Chapter 6:

1489 Words
Alexa Ganon na pala ngayon, iwanan na. Bakit ba lagi nalang may sariling mundo iyong kapatid ko, nakakainis. Hindi pa naman ako nagpasundo dahil akala ko may kasabay ako pag uwi ayon naman pala iiwan din ako. Kapag nakita ko talaga siya, humanda siya sakin. Wala akong pakealam kung mas matanda ang hinayupak na 'yon sakin. Nang malaman ko kanina na umalis na siya, tumawag agad ako sa bahay para magpasundo. Maghihintay pa ako ng ilang minuto, ayokong ayoko pa namang naghihintay. Nanatili lang akong nakaupo dito sa bench sa waiting area ng school. Damn, this is so annoying. Kung alam ko lang kanina pa, sana kanina pa rin ako tumawag sa bahay. Marami nang estudyante ang umaalis dahil dumating na ang sundo nila. Yung sundo ko anong oras kaya dadating? Tch. Tumungo ako habang hinihintay ang sundo ko. Ayokong panooring umalis ang mga estudyante, lalo lang nag iinit ang ulo ko. "Ano ba!" Sino ba naman 'tong bigla nalang mangunguhit, alam nang badtrip ako eh. Tinaasan ko siya ng isang kulay nang makita ko kung sino siya. Makangiti sya akala mo naman close kaming dalawa, ayoko ngang makita ang mukha niya. "What are you doing?" ayoko sanang magsalita dahil magsasayang lang naman ako ng laway pero gusto kong umalis na siya kasi naaalibadbaran ako sa kanya. "Nothing, I saw you alone so I was wondering and want to ask where's your brother. Haha, anong akala mo ikaw ang kaylangan ko? Asa ka! Hahaha" See, lahat ng kaibigan ng kapatid ko nakakainis kaya ayoko sa kanila, nakakairita sila. "Mukha ba akong lost and found para hanapan ng mga nawawalang tao? Isa pa, hindi ako aasa sa isang katulad mo." Blangko pa rin ang ekspresyon ng mukha ko. Kapag ayoko sayo, masanay ka na na ganito ang laging sasalubong sayo. Hindi ako showy na tao kaya hindi ako masyadong nagpapakita ng emosyon sa taong ayoko at hindi ko kilala. "Ah, sorry. Akala ko kasi isa ka sa guard dito eh. Haha" Temper temper, patience, patience, humaba ka pa ng kaunti. Wag mong papatulan ang lalaking iyan, hayop lang 'yan okay? Okay. "Can you please leave me alone? I don't need you here" inirapan ko siya. Bakit ba ang tagal ng driver namin, ipapatanggal ko siya sa trabaho! Nagulat ako nang bigla siyang umupo sa tabi ko. At kita mo nga naman, saksakan ng kakapalan ng mukha, "A-Anong ginagawa mo?" Gusto ko na nga siyang umalis tapos uupo pa siya at ang mas malala sa tabi ko pa! "Umuupo, hindi naman pwedeng tumatayo hindi ba?" ngumisi siya. Kung itulak ko kaya ito ngayon, hindi naman siguro krimen ang gagawin ko hindi ba? Hinayaan ko nalang siya at nanahimik nalang. Kapag nabored siya, aalis din siya Alexa, tiwala lang. "Nasaan ang Kuya mo?" hindi ko alam kung sadyang bingi siya o tanga lang. "Sinabi ko na kanina hindi ba? Hindi ko alam. Hindi rin ako lost and found." Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya. Mababadtrip lang ako. 'Tss, pilosopo" At ako pa ngayon ang naging pilosopo? Great. "Mukhang uulan ah, hindi ka pa ba uuwi?" Hindi ba siya nauubusan ng sasabihin? Nakakunot noo akong tumingin sa kanya. "Why do you care? Kung umulan man ngayon at naandito pa ako, ano naman sayo? Hindi naman ako matutunaw kapag nabasa o napatakan ng tubig ulan, kung gusto mo umalis ka na." gusto ko na talaga siyang umalis para tumahimik na ang buhay ko. "Ayoko lang sanang mabasa ka ng ulan at magkasakit" nawala ang pagkakunot ng noo ko sa sinabi niya. Tumayo si Zander at ngumiti bago ulit magsalita. "Baka sisihin mo pa ako at sakin ka pa magpabili ng gamot mo" natatawa-tawang sabi niya sakin. Inirapan ko siya. "Umalis ka na nga, nakakapanira ka lang dito." Tumigil si Zander sa pagtawa. "Oo na, aalis na ako mukha kasing asar na asar ka na eh. Hinihintay ko lang ang kapatid ko." Nakita kong nagsimula na siyang umalis. Hindi ko maintindihan kung bakit pinapanood ko siya habang naglalakad papalayo. Nagulat ako nang biglang tumigil si Zander at tumingin ulit sakin bago ngumiti, "Ingat pag uwi, wag magpapabasa sa ulan" pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagpatuloy na siya sa paglalakad niya. Kasabay ng pag alis niya ang pagbuhos ng malakas na ulan. Kelly Magkasama pa rin kaming dalawa ni Rence. Kung kanina, iyak ako ng iyak ngayon hindi na. Masaya palang kasama si Rence, yung tipong makakalimutan mong may problema ka. "Alam mo Kelly, kung pinakawalan ka niya at siya na mismo ang nakipaghiwalay sayo mas maganda siguro kung wag mo na siyang habulin pa." tiningnan ko siya. Parehas kaming nakasakay sa swing dito sa park. "Para saan pa ang paghahabol mo kung kahit naman maabutan mo siya hindi ka na niya mamahalin pa ulit. Alam mo parang marathon lang 'yan eh, bakit kaylangan mo pang tumakbo kung alam mo namang may ibang tao na ang nakarating sa finish line na mas una sayo? Papagudin mo lang ang sarili mo at kung kakarmahin madadapa at masasaktan ka lang" napangiti ako sa sinabi ni Rence. Naikwento ko kasi sa kanya ang tungkol samin ni Bryle. Nakakangiti na ako kahit papaano, unlike kanina pero ramdam ko pa rin ang sakit. Hindi mabilis ang tinatawag nilang move on. "Masakit lang kasing isiping gumamit pa siya ng dahilan at dinamay ang parents niya para lang iwan ako at magawa niya ang gusto niya dito, ang mambabae ng walang pipigil sa kanya" Ayos lang kasi eh. Ngayon alam ko na kung bakit gustong gustong makipagbreak ni Bryle sakin dati. "Wag ka na ngang umiyak. Akala ko pa naman matapang ka, pagdating sa ganyan nagiging mahina ka naman pala. Ang taas pa naman ng tingin ko sayo dahil ikaw ang kauna-unahang nagpahiya sakin kanina." Napangiti ako kahit papaano, alam ko naman kasing pinapatawa niya lang ako. Naramdaman ko ang pagdampi ng palad niya sa pisngi ko at dahan dahang pinunasan ang mga luha ko. "Kelly can you please stop crying? He doesn't deserve anything especially you and your tears. He already dumped you so let him. You don't need to push yourself to him, he doesn't love you anymore. Crying may ease the pain in your heart but it's not the best solution to move on." Tiningnan ko si Rence, base sa sinabi ni Alexa kanina. This guy never experienced love but why he knows everything about love? "A-Akala ko hindi mo pa nararanasang mainlove kaya paano mo nasasabi ang mga ito? Hindi naman pwedeng nag-goggle ka? Sabi ni Alexa, wala ka daw experience." Nakakapagtaka naman kasi, ang galing galing niyang magbigay ng advice. "Yeah, that's what she knows. I already fell in love, Kelly and only my friends know about it. It was a big mistake though" Hindi ko akalaing may naging girlfriend na si Rence. "W-What happened?" Ayoko na sanang magtanong pero naiintriga ako. Curiousity strikes me. "1st year ako noon. Ayaw sakin ng mga kaklase o schoolmates ko, hindi rin kasi ako dito lumaki. Sabi nila nayayabangan daw sila sakin. Okay lang, wala akong pakealam kasi ito ako eh. Hindi rin naman ako sikat dati, until one day I saw her and I fell inlove." Ngumiti si Rence, "Masaya naman kami eh, naging kami nga kasi ang sabi niya mahal niya rin ako. Akala ko lang pala ang lahat. In the end iniwan niya rin ako. Masarap sa pakiramdam ang magmahal pero may kapalit na sakit iyon kalaunan." Hindi ko akalaing may ganitong karanasan si Rence. "Hindi naman magagawang manloko ng isang tao kung hindi niya naranasan ang maloko. Siguro sadyang mapaglaro lang ang tadhana kasi ang mga taong naloko, natatakot nang magmahal ng totoo at masaktan kaya sila nalang ang manloloko ng ibang tao. Ipaparamdam nila sa iba, ang sakit na naramdaman nila noon." Alam ko ang tungkol don pero hindi ako ganoong tao. Hindi ko idadamay ang mga taong wala namang ginagawang masama sakin para lang masabing nakapanloko rin ako. Kung talagang galit ako sa nanloko sakin, sa kanya mismo ako maghihiganti. Natahimik kaming dalawa, naubusan pareho ng topic nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. "Ohgod! Bakit biglang umulan?" nagsimula na akong mataranta. Hahanap sana ako ng sisilungan naming dalawa pero agad rin akong hinigit ni Rence. "Wag ka nang maghanap ng sisilungan. Basa na rin naman tayong dalawa hindi ba? Bakit kaya hindi nalang tayo maligo sa ulan? Masaya 'to! At alam kong makakalimutan mo ang problema mo. Isabay mo sa pagbagsak ng ulan ang lahat ng problema mo at para gumaan ang nararamdaman mo" pumayag ako sa gustong gawin ni Rence. Pagkalipas ng ilang taon, ngayon lang ulit ako maliligo sa ulan. Okay, binabawi ko na ang lahat nang sinabi ko tungkol kay Rence. Oo mayabang siya pero mabait rin naman siya, maling mali na hinusgahan ko agad siya. Tama rin ang sinabi niya, hindi darami ang mga manloloko kung hindi nila naranasan ang maloko at masaktan pero sana hindi nila dinadamay ang mga taong wala namang ginawang masama sa kanila, hindi ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD