Kabanata Seven
HALOS hindi magkamayaw ang inis at galit ng lola at lola ni Althea nang sabihin niya sa mga ito kung ano ang kanilang plano ni Brandon. Tila nasaniban ng masamang espiritu ang abuela nang sabihin niyang sa Bohol na sila titira ni Brandon.
“Nahihibang ka na ba Althea? Ilalayo mo sa amin si Brandon at doon na kayo titira? Anong klaseng kahibangan na naman ito?” namumula na ang mukha nito sa galit.
“Buo na po ang aking desisyon. At kung may pamimilian naman ako ay hindi kami aalis dito. Tanging trabaho ko lang ang pupuntahan namin sa Bohol. Doon ako itinapon ng aking mga amo,” aniya. Gusto na niyang umalis sa bahay ng mga ito. Kung si Althea ang mamimili, ayaw na sana niyang ipaalam sa mga ito ang kanilang pag-alis ngunit kailangan. May kaya ang kanyang lola at lola at ayaw niyang mawalay sa kanya si Brandon.
“Kung pera at trabaho lang din naman ang pag-uusapan ay bibigyan ka namin ng pera. Kahit kailan talaga ay mana ka saiyong ina. Tingnan mo, nagtungo sila sa Bohol noon at anong nangyari? Namatay lang sila,” wika ng abuelo at maging ito ay inis na inis sa kanya.
“Huwag niyo pong isali rito si mama dahil matagal na siyang namayapa. Ngayon kung ayaw ninyong irespeto ang aking desisyon ay aalis na ako. Sa pumayag kayo o sa hindi. Ako ang masusunod sa amin ni Brandon,” matapang niyang wika sa mga ito.
“At diyan ka nagkakamali,” ani ng matanda. May kinuha itong brown envelope sa isang drawer ng sala. Kinuha nito sa loob ang isang papel at ibinigay sa kanya. “Noong isang buwan pa namin hawak ang papel na ito at hinintay lang namin na may mangyaring masama kay Brandon upang makuha namin siya saiyo. Pinapatunayan ng papel na iyan na mayroon din kaming karapatan sa kapatid mo dahil apo namin siya. Remember na kapatid ka lang niya sa ina kung kaya’t hati tayo sa karapatan.”
Nanlaki ang mga mata ni Althea nang mabasa ang papel. Talagang gagawin ng mga ito ang lahat para makuha sa kanya ang kapatid. Galit siyang tumingin sa mga ito. Ayaw magpakita ng kahinaan ni Althea dahil alam niyang magwawagi ang mga ito.
“Mayroon nga kayong karapatan ngunit sad to say ako pa rin ang magdi-decide para kay Brandon dahil ako ang legal guardian niya. Kung mayroon man kayong karapatan ay maliit lang iyon kumpara sa akin.”
“Huwag kang papakasiguro Althea. Nakasaad sa papel na iyan kung hindi mo kayang alagaan at hindi mo kayang bigyan ng magandang buhay si Brandon ay mapapasaamin ang bata. At humanda ka, gagawin namin ang lahat makuha lang namin ang bata.”
Naikuyom ni Althea ang kanyang mga kamay. “Kung sainyo lang din mapupunta ang kapatid ko ay hindi ko iyon hahayaang mangyari. Sa sama ng ugali ninyo sa tingin ninyo magiging komportable ako na titira dito si Brandon? Over your dead body. Wala namang patutunguhan ang usapang ito. Huwag kayong mag-aalala, aalagaan ko ang aking kapatid.” Pinagdiinan niya ang huling salita. Akala siguro ng mga ito ay magpapasindak siya kung ano ang pwedeng gawin ng mga kontrabida sa kanyang buhay. Hindi niya iyon hahayaang mangyari at kahit papaano ay may tiwala parin siya sa batas ng bansa.
Nagmamadali siyang lumabas sa bahay ng mga ito at hindi na niya hinintay na pabuksan siya ng security guard dahil wala ito roon. Siya na ang kusang nagbukas ng gate at nilisan ang bahay. Mabuti na lamang at hindi talaga nagmana ang nakilalang ama sa mga ito. Sobrang sama ng mga ugali at hindi nakakain ng aso! Kaya ayaw niyang tumira si Brandon sa mga ito dahil alam niyang may nakatagong dahilan ang abuelo at abuela kung bakit nagkakandarapa ang mga itong makuha ang bunsong kapatid.
Ngayon ang huling araw ni Althea sa Legazpi at bukas na ang kanilang alis. Nakapag-select na rin sila ng manager at masaya siya dahil si Miya iyon. Talagang pinatuayan nito na karapat-dapat siya sa posisyon at nagbago na ang kaibigan. Kaya pala ito nagpursige sa pagta-trabaho ay may sakit ang mama at papa ng kaibigan. Dagdagan pa na ito ang nagpapaaral sa mga kapatid. Nakapagpaalam na rin si Althea kay Miya dahil lumbas sila kahapon at siyempre dala nila si Brandon upang hindi ito maghanap sa kanya.
Pagkabalik niya sa bahay ay naabutan niya ang kapatid na malungkot ang mga mata. Tahimik lang ito at tila ayaw magsalita. Alam niya kung ano ang iniisip nito. Mami-miss ng kapatid ang bahay na tanging mayroon sila na galing sa mga magulang. Naging simple lang kasi ang kanilang pamumuhay noon. Isang manager ang kanyang nakilalang ama at maging ang kanyang ina. Walang gaanong naipundar ang mga ito kasi mas gusto nila ng mas tahimik na buhay. Iyon ang gusto ng ina at nakasanayan kaya walang nagawa ang ama kundi makibagay. Umalis ito sa puder ng mga magulang na mayroon sanang higit na mas magandang buhay. Ngunit pinili sila nito at naging masaya naman sila. Isang kasiyahan na hindi pwedeng ipagpalit sa anumang bagay. Hindi kilala ni Althea kung sino ang totoo niyang ama dahil ayaw niyang magtanong at ayaw ding sabihin ng kanyang ina at ama. Kahit na ganoon ay hindi na rin siya nagpursiging hanapin ito dahil sapat na sa kanya ang dalawa. Paniguradong may dahilan ang kanyang ina kung bakit hindi niya nakilala ang totoong ama.
“Ate, pumayag ba sina lolo at lola? Baka nagalit na naman iyon saiyo.” Lumapit si Brandon sa kanya at yumakap. Kahit na may kondisyong ganito ang kapatid ay alam nito ang lahat. Alam ni Brandon na magkapatid lang sila sa ina at alam nito na naghahabol rito ang abuelo at abuela.
“Alam na nila Brandon at tutol sila roon. Ngunit wala na silang magagawa pa dahil buo na ang aking desisyon at sasama ka naman sa akin hindi ba?”
Tumango ito sa kanya, “kung saan po kayo pupunta ay sasama ako sainyo. Ayokong tumira kasama sina lolo at lola dahil ang bad nila, e. Nakita ko noon pinagalitan nila si mama at hindi alam iyon ni papa.”
“Talaga?”
Tumango uli ang kapatid. “Upo, hindi ka namin kasama noon kasi may exam ka kaya kami lang ang bumisita.”
“Ang sama talaga nila.” Naalala ni Althea ang panahon na iyon at ayaw niya rin kasing sumama dahil ang sama ng tingin ng mga ito sa kanya every time na dadalaw sila sa mga ito. Ang sama lang mga ugali. Kung makaasta ay mga bata pa ito. Mga gorang na at anumang oras ay pwedeng kunin ni satanas.
“Basta ate, ha. Isama mo ako kahit saan ka pupunta. Di bale nang iiwan natin ang bahay na ito ang mahalaga ay magkasama tayong dalawa. Iyon naman ang importante hindi po ba?”
Ngumiti si Althea sa tinuran ni Brandon, “oo naman. Alam mo bang iyon ang pinakaimportante sa akin? Na magkasama tayo kahit saan at masaya tayong dalawa. Kapag palagi natin iyong ginagawa ay napapasaya natin sina mama at papa sa heaven.” Lumuhod si Althea at niyakap si Brandon ng mahigpit. “Ang bango naman ng Brandon ko.”
“Siyempre naligo ako at marami akong sabon na inilagay.”
“Kaya naman pala,” mas lalo pa niya itong niyakap ng mahigpit. Si Brandon ang klase ng tao na may Down Syndrome a maabilidad at maagang natuto sa mga basic na gawaing bahay. Talagang sinanay ito ng mga magulang upang darating ang panahon na possibleng magkaroon rin sariling pamilya ang kapatid. Kahit na impossible ay naniniwala pa rin si Althea. May mga the same cases na katulad kay Brandon na nagpakasal. Masaya naman ang mga ito at hindi pa rin nawawala ang legal guardian ng mga ito.
Dahil hapon na nang siya’y makabalik sa bahay ay hindi na nagpalit ng damit si Althea. Iniwan niya ang kapatid sa sala at nagtungo siya sa kusina. Madali lang ang kanyang paghahanda ng pagkain dahil wala na ring natira sa kanilang ref dahil sinadya niyang ubusin ang laman roon. Ayaw niyang may mga matitirang pagkain dahil sayang iyon. Kumain na sila ng kapatid at pagkatapos siya na rin ang nagligpit.
MAAGANG natulog sina Althea upang maaga din silang magising dahil alas nwebe ng umaga ang kanilang flight. Mas nauna siyang magising sa kapatid kaya naligo siya at naghanda ng makakain. Dahil bigas na ang natira sa kanila. Lumabas na muna si Althea upang bumili ng sardinay at itlog. Iyon na lamang ang kanilang uulamin.
Pagbalik niya ay gising na si Brandon at naligo na ng kusa ang kapatid. Nakahanda na ang damit na susuotin nito sa kama at alam na iyon ng kapatid. Eksaktong tapos na itong maligo at nakapagbihis ay luto na rin ang sardinas at itlog na kanyang niluto. Sabay na silang kumain at mabilis din silang natapos. Kailangang maaga silang makarating sa airport.
“Excited ka na ba?” tanong niya sa kapatid nang mailabas na nila ang kanilang mga gamit sa bahay.
“Opo ate ngunit malungkot kasi iiwan na natin ang bahay.”
“Naku, bibisitahin naman natin ang bahay na ito, e. Paminsan-minsan kapag may vacation leave ako ay dito tayo magbabakasyon para naman mabisita natin ang bahay.”
“Sabi mo ‘yan ate, ha?” lumawak ang ngiti sa labi ng kapatid. “Ang bahay po ba na ating titirhan roon ay maganda ate?”
“Hindi ko pa alam, e. Sabi sa papel na aking pinirmahan ay bahay iyon ng kompanya na intended sa akin bilang manager. Hindi iyon pagmamay-ari natin ngunit habang manager o nagta-trabaho ako roon ay doon tayo titira. Pwera nalang kung mapapalis ako sa aking trabaho at hindi na tatanggapin ulit.”
“Hala, so kailangan mong magpakabait ate para hindi ka matanggal?”
“Oo,” napatawa si Althea at ginulo ang buhok ng kapatid. “Tara na?”
“Tara na ate.”
Naka-lock na ang lahat ng pinto pati na ang plangka ng kuryente. Sa online nalang siya magbabayad ng kuryente para sa kanilang bills noong nakaraang buwan. Katapusan na rin kasi kaya oras na ng maraming bayarin.
Eksaktong paglabas nila sa gate ay mayroong taxi na huminto. Pinara nila iyon at isa-isang isinakay ang gamit.
Nang mapasok lahat ang kanilang mga dala at sumakay na rin si Althea. Wala pang bente minutos ay nakarating na sila sa airport. Naging smooth naman ang mga processes at walang anumang abirya. Pagsakay nila ng eroplano ay naghintay pa siya saglit haggang oras na ng departure.
Hindi man aaminin ni Althea na medyo excited din siya na makalapag sila sa Bohol. Maganda kasi ang probinsya at sobrang daming mga lugar na pwedeng puntahan. Kung hindi siya nagkakamali ay sobrang daming white beach sa bagong lugae na titirhan. Isa at kalahating oras lang ang kanilang hinintay upang mag-landing ang eroplano.
Paglabas nila sa eroplano ay mayroong nakaabang sa kanilang lalaki. May hawak itong bondpaper at nakasulat ang kanyang pangalan. Ito ang susundo sa kanila at nilapitan niya ang lalaki.
“Hello po, ako po si Althea Natividad kayo po ba ang susundo sa amin?” tanong niya rito.
“Opo, ako po ang driver ng branch rito. Pwede ko po bang makita ang iyong ID para mai-confirm?”
“Sige po.” Kinuha ni Althea ang kanyang ID sa wallet at ibinigay iyon sa lalaki. “Ito po.”
Tiningnan iyon ng lalaki at nagpalipat-lipat ng tingin. “Ang ganda niyo po pala sa personal,” ani nito. “Tara na po.”
“Maraming salamat.”
Kinuha ng lalaki ang kanilang mga gamit at sinakay iyon sa van. Pinauna niyang pasakayin si Brandon dahil tumulong na muna si Althea. At ilang saglit pa’y nakasakay na silang lahat at nilisan ang parking lot ng airport.
“From now on po Ma’am ay ako ang magiging driver ninyo pati na sa iba kung mayroon kailangan ang mga ito. Ako po ang susundo at hahatid sainyo pauwi. At pwede ko rin po kayong ipagmaneho kapag may gusto kayong puntahan tulad ng grocery o mamasyal. Previlige po iyon ng kompanya sa mga manager.”
“Naku, maraming salamat po. Kumusta po kayo rito? Okay lang ba ang pamamalakad ng naunang manager?”
“Okay naman po ang kaso maagang nabawian ng buhay kaya kailangan palitan ni Sir. At kayo po iyon.”
“Iyon pala ang dahilan. Ano po ang ikinamatay?” chismosa niyang tanong.
“May sakit po, e. Hindi nga lang namin alam kung ano kasi confidential raw. Kaya hindi nalang namin inalam.”
“Ganoon po ba? Huwag po kayong mag-aalala. Chill lang naman akong manager at hindi ko kayo ipi-pressure lahat. Basta’t magtulungan tayo lahat,” mabait niyang wika. Hangga’t maari ay ayaw ni Althea na maging boss sa mga ito. Gusto niya kaibigan silang lahat na hindi nawawala ang respeto sa posisyon na mayroon siya.
Nakarating sila sa bahay ng kompanya at napaawang ang bibig ni Althea dahil ang ganda niyon. Bagong gawa ito at mukhang wala pang nakatira.
“Hindi po ba ito natirhan?” tanong niya sa drayber.
“Hindi po Ma’am, e. Kasi pinagagawa pa iyan noong namatay si Sir. Kaya ikaw lang po ang unang tao ang makakatira sa bahay. Ang ganda ng pagkagawa at mukhang inihanda talaga para sainyo.”
“Hindi naman po... maraming salamat sa paghatid at pagbaba sa aming mga gamit.”
“Wala pong anuman Ma’am.” May kinuhang maliit na papel ang drayber at ibinigay iyon sa kanya. “Ito po ang aking numero Ma’am, pwede niyo akong tawagan anumang oras kung may kailangan kayong puntahan.”
Tinanggap ni Althea ang papel at saglit iyong binasa. “Panilo pala ang iyong pangalan. Maraming salamat Sir Panilo.”
“Naku, tawagin niyo nalang po akong Pan at huwag na ang Sir. Mas komportable po ako sa Pan.”
“Kayo po ang bahala, maraming salamat Pan.”
“Walang anuman po Ma’am Althea. Bago ko pa po makalimutan ay heto na po ang susi ng bahay pati na ang mga susi ng mga kwarto. Private po kayong maninirahan rito at walang pwedeng makakasama sainyong empleyado ng kompanya.”
“Maraming salamat ulit. Kami na ang bahalang magpasok ng aming mga gamit at umuwi ka na muna upang makapagpahinga.”
“Sige po Ma’am, see you po.”
“Sige, mag-iingat ka sa daan.”
“I will po,” ngumiti si Panilo at umalis na ito dala ang van.