Chapter 2:

2157 Words
Kelly Nakarating ako sa condo ko, this was given to me by my parents. I don't know why but still, thanks to them I can have my own quality time. Ayoko munang umuwi sa bahay. Bakit? Well, I don't have any reason, ayoko lang talaga. Humiga ako sa kama ko. Actually, ayoko naman talagang umuwi dito sa Pilipinas. May dahilan rin naman ako. Una, ayokong makita iyong batang mayabang na mahilig akong asarin noong mga bata pa kami. I don't remember his name. Hayy, whatever I don't think na magkikita pa naman ulit kami. Nakatitig lang ako sa kisame ng condo ko. Kaylangan ko nang masanay magsalita ng tagalong hangga't naandito pa ako sa Pilipinas besides ayokong matawag na maarte. Okay na ako sa pagtawag tawag sakin na suplada pero hindi ko matatanggap ang maarte. Wala sa bokabularyo ko ang salitang iyon. Mabait naman daw ako, kaya lang nasa pinakaloob looban pa ata ng pagkatao ko ang sinasabi nilang 'mabait na Kelly'. Tanggap ko kung anong tingin sakin ng tao. Wala rin naman akong magagawa para mabago ang tingin nila sakin. People are born to be judge mental. Puro pagkakamali mo ang makikita nila, sabagay ganoon naman talaga ang buhay. Makulit rin naman ako kapag kasama ko ang iilang kaibigan ko pero sa ibang tao suplada talaga ako. If you will ask me if you can be friends with me, think again and again hanggang sa malugaw ang utak mo. Hindi ako mabilis magtiwala sa ibang tao. Magaling akong bumasa ng ugali ng iba kaya hindi ako mabilis magpaloko, siguro depende na rin kung gaano kagaling magpanggap ang isang tao. Biglang sumagi sa isip ko ang school. Magpapa-enroll pa nga pala ako. I wonder kung saang school magandang pumasok. Gusto ko yung may excitement pero bago ang lahat nang iyon, kaylangan ko munang magpakita sa mga magulang ko. Doon naman talaga ako titira sa bahay nila eh, gusto ko lang muna talagang mapag isa ngayon at baka maisipan kong bumalik nalang ng London. Hindi ako nagpasundo sa kanila sa airport, ayokong doon pa kami magdramahan at akalain ng ibang tao doon na may shooting na nagaganap. Medyo emotional pa naman si Mommy. Kinuha ko na ang phone ko, ito na siguro ang tamang oras para magsabi ako sa kanila na nasa Pilipinas na ako at sunduin na nila ako sa condo ko. Agad kong dinial ang number ni Daddy. Wag na kayong magtaka, mas ka-close ko talaga si Daddy, si Andrei naman mas ka-close ni Mommy. Sabi nga, 'birds with the same feathers flocks together.' "Hello, Daddy?" [Kelly,naandito ka na ba sa Pilipinas? Nasan ka ngayon?] "Naandito ako sa condo. Pasundo niyo naman ako, tinatamad na akong magtaxi" [Okay, I'll fetch you. Wait for me] after that I ended the phone call. Ilang minuto pa ang nakalipas may kumatok sa pintuan ng condo unit ko. Pinagbuksan ko siya nang pintuan at doon ko nakita ang Daddy ko. "Dad.." pagbati ko sa kanya. Ngumiti si Daddy at agad akong niyakap to the point na hindi na ako makahinga. "D-Daddy, I-I can't breathe" nang marinig niya iyon ay agad niya akong binitawa. Kinuha niya na ang mga maleta ko at pareho kaming dumiretso sa kotse niya para makauwi na sa bahay. Gusto kong magpahinga. Habang nasa biyahe, nag uusap naman kami ni Daddy kahit papaano. "What's your plans?" nanatili akong nakatingin sa side window. Gusto kong maging pamilyar sa lugar na 'to hangga't naandito ako. "I dunno, mag aaral." Simpleng sagot ko sa kanya. Hindi ko pa rin inaalis ang tingin sa labas ng kotse at kinakalikot ang cellphone ko. "Saang school mo gusto?" napatigil ako sa tanong niya, wala naman akong alam na school dito. "Kahit saan" muli kong ibinalik ang atensyon ko sa labas at sa cellphone na hawak hawak ko. Teka, ano bang meron sa cellphone ko at kanina ko pa 'to kinakalikot? Shit, don't tell me hinihintay ko na magtext sakin si Bryle? Haha! That's funny. Napailing nalang ako at agad tinago ang cellphone ko at baka maitapon ko pa kung saan iyon dahil sa inis ko sa lalaking 'yon. Nang makarating kami sa bahay ay agad kaming pumasok sa loob. Sinalubong ako ng mga katulong at iba pang nagta-trabaho dito. Nakita ko sa may hagdanan si Mommy na nag aabang rin ata sa pagdating ko. Nilapitan niya ako. Niyakap ako ni Mommy at ganoon rin naman ako sa kanya. Tiningnan ko ang paligid at pinagmasdan kung naandito ang kakambal ko. "Where's Andrei?" nagtatakang tanong ko nang hindi ko siya makita sa loob ng bahay. "School." Ngumiti si Mommy sakin. So, may pasok na pala sila ngayon. "Ahm, honey. Mamaya pupunta tayo sa school na papasukan mo. Magpapaenroll na tayo para bukas pwede ka nang pumasok. Is that okay with you?" kahit pagod ako ay tumango ako sa sinabi ni Mommy, matipid rin akong ngumiti sa kanya bago pumasok sa kwarto ko. Hinayaan kong ang mga katulong sa bahay ang magbitbit at mag ayos ng mga gamit ko tutal trabaho naman talaga nila iyon. Matapos nilang ayusin ang mga gamit ko ay umalis na sila. Nagpahinga naman ako at napaidlip saglit. ✖✖✖ Naalimpungatan ako kaya iminulat ko agad ang mga mata ko. Tingnan ko ang wrist watch ko, alas tres na pala ng hapon. Bumangon ako at agad naligo para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Pagkatapos kong maligo ay pumasok ako sa walk-in closet ko para makapamili ng damit na susuutin ko. Umupo ako sa kama at naghintay ng signal mula kay Mommy dahil ang sabi niya aalis daw kami ngayon. "Anak, are you ready? Aalis na tayo." Tumayo ako at naglakad papalapit sa pinto. "Yeah, I'm ready" tapos binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko at lumabas doon. Sabay kaming pumasok ng kotse na naka-park sa labas ng bahay. Magkatabi kami ni Mommy sa backseat at hinayaang solo sa unahan si Manong driver. Nakarating kami sa isang lugar kung saan may mga malalaking building. Wait, is this a school? More like a castle. "Mom, what are we doing here?" lumabas kaming dalawa ng kotse. "Ipapa-enroll ka. Dito ka papasok." Gulat man ako ay agad na rin kaming pumasok sa loob. Kumatok kami sa pintuan ng office ng Principal ng school. "Good morning, Mrs. Hyo?" ngumiti si Mommy bago tumango. "Please, have a sit" umupo kami sa upuan sa unahan ng desk niya. Nakakita ako ng dalawang babae. Yung isa mga nasa kasing age ko siguro o mas bata pa. Kasama niya ata ang nanay niya na kasalukuyang may kausap sa telepono. Patuloy lang sa pakikipag usap si Mommy doon sa Principal nang may ibigay itong mga papel. Binigay sakin ni Mommy ang mga ito para fill-upan. "Andrea?" napatigil si Mommy at tumingin doon sa babae. Napatingin din ako sa kanya, she looks familiar. "Omygod, Sabrina!" tumayo si Mommy at lumapit sa kanya. Nakakunot noo akong nanunuod sa kanila samantalang ang babaeng kasama naman nito ay tahimik lang na nakaupo na para bang walang pakealam. Tumingin saakin iyong babaeng kausap ni Mommy. "Andrea, ito na ba si Kelly? Wow, ang ganda naman niya. Manang mana sayo" ngumiti si Mommy bago ako lapitan "Syempre naman. By the way Kelly, this is your Tita Sabrina, do you still remember her?" Sabi na eh, kaya mukhang pamilyar. Siya pala si Tita Sab. "Oo naman po, I still remember her" ngumiti ako sa kanya. Ngiting minsan ko lang ipakita. Pinalapit naman ni Tita Sabrina yung babaeng kasama niya, "This is Luri. I hope you still remember her as well." Tumango ako. Ito na pala si Luri. Hindi ko gaanong tanda pero, alam ko may kilala akong ganon. "Hi, ikaw yung kalaro dati hindi ba? Alam kong may kasama pa tayong dalawang babae pero I already forgot their names, well nevermind. Long time no see" bati ko sa kanya, tiningnan niya lang ako bago tumango. Tss, hindi man lang ngumiti. Sinabihan kami nila Mommy na maglibot libot muna sa buong school. Wala rin naman kaming masyadong estudyanteng nakikita dahil siguro sa may klase sila. Okay na rin siguro 'tong ganito. "How's life? Ikaw nga ba yung may kapatid na matigas ang ulo?" tumango siya sa sinabi ko. "Kamusta siya?" wala lang gusto ko lang mangamusta. "Okay naman, buhay pa siya at humihinga" napatigil ako sa sinabi niya. Why so cold? "Dito rin siya napasok kaya gusto ng mga magulang namin na dito rin ako" tumango ako sa sinabi niya. Cold siya, nararamdaman ko but at least she's talking to me. Sa pagkakaalam ko isang taon ang agwat nila ng kapatid niya pero sabay sabay silang ipinasok sa school para hindi hassle. Pagkatapos noon, mahabang katahimikan ulit ang nabuo sa pagitan naming dalawa. Habang naglalakad kami at patuloy na inililibot ang school may biglang nakabangga samin buti nalang nahigit agad ako ni Luri at hindi nadumihan ang damit ko. Maiinis sana ako kaya lang mukhang baliktad ang nangyari, sila ang nainis samin. Ang kakapal eh sila 'tong tanga. "What did you do?!" sigaw niya dahil sa tumapong pintura sa damit niya. Oh ano kasalanan namin? Hindi kami nagsalita ni Luri at parehas lang na nakatingin sa kanila. Wala naman kaming kasalanan. Sino bang may sabing magdala sila ng pintura at tumakbo na akala mo kanila 'tong daan. Ako ba? "Hey, b***h I'm asking you!" hindi ba sumasakit ang lalamunan niya kakasigaw niya? Maganda na sana yung school eh, may problema nga lang ang mga estudyante. "Speak up!" Wala na kaming balak pansinin pa sila at maglalakad na sana ulit papalayo nang biglang higitin ng isa sa kanila ang braso ko. "Wag kang bastos, kinakausap pa kita. Tinatanong kita kung anong ginawa mo sa damit ko!" naiinis na ako. Pag ako nagbitch mode on humanda kayo sakin. "Kung hindi ka ba naman bulag at hindi bibig ang ginagamit mo, makikita mong nalagyan ng pintura ang damit mo" sarkastiko kong sabi sa kanya at binawi ang braso kong hawak niya. "At isa pa, hindi tayo close para hawakan mo ako ng ganito. Kita mo na ngang natapunan ng dala dala mong pintura yang damit mo magtatanong ka pa. Tss, stupid." Naiinis na kasi ako eh, sigaw sigawan daw ba kami. "You're new here but you have some nerves, huh? I'm warning you, don't mess up with us" sabi ng kasama ni paint girl. "Is that a threat? Hindi man lang ako kinilabutan" ngumisi ako pagkatapos kong sabihin iyon. "And your face is enough to scare us." Tatalikuran ko na sana sila nang hilahin naman nila ang buhok ko. b***h, not the hair! "Ha! That's enough." Narinig ko ang nakakairita niyang pagtawa. "What the f**k, do you really want a slap huh?" napatol ako kahit kanino. Warfreak na kung warfreak wala silang karapatang galawin at hawakan ang buhok ko with those filthy hands. "You're funny" tapos tumawa ulit sila. Pagkatapos nilang sabihin iyon, hinila ko rin ang buhok niya. Akala niya siya lang, mahiya siya mas maganda ang buhok ko. Akmang sasampalin niya ako nang pumagitna si Luri at hawakan ang kamay nito. "Slap her and I'll give you double than that. Hindi kami ang nag umpisa. Kung marunong lang sana kayong tumingin sa dinaraanan niyo hindi kayo matatapunan ng pintura. Kayo ang may kasalanan kaya wag niyong ipasa sa iba." Binitiwan na ni Luri ang kamay na iyon nung babae at hinila ako papaalis. "Magbabayad kayo sa ginawa niyong 'to!" sigaw niya pa, aba at ayaw paawat. Tiningnan ko siya at ngumisi "Whatever b***h" pagkatapos non hindi ko na ulit sila pinansin pa. Tiningnan ko si Luri, napangiti ako sa kanya. Mukhang makakasundo ko siya. ✖✖✖ Gumising ako nang maaga, may pasok na kasi ako. Babalik na naman ako sa school na iyon, pero okay lang kasabay ko naman si Luri at least kahit papaano may makakasama ako. Pagkatapos kong mag ayos nagpahatid na ako sa driver namin. Grabe, simula kahapon noong dumating ako hindi ko pa nakikita ang kakambal ko. Maaga daw kasing umaalis iyon. Ewan ko, hindi ko naman alam ang dahilan. Nang makarating ako sa school nakasalubong ko si Luri, matipid niya akong nginitian at sabay kaming pumasok sa loob ng campus. Ipinakilala samin ni Principal ang adviser namin at sumabay na rin kami pagpunta sa classroom namin. "Okay class, be quiet. You have new classmates." Naunang pumasok sa loob si Luri kaya sumunod na rin naman ako. "Okay ladies, please introduce yourselves." Nakangiting sabi samin noong adviser namin. "Luri Villafuerte" iyon lang ang sinabi niya. Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid bago magpakilala, "I'm Kelly Hyo" while looking at my classmates, one by one someone totally caught my attention. He is smirking at us while staring with those eyes. The f**k, I saw him again. That guy who bumped me in the airport. Geez, what is he doing here?! "New classmates, welcome to the class! And before anything else you need to pass the initiation." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay ngumisi na naman siya. Bwiset, mapapatay ko talaga ang lalaking 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD