alam ng Princes ang kanilang ire-react. Isa nalang ang kulang para mabuo ang Campus Princesses at meron na agad silang hula kung sino ito. "This is bullshit!" hindi mapigilan ni Zander ang sarili. "No, this is more than a bullshit, bro." naiinis ring sabi ni Lexter na patuloy pa rin sa pagtingin sa screen ng tv. Si Rence tahimik lang at seryosong inaabangan ang panghuling candidate para sa Campus Princess at si Andrei ay tahimik lang rin, hindi pa alam ang dapat na maramdaman dahil wala pa naman ang kapatid niya sa listahan.
"The last candidate for the Campus Princess is..I think you all have an idea. She has determination, self-confidence, and charisma. She's the only girl in this school who can shout and yell at our beloved Campus Princes. Who is she? I know you know her already. She is the older twin sister of Andrei Hyo, one of the Princes and the transferee from London. Kelly Hyo!"
"That's all for today. Have a good and blessed day, students!"
"What the f**k! Is this some sort of joke or s**t of the admin? Come on, how can we suppose to compete with our own sisters?" naiinis at galit na sabi ni Andrei dahil hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala. "Naggagaguhan ata tayo dito eh. Bakit sa dinami-rami ng estudyante at babae dito sa campus mga kapatid pa talaga natin?!" hindi na rin napigilan ni Lexter ang sarili niya at nagsisigaw na roon.
"Anong nangyayari?" napalingon silang apat sa apat na babae sa likuran nila. Doon nila nakita ang bagong kandidato para sa pagiging Campus Princesses, ang mga bagong karibal at kaaway sa trono nila bilang Campus Royalty.
Seryosong tiningnan ni Rence ang mga ito, "If this is our fate, we can't change it. The battle will now begin" sabi ni Rence.
Ito ang guhit ng kanilang kapalaran, ang kalabanin ang kanilang sariling mga kapatid. Mahalaga sa kanila ang mga kapatid nila pero mahalaga rin kung ano sila ngayon.