Kabanata 8
DAHIL bago palang si Althea sa Bohol ay binigyan na muna siya ng ilang araw para i-explore ang probinsya. Malaking tulong iyon sa kanya upang magadaling ma-adopt ang lugar na kanyang titirhan at paniguradong matatagalan ang kanyang pananatili rito.
Dahil hindi pa kabisado ni Althea ang buong siyudad ng Tagbilaran City ay tinawagan niya si Panilo upang magpatulong rito. May pasok na ito sa trabaho ngunit dahil parti iyon ng trabaho nito sinundo pa rin siya ng lalaki sa bahay na tinitirhan. Mabilis itong dumatin at eksaktong lang dahil handang-handa na sila ni Brandon sa pag-alis.
“Saan po tayo pupunta Ma’am?” tanong ni Panilo nang makasakay na sila sa van na minamaneho nito.
“Gusto ko sanang i-tour mo kami kahit dito lang sa buong siyudad Pan. Para kahit papaano ay alam namin ito. Nakakatakot kapag nawala kami at baka hindi na makabalik,” aniya.
“Naku Ma’am, huwag kayong mag-aalala at mabilis niyong lang makakabisa itong Tagbilaran City dahil organize naman dito lahat. Iyon nga lang malilito kaya sa ibang daan lalo pa’t bago palang kayo rito.”
“Iyon nga ang aking ipinag-aalala. Siyempre hindi naman sa lahat ng panahon at pagkakataon ay tatawag kami saiyo upang magpasundo. Malaking abala iyon saiyo.”
“Ay sos si Ma’am, nahiya pa. Trabaho ko po ‘yan Ma’am at bago pa ako pumasok sa kompanya ay iyon na talaga ang sinabi nila sa akin. Kahit gabi pa o madaling araw. Kailangan ay magmamaneho ako kung kinakailangang. Pero so far wala namang nagpapasundo sa akin tuwing hati ng gabi o madaling araw dahil walang over night na nangyayari.”
“Naku, kahit pa na trabaho mo iyon. Nakakahiya pa rin lalo pa’t hindi na related sa work kung papuputahin kita para lang ipagmaneho ako kahit saan. Tulad ng ganito medyo off ito sa trabaho ngunit nagmamaneho ka pa rin. Ang mga ganitong uri ng favor ang iniiwasan ko ngunit wala talaga akong choice, e. Ikaw lang sa ngayon ang makatutulong sa amin for this. Alam mo na, bago pa kami rito at sobrang wala kaming alam sa lugar.”
“Naiitindihan ko po kayo Ma’am. Pero huwag po sana kayong mailang o mahiya sa akin kung kinakailangan niyo talaga ang masasakyan kung may lakad kayo kahit na hindi iyon related sa work. Kayo kaya ang may pinakamataas na posisyon kaya parang boss ka na rin namin.”
“Naku, iyon ang ayaw ko na isipin ninyo. Mas gusto ko pang tawagin ninyo akong lider kaysa sa boss. Ayokong maging boss knowing na hindi naman sa akin ang kompanya at isa pa. Kapag boss kasi. Iyon-yong utos lang ng utos. Kumpara sa lider ito iyong may passion sa work na nili-lead niya ang kanyang mga subordinates.”
“Ang bait niyo pala Ma’am no? E, iyong dating manager ng Bohol branch magaling sa trabaho ngunit sobrang istrikto. Hindi ito tumatanggap ng excuse kapag may nali-late. Kahit sobrang valid pa iyon.”
Natawa si Althea sa sinabi ni Panilo. Ngayon ay nagmumukha na siyang sumbungan ng bayan. “Ganyan talaga ang tao kapag sobra itong work oriented. Kahit isang minuto ka lang na late ay talagang pagagalitan ka. Ako nagagalit naman ako kung sobra na at parati nalang ginagawa kahit pa’y pinag-usapan na. Ayoko sa mga ganoon dahil alam nilang mali na ginagawa pa rin.”
“Naiintindihan ko po kayo. Hayaan niyo po at sasabihin ko sa aking mga kasamahan sa opisina ang mga sinabi ninyo sa akin para ma-aware talaga sila sainyo. Para hindi niyo na kailangan ng mahabang introduction sa mga ito.”
Muli ay natawa si Althea, “ikaw talaga pero ikaw na ang bahala kung sasabihin mo ang aking mga sinabi. After all wala akong maling sinabi, ha?”
“Oo naman po. Ihanda niyo na po ang inyong sarili dahil una ko kayong ipapasyal mga importanteng lugar rito sa siyudad na siguradong pupuntahan ninyo madalas.”
“Sige Pan.” Binalingan ni Althea si Brandon at tahimik lang ito. “Mag-observe ka rin sa paligid okay? Para kahit papaano ay alam mo ang mga daan rito.”
“Yes po ate, ako na po ang bahala sa ating mga nadadaanan. Makikinig rin po ako kay Kuya Panilo.”
Nang makalabas sila sa parang subdivision na kung saan doon sila tumira at una nilang pinuntahan ang mga mga public market na siyudad. May marami itong public market ayon kay Panilo ngunit ang itinuro nito at pinuntahan nila ay iyong malapit lang sa kanila at ito ang pinakamalaki.
Hindi na rin maging mahirap kay Althea kung pupunta siyang mall dahil magkatabi lang ang pinakamalaking public market sa siyudad at pinakamalaking mall. Halos 100 meters lang ang agwat ng dalawang building. Kasunod nilang pinuntahan ang mga restaurants na pwedeng kainan. Marami silang pinuntahan ngunit tumatak kay Althea ang sikat na restaurant na pagmamay-ari ra ni Andrew Montecilio. Hindi iyon kilala ni Althea, maging si Brandon ay hindi rin. Pero paniguradong related lang ito nina Homer at Peter na nakilala niya noong nakaraang linggo.
Sunod nilang pinuntahan ang ibang malls at mga ospital dahil importante iyon. Inisa-isa din ni Panilo ang mga pagkaraming daan. Medyo nakakalito iyon ngunit hinayaan niya nalang. Tutal kapag nagtagal sila rito ay paniguradong magiging eksperto din sila kung paano maglaboy-laboy sa daan. Natapos sila tanghali na. Kaya naisipan niyang ilibre ng pagkain si Panilo.
“Saan niyo gusto kumain? Alas dose na pala ng tanghali at kailangan na nating kumain dahil gutom na rin ako,” aniya sa mga ito.
“Sa Montecilio Restaurant,” mabilis na sagot ni Brandon.
“Masarap ba mga pagkain nila roon Panilo? I’m sure nakakapunta ka na roon.”
Tumango si Panila, “masasarap po pagkain nila roon pero may kamahalan ngunit worth it naman dahil hindi tinitipid ng pagkain ang mga costumer.”
“Okay, doon nalang tayo.” Natutuwa si Althea sa pagiging totoong tao ni Panilo. Talagang sinasabi nito kung ano ang totoo at masasabi din niyang matalino itong tao dahil ang galing nitong magturo ng mga direksyon. Very organize kaya mabilis lang sa kanilang matandaan ang kanilang pinuntahan. Tulad ang pagpunta na naman nila ngayon sa restaurant. Talagang tinanandaan niya ang daan pati na ang mga mahahalagang gusali.
Nakarating sila sa restaurant. Biglang kinabahan si Althea baka kahit sino nalang ang tatawagin ng kapatid tulad no’ng kay Peter. Naku, huwag naman sana iyong gawin ng kapatid ngayon. Pero tiwala naman siyang hindi na iyon uulitin ni Brandon dahil napag-usapan na nila ito noon.
Nauna silang pumasok kumpara kay Panilo. Nakasunod lang ang lalaki sa kanyang likuran. Napaawang ang labi ni Althea nang makita kung gaano ka kaganda ang restaurant. Sobrang organize ay ang gaganda ng mga table at upuan. Gawa ito sa magandang quality ng mga kahoy. Bukod pa roon ay madaming kumakain. Mabuti na lamang at may mga bakante pa.
Mayroong lumapit sa kanila at nagulat si Althea nang makilala ito. Hindi siya makapaniwala na umuwi pala si Peter rito sa Bohol.
“You look familiar? And you, ikaw si Althea at ikaw si Brandon hindi ba?” gulat ngunit masaya nitong tanong.
“Kami nga Peter, nice to see you back. What a coincidence,” napangiti niyang wika rito.
“Hindi ko inakala na makikita ko kayo rito.”
“At maging ako rin. May trabaho ka sa Manila hindi ba?”
“I’m on vacation leave kasi a-attend kami ng kasal ng aming pinsan. Siyempre, hindi iyon pwedeng baliwalain dahil inutusan na kaming umuwi lahat,” kwento ng lalaki. “Naku ang daldal ko talaga, umupo na muna kayo para makapili na kayo ng menu.” Iginiya sila ng lalaki pa sa isang bakanteng table. “Dito kayo malapit sa mga crew na table para naman mabilis kayong makahingi ng favor sa amin.”
“Nakakahiya naman pero maraming salama,” aniya.
“You are very welcome Althea, teka,” napatingin si Peter kay Brandon. “Bakit ang tahimik mo ngayon, ha? Naninibago ka ba?”
Umiling si Brandon, “hindi naman po,” ngumiti ito. “Nakauwi na po ba si Kuya Homer?” tanong ng kapatid.
“Hindi pa siya nakakauwi pero expected na darating siya this week kasi kailangan niyang um-attend ng kasal.”
“Pasensya ka na at hinahanap nito ang modelong si Homer. Na-addict na yata ang aking kapatid sa iyong pinsan. Kahit sa bahay ay bukang bibig nito si Homer. Maging sa telebisyon ay isang channel lang ang pinapanood ni Brandon.”
“Nakakatuwa nga e. Huwag kang mag-aalala Brandon, ako mismo ang gagawa ng paraan upang makita mo ng personal si Kuya Homer, okay? Pwede ko kayong imbitahan sa kasal.”
“Ay naku, Diyos ko naman, nakakahiya iyon,” si Althea na ang nagsalita. Kaloka naman itong si Peter. Sa lahat pa ng okasyon na iimbitahan sila ay sa kasal pa. Okay lang sana kung ito ang ikakasal ngunit iba, e.
“Ay sos, huwag kayong mahiya o mag-aalala. Mababait naman ang mga taong makakaharap ninyo at isa pa, mahalaga din iyon kay Kuya Homer dahil mayroon pala siyang taga-hanga na katulad ni Brandon. Alam ninyo, matutuwa sila kapag nakita kayo.”
“Ikaw talaga, nakakahiya kaya iyon. Hindi niyo naman kami kilala para dumalo sa kasal.”
“Kilala na kita at nakakapag-usap na tayo ng ganito kaya ibig sabihin lang no’n ay kaibigan na tayo. At pumayag ka na para naman sa kapatid mo ang gagawin natin. Siyempre espesyal iyon para kay Brandon.”
“Sige na ate, please,” ani Brandon sa kanya at nagpapa-cute ang muklo. “Promise, magpapakabait ako always.”
“See, iyon naman pala. Dumalo na kayo at don’t worry ako ang aasikaso sainyo during that wedding. Hindi makakdalo ang nobya ko kaya kayo nalang ang aking kasama.”
“Iwan ko sainyo pero sige na nga, anong araw ba ang kasal?” tanong niya.
“Sunday,” tipid na sagot ni Peter.
Napatingin si Althea kay Panilo na noo’y tahimik lang sa pakikinig. “Walang office kapag Sunday, Ma’am Althea. Day off nating lahat iyon,” sagot ni Panilo dahil nahulaan na nito kaagad ang kanyang iniisip.
“Iyon naman pala, e. So wala na iyong problema. Alam ninyo since magkaibigan na tayo, umupo na tayong lahat rito para kumain. Gutom na rin kasi ako at libre ko na lahat.”
“Hoy nakakahiya,” ani Althea at talaga na-hoy pa niya ang lalaki. Hindi niya alam na ganito pala kabait si Peter. Sobrang makamasa nitong tao at hindi naiilang kahit kabago lang nilang magkakilala.
“Pagpasensyahan mo na ang medyo feeling close ako minsan. Natutuwa kasi ako sa kapatid mo. Unang beses ko kasing makausap at makilala ang mga humahanga sa aking pinsan. At sino ang mag-aakala na may katulad pa sa kondisyon ni Brandon ang tagahanga ni Kuya Homer.”
“Naku, maraming salamat Peter. Kung alam mo lang, halos hindi nga iyan pumayag na lumipat kami rito sa Bohol dahil ayaw nitong iwan ang bahay. Pamana na iyon sa amin ng mga magulang naming patay na dahil sa aksidente,” aniya.
“Nalunod po ang barko na sinasakyan nila noon,” biglang sabat ni Brandon
“Oh my?” medyo nagulat si Peter. “Saan papunta ang barko, I mean, saan galing?”
“Dito galing ang barko papuntang Cagayan de Oro. Bagyo ‘yon, e ngunit kailangan nilang mama at papa na makauwi dahil may birthday ni Brandon kinabukasan.”
“Nangyari ba ang paglubog tatlong taon magmula ngayon?” tanong ni Peter. Mukhang curious na curious talaga ito.
Tumango si Althea, “hinding-hindi ko iyon makakalimutan. Madugong taon namin iyon dahil talagang hindi namin kinaya ang kanilang pagkawala lalo na itong si Brandon na isang taon din depressed.
“Alam niyo ba na nakasakay din doon ang si Ate Angel at pati na ang dalawa nilang anak ni Kuya Douglas. Mabuti na lamang at nakaligtas siya pati ang isang bata ngunit ang isa ay hindi na namin mahanap hanggang ngayon. Hindi nga namin alam kung buhay pa ba ngayon si Cedrix o tuluyan na itong nawala sa amin.”
“Talaga?” medyo nagulat din si Althea sa sinabi ni Peter. “Si Douglas ba ay iyong pinsan mo hindi ba na nabanggit mo noon sa mall?”
“Oo siya nga, at sila ang ikakasala. Naku, kung alam mo lang ang love story ng mga iyon. Llao na si Ate Angel.”
“Bakit? Pwede ko bang malaman?” medyo na curious din si Althea. Hindi naman sa chismosa siyang tao. Talagang curious siya lalo pa’t kasama pala ito sa paglubog ng barko na nandoon din ang kanilang mga magulang ni Brandon.
“Sure, before that mag-order na muna tayo ng pagkain dahil gutom na gutom na ako, e. I think kayo din.” Sobrang madaldal at napaka-accomodating na tao ni Peter. Talagang walang taong maiilang rito at walang dead air na magaganap sa usapan. Ito iyong taong kahit boring ang usapan ay nabibigyan nito ng flavor upang maging exciting.
Tumawag ng waiter ang lalaki at may dala itong mga menu. Nahihiya man ay nag-order na rin sila ng gustong kainin. Inilista iyon ng waiter at kailangan pa nilang maghintay ng mga five minutes para maihanda lahat ng pagkain.
“So, saan na ba tayo?” natatawa nitong tanong.
“Iyong tungkol kay Angel,” aniya. Talagang tinandaan niya dahil hindi pwedeng hindi magkwento si Peter. Nasimula na nito, e.”
“Iyon nga, si Ate ay inoperahan siya noon sa ulo kasi may tumor. Tapos iyon, umuwi sila rito sa Bohol kasama si Kuya Douglas at kanilang dalawang anak. After how many days nakaramdam si ate ng mga sintomas ng sakit sa puso.”
“Hala? May sakit sa puso si Angel?” hindi niya mapigilang wika dahil nagulat talaga si Althea. Maging si Peter at nagulat kasi napalaki ang kanyang boses.
“Oo, may sakit sa puso at kailangan ng heart donor. Siyempre, wala kaming nakita kahit saang lumapalop na kami ng ospital naghanap. So ayon, dahil nawawalan na ng pag-asa si Ate ay naghanap siya ng magiging kahalili niya sa pag-aalaga kay Kuya Douglas at pag-aalaga sa mga anak. May nahanap si ate ngunit sinumbong nito ang plano ni Ate Angel. Nagalit ang aming lola kaya pinaalis si Ate Angel na hindi kasama ang mga bata. So ayon nga, dahil gusto ni Ate na makasama ang mga anak at itinakas niya ito. Sumakay sila ng barko kaya nalunod. Isang milagro din iyon na naka-survive siya. Napadpad sila sa bayan ninyo at doon nakilala niya ang magkapatid na Dominic at Myla. Alam mo bang si Myla ay dating kasihantahan pala ni Kuya Homer.”
“Ha?” nagulat si Denzel. Bigla niyang naalala ang tungkol sa sulat. “I mean, wow, what a coincidennce.” Sobrang nagulat talaga siya!
“So ayon doon tumira sina ate at isang araw naaksidente raw si Myla. Patay na ang utak ni Myla ngunit gumagana ang ilang organs kabilang na ang puso nito. Kaya ibinigay ang puso at na-operahan si Ate Angel. Sa awa ng Diyos ay naging okay ang lahat at nakabalikan sina Ate Angel at Kuya Douglas.”
“Iyong lola ninyo?” curious niyang tanong. Mayroon kasi siyang lolo at lola na ang sama ng mga ugali.
“Nagkapatawaran ang lahat. Kasi alam nilang may mga kasalanan din sila sa nangyari. Ngayon ay tuloy pa rin ang paghahanap namin sa nawawalang bata at nagbabakasakali kaming mahanap namin si Cedrix.”
Hindi makapaniwala si Althea sa ganda pala ng istorya ni Angel at Douglas. Mas lalo tuloy siyang na-excite na makita ang mga ito. Ngunit binabagabag talaga siya sa isang sulat. Natatakot siya dahil hindi iyon naibigay kay Homer noon. Ngayon, kapag ibinigay niya ito sa lalaki ay baka magalit ito sa kanya. Lalo pa’t siya ang manager.