Alexa
"Rence, kaylangan ka namin dito sa living room. Please come here immediately." I heard my Mom's voice, calling my brother's name. Ako? Nasa kwarto lang ako dahil wala ako sa wisyong lumabas ng kwarto ko.
Nakakainis kasi 'tong Zander na 'to. Ang aga agang manira ng mood. Nakakabanas talaga silang magkakaibigan. Badtrip talaga ako at katulad nga nang sinabi ko noon, mabilis akong mainis at mabwisit. Kahit maliit na bagay lang iyan basta't ayoko, kinaiinisan ko agad. Kilala ako sa school bilang 'Heartless' sa hindi malamang dahilan. Siguro'y dahil na rin sa mga mata kong walang buhay.
Meron na rin akong napakitaan ng pagkaiyamot ko sa buhay. Sabi nila para daw akong walang puso kapag nagagalit. Want to hear my story? Well..
Dati kasi, noong second year palang kami ni Kuya. Transferee ako noon kaya walang kaalam alam ang lahat na kapatid ko si Rence Kang. Nakakapagtaka nga, dahil bago ako mapadpad sa Sky High ang laging kwento ni Kuya noon lagi siyang nabubully pero nang makatungtong naman ako sa SHA ibang iba ang naabutan ko. Nagulat ako dahil kung ituring sila ng iba ay Prinsipe.
Sabi ni Kuya, mga bandang first year daw siya malimit bully-hin dahil nga transferee at bago lang rin siya doon unlike ng ibang estudyante na doon na talaga nag aaral. Pero nang makatungtong sila ng second year doon daw nagbago ang lahat. Kalagitnaan na rin kasi ng taon nang mapunta ako sa eskwelahang iyon.
Dahil transferee ako, nobody ako sa kanila. Wala silang pakealam sakin at mas lalong wala akong pakealam sa kanila. Isang babae yung hindi ko kilala pero tinalapid ako. Nang mahalikan ko ang sahig, doon sila nagsimulang magtawanan. Tanginang buhay.
"Ilan ang nahuli mong isda? Hahaha! Pathetic, b***h!"
At katulad ng paulit ulit kong sinasabi, mabilis akong mainis kahit sa maliliit na bagay. Ayokong pinagkakatuwaan ako.
"Wala akong nahuling isda pero may nakita akong palaka."
Tumayo ako at pinagpagan ang sarili ko. Nakatalikod na sila sakin kanina pero dahil sa sinabi ko ay muli nila akong tinitigan. Halatang gulat na gulat sila sa sinabi ko. Tinaasan ko sila ng isang kilay bago irapan at talikuran.
Akala ko tapos na iyon don pero sadyang hindi marunong tumanggap ng pagkatalo ang mga tao at ayaw na sila ang napapahiya.
"Hoy! Sino ka ba sa akala mo ha?! Kung makaasta ka akala mo kung sino ka eh baguhan ka lang naman dito. Hoy, newbie kung gusto mong tumagal dito, umayos ka at wag kang mag asal prinsesa."
Punung-puno na siguro ako noong mga panahong iyon kaya tiningnan ko sila ng masama at hindi na napigilan ang sarili ko.
"Ako? Ako si Alexa Kang. Oo, bago lang ako dito pero hindi ibig sabihin 'non na babastusin niyo na ako at ipapahiya para lang may mapagtawanan kayo. Baguhan ako dito pero hindi ako tanga. Bakit kaya hindi kayo tumingin sa salamin para may mapagkatuwaan naman kayo? Mukha niyo palang sapat na para ma-laughtrip ang lahat ng estudyante dito. Pinahiya niyo ako kaya bakit ko hahayaang ako lang ang mapahiya?" nginisian ko sila noon. Hindi ko makakalimutan ang mga reaksyon nila nang magtama ang mga mata namin.
"Hindi ako prinsesa, estudyante ako dito at kayo hindi kayo ang may ari ng school o teacher dito para pagalitan ako o sitahin. My mother never yelled at me so how dare you. Be thankful, dahil kahit papaano kalmado pa ako sa lagay kong 'to kung hindi baka kinalbo na kita sa kinatatayuan mo."
Napailing ako, wala lang trip ko lang ikwento. Wala lang siguro akong magawa ngayon. Nakakabored naman.
Siguro ganoon lang ako kapag nagagalit, nawawalan ng kontrol at gagawin kung anong gusto kong gawin. Wala akong pakealam kung may nasasaktan na ako sa mga aksyong ginagawa ko. Sila naman ang nauna.
Sabi ni Papa, dapat daw kontrolin ko ang emosyon ko dahil baka hindi ko namamalayan may nasasaktan na daw akong tao. Ano bang magagawa ko eh sa ganito ako?
Sabi rin naman ng iba, namana ko daw 'to sa kanya kaya dapat naiintindihan niyang hindi ko kayang magpigil. Hindi ko kayang kontrolin 'to.
Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto sa kabilang kwarto, malamang si Kuya iyon. Hindi pa rin kami nag uusap na dalawa. Matigas ang mukha niya, pwes ako rin. Patigasan kaming dalawa.
Nasira ang pag iisip ko ng kung ano-anong bagay nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Who's there?" Naalala ko may pagkapilosopo nga pala ang kapatid ko.
"Rence." napangisi ako. Sige, gagatungan natin ang ka-kornihan niya.
"Rence, who?" nagpigil ako ng tumawa. Kahit ganito kaming magkapatid kapag natipuhan naming pagtripan ang isa't isa makakalimutan naming magkaaway kaming dalawa. Sa harapan lang talaga ni Kuya kaya kong tumawa.
"Look up~ Look up! Rence, Rence, Rence~! Hahaha—" Bigla niyang pinigilan yung pagtawa niya. Matatawa na sana ako kaya lang narealize kong ang korny niya.
"Tama na nga 'yan. Ang korny na kasi Kuya. Baka mamaya barilin ka pa ng kapit bahay natin" tumawa ako ng kaunti.
"Sige na, bukas 'yan." pagkasabi noon ay agad niyang binuksan ang pintuan ng kwarto ko.
"Aalis ang parents natin. Hindi ka man lang ba magpapalam?" tiningnan ko lang siya. Hindi na ako nagsalita pa. Sus, kakausapin din pala ako ng lokong 'to.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa kama ko at pinuntahan kung nasaan man sila Mommy. Nakita ko silang dalawa sa kwarto na nag iimpake. "Are you leaving?" tumigil sila sa pag iimpake at tumingin sakin.
"Yes, baby. Biglaan nga eh. One week din kaming mawawala." sabi naman ni Mommy.
Lumapit ako sa kanila at parehas silang hinalikan sa pisngi bago magpaalam. Hindi naman daw nila kaylangang ihatid pa sa airport kaya bumalik nalang ako sa kwarto ko.
Pagpasok ko sa kwarto ko nakita ko si Kuya na nakahiga sa kama ko. "What are you still doing here?" tinaasan ko siya ng isang kilay. Hindi naman sa ayokong naandito siya pero may kaylangan pa ba siya?
"Nothing, I miss messing around with you." Tumingin siya sakin bago ngumisi.
"So, what's your business with me?" umupo ako sa may dulo ng kama ko at tiningnan ulit siya. Bumangon siya sa pagkakahiga at tumingin din sakin.
"Look Alexa, I know there's something wrong between us especially when we're in school but don't forget that you're still my sister and I'm your brother." tinaasan ko ulit siya ng isang kilay. Huminga siya ng malalim bago tumayo at lumapit sakin.
"Let's go on a date. I mean, a sister-brother's date like what we've used to do before." tiningnan ko si Kuya. Sa totoo lang namimiss ko na nga rin yung mga ginagawa namin dati.
"Sige, pero bago ang lahat lumabas ka muna ng kwarto ko dahil maliligo pa ako. Ikaw rin, dahil ang baho mo!" pang aasar ko sa kanya kahit alam ko namang bagong paligo siya. Amoy ko pa nga yung shower gel niya.
"Hoy, ang kapal ng mukha mo. Kahit dito ka pa tumira sa kili-kili ko mabubuhay ka diyan. Ang bango ko kaya." nagtawanan kaming dalawa. "Oh siya, sa living room nalang kita hihintayin." tumango ako bago siya umalis at lumabas ng kwarto ko.
Nang matapos akong maligo at magbihis lumabas na ako ng kwarto. Nagsuklay lang ako at kaunting polbo. Hindi na kaylangang mag ayos ng sobra. Hindi naman ako kikay na babae.
Nakita ko si Kuya sa living room. Nakaupa sa sofa at nakasandal habang nakapikit ang dalawang mata at nakikinig ng music sa cellphone niya. Kinuhit ko siya. Tinaggal niya ang earphones sa tenga niya at tumingin sakin.
Tumayo na si Kuya, "So, let's go?" tumango ako.
Sabay kaming lumabas ni Kuya sa bahay at pumunta sa garahe para kunin yung isa pang naming kotse—kotse ni Kuya to be exact. Marunong na naman siyang magdrive pero wala pa siyang lisensya, student's license lang ang meron siya kaya maingat siya kung magdrive dahil baka mahuli siya.
"Saan ba tayo pupunta?" pinaandar niya na yung kotse. Tumingin siya sakin saglit bago magkibit balikat.
"Ewan ko rin. Saan mo ba gusto?" Lagi nalang siyang walang plano kapag nagyayaya siya.
"Mall nalang tayo, may bibilhin ako." Tutal wala naman siyang plano, magma-mall nalang kaming dalawa. May kaylangan rin akong bilhin don.
Pagkarating namin sa mall. Agad niyang pinark yung kotse niya sa parking lot at sabay kaming bumababa ng kotse niya.
Pagkapasok na pagkapasok namin ay agad kong hinanap ang botique kung saan ko nakita yung bibilhin ko.
Napatingin ako kay Kuya, halatang nabo-bored siya. Hindi rin kasi kami nag uusap na dalawa at alam kong ayaw niya sa ganitong lugar. Minsan napipilitan lang talaga siyang samahan akong pumunta dito.
"Kuya, pwede ka munang humiwalay sakin ngayon. Alam kong nabo-bored ka na rin. Puntahan mo na yung gusto mong puntahan." hindi man ako nakatingin sa kanya alam kong nagulat siya sa sinabi ko.
"Huh? Hindi kita pwedeng iwan ditong mag isa 'no." Sweet niya 'no? Oo ganyan siya madalas sakin. Masyadong overprotective na akala mo ginto akong nanakawin ng kung sino.
Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan siya. "Balikan mo nalang ako mamaya. Ite-text nalang kita mamaya o kaya ikaw yung magtext sakin."
Napakamot si Kuya sa batok niya, halatang nagdadalawang isip. "Sige na, alis na. Bye!" tinulak ko siya. Hindi kasi talaga 'yan aalis.
Nagsimula na akong maglakad papalayo.
Hindi naman ako mahilig magshopping sadyang may nakita lang akong isang damit na nagustuhan ko noong pumunta kami ni Mommy dito. Hindi ko ipinabili iyon dahil baka mag overreact si Mommy. Sasabihin 'non 'nagdadalaga na ang anak ko!'
Nilingon ko si Kuya. Nagkibit balikat siya at nagsimula na ring umalis at maglakad papalayo. Napangiti ako at nagpatuloy na lang rin sa paglalakad.
Nakarating ako sa botique na kanina ko pa hinahanap. Nakita ko doon ang damit na nagustuhan ko. Mukhang nag iisa nalang ito.
Kukunin ko na dapat ito nang may makita akong isa pang kamay na nakahawak sa laylayan ng damit.
Tiningnan ko siya at tumingin din naman siya sakin. Yung mga tingin na ibinibigay niya sakin akala mo nagnakaw ako ng sobrang halagang bagay sa kanya.
"I saw it first kaya ako ang bibili nito. So please Miss, alisin mo na yang kamay mo dito sa damit at baka madumihan pa." napataas ang noo ko sa sinabi niya.
Dahil sa naiinis ako sa bunganga niya at maging sa kanya hindi ko binitawan iyong damit. Ako ang unang nakakita kaya bakit ko bibitawan?
Nginisian ko siya bago kunin yung damit. Tinalikuran ko na siya at babayaran na sana yung damit nang hilahin niya ako papaharap sa kanya.
Tiningnan ko siyang mabuti. Sa uniform na suot niya masasabi kong taga Celestian College siya. "Ang sabi ko ako ang unang nakakita sa damit na 'yan kaya ako ang bibili. Bingi ka ba? O sadyang hindi ka lang makaintindi ng english?" Napangisi ako sa sinabi niya. English? Nasaan ang english sa sinabi niya? Sinasayang niya ang oras ko.
Inirapan ko siya at tumawag ng saleslady, "Miss, I'll buy this." Tumango naman yung saleslady at papunta na sana sa cashier kaya lang yung bruhang hilaw hindi matahimik at hindi marunong manahimik.
"Hoy, tumigil ka diyan!" Ang ingay niya, nakakabanas na talaga.
"Ikaw, ang sabi ko sayo akin yung damit na 'yon." dinuro-duro niya pa ako. Hindi ba siya nahihiya sa ginagawa niya? Kapal naman.
Tiningnan niya yung damit bago kunin. "Ako ang bibili nito."
Inirapan ko siya. Ayokong pumatol sa kanya, kasi ang liit na bagay ginagawa niyang big deal. Inis na inis na ako dito pero ayokong ibaba ang lebel ko sa lebel niya.
"P-Po?! Pero siya po yung nauna."
"Nabayaran na ba? Hindi pa naman hindi ba? I'll double the price if you want." Ang babaw naman. Bakit ba halos lahat ng tao ang babaw ngayon.
"Pero Ma'am, may sinusunod po kasi kaming policy. First come, first serve." Tahimik lang ako dito at pinapanuod sila.
"Argh! Akala niyo, isusumbong ko kayo sa boyfriend ko." Opps, muntikan na akong matawa sa sinabi niya. Seriously, ganito ba siya kadesperada?
"Hon! Honey! May nang aaway sakin dito!" Mukhang nagbago na ang isip ko. Parang mas gusto kong bumili nalang ng popcorn kaysa damit.
"Bakit, honey?" May dumating na isang lalaki. Grabe, ito ba ang pinagmamalaki niya? Eh puro tabs 'to eh.
"Them! They are fighting. They is away away me!" Wtf! Ano daw? Language ba 'yon? Saang planeta siya galing? Nano-nosebleed ako sa salita niya.
Tiningnan kami ng boyfriend niya, "Kayo? Anong ginagawa niyo sa girlfriend ko?!" Jusko, please take me away. Ayoko na ng ganitong eksena. Puro kadramahan at ka-kornihan. Tanginang life!
"Ano, sumagot kayo!" sumasakit ang ulo ko. Bakit ba lumaki ng ganito ang isang maliit na bagay. Hay nako.
"Kasalanan ba namin kung isip bata yang kasama mo at pati damit kaylangang gawing big deal?" tinaasan ko siya ng isang kilay. Napupuno na talaga ako.
"Anong sinabi mo?! Hoy babae! Napatol ako kahit ano ka pa. Wala akong inuurungan." Wala na bang matinong lalaki sa henerasyon natin? Lahat ba sila kinain na ng lupa?
"Talagang sinusubukan mo ako ha" akmang susuntukin niya ako nang may humarang sa pagitan namin at pigilan siya. Ano bang akala nila? Nasa isang pelikula kami?
"Ginawa ang mga babae para mahalin at irespeto. Hindi para saktan at gawing punching bag." Sabi nitong lalaking nasa pagitan namin.
Napapikit nalang ako ng mata ko, inaantok na ako. "Pero bro kung talagang naghahanap ka ng gulo, pagbibigyan kita." Nang dahil sa damit magkakaroon pa ata dito ng Pinoy Pride.
Huminga ng malalim yung isang lalaki bago tingnan yung girlfriend niya. "Ikaw talaga, lagi mo nalang akong binibigyan ng problema." tumingin siya samin bago ngumiti. "Pasensya na kayo ha, may pagkaisip bata talaga 'to eh." pagkatapos 'non ay umalis na silang dalawa.
Tiningnan ko yung lalaking nagtanggol sakin bago iwasan at bayaran yung damit. Wala na akong ganang bilhin 'to pero dahil naandito nalang rin naman ako bibilhin ko pa rin.
"Usong magthank you." Nasa likuran ko pa pala siya? Akala ko umalis na siya.
"Hindi ko hiniling na ipagtanggol mo ako pero since nagmala-superhero ka kanina doon sige pasasalamatan na kita. Thank you." Hindi sincere ang pagpapasalamat ko sa kanya. Hindi ko naman kasi talaga hiniling na tulungan niya ako.
Lumabas na ako ng botique at itetext na sana si Kuya kaya lang hindi pa rin ako tinatantanan ng lalaking 'to. "Stop following me, stranger." Nilingon ko siya at nakita kong nakangiti siya sakin.
"Hahaha, totoo nga may pagkamataray ka. Gusto ko lang makipagkaibigan. Cristoff Park nga pala." Inilahad niya ang kamay niya para makipagshake hands pero hindi ko iyon tinanggap.
"I don't care kung sino ka man." inirapan ko siya at tinalikuran sabay lakad papalayo sa kanya.
"Okay, nice to meet you Alexa!" Wait, what? How did he know my name?
Nilingon ko siya pero naglalakad na rin siya papalayo. May sa-maligno ba siya?
Kinuha ko na lang ang cellphone ko at tinext si Kuya. Ilang minuto lang naman ang hinitay ko at nagkita na rin naman kami. Pagkatapos 'non ay kumain kaming dalawa sa isang restaurant.
/The next day/
Magsisimula na ang first class namin pero wala pa rin si Luri at yung kapatid niyang malakas ang saltik at maluwag ang turnilyo sa ulo. Absent kaya sila? Bakit kaya?
"Kelly, absent ba si Luri?" kalabit ni Danica kay Kelly. Nagkibit balikat si Kelly, "Siguro."
"Bakit naman kaya?" halatang nag aalalang tanong ni Danica.
"Sa pagkakakilala ko kay Zander at kay Luri, hindi sila aabsent nang walang dahilan." napatingin silang dalawa sakin. Ano na namang nasabi kong masama?
"Uyyy, miss mo na si Zander 'no? Dinamay mo pa ang pangalan ni Luri. Hahaha" tiningnan ko sila ng masama. Bakit naman nila ako aasarin sa gagong 'yon.
"Just shut up!" tumawa silang dalawa. Sige, pagtulungan daw ba ako.
"Okay seniors, may bago kayong kaklase ngayon." natahimik ang lahat. Pumasok iyong sinasabi ni Ma'am na bago naming kaklase.
Nilingon ko yung bangkuan ni Zander. Wala naman akong pakealam doon sa bago naming kaklase.
"Ano ba 'yan. Bakit ko na tinitingnan ang bakanteng upuan ni Zander? Hindi kaya namimiss—Hindi, dahil ito kay Luri. Tama, nag aalala ako kay Luri."
Narinig ko ang sigawan ng mga kaklase ko na 'cute' at 'gwapo'.
"Hello, I'm Cristoff Park. I'll be your new classmate. Sana magkasundo tayo." napalingon ako doon sa lalaking transferee at laking gulat ko nang magtama ang paningin naming dalawa. Anong ginagawa niya dito?!
Napatayo ako sa gulat, "Teka, ikaw yung lalaki kahapon. Yung lalaking alam ang pangalan ko!" napatingin siya sakin bago ngumiti.
"Hey, we see each other again." malapad siyang ngumiti sakin.
Napatingin ako sa paligid ko ng marealize kong nasa kalagitnaan nga pala kami ng introduction niya. Nakatingin sakin ang lahat maging ang teacher namin. Agh! Ano bang nangyayari sakin at ganito ako?