Chapter 10:

2889 Words
Kelly Sabado, wala akong magawa. Nakatambay lang ako sa bahay namin. Hindi naman kasi ako mahilig magsurf sa internet at mas lalong hindi ako mahilig magselfie. Alam kong maganda ako, hindi na para ipagkalat ko pa at ipost iyon sa SNS accounts ko. Hindi rin ako katulad ni Andrei na araw-araw nalang ata may lakad. Kinalikot ko nalang yung cellphone ko since wala talaga akong magawa. Balak ko sanang magmovie marathon kaya lang ang boring ng mga dvds dito puro romance and action. Bitter ako kaya allergic ako sa mga romance movies. Napadpad ako sa gallery ko. Hindi naman masyadong maraming pictures ang laman nito. Napansin ko ang isang folder at binuksan ko ito na agad kong pinagsisihan. Bumalagta sakin ang sandamakmak naming pictures ni Bryle at oo nabibitter na naman ako dahil sa nakita ko nga siyang may kasamang babae. Masisisi niyo ba ako, sinaktan ako ng punyetang fuckboy na iyon. I hate him, I hate him so much. Sooner or later I will really get my revenge. He will pay for this, he'll pay for hurting me. I will make him feel the same feeling I felt when I saw him with another girl or more than that. He deserves the pain. /Monday/ Ito na nga ang araw na dapat ata ay umabsent nalang ako. Papunta na kami ngayon sa Elliot at Alice University kung saan mukhang magi-speech kami. Seriously, do we really need to do that? Uunahin daw ang Alice University bago kami pumunta sa Elliot University. Magkalapit lang naman ito kaya hindi na kami mahihirapan masyado. Nasa parking lot na kami at hanggang ngayon wala pa rin kaming imikan. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko pero kinakabahan kasi ako, parang may hindi magandang mangyayari mamaya. May pumipigil rin sakin na tumuloy. Dapat atang hindi nalang talaga ako pumasok. "Kelly, are you okay? Something's borthering you?" Umiling ako kahit meron naman talaga. Hindi ko rin kasi maintindihan ang sarili ko kaya mananatili nalang akong tahimik tungkol dito. Sabay kaming naglakad ni Alexa papunta sa Alice University. Kakatungtong palang namin sa loob ng campus halos lahat ng makakasalabong namin ay sumisigaw na para bang nakita na nila ang 'Prince Charming' ng buhay nila. Nakakainis lang. "Ang dami na agad nilang fans oh," napatingin ako kay Danica dahil sa sinabi niya. Umiling ako at tumingin ng diretso. Hindi naman lahat ng iyan ang Princes ang iboboto hindi ba? "Don't lose hope, may Elliot University pa." napatingin kami kay Luri. Mukhang kampanteng kampante lang siya. Para ngang hindi siya kinakabahan eh. "Ang gwapo!" "Pakasal na tayo, bilis!" Napatigil si Zander sa paglalakad at tumingin sa mga babaeng tumitili at kinindatan ito kaya lalong mga nagwala. "Shocks! He winked at me. Buntis na ako." "Gaga, bilbil mo 'yon. Buntis mo mukha mo!" Huminga nalang ako ng malalim. Kaylangan kong maging kalmado kahit na iritang irita na ako dahil sa kakasigaw nila. Hindi ba sila napapagod o napapaos man lang? I mean, ahh whatever. "Is that the new Campus Princesses? Infairness may ibubuga. Magaganda sila, nakakainggit." napangisi ako sa narinig ko. Alam kong magaganda kami, hindi na kaylangang ipagsigawan pa. Tiningnan ko ang babaeng nagsabi 'non. At first she's shock but when I smiled at her she smile back. Pumasok na kami sa AVR ng Alice University para magpakilala at magspeech. Ang dami talagang kaartihan. "Hello, my name is Kelly Hyo, one of the Campus Princesses and I hoping for your support. Thank you." pilit akong ngumiti sa kanila. Kaylangan isipin nilang friendly ako though hindi naman talaga. Nang matapos kami sa Alice Universisty ay pumunta naman kami sa Elliot University. Minsan nga hinahanap pa ang ibang Princes dahil may isang member silang nawawala dahil hinihigit sila ng mga estudyante, medyo natatagalan tuloy kami. Well, pasalamat nalang sila at hinihigit lang sila. Kung sa Sky High 'yan malamang naipadukot na sila. Nang makarating kami sa Elliot na nilakad namin ng ten minutes tumigil muna kami saglit. Masakit na ang paa ko at alam kong haggard na rin ako. Kaylangan ko na munang mag ayos dahil hindi ako pwedeng humarap sa madla na mukha akong bagong gising sa itsura ko. Kaylangan kong maging presentable sa kanila. "Ma'am, wait lang po. Powder room lang." tumango siya sa sinabi ko bago ituro ang way papuntang CR. Pagkarating kong CR agad akong pumasok sa loob. Syempre doon ako sa CR na pwedeng gamitin ng mga babae at alam niyo kung anong nakakagulat? May naririnig akong pag ungol. Eww, someone's making out. Wala ba silang hiya na pati sa CR ng school ginagawa nila iyon? Teka, hindi ba't puro lalaki ang nag aaral dito kaya paanong—Eww Kelly, wag mo nang ituloy ang iniisip mo. Kilabutan ka nga. Hindi ko na pinansin ang dalawang umuungol na iyon. Bahala nga sila, basta kaylangan kong ayusin ang sarili ko. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at nakita ko ang reflection ko. Bakit ba nakuha ko ang ganda ni Mommy? Nagsimula na akong magpolbo, nagsuklay na rin para naman maayos ko yung buhok kong gusot na. "Mmm~" napairap ako nang marinig ko na naman ang pag ungol nila. Nandidiri talaga ako sa kanilang dalawa. Hindi na nila nirespeto ang school nila. Yuck. "Mmm~" Yuck, lalaki sa lalaki ba talaga ang nagaganap? Hindi ko ata kayang sikmurain ang mga nangyayari. Ang weird ata ng mga tao dito. Aalis na sana ako ng may maisip ako. Kelly, you're so naughty. Haha. Nilingon ko yung mga cubicles. Binuksan ko isa isa ang bawat cubicles para makita kung may nangyayari ngang kababalaghan sa likod ng mga pintong ito. Tatlo na ang nabubuksan ko at walang tao dito. Ibig sabihin nasa pinakahuling cubicle, naandon sila. Huminga ako nang malalim bago dahan dahang buksan ito. Una sa lahat kasalanan nila dahil hindi ito nakalock. Eww talaga. Napamulat yung babae kaya gulat na gulat niya akong tiningnan. Yung lalaki kasi nakatalikod sakin. "Omygod! Someone's watching!" Excuse me, ako nanunuod? Ulol, ni wala ngang kathrill thrill yang halikan niyo. Mas magaling pa atang humalik si Daddy. Well, nakita ko kasi isang beses na nagki-kiss si Mommy at Daddy. Ssh, wag maingay pagagalitan nila ako. Napairap ako at aalis na sana nang bigla humarap iyong lalaki. Nagsimulang magharumentado ang puso ko, nalaglag ang panga ko at sa palagay ko'y sasabog ako sa kinanatayuan ko nang makita siya. Katulad ko, ganon rin naman siya nang makita niya ako sa harapan niya. Malamang magugulat talaga siya, hindi niya ineexpect na naandito ako. Akala niya siguro nasa London ako at nagpapakasaya sa buhay. Tangina niya. "Kelly.." basag ang boses ni Bryle nang sabihin niya iyon. Aba dapat lang, baka pati mukha niya basagin ko. "W-What are you doing here?" At ang lakas ng loob niyang itanong iyon sakin? Ipaligo ko kaya sa kanya ang tubig sa bowl. "B-Bryle.." gusto ko siyang sampalin, gusto ko siyang saktan pero nanatili lang akong nakatayo. Nararamdaman ko na any moment sasabog ako dahil sa nararamdaman ko. Nararamdaman ko rin ang sobrang galit na dumadaloy sa katawan ko. Gusto kong tumakbo pero hindi ko magawa dahil tila naistatwa ako sa kinatatayuan kong ito. Alam kong fuckboy siya pero hindi ko ineexpect na makikita ko siya sa akto. Ang tanga tanga ko. Bakit ko pa siya hinabol? Bakit ako pumunta dito? Para makita siyang ganito? Para mahuli ko siyang nakikipaghalikan sa ibang babae? Ako lang ata talaga ang umaasang maibabalik yung dati eh. Nakipagbreak naman si Bryle sakin, ako lang talaga yung hindi kayang tumanggap 'non. Sana pala..sana nanatili nalang ako sa London. "P-Please..don't c-come near m-me." sobrang nanginginig yung boses ko. Everytime na magtatangka si Bryle na lumapit sakin, awtomatiko naman akong mapapaatras. Galit na galit ako sa kanya to the point na pakiramdam ko masasaktan ko siya physically kapag lumapit siya sakin. Yung babae ni Bryle nakaharap sa salamin at nagli-lipstick. Inayos niya ang sarili niya. s**t, a professor? Nakikipaghalikan si Bryle sa isang professor? God! "Hey Bryle, I need to go. Thanks for your time. I hope there's still next time." tumingin siya sakin at tinaasan ako ng isang kilay. "By the way, do you know this kid?" Wtf. Kid? Am I look like a f*****g kid? "She's my girlfriend." napatingin ako kay Bryle. At ang kapal ng mukha niya para sabihin saking girlfriend niya ako. Asshole! "Another toy? Boyfriend ka talaga ng bayan. Oh siya sige, kaylangan ko na talaga umalis. May klase pa kasi ako. Bye honey." pagkatapos 'non ay umalis na siya. Gusto ko siyang sabunutan. She's a b***h. Tangina niya talaga. "Kelly—" Agad ko siyang sinampal bago pa niya matawag ng buo ang pangalan ko. Ang kapal ng mukha niya. Galit na galit ako sa kanya ngayon. "Wow! What the f**k is that? Girlfriend? Girlfriend mo pa pala ako pero kung makipaghalikan ka sa kanya kulang nalang lapain niyo ang isa't isa?! Iniwan mo akong mag isa sa London para lumandi dito?! Bryle! I hate you! I REALLY HATE YOU! And I don't f*****g understand you! Ang kapal kapal ng mukha mo. At talagang pati professor? Tangina Bryle, kahit professor pinatos mo? Ganyan ka na ba ka 'L' at ultimong professor mo pinapatos mo? I can't believe you!" Hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang magpigil. Sumabog na ako. "21 years old palang naman siya—" At may katwiran talaga siya? Ang kapal. "MAY IKAKAKAPAL PA BA 'YANG PAGMUMUKHA MO? HINDI PA BA SAGAD ANG KAKAPALAN NG MUKHA MO?! My goodness at talagang may katwiran ka pa at proud na proud ka pa talaga?! Akala ko dahil sa magulang mo kaya ka pumunta dito! Idinamay mo pa sila Tita. f**k you Bryle! Muntikan na akong magalit kila Tita dahil akala ko inilalayo ka nila sakin, tapos ganito? Bullshit!" huminga ako ng malalim. Hindi ako iiyak sa harapan niya. Hindi! "Siguro nga tama ka, our relationship is really over." tatalikuran ko na sana siya dahil sukang suka na ako sa pagmumukha niya. "Kelly, I'm sorry. Please..please forgive me. Let's forget everything" humarap ako sa kanya at muli siyang sinampal. "Sorry?! Akala mo ba ganoong kadali ang magpatawad? Wala na akong second chance na maibibigay sayo. Sagad na ako, at sukang suka na ako sa pagmumukha mo! At ano? Forget everything and pretend that everything's okay? Ulul! IKAW ANG KAKALIMUTAN KO PERO ANG KAGAGUHAN MO HINDI! Hindi na ako ulit magtitiwala sayo. Pinaasa mo ako at pinagmukha mo akong tanga!" pagkatapos 'non umalis na ako at tumakbo papaalis. Tanginang puso 'to napakahina! Tumigil ka nga, tumigil ka! Isa pa 'tong bwisit na mata ko. Hindi na napigilan ang mga luha ko. Hindi deserve ni Bryle ang pag iyak ko kaya bakit ko siya iniiyakan. Saming dalawa, ako nalang ba lagi ang masasaktan? Bryle Martin, I'll make sure you'll pay for this. I'll make my revenge. 3rd Person "Agh! Bakit ba sa dinami-rami ng pwedeng utusan ako pa ang nakita para sundan si Kelly sa CR? May babae naman na pwedeng utusan dapat iyon nalang. Nakakabanas." sabi ni Rence habang patungo sa CR kung saan pumunta si Kelly. "Tch, nasan na ba kasi yung babaeng iyo—" Napatigil si Rence nang biglang may lumabas mula doon sa CR. Nakita niya si Kelly na tumatakbo papalayo. Susundan niya na sana ng may makabunggo siya. Tiningnan lang siya ng lalaki bago tumakbo at habulin si Kelly. Nakita ni Rence na hinawakan ng lalaki ang kamay ni Kelly pero agad din naman itong binawi ni Kelly. "Shut up you f*****g asshole! Just leave me alone. I don't want to see you again!" Nagulat si Rence sa kanyang narinig pero nang makita niya tumakbo na naman papalayo si Kelly ay agad niya itong sinundan. Nakita ni Rence na hahabulin ulit ng lalaki si Kelly kaya pinigilan na niya ito. "Opps pare, dyan ka nalang." Aalis na sana siya ng maintriga siya. "Bakit mo nga ba sinusundan si Kelly?" nagtatakang tanong ni Rence. "Ano bang pakealam mo? Huwag mo ngang harangan ang daraanan ko." Halatang mainit ang ulo ni Bryle pero hindi natakot o natinag si Rence at mas lalong hinarangan ang daraanan ni Bryle. "Sino ka ba at ano ka ba niya? Stalker ka?" Halatang naiinis na si Bryle sa mga tanong ni Rence pero mas pinili niyang maging kalmado. "I'm her boyfriend kaya kung ayaw mo ng gulo, wag kang humarang sa daraanan ko, dude." napangisi si Rence sa narinig niya mula kay Bryle. "Boyfriend? Sa pagkakaalam ko kasi walang boyfriend si Kelly, ex-boyfriend pa siguro meron. Kaya lang that ex boyfriend of her is already dating another girl and she actually saw it." napailing si Rence bago tumingin kay Bryle at ngumiti. "At dahil nakita niya ito ng harapan umiyak siya at halatang nasaktan. Ngayon, masaya ka ba na nasaktan mo siya?" sarkastikong sabi ni Rence. "Ang dami mong alam ah! Ano bang ipinagmamalaki mo, huh?!" ngumisi si Rence bago muling umiling. "Hindi porke't mas malaki ka sakin ay pwede mo na akong maliitin. Isa pa wala akong ipinagmamalaki, all I can say is compared to you I know how to respect a girl and how to appreciate them. At alam mo, iyon ang wala ka." sabi ni Rence dito. Naglakad na si Rence papalayo kay Bryle pero bago pa man siya makalayo ng tuluyan ay muli niyang nilingon si Bryle. "Huwag mo na ulit lalapitan si Kelly, dahil diyan sa ginagawa mo mas lalo mo lang siyang sinasaktan." ngumiti si Rence at maglalakad na sana ulit para puntahan si Kelly kaya lang nagsalita pa ulit si Bryle. "Ano bang pakealam mo? Mahal ko yung tao." napatigil si Rence at napangisi. Hindi man niya nilingon si Bryle ay nagsalita pa rin ulit ito. "I don't believe you. Because if you really love someone, you will not hurt her. You will not cheat on her. Pero ikaw? Ano bang ginawa mo? Hindi ba't niloko mo sya?" napailing ulit si Rence bago umalis doon. Nang makalayo na si Rence kay Bryle ay agad siyang nagmadali para hanapin si Kelly. Nakita niya si Kelly na nakaupo sa isang swing sa likod ng campus habang may kausap sa telepono at umiiyak. "H-Hello, A-Amber.." [Hey, what happened? Are you crying?] "I already saw him...I mean..Bryle." [Oh, really? Well, that's a good news. So, how's it?] "H-He's..H-He's kissing another girl" Lalong lumakas ang paghikbi ni Kelly nang sabihin niya iyon sa kaibigan niya. Hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang nakita kanina. [What the—You're kidding me, right? I know that he's a fuckboy but he will never do that to you. I know him, he's serious about you.] "But he still did. He kissed another girl." [That deadbeat! If I saw him, I'll kill that asshole. He never learned, huh? f**k him!] "Shh, calm down. I'll try to calm myself first and I'll move on." [Wait for me, I will really kick his balls. That dumbass!] Napatigil si Kelly sa pakikipag usap ng maramdaman niyang may tao sa likuran niya. "Amber, I'll call you later, okay? Thank you. Bye." Matapos patayin ni Kelly ang tawag at ilagay sa bulsa niya ang cellphone niya ay agad niyang hinarap ang tao sa likuran niya. Nakita niya si Rence, "What?" Tinaasan ng isang kilay ni Kelly si Rence. Hindi nagsalita si Rence at nanatili lang na nakatitig kay Kelly. Kumunot ang noo ni Kelly, "Ano bang problema mo?" Huminga ng malalim si Rence bago magsalita. "Are you crying because of him...again?" Nagulat si Kelly sa biglaang tanong ni Rence. Agad niyang iniiwas ang tingin niya dito. "Ano bang pakealam mo? Eh ano kung umiiyak ako. Masama na bang umiyak ngayon?" Aniya. Tinalikuran ni Kelly si Rence at pinunasan ang luha sa pisngi niya. Hinawakan naman siya ni Rence sa pala-pulsuan niya bago hilahin. "Ano ba?! Wag mo nga akong hilahin!" pagpupumiglas ni Kelly kay Rence. "Kanina ka pa nila hinahanap. Ano bang ipinaglalaban mo? Wala ka namang problema hindi ba? Tara na." hinila ni Kelly yung kamay niya at nanatiling nakatungo at doon, muli siyang umiyak. "Aish, bahala ka nga sa buhay mo. Maayos akong nagtatanong sayo tapos tatarayan mo ako. Umakyat ka nalang sa AVR kung gusto mo. Bakit ba ako nag aaksaya ng oras sundan ka dito." kunwaring aalis si Rence. Lalong lumakas ang pag iyak ni Kelly dahil pakiramdam niya wala nang gustong dumamay sa kanya. Muling lumapit si Rence sa kanya bago abutan ng panyo. "Oh.." tiningnan ni Kelly iyong panyo at tiningnan rin si Rence, agad rin naman umiwas ng tingin si Rence. "Malinis 'yan. Baka kasi wala kang panyo kaya ayan gamitin mo muna para pahiran ang luha mo." nakatitig pa rin si Kelly doon sa panyo at hindi pa rin kinukuha. "Wag kang mag isip ng kung ano diyan. Wag mo ring haluan ng malisya. Sinabi ko na sayo, ayoko lang talagang nakakakita ng babaeng umiiyak sa harapan ko." Kinuha ni Kelly iyong panyo, kahit na meron naman talaga siya nito. Namangha kasi siya kay Rence. Hindi niya akalain na ganito ito ka-gentleman. Nang makita ni Rence na tinaggap na ni Kelly ang panyong inaalok niya ay naglakad na ito papaalis pero bago mahuli ang lahat, "Ayusin mo na ang sarili mo pagkatapos sumunod ka nalang sa fourth floor, sa AVR. Ako na ang bahalang magdahilan kung bakit ang tagal mo." Matapos iyong sabihin ni Rence ay tuluyan na siyang umalis. Pinagmasdan lang niya si Rence habang naglalakad ito papalayo hanggang sa hindi niya namalayan ay napapangiti na pala siya. "Thank you.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD