Chapter 11:

2802 Words
Luri Ang ingay naman dito. Nakakabanas. Palibhasa at puro lalaki kaya kung makagawa ng kalokohan ganon-ganon nalang. Hay, bakit ba hindi pa ako masanay? Ganyan rin naman si Kuya minsan—most of the time. "Ang tagal naman kasi ni Kuya at Kelly." Napatingin ako kay Alexa na halatang inip na inip na rin. Actually dapat talaga kanina pa kami nakapagsimula kung hindi lang missing in action ang 'love birds' ng grupo namin. Okay ang korny na. Hindi talaga bagay sakin ang mag-joke. "Ano ba naman 'yan oh, ang bagal nilang dalawa. Nasan na ba kasi sila. Baka kung anong milagro na ang ginagawa nila—" napatingin si Andrei at Alexa kay Lexter dahil sa sinabi niya. Bastos kasi, ang dumi ng utak. Tiningnan naman ako ni Lexter at bigla akong inakbayan. Agad ko iyong tinanggal dahil kinikilabutan ako. "Why did you do that?" nakakunot noo kong tanong sa kanya. Ngumisi lang siya at nagkibit balikat. Bakit ko ba kasi siya kinakausap? Inirapan ko nalang siya nang marinig ko ang pagtawa niya. "Asar ka naman agad eh. Nakakatamad ka palang i-bully" So, he's starting to bully me? Like, parang magpapaapekto ako sa kanya. Asa siya. "Zander, itong kapatid mo walang kwenta." nakita ko ang pagkunot ng noo ni Kuya dahil sa sinabi ni Lexter sa kanya. "Kinakausap mo hindi naman nagsasalita. Ano ba 'to pipi o bingi? Baka naman both." Kung tapusin ko na kaya ang kadaldalan niya? Nakakabanas na kasi talaga. Bakit ba sa dinami-rami ng tao sa mundo sa kanya lang ako talagang naiinis. Siguro kasi nakakainis talaga siya. "Huwag mo kasing asarin." simpleng sabi ni Kuya bago irapan si Lexter. Tinapik ni Lexter ang balikat ni Kuya habang tumatawa. "Hindi ko naman siya inaano ah? Nakikipag usap lang ako dahil gusto ko siyang maging ka-close, ayon lang." tiningnan ako ni Lexter bago ako kindatan. Kung dukutin ko kaya ang mata niya para matigil na siya? "Ang kapal ng mukha." iniwasan ko nalang siya ng tingin dahil wala talaga siyang kwenta. Biglang bumukas ang front door ng AVR. " Shems! Akala ko sila na eh. Paasa." narinig kong sabi ni Danica. Kahit naman ako, akala ko sila na talaga. "Bryle, saan ka na naman galing? Siguro may kasama ka na namang babae 'no? Haha." Rinig kong sabi nung isang lalaki doon sa kakapasok lang. Nasa bandang harapan kasi sila kaya naririnig ko ang pinag uusapan nila. Hindi naman sumagot iyong lalaki at naupo nalang sa tabi ng mga kaibigan niya siguro. "Ang tagal naman ni Rence at ni Ate. Kinain na ba silang dalawa ng hagdanan? Hindi tayo makapag umpisa. Gusto ko nang umuwi." sabi ni Andrei. Hindi siya nag iisa, gusto ko na ring umuwi. Maya maya pa'y muling bumukas ang pintuan at pumasok si Rence. Buti naman. "Oh, Rence nasan na si Ate?" nagtatakang tanong ni Andrei. Hindi kasi kasama ni Rence si Kelly. "Kasunod ko na. Naandyan na 'yon maya maya." Aniya. Katulad nga ng sinabi ni Rence dumating na rin si Kelly. Humingi siya ng paumanhin dahil natagalan siyang makabalik. "Hoy, anong nangyari? Bakit ganon yung mukha niya? Umiyak ba?" bubulong nalang siya ang lakas lakas pa ng boses. Kilala niyo na kung sinong tinutukoy ko, yung kapatid ni Danica. Tiningnan siya ni Kuya at tinaasan siya ng isang kilay. "Pare-pareho tayong naandito at hinihintay sila. Alam mong katulad mo wala rin kaming alam dahil kanina pa tayo magkakasama dito. Wala akong mata na nakamatiyag sa bawat isa satin." Kanina pa mainit ang ulo ni Kuya ah. I wonder why. "Ang init naman ng ulo mo tol. Meron ka ba ngayon?" kung pwede lang magpalamon sa lupa, pinalamon ko na siya. "Let's start?" sabi nitong teacher na kasama namin. Hindi namin siya homeroom teacher at hindi rin namin siya subject teacher kaya hindi ko siya kilala. Hindi na rin naman importante iyon. Nagsimula na silang magpakilala at magbigay ng kani-kanilang speech. Sayang sa laway. "I'm Luri Villafuerte, Campus Princess." Iyon lang ang sinabi ko. Bakit pa ako magsasayang ng oras para magsalita? Hindi rin naman kami sigurado kung kami nga ang iboboto ng mga 'to. So having a long speech is useless and a waste of time. After naming magpakilala isa-isa, nagsalita naman iyong kasama naming teacher. Sa katunayan niyan hindi na ako nakikinig sa kanya dahil wala na ang utak ko dito. Gusto ko nang umuwi at magbasa nalang ng libro o magkulong sa kwarto. Kung hindi lang para sa mga kaibigan ko, hindi ako sasali dito at mag aaksaya ng oras. "Hindi pa ba tayo aalis?" Napatigil ang lahat dahil medyo napalakas ata ang boses ni Kelly. May iba rin sa tono ng pananalita niya. Nahawa na ba siya sakin at parang naging malamig ang tono niya? Hindi ko alam na virus pala ang pagiging cold ko at nakakahawa ng ibang tao. "Bakit parang nagmamadali ka ata, Kelly? May problema ba?" tanong sa kanya ni Danica. Matipid na ngumiti si Kelly bago umiling. "Hindi naman, sumakit kasi bigla ang ulo ko." Not true. Alam kong may problema si Kelly pero hindi na para makealam pa ako. If she doesn't want to share it, hindi ko siya pipilitin. Marunong akong makiramdam sa tao. Alam ko kapag may problema talaga. "Okay, matatapos na naman ako dito." ngumiti yung teacher bago muling magsalita at tapusin ang sasabihin niya. Matapos iyon, nagpaalam na kami at aalis na ngayon sa Elliot University. Buti naman. Sasakay na sana kami ng van nang bigla kaming utusan ng teacher na 'to. Hindi naman sa tamad pero bakit sa dimami-rami ng pwedeng makasama ko ay si Lexter pa? Nananadya ba talaga kayo? Pwede na bang magpakamatay or is it better to say pwede na bang pumatay? Hindi ko lang talaga gustong makasama ang taong 'to. Bukod sa nakakaasar siya may something sa kanya na nagpapainit sa ulo ko. Pero ano pa bang magagawa ko? None. Ayoko namang umangal dahil baka magtanong pa sila kung bakit ayokong kasama ang lalaki ito. Hindi ko nalang siya papansinin, tutal doon naman ako magaling. Ang hindi mamansin ng tao. Pumunta kami sa campus ng Alice University. Hindi biro ang pagpunta namin dito dahil ang layo ng parking lot sa mismong campus niya. Hindi ko kinakausap itong kasama ko. Bakit pa? Sanay naman akong hindi magsalita. Bahala siyang matuyuan ng laway diyan. "Ang init naman dito. Bakit ba walang aircon? Mayayaman naman ang napasok dito sa pagkakaalam ko. Tch, poor." napairap ako sa sinabi niya. Hindi ba niya alam ang salitang tumahimik siya dahil wala akong pakealam sa sinasabi niya Katulad niya puro wala naman kasing kwenta ang lumalabas sa bibig niya. Ewan ko rin ba sa sarili ko pero gustong gusto ko talagang sinasabat ang isang 'to. "Malamang nasa corridor tayo. Open yung area. Sinong tanga ang maglalagay ng aircon dito? Useless." sarkastiko kong sabi sa kanya. Napatigil siya sa paglalakad kaya napatigil rin ako. Napatingin ako sa kanya. Tinitingnan niya ang buong paligid na para bang may hinahanap. Kami lang namang dalawa ang tao dito ah? May iba pa ba siyang nilalang na nakikita pero hindi ko nakikita? Stupid. "Ako ba ang kausap mo?" tinuro niya pa ang sarili niya at parang takang taka. May ikatatanga pa ba ang taong 'to? Career na career niya kasi ang pagiging istupido. "Hindi, baka yung katabi mo" iniwasan ko na siya ng tingin. Nagsasayang lang talaga ako ng oras sa kanya. Tumingin siya sa tabi niya bago ulit tumingin sakin "Wala akong nakikita sa tabi ko." tumigil siya at nanlaki ang mata. "Huwag mong sabihing..." binitin niya ang sasabihin niya bago manlaki ang mga mata. Bago pa man siya makapagsalita ulit ay inunahan ko na siya. "Wala akong third eye at mas lalong hindi ako nakakakita ng multo—" "..duling ka! Nag iisa lang ako dito pero dalawang tao ang nakikita mo! Hahaha, tama ako 'no, duling ka? Ang yaman niyo, ipaayos mo yang mata mo. Ang ganda mong babae tapos duling. Turn off." natatawa niyang sabi. Akala ko ang katangahan may limitasyon din pero bakit yung sa kanya mukhang wala? Nagsimula na ulit siyang maglakad at ipinatong ang forearm niya sa ulo ko. Tawa pa rin siya ng tawa. "Whatever, idiot." Binilisan ko ang paglalakad, iiwan ko nalang siya. Nakakainis na talaga. "Ang cute mo talaga kapag naiinis ka." tapos narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Muli akong tumigil sa paglalakad at nilingon siya, "Kaya gusto mong lagi akong nakikitang naiinis. Ikaw, mayaman naman kayo bakit hindi mo ipagamot yang utak mo? Dapat sayo sa graduation may medal din. 'Best Bully of all time.'" Kapag siya ang kausap ko ang hahaba ng sinasabi ko. Luri, ano bang nangyayari sayo? Hayaan mo na nga yang lalaking 'yan. Wala ka namang mapapala sa kanya. Gulat na gulat niya naman akong tiningnan, "You heard it?" "Hindi ako bingi." sinimangutan ko siya. "Hindi nga, maayos yung tanong ko. Narinig mo yung sinabi ko?" Oh eh ano naman ngayon? "Sa lakas ng bulong mo sa tingin mo hindi ko maririnig?" naglakad na ako at hindi na siya kinausap pang muli. Ganun rin naman siya. Buti naman at naisipan niyang itikom muna ang bibig niya. Nang makarating sa office kung saan kami pinapapunta kumatok ako bilang paggalang. Pinagbuksan naman kami ng isang babae ng pintuan. Pumasok kami sa loob at sinabi iyong mga dapat naming sabihin sa kanila. Pagkatapos 'non ay umalis na kami para pumuntang parking lot. Hindi katulad kanina, wala na samin ang nagsalita pa. Ultimong si Lexter mukhang natahimik na. Mas maganda na ang ganito, hindi siya nag iingay. "Omg! Is that Lexter Lim? He's so handsome talaga. Crush na crush ko siya. But wait, who is she? Yung babaeng kasama niya. Is that her girlfriend? Diba Campus Princess siya? Diba dapat magkaaway sila? May relasyon ba sila? Like hella no. They are not bagay kaya." Pitikin ko kaya ang bibig ng isang 'to para dumiretso? Agad tumakbo iyong mga babae. Ang dami lang nila. Nilapitan nila si Lexter at mukhang gustong magpapicture. "Lexter, papicture naman!" Hindi ba nila alam na kaylangan na naming umalis at nagmamadali na kami dahil gusto ko na talagang umuwi at makaalis sa lugar na ito?! "Excuse me.." pilit akong nakipagsiksikan sa mga babaeng nagkakagulo at pinapalibutan si Lexter. "Hey!" sabi sakin ng isa sa mga babaeng nakapaligid kay Lexter. "If you want to take a picture with him, fall in line bitch." tapos itinulak niya ako. Dahil ang effort ni Ate sa pagtutulak sakin natumba ako at napaupo sa sahig. Sana pala binalance ko ang sarili ko. Leche, ang sakit tuloy ng pwetan ko. Kahit naman cold ako, nasasaktan pa rin ako physically. Bwisit na babaeng 'to. Para namang papangarapin kong magkaroon kami ng picture ni Lexter na magkasama. Sa araw araw na nakikita ko iyan sa school, sawang sawa at sukang suka na ako sa pagmumukha niya. "Stop!" nagulat ako nang makita kong nasa tabi ko na si Lexter. Tinulungan niya akong makatayo, "Who did this to her?" tanong niya sa mga babaeng kanina lang ay pinagkakaguluhan siya. Natahimik ang buong paligid, "Don't make me repeat my question girls." Sumimangot yung babaeng tumulak sakin. "Why are you asking pa ba ha? Is that importante pa? Is she your girlfriend?" Ang lakas ng loob niyang magpameywang eh hindi nga tuwid yung english niya. Conyo. "Ang panget niya para maging girlfriend mo." nagsimula na silang magtawanan. "Buti nga ako mukha lang ang pangit, kayo? Pati mga ugali niyo pangit. Tingnan niyo nga yang mukha niyo. Parang coloring book ng batang 2 years old." sarkastiko kong sabi sa kanila. Sa tono kasi ng pananalita niya naiinsulto ako. Siya na nga yung nanulak siya pa yung may ganang manlait. Ang kapal ng mukha niya kasing kapal ng blush on niya. "What did you say?!" galit na siya niyan? Kaylangan na ba akong matakot ngayon? Boring. Tinaasan ko siya ng isnag kilay, "Sabi ko bingi ka." Susugurin na sana ako ng babaeng mukhang coloring book ang mukha nang harangin siya ni Lexter. "Hindi ko man siya girlfriend sana man lang igalang niyo siya. May katungkulan man o isang ordinaryong tao lang, may mataas man na estado sa buhay o hindi, deserving pa rin silang igalang. Lahat tayo pantay pantay lang dito. Hindi yung mamimili kayo kung sino lang ang igagalang niyo. Sayang ang ganda niyo kung umaalingasaw naman ang sama ng ugali niyo." huminga ng malalim si Lexter. "At dahil sa ugaling pinakita mo samin, all I can say is your ugly. Uglier than this girl beside me." Hindi ko alam kung pinagtatanggol niya ba ako o way niya lang ito para laitin ako. "Pero syempre, hindi kita pwedeng ikumpara sa babaeng kasama ko, dahil sa totoo lang maganda siya. Yung tipo ng kagandahang wala ka at hindi mo kayang makuha." tiningnan ako ni Lexter bago ngitian. Hinawakan niya ang kamay ko bago ako hilahin papaalis sa lugar na iyon. So, he have this getleman side too huh? "Hindi ka ba natatakot na baka matalo kayo dahil sa ginawa mo?" nagkibit balikat lang siya. "Hindi. Bahala na sila. Ang ayoko sa lahat nanlalait ng ibang tao pero mas kalait lait naman siya. Isa pa, siya yung tumulak sayo, hindi ba?" T-teka, paano niya nalaman? "How did you know?" Muli siyang nagkibit balikat. "Naramdaman ko lang." Hindi na ako nagsalita pa ulit hanggang sa makarating na kaming dalawa sa parking lot. Sumakay na kami roon bago kami dumiretso pauwi. Ang sabi daw kasi ng Principal magpahinga na raw muna kami lalo na't alam niyang pagod kami. Buti naman at marunong siyang makiramdam. "Oh, ang aga niyo ata?" Tanong ni Mommy nang makita niya kami sa may pintuan. Nadatnan namin ang magulang namin na parang nagmamadali. Saan naman kaya sila pupunta? "Maaga po kaming pinauwi." sagot ni Kuya sa kanila. Ngumiti si Mommy at tumingin samin. "Tamang tama, pupunta tayo sa bahay ng lolo niyo para dalawin sila at malaman ang kondisyon ng Tita Lucia niyo." Sabi ni Mommy. Tita Lucia is my father's younger sister. She's on comatose. Sabi nila naaksidente daw si Tita dati. It's still a miracle that she survive. "Really?" iyon nalang ang lumabas sa bibig ko. My Dad nodded at me as a respond. "Go to your rooms and change. We're leaving within twenty minutes." Sinunod namin ang sinabi ni Daddy. Gusto ko rin naman kasing makita at madalaw si Tita. Umaasa pa rin kasi kami na sana isang araw magising na siya. Nang makarating kami sa bahay nila Lolo agad niya kaming sinalubong. Everytime na nakikita ko si Lolo at Mommy hindi ko mapigilang hindi mag isip ng kung ano anong bagay. Sabi kasi ni Mommy noon hindi daw maganda ang nakaraan nilang dalawa ni Lolo. Kapag naman tinatanong ko sila kung bakit ngingitian lang ako ni Mommy at hindi na sasagot pa. Weird. "Kamusta ang maganda at gwapo kong apo?" niyakap namin si Lolo. "Ito po, lalong gumagwapo." tumawa si Kuya at Lolo dahil doon. "Can I see Tita?" tumingin si Lolo sakin at ngumiti bago tumango. Matagal na panahon na rin simula nang makita at mabisita ko si Tita. Pumunta ako sa kwarto niya, sumama naman si Kuya sakin. "Kuya, don't make a noise." nagkibit balikat naman siya. Baka kasi mag ingay siya kapag pumasok na kami sa kwarto ni Tita. Nang buksan ko ang pintuan. Sinalubong kami ng malalaking makina na nakakabit sa katawan ni Tita. Ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon buhay pa rin siya. "Alam mo Tita, laking pasasalamat pa rin namin dahil hanggang ngayon buhay ka pa rin at nagpa-function pa rin ang utak mo. Sabi ng doktor, you're physically asleep but mentally awake." Kinakausap ni Kuya si Tita. Umupo kami ni Kuya sa bangkuan malapit sa kama ni Tita, "Tita, gusto naming gumising ka na. Everyone is waiting for you." Sa totoo lang gusto kong magising si Tita para makilala niya kami. Gusto kong magising siya para sumaya si Daddy. Isa kasi ito sa dahilan kung bakit madalas ang lungkot lungkot ni Daddy. Ilang minuto na rin ang nakalipas simula nang dumating kami dito at pumasok sa kwarto ni Tita. Parehas lang kaming nakabantay ni Kuya ngayon kay Tita. Umaasang anumang oras sana magising na siya pero parang imposible. Tiningnan ko ang mga malalaking makina sa paligid. Natatakot ako. Ewan ko kung bakit. Tiningnan ko si Tita, para may nararamdaman akong kakaiba. "Luri.." halos pabulong na pagtawag sakin ni Kuya. Tiningnan ko si Kuya, hindi maipinta ang gulat sa mukha niya. Anong bang dapat niyang ikagulat? "T-Tingnan mo yung k-kamay ni Tita." hindi ko man maintindihan si Kuya ay agad ko rin namang ginawa ang sinabi niya. G-Gumalaw ang daliri ni Tita. Alam ko, hindi ako nananaginip. Gumalaw talaga iyon! Agad kaming napatakbo ni Kuya papalabas ng kwarto para tawagin sila Daddy, Mommy at Lolo. Sabay sabay kaming pumunta sa kwarto ni Tita. Doon namin nadatnan ang dahan dahang pagbubukas ng mata niya. G-Gising na si Tita Lucia!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD