Chapter 5:

1735 Words
Luri Papunta na ako sa cafeteria dahil nakita ko si Kelly kasama ang dalawang hindi ko kilalang babae kaya lang habang papunta ako doon nakita kong may binubully sila Kuya. Yung nerd na pinagbintangan ng buong klase na nagbuhos samin ng tubig kanina. Pinatigil ko sila sa ginagawa nila bago umalis at dumiretso sa cafeteria. Wala na talaga akong balak bumalik pero ayokong malaman nila Mama na ganoon ang nangyari sakin sa school. Sabihin na nating cold ako, pero may mga bagay pa rin na iniisip ko at pinoproblema. Nakarating ako sa cafeteria which is pinagsisisihan ko. Masyadong madaming tao, ayoko sa tao, ayoko sa masyadong crowded na lugar. Agad ko silang hinanap at nang makita ko sila lumapit ako sa kanila. "Luri, where have you been?" nagtatakang tanong ni Kelly. "House." Umuwi ako para magpalit ng uniform. Wala akong dalang extra dahil hindi ko inaasahan iyon. Nainis ako kanina pero hindi ko na pinahalata pa. Napansin kong nakatingin sakin yung dalawang babaeng kasama ni Kelly. "By the way, this is Danica Lim and Alexa Kang" tumango ako at nakita kong ngumiti yung Danica. "Hello." Bati nila sakin although the other girl is not smiling at me. Matipid akong tumango sa kanila bilang sagot sa pagbati nila sakin. Pagkalipas ng ilang minuto nawala na yung awkwardness namin sa isa't isa. Naalala ko na rin kung sino sila. Childhood friends ko nga pala sila. Actually, kanina pa rin naman ako dito sa school dumiretso lang ako sa garden para magpalamig ng ulo. Naiinis kasi talaga ako lalo na nung mabasa yung librong binabasa ko. Nag iisa na iyon sa bookstore pero dahil basa na itinapon ko na. Useless na rin naman kasi, parang mga tao dito, useless silang lahat. Well, may exception naman. Pagkatapos naming magkwentuhan ay napagisip isip naming ikutin ang buong school lalo na nang malaman naming wala ang susunod naming teacher. "Oy, bilisan niyo ngayon daw i-aannounce yung tungkol sa Campus Royalties Popularity Battle" napatingin kami sa mga estudyanteng nagtatakbuhan papunta sa kung saan. "Sino kayang nominees para sa Campus Princesses at Campus Princes?" "Nagtanong ka pa sa Campus Princes, syempre grupo nila Rence 'yon, duh" Napatigil kami sa paglalakad dahil tumigil si Alexa at Danica. "Kelly, ayan na yung sagot sa mga tanong mo kanina tungkol sa Princes" pagkatapos nilang sabihin iyon ay bigla nila kaming hinigit papunta sa hindi ko alam na lugar. Kelly Pagkarating namin sa harap ng isa flat screen television na pinagkakaguluhan ng lahat, nakipagsiksikan pa rin kami para makita kung anong meron. Campus Royalties Popularity Battle: Are you all ready and excited for the next battle of Campus Royalties? Who will be the nominees for Campus Princesses and Princes? Are they ready to face each other? Are they ready to fight for their popularity? Are they ready for their punishment if ever they lose? The Campus Princes will be no other than the four Princes: Rence Kang, Zander Villafuerte, Lexter Lim and Andrei Hyo. They won for almost 3 consecutive years. Will the new set of Princesses defeat them and steal the crown or they will be the one to receive the punishment? Who are the new set of candidates for Campus Princesses? Well, it can be you. We will announce the chosen candidates next week so stay tuned students! Pagkatapos noon ay kanya kanya nang bulungan ang mga estudyante dito, ano bang meron sa contest na 'to? I still don't get it. "Actually, matagal ko nang gustong makasali diyan kaya lang hindi ako napipili. Siguro dahil kapatid ko ang isa sa mga Princes." Napatingin ako kay Danica nang marinig ko iyon mula sa kanya. Matipid siyang ngumiti sakin. "Bakit ba? Ano bang gagawin kapag napili ka?" naguguluhang tanong ko sa kanila. Huminga nang malalim si Alexa, "Once na napili ka bilang Campus Princess, kaylangan mo lang namang makipagtagisan ng popularity sa mga napiling Campus Princes at kapag natalo ka, may parusa. Anong parusa? Simple lang, bubully-hin ka. Ayon ang rule nila Kuya pero kapag natalo sila Kuya ngayon, malaking kahihiyan 'to para sa kanila. Well, the winner has the chance to make their own rules." Sabi naman ni Alexa. "Buti nga nakagraduate agad yung mga nakaraang Campus Princesses kaya hindi sila masyadong nabully. Sa school na 'to, hindi uso ang romance sa pagitan ng Princes at Princesses unlike sa mga fairytales na napapanuod natin noong mga bata pa tayo." Sabi pa ni Danica. "Sino namang nagpauso niyan?" nagulat ako nang biglang magsalita si Luri, "Hindi rin namin alam pero ang sabi nagsimula daw ito noong kumalat ang tungkol sa nangyari sa Gangster Princes at Casanova Princesses. Their identity is still unknown. Naniniwala daw kasi sila na may isang grupong uurong at may mamumuong love. Ganon, basta ang hirap i-explain eh. Kaya lang alam niyo, sa mga kapatid natin malayong mangyari 'yon. Manhid ang mga iyon eh" sabi ni Danica bago tumawa. "And once na nainlove sila sa Campus Princesses, katapusan na nila. Haha joke, magdedecide sila wether to continue the battle until the end or stop it." Nagkibit balikat si Danica, "I know, this may sound stupid but it's a tradition in our school" dagdag naman ni Alexa. ✖✖✖ Pagkatapos ng klase ay napagdesisyunan kong maggala. Gusto ko kasing maging pamilyar dito sa lugar namin para hindi naman ako laging nakakulong sa bahay. Nang makarating ako sa isang malaking school, Elliot University. Nakakita ako nang isang lalaki at isang babae na naglalandian. Napairap ako, ang kati naman nila sa harap pa talaga ng school naglalandian. Mahiya naman sila sa mga makakakita sa kanila. Nagpatuloy na ako sa paglalakad nang makasalubong ko sila, "Thanks Bryle dahil pumayag kang maging boyfriend ko. So, what do you want to do now?" napatigil ako nang marinig ko ang pangalan ng ex ko. Hindi man ako sure kung siya iyon pero biglang kumabog ang dibdib ko. Tiningnan ko silang dalawa at naabutan kong naghahalikan sila. Seriously, get a room. Hindi na talaga sila nahiya. Aalis na sana ako dahil nawalan na ako nang gana nang mamukhaan ko kung sino iyong lalaki. Laking gulat ko nang malaman kong siya nga si Bryle. Napatungo ako, nakita kong dahan dahang tumutulo sa sahig ang likidong nanggagaling sa mata ko. Tangina, hindi ko mapatigil yung luha ko. "Miss, okay ka lang?" natauhan ako nang mabunggo ko na yung babaeng kasama niya. Titingin palang sana sakin si Bryle nang bigla akong tumalikod at tumakbo papalayo. Ayokong makita niya ako sa ganitong sitwasyon. Hindi ko inaasahan na totoo pala ang sinasabi sa kanya ng mga tao. I know he's a playboy and a fuckboy pero hindi ko lubos na matanggap na baka ito yung rason kung bakit siya nakipagbreak sakin at hindi ko inaasahan na ganito pala kasakit ang magmahal. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko pero hindi ko magawa dahil na rin paulit ulit sa isip ko ang nakita kong paghalik niya doon sa babae. Grabe, ang sakit pala. Tumakbo lang ako nang tumakbo. Gusto kong lumayo, ayokong makita si Bryle, kinamumuhian ko siya ngayon. Sabihin niyo nang tanga ako dahil iniiyakan ko ang taong iyon pero he's my first so what do you expect. Ngayon ko lang naramdaman ito. Hindi ko na makita ng maayos ang dinaraanan ko dahil na rin sa patuloy kong pag iyak. "I hate my life. I hate my f*****g ex. Bakit ganon, ang unfair ng buhay. Bakit mahal ko pa rin siya?" Para na akong baliw, kinakausap ko ang sarili ko habang naiyak. "Nagmahal lang naman ako ah? Bakit ang sakit? Sana pala hindi nalang ako pumunta dito sa Pili—" napatigil ako sa pagsasalita ko nang may mabunggo na naman ako at this time malakas iyon kaya natumba ako. Hindi agad ako tumayo, ayokong makita niya akong umiiyak kung sino man siya. "P-Pwede ba sa susunod tumingin ka sa d-dinaraanan m-mo" hindi ko mapigilang manginig ang boses ko dala na rin nang pag iyak ko. "K-Kelly, bakit ka umiiyak?" napatigil ako nang marinig ko ang boses niya. Alam ko kung sino siya. Tumayo ako at agad na tumalikod sa kanya at pahirin ang pisngi ko. "A-Ano bang pakealam mo?! " aalis na sana ako at iiwan na siya kaya lang nakita ko si Bryle at yung babae. Agad akong humarap kay Rence at niyakap siya. Alam kong gulat na gulat siya sa ginawa ko pero hahayaan ko muna. Papalagpasin ko muna sila Bryle. Habang papalapit nang papalapit sila Bryle ay lalo ring humihigpit ang yakap ko kay Rence. Isinubsob ko ang mukha ko sa kanya. Ayokong makita niya ako, ayokong makilala niya ako. Nang maramdaman kong wala na sila ay agad akong kumalas sa yakap. "S-Sorry.." s**t, Kelly this is not you! Bakit ka ba iyak ng iyak? Akala ko ba hindi ka marunong umiyak? Bakit ngayon parang ang professional mo pagdating sa pag iyak?! Kapag naaalala ko ang lahat hindi mapigilang hindi manikip ang dibdib ko. Naramdaman kong hinawakan ni Rence ang magkabilang pisngi ko kaya ngayon nakatingin ako sa kanya. "Tell me, why are you crying? Dahil ba iyon sa babae at lalaking dumaan kanina?" iniwasan ko siya nang tingin. "Why do you need to know?" mataray kong tanong sa kanya. "Ah, it's just that, I hate seeing girls crying in front of me. I just want to help." Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Hindi ako sigurado kung si Rence pa ba itong nasa harapan ko. "Now, tell me.." huminga ako nang malalim at pinakalma ang sarili ko. "K-kasi y-yung lalaki k-kanina. S-Siya y-yung.." Agh! Hindi ko kayang magsalita ng maayos. "Hush now; he doesn't deserve your tears. Tears will help you to forget it temporarily but it really wouldn't help you" nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Bakit ganito? Ibang iba siya sa Rence na unang nakilala ko. "Sige ngayon, iiyak mo lang 'yan hanggang matuyo ka na. Haha joke! Iiyak mo lang hanggang mawala ang bigat ng nararamdaman mo" Bigla akong naging komportable sa kanya. May gentle side din pala si Rence. "B-Bakit?" hindi ko mapigilang hindi siya kwestyonin. "B-Bakit mo ako tinutulungan pagkatapos ng ginawa ko sayo kanina sa cafeteria?" kumalas siya sa yakap at ngumiti. "Wala lang, ayoko lang talagang may babaeng umiiyak sa harapan ko. It's one of my weakness." Ngumiti ako sa kanya. Kahit naman pala mayabang siya minsan may ganito pa rin siyang side. "Thank you Rence" ngumiti siya sakin bago tapikin ang uluhan ko. Thank you for comforting me when I need someone.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD