KABANATA NINE

2700 Words
Kabanata 9 TULUYAN nan gang tinanggap ni Althea ang imbitasyon ni Peter kahit nagdadalawang isip siya sa gusto nito. Siyempre nakakahiya naman iyon. Sino sila para dumalo sa kasal na kung tutuusin ay hindi naman nila kaano-ano ang mga ito. Tanging pinagbibigyan niya lang talaga si Brandon, si Peter at ang kanyang sarili sa sobrang curious na makita sina Angel at Douglas. Tila parang telenobela ang istorya ng mga ito. Lumipas ang mga araw at sa wakas nakapagsimula na si Althea sa kanyang trabaho. As usual, may pa entrance ang kanyang mga kasamahan at sobrang babait ng mga ito kahit pa’y mas bata siya sa iba. Napaka-friendly ng kanyang mga kasama at sobrang napaka-approachable. Oras na ng kanyang trabaho nang tumingin si Althea sa CCTV screen monitor. Ginagawa niya iyon upang makita kung sino nga ba ang productive at hindi. Lahat naman maspag sa pagta-trabaho. Kapag oras ng snacks at humihinto ang mga ito. Kapag oras naman ng trabaho ay sobrang tutok ng lahat. Masasabing iba ang mga ito kaysa sa mga kasamahan niya noon. Although nagta-trabaho naman ang mga kasamahan niya sa Legazpi ngunit sinasabayan ng usapan. Ngunit kailangan paring magmasid ni Althea. Bago pa siya at siguro mabait ang mga ito sa kanya. Natapos ang buong araw at sobrang sakit ng likod ni Althea. Hindi niya alam na nakatambak pala ang mga papeles. Kung alam lang niya na sa mga araw na hindi pa siya pumapasok ay ay edi sana pumasok na siya kaagad. Habang wala kasi siya ay may mayroong mga kailangan papeles na pirmahan at suriin. Natapos niya ang lahat ng iyon ng buong araw. Pag-unat niya sa kanyang katawan ay doon palang napagtanto ni Althea na hindi pala siya nananghalian! Sobra siyang ginutom. Inayos niya muna ang kanyang sarili at sinigurong okay na ang lahat at natapos na niya ang mga gawain. Eksaktong paglabas niya ay naghahanda na rin ang iba upang umalis ang mga ito. “Guys, natapos ko na ang lahat ng paper works at nasuri ko na ang mga papeles pwede niyo na sila ipadala sa mga kanya-kanyang destinasyon. Pasensya na dahil iba roon ay paniguradong delay,” aniya sa mga ito at nagtinginan. “Ma’am, naiintindihan po namin na tatlong araw pa kayong on leave pero ang matapos ninyo kaagad ang lahat sa isang araw lang ay ang hirap niyon,” wika ng isang ginang at hindi ito makapaniwala sa kanyang sinabi. “Kaya pala hindi ka namin nakitang lumabas kaninang tanghali. Kakatok sana kami sa office ninyo para yayain kang kumain ngunit baka abala ka sa iyong ginagawa at hindi naman kami nagkamali sa aming iniisip,” ani ng isang lalaki na may katandaan na rin. “Naku po, kapag busy talaga ako ay hindi ko na namamalayan ang oras at sinadya kong tapusin ang lahat today para bukas iba namang papers ang aking iri-review at para mas mabilis ang process. Ayaw ko kasing may mga delayed sa padala na mga papel at importanteng documents. Dahil sa office namin sa Legazpi noong hindi pa ako manager. Sobrang daming sulat ang hindi naipapadala.” At isa na roon ang sulat ni Myla para kay Homer. Nagdadalawang isip na tuloy siya kung ibibigay ba niya iyon sa lalaki tutal patay na si Myla. Pwera nalang kung magmumulto ito. Huwag naman sana. “Kaya mas maganda talaga kung bata ang manager. Talagang time bound at sobrang sipag,” wika pa ng isang ginang. “Naku, bumabawi lang po ako. Aalis na po ba kayo? Sabay-sabay na tayo mukhang nandoon na si Panilo sa labas.” “Ay naku Ma’am, may mga kanya-kanyang sundo kami at may sasakyan ang iilan sa amin,” ani pa ng isa. Kilala na ni Althea ang mukha ng mga kasamahan ngunit hindi pa niya kilala ang mga pangalan ng mga ito. Baka sa susunod pang mga araw ay makikilala na niya ang mga ito ng tuluyan. Sabay-sabay na silang lumabas at huli ang guard dahil ito ang magsisiguro kung maayos na ba ang lahat. Tama nga ang sinabi ng mga ito, ang iba sa kanila ay may sundo, ang iba naman ay mayroong kotse at iba naman ay motor. Mukhang solo niya lang palagi ang van na minamaneho ni Panilo. Pagsakay niya ay bigla siyang na-curious kaya tinanong niya ang drayber, “Pan, kapag ba walang susundo sa mga kasamahan natin sa work or may abirya ay tinatawagan ka ba nila upang sasakay ang mga ito?” tanong niya. “Opo Ma’am, ngunit bihira lang iyon. Ngayon nga lang ako nagiging regular sa trabaho dahil nandito na kayo. Noong namatay ang dating manager ay may kotse din iyon. Bihira lang ako nauutusan at bihira lang akong mayroong ipagmamaneho. Iyong trabaho ko nalang ay tagahatid ng papers sa airport at barko.” “I see mukhang mayayaman sila rito, noh.” “Sinabi mo pa Ma’am, siguro kayon din po Ma’am,” ani Panilo. “Naku,” natawa si Althea. “Sinong may sabi na mayaman ako? Simpleng babae lang talaga ako Panilo, oo may savings pera hindi naman kalakihan. Kulang pa nga iyon upang ibili ko ng sariling kotse, e. Narinig mo naman ang kwentuhan hindi ba iyong kumain tayo sa Montecilio Restaurant? Maaga kaming naiwan. Mabuti nalang talaga at tapos na akong mag-aral that time ng mamatay sina mama at papa. Simulo noong wala na sila, ako na ang gumagapang para sa amin ni Brandon. Kaya sobrang espesyal talaga para sa akin ang ma-promote bilang manager dahil katas ito ng aking pagsisikap.” “At deserve niyo naman po ang posisyon. Malay po natin sa mga susmunod pang mga tao ay magiging supervisor na kayo. Sa sipag niyong ‘yan ay paniguradong easy lang sainyo ang ma-promote.” “Magdilang anghel ka sana Pan pero sa ngayon ay focus na muna ako sa pagiging manager. Kung papalaring maging supervisor ay maganda iyong balita sa akin.” “Kaya niyo po ‘yan, Ma’am Althea, ikaw pa.” “Kakayanin, tara na?” “Tara na po.” Umalis na sila at binaybay na nila ang kahabaan ng daan. Mabuti na lamang at hindi traffic ang daan kung kaya’t nakarating sila sa bahay na may araw pa. Biglang pumasok sa isipan ni Althea ang mag-grocery sila. Kaunti lang kasi ang pinamili niya noong isang araw kung kaya’t kailanhan pa niyang dagdagan ang mga ‘yon. “Pan, aalis ka na ba? Pwede ba kaming magpahintay saglit? Bibihisan ko sana si Brandon at sasakay kami palabas. Pupunta akong mall para mag-grocery. At mamili na rin ng ibang gamit nitong bahay.” “Yes Ma’am, walang problema po iyon sa akin. Dito ko nalang po kayo hihintayin,” ani nito at sobrang lawak ng ngiti. “Maraming salamat.” Pagkababa ni Althea ay kaagad na siyang dumiritso sa loob ng bahay at naabutan niya si Brandon na nanonood ng telebisyon. Narinig nito na bumukas ang pinto kaya napatingin ang kapatid sa kanya. “Ate!” masaya nitong wika at nagmamadaling lumapit upang yakapin  siya. “Magbihis ka at pupunta tayo ng mall.” “Talaga ate? Ano ang gagawin natin sa mall?” “May mga kailangan pa tayong bilhin at kailangan kong dagdagan ang groceries natin dahil kaunti lang ang pinamili ko, e.” “Okay po.” “Dito ka lang at kukuha ako ng damit mo,” aniya sa kapatid at iniwan na ito. Dumirtiso siya sa kwarto ni Brandon at kumuha ng panglakad nitong damit. Nang makakuha ay bumalik siya sa sala at binihisan ang kapatid. “Tayo na?” tanong niya rito. Tumango lang ang kapatid bilang responde at nagpunta na sila sa van at sumakay. Umalis na rin sila kaagad paalis ng bahay at inihatid sila Althea sa mall. “Magpapaintay pa po ba kayo, Ma’am?” tanong ni Panilo. “Hindi na, magta-taxi or sasakay nalang kami  ng tricycle pauwi,” matamis na ngumiti si Althea sa drayber. Kahit kailan talaga ay sobrang bait at masunurin ni Panilo. Kahit alam niyang may gagawin ito ay trabaho talaga ang inuuna ng lalaki. “Sigurado po kayo Ma’am? Baka marami kayong bibilhin at kakailanganin ninyo ng tulong at malaking masasakyan.” Muling ngumiti si Althea, “hindi na, umuwi ka na at gawin mo ang kailangan mong gawin.” “Ay Ma’am,” napakamot sa ulo si Panilo. “Magpaalam po sana ako na pupunta akong beach ngayon para sa isang overnight. Pero magpapakita lang po ako roon at aalis rin.” “Oh? Okay lang naman ‘yon sa akin.” “Ay Ma’am, pwede ko po bang madala ang van? Wala na kasing last trip ng bus, e. Kanina pa.” Medyo napaisip si Althea sa sinabi ni Panilo, “sige papayag ako Pan, pero mag-iingat  ka ha. Ingatan mo rin ang van dahil pareho tayong mananagot.” “Opo Ma’am, mag-iingat po ako.” “May tiwala ako saiyo. At may trabaho tayo bukas.” “Copy Ma’am, on time po bukas susunduin kita.” “Sige, mag-iingat ka Pan.” “Mag-iingat din po kayo,” ani nito at tumingin kay Brandon. “Brandon, aalis na ako.” Kumaway lang ang kapatid kay Panilo. Hinintay na muna nila Althea na umalis si Panilo bago paman pumasok ng mall. Medyo nag-aalala siya sa pupuntahan ni Panilo. May tiwala naman siya sa lalaki. Kung may sira o kung mayroong mangyayari kasi sa van ng kompanya ay mananagot siya dahil pinayagan niya ang lalaki. Hindi naman niya pwedeng tanggihan si Panili dahil ang bait-bait nito ay sobrang napakasunurin. Sana lang talaga ay maging responsable ang lalaki ngayong gabi lalo pa’t hindi niya alam kung saang beach ito papatungo. Naunang pumunta sina Althea sa grocery at nagtungo sa mga karner. Napatingin siya sa karne ng baboy. Ang lalaki  niyon at puro laman. Sobrang nipis lang ng taba sa pagitan ng laman at balat. Na-excite roon si Althea at kumuha siya ng dalawang kilo. Maganda iyon para kunti lang ang fats ngunit sagana naman ito sa protina. Kasunod na nilapitan ni Althea ang karne ng manok. Hindi siya kumuha ng buo. Iyong mga chopped na ang kanyang kinuha at inilagay sa tray na nakapatong sa cart. Paminsan-minsan ay tinitingnan niya ang kapatid na si Brandon ay napapansin niyang panay ang tingin nito sa paligid. Napangiti si Althea at nilapitan ito. “Nagbabakasakali ka bang makikita mo rito si Homer?” tanong niya. Tumango si Brandon, “hindi na po ako makapaghintay sa kasal na ating pupuntahan ate. Kung pwede lang sana bukas ay pumunta na tayo.” “Ay sos, matutuloy naman tayo, e. Binigay ko na kay Peter ang ating address at siya mismo ang susundo sa atin. Sa ngayon ay bantayan mo muna itong cart okay dahil maghahanap pa tayo ng ating mga bibilhin,” aniya. “Sige po Ate Althea.” Ginulo ni Althea ang buhok ng kapatid at naghanap pa ng ilang karne. Para sa kanya ay kulang pa ang manok at karne ng baboy. Sinubukan niyang kumuha ground beef at soft bones ng baboy. Nang makitang sakto na ang mga karne ay sinunod naman niya ang mga frozen goods. Kaunti lang ang kanyang kinuha dahil pang emergency lang iyon kung baka sakaling maubusan na sila ng lulutuin sa katapusan. Dahil nakabili na ng bigas noong nakaraan si Althea ay gulay nalang ang huli niyang kinuha. May mga sabon na rin sila at iba pang gamit sa bahay. Plano niyang bumili ng mga kurtina, bed sheets at pillow case kasi isa lang ang binili ng kompanya. Siyempre kailangan iyong labhan para hindi magmukhang luma kapag tumagal na ang pagamit. Nang masigurong wala na silang bibilhin pa sa grocery ay nagpa-casher na sina Althea. May maraming taong nakapila kaya naghintay na muna sila ng ilang sandali. Mabuti nalang talaga at mabilis ang mga empleyado ng mall na kumilos at hindi na sila nagtagal pa sa pila. Inihabilin na muna nila ang mga pinamili package area at nagtungo sila Althea sa restaurant na nasa second floor lang ng mall. “Gusto mo bang kumain ngayon vegetables, Brandon? Rectenly napapasin ko ay puro karne ka nalang.” “Gusto ko pong kumain ng meat ate pero lagyan na rin mga vegetables.” “Okay, mas mabuti pa nga iyon.” Pumasok sila sa restaurant na puro organic ang mga menu pati ang ibang pagkaing available. Medyo may kamahalan iyon ngunit kasya naman sa budget ni Althea. Mas maganda kasi ang organic na mga pagkain para mas healthy. At nakakatulong sa katawan. Pagkatapos mag-order ay ibinilin ng waitress ang menu baka raw mayroon pa silang idadagdag. Na curious si Althea sa ibang pagkain at nagtungo siya sa desserts. Agaw pansin sa kanyang interest ang isang charcoal ice cream. Namangha si Althea roon kasi unang beses pa niyang makakita ng ganoong klaseng ice cream. Parang gusto niyang tumikim kaya nag-order siya ng isa at ibang flavor naman para kay Brandon. Iyon na muna ang kanilang kakainin habang naghihintay sa main order. Muli siyang tumawag ng waiter at nag-order ng pagkain. Para mas ma-enjoy nila ang pagkain ay pinili niya ang cone imbes na bowl ang lalagyan niyon. Sandali lang ang kanilang hinintay at dumating na nga ang ice creams. Medyo kinakabahan si Althea na tikman iyon. Kumuha na muna siya ng maliit at dahan-dahang inilabas ang kanyang dili. “Tikman mo na ng malaki ate, I’m sure clean ang black ice cream,” saad ni Brandon at nilantakan na nito ang ice cream na hawak-hawak. Hindi niya sinunod ang kapatid ngunit tumikim talaga siya. Noong una ay hindi niya masiyadong malasahan dahil tungki lang ng dila ang kanyang ginamit. Nang mapagtantong okay naman ang lasa at kumagat na siya. Naiangat niya ang kanyang kilay dahil masarap pala iyon. May nalalasahan siyang uling ngunit may complimentary itong flavor. Parang fruity ito para naman maging masarap. “Masarap, ha,” aniya at susunod na ang pagkagat at pagdila. Nasa kalagitnaan sila ng kanilang pagkain sa ice cream nang mayroong dalawang binata ang pumasok sa retaurant. Napatitig si Althea sa mga ito dahil kamukha ni Peter ang isa. Ang isa naman ay medyo hawig lang ang mga ito ng mata. Ang ga-gwapo ng mga binata, may magagandang katawan, mapuputing balat at ang tatangkad. Hindi maalis ni Althea ang mga mata sa mga ito. Tila nakakita siya ng mga Thai o Korean actor! Pero datingan ng dalawa ay purong pinoy. Tiningnan ni Althea ang kapatid kung napansin ba ni Brandon ang mga ito ngunit nagpapasalamat na lamang siya dahil hindi. Baka kasi tawagin ang mga ito ng kapatid. Nakakahiya iyon! Nang mapagtantong titig na titig na si Althea ay nag-iwas siya ng tingin sa dalawa na noo’y humahanap na ng pwesto upang kakain ang mga ito. Paminsan-minsan ay nagnanakaw siya ng tingin sa dalawa at nagpapasalamat na lamang siya dahil hindi siya nahuhuli ng mga ito. Dumating ang kanilang pagkain at kasabay niyon ay may isang magandang dalaga ang pumasok. Hawig din ito ni Peter kaya alam na niya kung sino ang kasama nito. Parang walang tulak kabigin ang lahi na mayroon ang mga Montecilio. Walang sayang at walang pwedeng itapon sa mga ito. Ngayon ay medyo curious si Althea kung gaano nga ba ka yaman ang mga Montecilio? Pakiramdam niya ay hindi basta-basta ang mga ito. Lalo pa’t hindi lamang siya ang panay tingin sa tatlo. Kung hindi pati na rin ang iba pang kumakain sa loob ng restaurant. Para talagang mga artista ang mga ito. Napansin ni Althea na napatingin sa kanilang gawi ang isang binatang Montecilio. Ito iyong hawig ni Peter. Nang mahuli niya itong tumitingin ay ngumiti siya rito at kaagad ring nag-iwas ng tingin. Gagi! Nakakahiya ngunit parang kinikilig si Althea. Hindi iyon kilig ng landi, kilig iyon dahil unang beses yata niyang tinitingnan ng isang gwapong lalaki. “Ate, okay ka lang?” tanong ni Brandon. Nakapagsimula na pala itong kumain. “Oo naman, kain na tayo.” Nang magsimulang kumain ay hindi na muling nagbalak pang tumingin si Althea sa mga ito. Kahit gustuhin niya man ay pinigilan niya talaga ang kanyang mga mata. Baka kasi maghulihan pa sila ng tingin sa isa sa mga ito. And take note, makikita at makakasama niya ang tatlo sa gaganaping kasal. Mas lalo tuloy nahiya si Althea!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD