Chapter 3:

1954 Words
Kelly "New classmates, welcome to the class! And before anything else you need to pass the initiation." Tapos ngumisi siya. Nagkunwari akong walang pakealam, sabagay wala naman talaga akong pakealam sa sinasabi niya. "Bakit, may frat ba dito? Sorry I'm not dumb to join your stupid organization" pilit akong ngumiti sa kanila bago umirap. Nakakairita na kasi eh. Tumingin ako sa teacher namin na para bang walang naririnig, "Saan po kami uupo?" mukha namang natauhan siya at ngumiti samin. "Doon sa vacant se—" "Malamang sa bangkuan, saan niyo pa ba gustong umupo?" pilosopong sabi samin ng isang hindi ko kilalang lalaki. "Hoy Kuya, wag ka ngang bastos! Hindi naman ikaw yung kinakausap, sabat ka nang sabat" sigaw naman sa kanya ng isang babae. Napatingin ako doon sa babae, ngumiti siya sakin at ngumiti rin naman ako sa kanya. Pinaupo na kami ni Ma'am sa designated seats namim. Nagdiscuss naman agad si Ma'am pero hindi pa man nagtatagal ay may tumawag na estudyante sa kanya na kaylangan daw siya sa gym. Nagpaalam si Ma'am samin at agad umalis ng classroom. Nagsimula na ring mag ingay ang buong klase habang kami ni Luri tahimik lang na magkatabi. "Let's start the real party!" sigaw ng isang lalaki. "1" "2" Bakit may countdown? "3!" /Splash/ Biglang bumuhos samin ang malamig at may kulay na tubig. Nagsimulang magtawanan ang ilan sa mga hayop naming kaklase. Napatingin ako kay Luri na kanina pa nagbabasa ng libro at ngayon ay basang basa na rin maging ang librong hawak niya basa na rin. Mga bwiset! "Haha, bwiset talaga. Lagi nalang tayong late pero lagi tayong maagang umaalis ng bahay" natahimik silang lahat nang may lalaki—dalawang lalaking pumasok sa loob ng klase. "s**t, what the f**k did you do?!" sigaw noong isang lalaki, halata mong galit siya. "Papatayin ko kayo kapag hindi niyo sinabi samin kung sinong may gawa nito!" pamilyar ang boses niya. Kilala ko na kung sino siya. So we're in the same class, huh? Agad silang lumapit samin at tiningnan ang kalagayan ni Luri. Lahat ng mga hayop naming kaklase, napatigil at hindi agad nakapagsalita. "A-Ate, anong nangyari sayo? B-Bakit ganyan ang itsura mo?" tiningnan ko si Andrei na nakatingin sakin at halatang hinihintay ang isasagot ko. Ngumisi ako bagao magsalita. "Why asking me? Ask your classmates instead" napatingin si Andrei sa buong klase. "Who did this to my sister?! Spill it out!" galit na sigaw niya sa mga kaklase namin. Alexa Galit na galit na sumigaw si Andrei sa buong klase. Hinahanap kung sinong mastermind kung bakit nangyari iyon sa kapatid niya. If you think that my brother did this, you're wrong. My brother won't do this cheap bully thing. Ibig sabihin iba ang may gawa. By the way, I'm Alexa Kang and the one who's start with the initiation thingy is my older brother. We have 1 year old gap pero ipinasok kami ng sabay sa school kaya ito we're in the same class. Hindi ako mangengealam sa ginagawa nila ngayon. Kahit may magpatayan sa harapan ko, wala akong gagawin dito, manunuod lang. Why should I bother myself with someone else's problem? Wala naman akong mapapala hindi ba? Mabilis naman akong kausap eh. Don't interfere with my life and I won't interfere to yours. Kilala ako sa school dahil kapatid ako ng isa sa mga Princes. About them, later you will know. Kilala rin ako bilang heartless, yung tipong titig ko palang mamamatay ka na sa takot. I've shown no mercy to anyone though I'm a freaking girl. Well, gender is not a problem tho. I'm a short-tempered at hindi rin ako pala kaibigan, kaya nga si Danica lang ang lagi kong sinasamahan dahil at least siya naiintindihan niya ang ugali ko. We know each other since grade school. Muli kong tiningnan si Andrei at Zander na kasalukuyang nakatingin kay Kuya. "Believe me; I had nothing to do with this." See? Si Kuya ang tipo ng tao na kapag siya talaga ang gumawa, aaminin niya. "Kung hindi si Rence, tangina sino?!" nagsisimula na ring mainis si Zander dahil hanggang ngayon walang nagsasabi kung sinong mastermind. Well, kilala ko naman, ayoko lang mangealam. Katulad ng sinabi ko sa intro ko, that's not my style. "Kapag hindi niyo sinabi samin, lahat kayo mananagot" galit na galit na talaga sila. Sabagay, kapatid nila yung involve eh. Kahit naman si Kuya at Lexter ganyan din kapag kami ni Danica ang binubully. Dito sa school na 'to, marami talagang bully porke't alam nilang maiimpluwensya ang mga magulang nila. Tumingin ang lahat sa isang lalaking wala namang kamuwang muwang sa nangyayari. Kaawang nerd, mabubully na naman nang wala sa oras. Tumayo iyong kapatid ni Zander, "Wag na, wala na rin namang mangyayari. Hindi na rin malilinis ang damit namin. Kapag gumanti ka, pinatunayan mo lang na mahina ka. Isa pa, do you really think that he can do this? Don't make a certain move if you're not sure if he really is the mastermind." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad na siyang lumabas ng classroom. Napakalamig niyang magsalita. Halata naman sa kanya, tingin palang niya lalamigin ka na. Huminga nang malalim ang kapatid ni Andrei bago din magsalita. "Kapag pinatulan mo sila, papatunayan mo lang na kasing level ka nila. Andrei, you're my brother, my twin brother. Wag mong sabihing, bababa ka sa lebel nila?" ngumiti ito at tinapik sa balikat si Andrei bago umalis. Pinanood kong lumapit si Zander at Andrei doon sa nerd, "Hoy nerdy, naganti ka ba? At ang lakas ng loob mong bully-hin ang mga kapatid namin." Kwinelyuhan ni Zander iyong nerd na pinagbibintangan nila. "Pasalamat ka masunurin kaming kapatid, kasi kung hindi kanina ka pa siguro bugbog sarado" napansin ko ang panginginig ng tuhod noong nerd. "Alam niyo, tama ang sinabi ng mga kapatid niyo. Bakit hindi kayo maniwala sa kanila? Obvious naman na hindi siya ang ay kasalanan pero siya yung pinagdidiinan niyo?" napailing ako. I don't want to involve myself pero masyado na sila, nakakaawa yung tao. Binitiwan nila si nerd, "What do you mean?" tiningnan ko si Danica, bago umiling. "I don't mean anything. Gamitin niyo ang utak niyo para malaman niyo kung sinong pwedeng gumawa nito bukod sa inyo" pagkatapos noon ay hindi ulit ako nagsalita pa at lumabas na ng classroom, sumunod naman agad sakin si Danica. Masyado na akong maraming nasabi. Kelly Grr! Buti nalang talaga at naisipan kong magdala ng extra uniform kung hindi baka umuwi na ako ngayon. Agad akong nagtungo sa locker room ng mga babae para naman makapagpalit na ako agad. Hindi ko na rin nakita pa si Luri, malamang nagpapalit na rin siya ng uniform niya. So this is the initiation thing that they're talking about, huh? Akala nila, kapag ako gumanti humanda talaga sila sakin. Oo, alam kong sinabi ko sa kapatid ko na wag nang pumatol dahil wala naman kasing alam iyong pinagbibintanggan nila. Baka iyong lalaking mayabang pa, pwede tapos itatanggi niya na siya ang may kasalanan ng lahat ng ito? Kapal. Lumabas na ako nang locker room pagkatapos kong magbihis, "So, ikaw pala ang kapatid ni Andrei?" napatingin ako sa lalaking nakasandal sa pader habang nakalagay ang dalawang kamay niya sa bulsa ng school pants niya. "Pakealam mo?" kapag talaga nakikita ko ang pagmumukha niya naiinis nalang ako bigla. Ang sarap bangasan oh. "Tama pala talaga ang sinabi ni Andrei, suplada talaga ang kapatid niya." Aalis na sana ako at hindi na siya papansinin pa nang magtawa nalang siya bigla. Naramdaman kong lumapit siya sakin kaya itinulak ko siya papalayo. "Ano bang problema mo?!" inirapan ko siya. "Maganda ka pala?" napakunot ang noo ko nang sabihin niya iyon. Hindi ko alam kung nang aasar ba siya o totoo ang sinasabi niya. Tiningnan ko siya, "Say whatever you want to say, I don't freaking care" akmang aalis na ako pero bigla niyang hinila ang braso ako at— The f**k! He kissed me! This freaking bastard stole my first kiss! Itinulak ko siya papalayo at dahan dahang pinunasan ang labi ko. "Para saan iyon?!" naiinis na tanong ko sa kanya habang patuloy kong pinupunasan ang labi ko. Ngumiti siya, "Hindi ba't aalis ka na? Goodbye kiss, lucky charm mo na din baka mapahamak ka na naman eh" naiinis na talaga ako sa kanya. "Mapahamak?! Eh ikaw nga yung malas sa buhay ko eh! Ikaw yung gumagawa ng ikapapahamak ko!" hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinigawan na siya. Nawala ang ngiti niya sa sinabi ko, "Tch, how many times do I need to tell you that it's not me. Hindi ako ang gumawa ng ganoong ka-cheap na pambubully sa inyo. About the initiation thing, it was only a joke." Pagpapaliwanang niya. Bakit ako maniniwala sa kanya? Tiningnan ko siya, "Wala akong pakealam. I don't need any explanation from you, anyway" nagkibit balikat nalang ako bago nagmadaling umalis doon. Baka mag-goodbye kiss na naman ang gagong 'yon. Habang naglalakad ako pabalik ng classroom hindi ko mapagilang hindi madistract dahil sa pinag uusapan ng mga babaeng nakakasalubong ko. Hindi ako ang pinag uusapan nila pero kasi.. "Talaga? Ganon siya kagaling? Wow, parang gusto ko ring maging girlfriend ni Bryle kahit isang araw lang" Napatigil ako sa paglalakad ko at nakinig pa sa kanila. Ano daw, Bryle?! "Nako, ang swerte ng seseryosohing babae ni Bryle pero wag nalang pala siyang magseryoso. Okay na ako sa papalit palit siya ng girlfriend at least kahit isang araw lang nararanasan nating maging girlfriend niya. Kahapon nga hinalikan niya ako. Kinikilig pa rin ako" Sinong Bryle ba ang pinag uusapan nilang dalawa? Baka naman yung ex ko? Tss, nonsense, "Yea, isa pa sino bang seseryosihin ng isang Bryle Martin? Kakasulpot palang niya ang dami na agad niyang naging girlfriend. I'll bet, he wouldn't have any serious relationship" tumingin ako sa kanilang dalawa pero papaalis na sila. Bryle Martin daw?! The f**k, so they're really referring to my ex-boyfriend huh? Hindi na ako magtataka, talaga namang fuckboy ang gagong 'yon pero yung araw-araw may iba siyang girlfriend parang h-hindi naman. Huminga ako nang malalim bago muling maglakad at dumiretso sa classroom namin. Pagdating ko doon, wala pa rin si Luri. Saan naman kaya siya nagpunta? Hindi kaya umuwi na siya? "Hey," nagulat ako nang may dalawang babaeng lumapit sakin. Yung isa wagas makangiti, yung isa naman parang wala lang sa kanya. "You're Kelly Hyo, right? The twin sister of Andrei." Nakatingin lang ako sa kanya. Siya naman hanggang ngayon nakangiti pa rin. "Oh, sorry. My name is Danica Lim and this is Alexa Kang. Don't worry, we're not like them. We're here to be friends with you" tinaasan ko siya ng isang kilay pero nakangiti pa rin siya kaya naman matipid na rin akong ngumiti sa kanya. "Yes, it's me" sagot ko doon sa unang tanong niya. Bigla kasing gumaan ang pakiramdam ko sa kanila. "Wow! Hi, long time no see. Hindi rin tayo nagkita for almost 9 years" Okay, natatandaan ko na sila. Sila iyong mga kalaro ko rin noong bata ako, kasama rin namin si Luri. "Teka, nasan yung isa mo pang kasama? Yung kapatid ni Zander?" Tanong ulit ni Danica. Medyo madaldal siya 'no? "Si Luri? Hindi ko rin alam. Hindi ko na ulit siya nakita matapos yung nangyari kanina." Tumango naman sila sa sinabi ko. Itong kasama niya mukhang walang balak magsalita pero nakakatakot yung mga mata niya. "Oy Rence, saan ka galing? Tsaka bakit ka nakangiting wagas diyan?" napatingin agad ako sa kanya at nang makita ko ang pagmumukha niya nagsimula na namang kumulo ang dugo ko. The guy I really hate the most. He noticed that I'm staring at him, so he looked at me. And when our eyes met, he smiles and f**k, he winked at me. He's really getting on my nerves.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD