3rd Person
"Ano ba kasi talagang problema niyo? Parang iyon lang, ikinagagalit niyo na agad. Wow, Andrei just wow!" Napailing nalang si Kelly bago pumunta sa kwarto niya at magkulong roon. Hindi niya maintindihan ang kapatid niya kung bakit ito nagkakaganoon.
"What's happening Kelly? Nag aaway ba kayo ni Andrei?" kumatok si Andrea sa pintuan ng kwarto ni Kelly para sana kausapin. "We're not, it's just that, Andrei is really paying so much attention to the things that are actually nothing." isinubsob ni Kelly ang sarili niya sa kama.
"Open the door, I want to talk to you." nakakunot noong tumayo si Kelly at binuksan ang pintuan ng kwarto niya. "What is it, Mom?" tinatamad na sabi nito kay Andrea. Napailing nalang si Andrea nang makita ang itsura ng anak. "Please, kung may hindi man kayo pagkakaintindihan ni Andrei mag usap kayo ng maayos. Ayokong nagsisigawan kayong dalawa." huminga nang malalim si Kelly bago tumago.
"Okay." simpleng sagot niya. Ngumiti si Andrea bago umalis kaya muling nagkulong si Kelly sa kwarto niya.
✖✖✖
Kinabukasan, ang mga napiling Campus Princesses at Princes ay ipinatawag ng kanilang principal upang klaruhin ang bagong mechanics ng labanang ito. "Good morning, Royalties." nakangiting bati sa kanila ng Principal. "I called you to announce the new set of rules. Well, we all know that you must gain popularity within our school but starting this year, you also need to gain popularity to other schools." tumayo ang principal nila at binuksan ang projector.
"Elliot University and Alice University, what's with the school?" Hanggang ngayon ay mahahalata mo ang init ng ulo ni Rence dahil pa rin sa pagkakapili sa kapatid niya. "If you want to win this competition you also need to gain fans and popularity from both school. Elliot is the sister school of Alice University. Alice is for girls while Elliot is a school for boys." sabi ng kanilang principal.
"Wala namang ganyan dati hindi ba?" nakakunot noong tanong ni Lexter. "Yes, but the school says that you need to learn how to socialize not only within our institution but also to other schools." aniya. "Next week you'll be excuse from all your classes to visit Elliot and Alice University. There will be a faculty member who will assist you." tumigil ito sa pagsasalita bago ngumiti.
"That's all, you may go back to your classes now." Papaalis na sana ang dalawang grupo ng may ihabol pa ang principal nila. "By the way, the Campus Royalties Popularity Battle will start at any minute so be ready. We'll announce that later. You may go." pagkatapos noon ay umalis na sila.
Lahat nang makakasalubong nila nginingitian nila. Kaylangan nila ng fans kaya kaylangan nilang maging mabait kahit papaano. "Ate!" napatigil ang grupo nila Kelly nang sumigaw si Andrei. "Here, this is your key for your private room" matapos ibigay ni Andrei ang susi sa private room ng mga Princesses ay umalis na agad ito.
"Private room?" nagtatakang tanong ni Kelly habang nakatingin sa susi. "Alright!" masayang sabi ni Danica at nakipag-high five kay Alexa. "Sa private room pwedeng tumambay kapag free time. Hindi ba sabi sa inyo, masaya ang maging Campus Princesses kahit papaano?" nakangiting sabi ni Danica.
"So, ano let's go?" tanong ni Alexa. Sumang ayon ang lahat at pumunta sila doon.
Namangha sila sa kagandahan ng private room na ibinigay sa kanila. "Wow! Buhay prinsesa talaga." sabi ni Danica bago umupo sa couch. "Pero buhay alipin sa mga bullies." naupo rin si Alexa at nakatingin lang sa kawalan. Sumimangot naman si Danica dahil dito. "Hayaan na nga natin 'yang mga bullies na 'yan, kaya naman natin silang labanan. Isa pa, may dalawang school pa tayong pwedeng makuhanan ng votes, hindi lang ang school na 'to. We still have chance to win." nakangiting malapad na sabi ni Danica.
"You mean, totoo talaga ang bully thingy na iyon?" tanong ni Kelly habang nakataas ang isang kilay. Tumango naman si Danica habang kumukuha ng makakain sa ref na nasa loob ng kwarto. "Oo, don't tell me gusto niyo ng magback out?" sabi nito sa mga kasama.
"Of course not!" Sabi ni Kelly.
"I'm not afraid of anyone." natigilan ang lahat nang magsalita si Luri, tila may yelong bumalot sa kanila.
"Ganito ang plano, kaylangan nating malamangan ang Princes sa kabilang school. Okay lang na matalo nila tayo dito pero siguro mas maganda parin kung pati dito sa school natin talo natin sila para mas malaki ang chance na manalo tayo. Kapag nanalo tayo ibig sabihin ang Princes naman ang bubully-hin. Haha" napailing ang kanyang mga kasama sa narinig. Napakamaldita talaga ni Danica to the point na hindi na niya naisip ang isa sa mga goal nila kaya sila pumayag magparticipate dito.
"Pero syempre joke lang lahat ng sinabi ko kanina. Hindi natin hahayaang mabully ang mga kapatid natin kapag nanalo tayo dito. Isa pa, kapag nanalo tayo dito may chance na tayong mabago ang rules na ipinatupad nila dati pa at hindi mabago bago dahil sila pa rin ang nananalo. Isa iyon sa mga rason at goal ko sa pagpayag sa pagsali dito." Sabi ni Danica habang kinakain ang chocolate na nakuha niya sa ref.
"Kaya ba kayo sumali dito ay dahil gusto niyong mawala at mapalitan ang bully rule na ipinatupad ng mga kapatid natin, ganoon ba 'yon? Para pagdating ng araw, wala nang mabubully ulit." tumango si Alexa sa sinabi ni Kelly.
"Exactly. That's really our motive. We hate bullies, I hate seeing people being bullied and treated like a s**t or trash. Gusto kong maging peaceful ang school na 'to kahit man lang sa huling taon natin dito." seryosong sabi ni Alexa.
"Saan ba kasi nanggaling ang pambubully na 'yan. I mean, saan nag originate? Papatayin ko ang hampaslupang nagpasimuno niyan dito." umiirap na sabi ni Danica. Ngumisi naman si Kelly, "Nagtanong ka pa, malamang sa Daddy mo." napakunot ng noo si Danica sa narinig.
"Ano?" umiling si Kelly. "What I mean is kay Tito David. Well, according to my Mom, Tito David was the one who bullied his co-students in the past. He's also the one who influenced others to bully other students. No wonder, Lexter is a big bully." tumawa si Danica sa kanyang narinig. "Haha, oo alam ko na pala kung saan nag originate. Salamat sa pagpapaalala." natatawa pa ring sabi nito.
"At proud pa siya doon." tumawa si Kelly dahil sa pagkaiyamot sa mukha ni Alexa.
Pagkatapos nilang tumambay sa kanilang private room ay bumalik na sila sa klase. Pagkarating nila doon, naabutan nilang nagkakagulo ang mga kaklase nila lalo na ang mga babae.
"Oh basta ha, amin ang popularity votes niyo." napakunot ang noo nila nang marinig ang boses ni Zander.
"What's with the commotion all about?" naiinis na tanong ni Alexa habang nakatingin pa rin sa nagkukumpulang kababaihan sa harapan nila.
Nakipagsiksikan sila sa mga tao doon para lang makapasok sa loob ng classroom nila. Napakunot ang noo nila sa kanilang nabasa sa white board.
"What the f**k! Free kiss?" gulat na gulat na sabi ni Kelly. Napatigil ang Princes sa kanilang ginagawa at napatingin sa kanila. "Oh, naandyan pala kayo. Wanna join us, Campus Princesses?" nakangising sabi ni Rence.
"Huwag kayong mag alala, sa cheeks lang naman eh. Kaya lang kung gusto niyo talaga, magba-backout kayo." napakunot ang noo nila Kelly sa kanilang narinig. "Magba-backout kami para lang sa kiss na sinasabi niyo? Hella no. Hindi kami kakasing desperada ng mga babaeng nakapila para diyan." magsasalita pa sana ang Princes nang magsalita si Alexa.
"Bakit niyo ba kami pinipilit na magback out?! Ganoon na ba kayo kaduwag at katakot kalabanin ang mga sarili niyong kapatid? Oo, babae kami pero hindi ibig sabihin 'non hindi na namin kayo kayang kalabanin. Sinasabi niyo na natatakot kayong mabully kami. Ha! Kahit naman hindi pa kami Campus Princesses nabubully na talaga kami ah? Wag nga kayong magpanggap na hindi niyo alam ang tungkol don. Ano, may nagawa ba kayo para ipagtanggol kami? May sarili kaming pag iisipin, hayaan niyo kaming magdesisyon para sa sarili namin. Kaya naming makipagsabayan sa inyo and we can protect ourselves without any help from you." seryosong sabi ni Alexa habang nakatingin ng diretso sa grupo ng Princes.
"They're concern to you, don't be so self—"
"Shup up, we don't need your opinion." malamig na sabi ni Luri sa kanya. Ito na ata ang pinakamahabang nasabi niya ngayon.
"Guys calm down, any minute magsisimula na ang Campus Royalties Popularity Battle. Hindi 'to maaayos kung bangayan lang tayo ng bangayan dito pero sa tingin niyo ba karapat dapat manalo ang mga makakasariling iyan? Handa nilang kalabanin ang mga kapatid nila just to gain popularity. Think about it guys. Hindi deserving ang Campus Princesses na manalo, ang dapat sa kanila bu—"
"Shut up! All of you, shut the f****d up!" sigaw ni Rence na halatang naiinis na rin. "Kung iyan talaga ang gusto niyo, wala na kaming magagawa pero wag niyong asahang porke't kapatid namin kayo maaawa kami sa inyo besides kayo naman ang pumili niyan hindi ba? Magaling kayo? Patunayan niyo." pagkatapos sabihin ni Rence iyon ay umalis na siya.
"Sana lang wala kayong pagisishan." sabi ni Zander bago sumunod sa mga kasama.
"Dahil sa nangyari ngayon, napatunayan ko na, Campus Princesses really deserves to win." napatingin sila sa nagsalita nilang kaklase.
"f**k! Is that some kind of your joke? Lame. Don't make me laugh." halatang naiinis naman ang isa sa kanila.
"Haha, may bitter dito. Doon ka sa Princes mong wala namang ibang alam kung hindi ang mambully." Dahil dito napangiti ang apat na babae.
"Sinong pambato natin, guys?!" sigaw ng isang lalaki. "Campus Princesses!"
"Oo nga, mas gusto ko ang Campus Princesses kaysa sa Princes. Hindi sila nambubully ng ibang estudyante para lang katakutan sila." napangiti ang grupo nila Kelly sa narinig.
Nagsimula nang magsigawan ang lahat ng 'Campus Princesses' habang ang iba naman ay nakatingin lamang ng masama sa kanila.
Someone
Naandito ako sa loob ng campus, mag isa at hindi kasama ang mga kabarkada. Bakit pa? Busy naman silang lahat sa pakikipaglandian sa mga girlfriends nila.
I don't have time to flirt. May gumugulo kasi sa isip ko. Ginugulo pa rin ako ng babaeng nakita ko noong isang araw. Kamukhang kamukha kasi siya ni Kelly. Pero imposibleng naandito si Kelly, ayaw na ayaw niyang umuuwi dito.
Isa pa, she's with a guy. Kelly is not that type of person who will go out with some random asshole.
Habang pababa ako ng hagdanan biglang may humugit sakin at hinalikan nalang ako bigla. Tinulak ko siya ng mahina para tumigil na siya. "Hey babe, did you missed me?" Nanlaki ang mata ko nang makita siya. s**t, what is she doing here?
"Anong ginagawa mo dito? You're not supposed to go in here without permission. You'll get punish." sinimangutan niya ako dahil sa sinabi ko. Marami na akong iniisip ngayon, wag naman sana siyang dumagdag pa.
"I don't care about the punishment. I missed you. I miss your touch, your lips and everything. I want you so badly that's why I decided to visit you." napailing ako bago siya higitin papasok sa isang kwarto. Mahirap na baka may makakita pa saming dalawa. Ayokong madamay sa parusa.
"Babe naman eh, ilang araw mo na akong hindi tinatawagan. Ilang araw na tayong hindi nagkikita. Tell me, may iba ka na ba?" Kapag kaya sinabi kong meron na tatantanan niya na kaya ako?
"Oo." simpleng sagot ko sa kanya. Naiinis na kasi ako, ayoko sa lahat makukulit na babae.
"What?—"
"And yeah, let's break up. Hindi na kita kaylangan." plain na sabi ko habang pinapanood siyang magpabago bago ng ekspresyon ng mukha.
Tatalikuran ko na sana siya nang bigla niya akong yakapin mula sa likuran ko. Agh! Too much drama for this day. "Please don't. I can't continue my life without you." Tss. Stupid.
"Sorry but you're boring." pagkatapos 'non ay tinanggal ko na ang kamay niya na nakayakap sakin bago siya iwang umiiyak.
Nagpunta ako sa garden kung saan allowed ang lahat na magusap usap, mapababae o lalaki man. Naandito rin kasi ang mga kabarkada ko.
Did you heard it na ba? The news? Pati daw Alice and Elliot University mapapasali sa Campus Royalties Popularity Battle ng Sky High ah? Boboto rin daw tayo" napailing nalang ako. Kahit kaylan ang lalakas ng boses ng mga babae kapag nagku-kwentuhan.
"Really? Meaning pupunta dito ang Princes? Wait, sino yung niyo set of Princesses?" umupo ako sa tabi ng isang kaibigan ko pero rinig ko pa rin talaga silang dalawa.
"Wait. I think they already posted it on their page eh." saglit silang tumahimik. Sana magtuloy tuloy na.
"Seriously? Kinalaban niya talaga si Rence? Mygod! Is she out of her mind? Alam ba niya ang pinapasok niya? Ang lakas naman ng loob niya. What's her name ba? Ipapasalvage ko." tumawa silang dalawa. Napakunot ang noo ko bago ipikit ang mata ko. Matutulog nalang ako.
"Wait, Luri, Danica, Alexa...Ahm, yeah. Her name is Kelly..Kelly Hyo." napadilat ako ng mata ko nang marinig ko ang buong pangalan ni Kelly.
Seryoso ba? Naandito si Kelly sa Pilipinas? What is she doing here? Naandito ba siya dahil sakin?
Napatingin ako sa dalawang babaeng nagku-kwentuhan kanina, nagtatawanan na silang dalawa. "Hoy Bryle, ano ka ba? Kapag hindi ka natutulog, natutulala ka." tiningnan ko ang mga kaibigan ko bago umiling.
Kung naandito nga si Kelly kaylangan ko siyang makausap. Kaylangan kong maayos ang relasyon naming dalawa.