Danica
Ohh, so may bago kaming kaklase. Kaawang transferee naman. Mabubully rin siya mamaya. Well, gwapo siya, oo pero hindi iyon sapat na rason para hindi siya mabully ng mga estudyante dito. Himala kapag hindi pero malay pa rin natin dahil nga gwapo siya magkaroon din siya ng mga fans at makaligtas sa pambubully ng ibang estudyante.
"Mr. Cristoff Park is originally from Korea but he can speak Tagalog fluently." ngumiti si Ma'am samin bago tingnan yung transferee. "So Mr. Park you can sit beside Miss Kelly Hyo." pinataas ni Ma'am ng kamay si Kelly para makilala siya nitong transferee.
Ay, malayong mabully dahil katabi siya ni Kelly. Maghintay tayo ng break time baka sakaling may mangyayaring bully-han event. Haha napakamaldita ko talaga. Sorry na.
"Miss Lim, can you go to the laboratory and get the measuring cups? I forgot to bring it." Holy cow! First period nga pala namin ngayon ang Science. Err, ayoko pa naman nito. Nababagot ako.
Tumayo ako at sinunod ang inuutos ni Ma'am. Bakit, do I have a choice? Para namang kapag umangal ako hindi na niya ako uutusan.
Pagkalabas ko ng classroom naglakad na ako papuntang Science laboratory. Okay lang, malapit lang naman 'yon dito.
"Na eureureong eureureong eureureong dae. Na eureureong eureureong eureureong dae. Na eureureong eureureong eureureong dae. Neo mulleoseoji anheumyeon dachyeodo molla~"
Habang naglalakad ako, hindi ko mapigilang hindi mapakanta. Dahil may lahi akong Korean marunong akong magsalita nito. Isa pa, medyo kpop fan rin ako.
Malapit na ako sa laboratory nang may makita akong isang lalaki. Kasing edaran siya nila Mommy at mukha rin siyang pamilyar. Hindi ko na sana siya papansinin ng mamukhaan ko siya.
"Tito?"
Tumingin siya sakin. Akala ko nagkakamali ako pero hindi. It's him, it's really him.
"Danica? Is that you? Wow, ang laki mo na ah. Kumusta?" Lumapit sakin si Tito. Malapad akong nakangiti sa kanya.
"Okay naman po. Kayo po? Kaylan pa po kayo dumating? Tsaka ano pong ginagawa niyo dito?" Ngumiti si Tito sakin. Ang tagal na panahon rin since huli namin siyang nakita. Naglagi na kasi silang dalawa ni Tita April sa Korea.
"Well, sinamahan ko yung anak ko. Dito ko na rin kasi siya pinapasok. Hindi pa niya masyadong gamay ang Pilipinas kaya kaylangan pang samahan." Pagpapaliwanag ni Tito. Naandito ang anak niya? Wow. Sino?
"Ano pong pangalan ng anak niyo?" Baka naman si Mr. Transferee kanina? Omygod!
"Oo nga, kaibiganin niyo yung anak ko. Si Cristoff." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Kapag kasi umuuwi dito sa Pilipinas si Tito minsan siya lang mag isa. Ni minsan hindi ko nakita o nakilala ang anak niya.
"C-Cristoff?" Yung transferee nga? I can't believe it!
"Oo, wag kayong mag alala malamang na kilala na kayo 'non. Naikwento ko na kasi kayo sa kanya. Oh siya sige, una na ako. Dadalawin ko rin kasi ang mga magulang niyo." Tumango ako at nagpaalam na kay Tito Tristan.
Ang gwapo talaga ni Tito Tristan. Hindi pa rin ako makapaniwala sa kwento nila Mama na bakla iyon dati. Well, hindi siya kapatid nila Mama. Magkakaibigan lang talaga sila ever since.
"Kung si Cristoff ang anak ni Tito Tristan, kaylangan itong malaman ng iba." tatakbo na sana ako pabalik ng room nang may maalala ako.
"Saan ba ako pupunta? May iniuutos nga pala sakin si Ma'am." Ano ba 'yan, nababaliw na ata ako.
Pagbalik ko sa classroom agad kong inilagay sa ibabaw ng lamesa iyong isang set ng measuring cups. Umupo na ako sa bangkuan ko at tiningnan si Cristoff.
Hindi pa rin magsink in sa utak ko na siya talaga ang anak ni Tito Tristan. Kaya pala gwapo rin, nagmana sa tatay niya.
Wait, hindi kalandian ang pinapairal ko dito. I mean, gusto ko rin kasing maging kaibigan si Cristoff. Gusto kong matulad kila Mommy at Tito Tristan ang friendship na pwedeng mabuo samin. Wala nga akong alam sa love love na iyan eh pero oo may crush ako, gusto niyong malaman? Si Andrei.
Hoy! Wag kayong maingay okay? Crush lang naman. Hinahangaan ko lang siya. Iba pa rin iyon sa love, clueless ako kapag usapag love na.
Patuloy lang sa pagsasalita si Ma'am samantalang ako tulala. Lumilipad kasi yung utak ko. Omygod! Baka naman may super powers ako kaya napapalipad ko yung utak ko. Haha joke! Alam ko naman imposible iyon. Pwede pa sana kung 'fantasy' ang genre ng story na 'to, kaya lang hindi.
"Okay class, goodbye." Hindi ko namalayan na time na pala. Sa wakas!
"Wala daw yung next teacher natin!" Buti naman, nakakatamad nang makinig at umupo dito. Isa pa gusto ko na ring ipagkalat sa kanila ang nabalitaan ko.
Tumayo ako at lumapit kay Cristoff, mag iinterview lang.
"Hi! Cristoff, right?" napatingin siya sakin at ngumiti. Para talaga siyang si Tito Tristan. Omygod! Hindi na ako magtataka, siya nga talaga ang anak.
"Yes."
"I heard na Park ang surname mo. I just want to ask, anong relasyon mo kay Tristan Park?" Oo, alam ko na pero gusto kong marinig iyon mula sa kanya.
"He's my father." nakita ko ang paglingon ni Kelly samin at nanlalaki ang mata sa gulat.
Nginitian ko si Cristoff, "Well, alam ko na naman kanina pa. Nakita ko si Tito Tristan kanina and he told me everything about you." tumango tango lang si Cristoff habang nakangiti.
Muli akong napatingin kay Kelly na hanggang ngayon ay halatang hindi makapaniwala. Nakakatawa ang reaksyon niya. Priceless!
"What are you talking about, Danica? You mean this guy is Tito Tristan's son? Seriously?!" Parehas kaming tumawa ni Cristoff dahil sa ipinapakitang reaksyon ni Kelly.
"Yes!" sabay pa naming sagot sa kanya.
"Oh, kaya pala parang kilala kita kahit na ngayon palang kita nakita at nakilala." nagkibit balikat si Kelly pero ngumiti rin naman agad samin. Oh, minsan lang 'yan ngumiti. Suplada kasi 'yan remember?
Nakikipag usap na ngayon si Kelly kay Cristoff pero parang kanina lang wala siyang pakealam dito ah. Sabagay, hindi talaga mahilig makipagkwentuhan si Kelly sa hindi niya kilala. Suplada goal. Haha.
Tinawag ko si Alexa pero parang ayaw niya at parang may iniiwasan siya. Pinilit ko siyang lumapit samin kaya wala na siyang nagawa at lumapit rin. Sino bang kaaway nito?
"Alexa, sino bang kaaway mo saming tatlo?" Nakahalata rin siguro si Kelly dahil para talagang iwas na iwas si Alexa ngayon at ayaw kaming lapitan.
"Wala." simpleng sagot niya. Liar!
"Oh come on! Kilala kitang bruha ka. Alam kong meron." Matagal na rin kaming magkaibigan niyan. Alam ko kapag nagsisinungaling siya.
"Haha, siguro ako?" napatingin kaming lahat kay Cristoff? Bakit naman naging siya—Sabagay napasigaw nga si Alexa kanina nang makita siya eh.
"Bakit naman naging ikaw?" seryosong tanong ni Kelly.
"Siguro dahil sa nangyari kahapon?" Bakit ano bang nangyari kahapon? Nagkakilala na ba sila kahapon?
"Kasi kahapon nakita ko siyang mag isa. Siguro nang tawagin ko ang pangalan niya doon siya nagtaka. Hahaha" Napatingin ako kay Alexa. Nakakunot ang kanyang noo. Sus, masanay na tayo. Ganyang talaga siya palagi.
"Anong nakakatawa don? Sino ba namang hindi magugulat sa nangyari? That was our first time seeing each other and all of a sudden you already know my name. Wow! Creepy." inirapan niya si Cristoff. So, hindi niya pa pala alam na si Cristoff ang anak ni Tito Tristan?
To be honest, ang cute nilang tingnan. I smell something. Haha hearteu~ hearteu~
"Did I really scared you yesterday? Sorry, I didn't mean to scared you. Bago kasi ako makarating dito sa Pilipinas, kilala ko na kayo pati na sila Tita Andrea, Tita Sabrina, Tita Alexa at Tita Lucille same goes with your father and the eight of you. Sinabi at naikwento na kayo sakin ni Papa." I know right! Sinabi rin sakin ni Tito Tristan na naikwenta na niya kami sa anak niya.
Huminga ng malalim si Alexa bago tumango. "Fine. Just don't freak me out next time. You'll give me a heart attack." OA naman nitong si Alexa. Heart attack agad?
Ngumiti si Cristoff. Ang bait niya talaga tapos ang bait pa. Full package na! Hindi katulad ng iba diyan. Oo na, crush ko siya pagminsan pero hindi ko pa rin talaga mapigilang mainis sa kanya. Mas nangingibabaw ang pagkainis ko sa kanya. Hanggang crush lang talaga ang pwede, paglumagpas don ewan ko kung kayanin ko pa. Not with him.
"Yo, Ate. Please tell Mom and Dad that I will not eat dinner at home, okay?" Err, naandyan na siya. Kapag naandyan siya hindi ko alam kung crush ko ba talaga siya o kaaway. Nangingibabaw ang inis ko eh.
Aalis na sana siya nang mapansin niya sigurong nakatitig ako sa kanya. "Why are you staring at me?" tinaasan niya ako ng isang kilay niya.
Ang gwapo—Hindi, wag paganahin ang kalandian Danica. "Nothing. I just realize that you're like ahm..what do you even call that? Ugly?" Nginisian ko siya. Alam ko, crush ko siya pero mas gusto ko pa ring iniinis siya. Mas nasasatisfied ako.
"Papansin ka talaga 'no?" Yeah, alam mo naman ganon talaga ako.
"Me?" painosente kong tanong habang tinuturo ko ang sarili ko. "Oh come on! Nagsasabi lang ako ng katotohanan. Ngayon kung hindi mo iyon matanggap hindi ko na problema 'yon." sarkastiko kong sabi sa kanya.
Umiling nalang siya, "Stupid annoying brat." Aba, at ako pa talaga ngayon? Well, the most important thing is he get annoyed, of course by me. Evil smile.
"If I'am a stupid annoying brat then what are you, huh? A stubborn ugly spoiled brat?" Sarcasm alert!
"Masanay ka na. Araw-araw talaga silang ganyan. Wala atang oras na hindi sila nag aaway o nagtatalo. And by the way, that guy, he's Kelly's younger brother. That's Andrei." narinig ko ang boses ni Alexa sa likuran ko.
"Oh? Haha, balang araw mare-realize nalang nila na gusto na nila ang isa't isa." Dapat ba akong matuwa sa sinabi ni Cristoff. Kahit crush ko si Andrei, hindi ko pinapangarap na siya ang makatuluyan ko. Iba ang depinisyon ko ng crush.
"Is that even possible? I mean, Danica never fell in love." Sige lang Alexa, kapag ako nakaganti sayo. Naglalabasan ang angry veins ko dahil sa inyo.
"Yes, of course. Everyone fall in love..sa tamang panahon. Basta, just wait and see." Tiningnan ko yung dalawang taong nag uusap sa likuran ko. Nakita ko si Alexa at Cristoff na nag uusap. Wow, parang kanina lang parang nandidiri 'tong si Alexa kay Cristoff tapos ngayon close na sila? Grabe.
"Pwede ba, stop talking about me. Andrei and me? Huh! That will never gonna happen. I will never ever fall in love to that stubborn brat! N.E.V.E.R!" Sabi ko nga, iba ang depinisyon ko ng crush. Crush ko si Andrei dahil meron akong hinahangaan sa kanya. Ayon lang. No romantic feelings included.
Lumapit sakin si Cristoff at tinapik ang balikat ko. "We still don't know what will happen in the future. Just don't deny it when you've already realize it. I mean, it's really impossible not to fall in love Danica. Everybody can be loved and at the same time can feel love."
Lumabas na si Cristoff at iniwan akong tulala.
I can't believe it! Talaga bang gusto nilang mahulog yung loob ko sa walanghiyang kapatid ni Kelly? Oh no, hindi ko hahayaang mangyari iyon. Natatakot ako. Kumpara kasi sa kanila na masaya ang magmahal, iba ang konsepto ko dito. Iba ang konsepto at ideya ko ng pagmamahal. Ayokong masaktan.
Luri
Absent kami ni Kuya ngayon dahil pa rin sa nangyari kahapon. Hindi pa rin ako makapaniwala na magigising pa talaga si Tita. Ang hirap paniwalaan dahil sa tagal na panahon niyang tulog.
Iyon din ang unang pagkakataong nakita kong umiyak si Daddy. Masaya ako para kay Daddy dahil sa wakas nakita ko na siyang ngumiti. Katulad ko kasi malimit ko siyang makitang ngumiti. Masaya man siya, hindi mo makikitang nakangiti siya.
May mga doktor na naandito ngayon sa bahay para tingnan ang kondisyon ni Tita. Maging sila ay hindi makapaniwala sa nangyari.
Masaya ako na nagising si Tita, totoo iyon. Hiniling ko pa nga na sana mangyari iyon pero kahit anong pilit kong ngumiti ay hindi ko magawa. Gusto ko ring maiyak kanina katulad nila pero walang nalabas na luha sa mata ko. My heart is frozen, maybe that's the reason. Pinanganak akong malamig ang puso.
Nakaupo lang ako sa sofa nang maramdaman kong para bang may nakatingin sakin. Nilingon ko siya at nakita ko si Mommy. She's looking at me while wearing her usual smile. "What are you doing here?"
Umiling ako, ayoko lang ng masyadong maraming tao kaya lumabas ako ng kwarto ni Tita at pumunta dito sa living room. "Are you not feeling well?" umupo siya sa tabi ko. Umiling ulit ako.
"Is there something bothering you? You can tell me." tiningnan ko si Mommy. Huminga ako ng malalim.
"I'd never expected that Dad will cry. I thought Dad will never cry. I just can't believe everything." Kahit parte ako ng pamilyang 'to pakiramdam ko marami pa rin akong hindi alam. I feel like a half empty bottle.
"You know what? Your Dad is really like you when he was still at your age. Cold, walang ekspresyon, at malimit magsalita. Hindi ko siya maintindihan noong una hanggang sa malaman ko ang lahat kung bakit siya nagkaganon." Tiningnan ko si Mommy, unlike kanina nabago na ang ngiti niya. Masyado na itong mapait.
"Why? May rason ba kung bakit cold si Daddy? I thought, mana-mana lang namin 'to." Akala ko kasi, namana ko lang ang pagiging cold ko kay Daddy. Si Daddy sa parents niya. Hindi ko rin alam. Ever since kasi hindi ko na nakilala ang Lola ko. Sabi nila, nasa ibang bansa na daw si Lola kasama ang dalawa pa nitong anak. Anak sa ibang lalaki at ayaw na nilang guluhin ang buhay nito.
"Dad is part of a broken family, right?" tumango si Mommy sa sinabi ko.
"Siguro, ikaw masasabi kong namana mo ang ugali ng Daddy mo pero ang Daddy mo may nangyari sa past niya kaya siya ganyan. Palibhasa at Daddy's girl ka kaya mas nakuha mo ang ugali niya." huminga ng malalim si Mommy. "Sabagay cold pa rin naman talaga ang Daddy mo hanggang ngayon pero hindi na katulad noon. Alam mo anak, proud akong sabihing isa ako sa naging bahagi ng pagbabago niya." umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Of course, he loves you." though I'm not really convince about the concept of love. I still choose to say it. Ayokong malungkot si Mommy dahil sa sasabihin ko.
"Yes, totoo 'yon. Ang pagmamahal maraming pagbabagong pwedeng idulot sa isang tao, kahit na sa isang taong nababalot ng yelo ang puso." natawa si Mommy dahil sa sinabi niya.
"Maybe? I still don't know. I've never fell in love and I will never experience that." Iba kasi ang konsepto ko ng pagmamahal. My concept of love is like feeling the pain, hurting yourself, crying and not like a fairytale love story where everything seems to be fine and full of flowers and romance.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Mommy, "Why are you laughing?" tumingin ako sa kanya. Hinimas niya naman ang buhok.
"Soon, anak. Very soon, you'll find out what's the real meaning and the concept of love. Destiny already decided the perfect match for you." nginitian ako ni Mommy pero hindi pa rin ako kumbinsido.
"I don't think so. I'd never experience loving a guy and I will never try to. To a cold hearted like me, love is impossible to exist in my world especially in my heart." I stated.
"If you say so. Love is hard to explain but can easily feel. Right time will come and you'll love someone more than anything and anyone else, more that your own life." ngumiti si Mommy sakin. "Katulad ng ginawa namin ng Daddy mo noon." Nginitian ako ni Mommy. Umiwas ako ng tingin at tumingin sa malayo.
I don't know, but I'm scared. I'm scared to fall for someone but he will never catch me. I'm scared to feel the same pain like what I've seen in movies and like what I've read in a book.
Maybe I just need to prevent myself from feeling those things. I will keep my heart frozen 'till my last breath.