Chapter 3
Paulit-ulit na routine hanggang mapaos ako araw-araw. Sumali na rin ako sa iba’t ibang fans club para magkaroon ng mga impormasyon tungkol sa kanya. Si Sey ang isa sa nakilala ko, parang megaphone ang kanyang boses oras na sumigaw ay talagang mangingibabaw. Hindi lang naman pala mga Night Class ang target ng mga fans club kundi maging ang day class, at hindi ko masabi sa kanila na ang isa sa tinatawag nilang star ng day class ay kuya ko! Sabagay, hindi naman ako kinakausap gaano sa school no’n tatanguan lang niya ako or pipitikin at voila, tapos na!
“Sumama ka na sa party, doon makikita mo sila nang mas matagal.” Sabi ni Sey sa ‘kin nang magkasama kaming kumain sa cafeteria after mamaos kasisigaw.
“Talaga bang a-attend sila?”
Tumango si Sey, “Oo naman, halos lahat sa fans club naroon kaya hindi ka naman mag-iisa.”
Tumango-tango ako, bahala na, minsan lang ‘to, kaya dapat makausap ko talaga siya sa gabing ‘yon para hindi masayang ang inipon kong pera pambili ng ticket at cocktail!
“Sige, sasabihan na lang kita kapag bibili na ako ng ticket.” Pero hindi pa rin ako sure na sure.
Sa klase gano’n pa rin ang iniisip ko. Nanghingi lang ako kay Harvey ng papel dahil may quiz daw kami.
Ako talaga ‘yong tao na hindi risk taker—marami akong kayang gawin, pero hindi ako bilib sa sarili ko. Kaya yata nasanay na akong pang-puwede na ‘yan mentality.
Sa Japan, may contest ng creating manga, at pinangarap ko rin ‘yon, pero hindi ako nag take ng risk, iniisip ko na matatalo lang naman ako at mapapagod lang.
Ginusto ko rin maging isang artista, pero wala akong balak mag-auditon dahil napakaraming tao at hindi naman ako siguradong mapipili.
Marami akong gusto pero hindi ko gustong mag effort na kunin sila, as if lalapit naman sila ng kusa. Ngayon lang ako mag take ng risk, kay Raven lang ako susubok. Pero katulad dati, may mga doubts ako na makakausap ko siya sa gabing ‘yon pero—
“Pass your paper forward.”
Napaigtad ako nang malakas na boses ni ma’am ang nangibabaw.
“Akala ko 1-20?” tanong ko kay Harvey.
“Oo nga,” aniya na pinasa ang papel sa unahan.
Shit. Number 9 pa lang ako! Sa sobrang lalim nang iniisip ko, hindi ko na narinig si ma’am na nag move forward! Iyan, sa daydream magaling ako.Hanggang panaginip na lang ba ako palagi?!
“Okay, exchange papers.” Mando ng guro sa dalawang nasa unahan na may hawak ng papel ng bawat grupo.
Nagcheck na kami ng mga sagot. Nanlulumo ako dahil bagsak na bagsak ako. Hanggang mag roll call na ang teacher namin at ang magsasabi na ng iskor ay mismong nag tsek ng papel sa pangalan namin.
“Jennelyn Buce,”
“14/20.” Sagot ko.
“Harvey Lopez,”
“7/20,” sagot ni Tyrah.
“Yes!” Tila tuwang-tuwa pang sabi ni Harvey. “Sisiw.” Dagdag ni Harvey.
Gusto kong ikutan siya ng mata dahil sa pagiging mayabang niya samantalang bagsak siya, at ako rin naman panigurado!
“Shina Fujiwara—“
Natawa si Ely, ang isa sa kaklase ko.
Nakagat ko ang labi ko, mukhang siya ang nag check ng papel ko.
“7/20.” Sagot ni Ely.
“Uy, nangopya ka yata, eh.” Si Harvey sa ‘kin.
“Mukha mo!”
Inirapan ko si Ely na mukhang trip ako at tawa nang tawa. Hanggang matapos ang klase ay tumatawa pa rin siya.
“Dude,” malakas na sabi ni Ely sa kaibigan niya.
“Kailangan pa naging part ng history si Raven Nightray?” Sinundan niya ‘yon nang mas malakas na tawa.
Pinamulahan ako nang mukha.
“Kanina lang, si Shina nga naka-discover!” sabi ni Don, ang isa sa kaibigan niya na kasama niyang tumawa.
“Dios, mio, Shina!” ani Sahara, ang kaibigan kong babae. “Kung hindi ka kasi puro Raven Nightray edi sana hindi ka palaging pilado!” inirapan niya ko.
Kasama namin si Harvey na patungo sa cafeteria.
“Iyon ba ‘yong president sa night class?”
Mukhang kilala ni Harvey si Raven.
Naupo kami sa duluhang bahagi ng cafeteria.
“Oo, iyon ang kinamamatayan ni Shina araw-araw,”ani Sahara.
“Sila lang ‘yong may dormitory dito sa eskuwelahan. Night Class lang ang pinapayagang tumira ro’n.”
“May dorm dito?” takang tanong ko.
Tumango si Harvey, “Doon iyon malapit sa library IV, ‘yong mga lumang books na sinasabi ni ma’am Kara na puwede nating hingiin ang iba sa library IV, outdated na kasi ang iba ro’n. Kung gusto mong silayan sila, punta ka ro’n,”
Tinampal ni Sahara sa braso si Harvey, “Baliw ka ba? Alam mong bawal ngang pumunta sa dorm ng mga ‘yon!”
“Ano bang sabi ko, ‘di ba? Sa Library IV, tumanaw siya ro’n edi nakita niya. Hindi ko naman sinabing pumunta siya doon mismo at baka hindi na siya makalabas ng buhay.”
Library IV—s**t, excited na ako!
Dahil pasaway ako, talagang pumunta ako after class sa library IV. Tumingin ako mula ro’n para tingnan ang dormitory, pero masyadong makapal ang mga pine trees.
Bumaba ako para kusa nang puntahan ang dormitory ng mga night class. Pero napansin ko na mataas masyado ang mga pader at ang tanging pag-asa ko lang para makapunta roon ay ang malaking gate.
Pero hindi ako minamalas, nakakita ako ng mapunong bahagi kung saan tila makakadaan ako para makapasok sa loob. Wala naman sigurong mabangis na hayop sa mapunong lugar na ‘yon, ‘no?
Papadilim na rin, sisilip lang din naman ako at sa susunod na ang mas malapit na misyon kapag nasiguro ko na nga na narito si Raven.
Habang naglalakad ako, nagtitindigan ang mga balahibo ko, mas madilim pala kapag naglakad na sa ilalim ng mga nagtataasang matatandang puno. Ilang minuto akong lumakad, pero kaagad din napaatras, baka maligaw pa ako ng wala sa oras!
“Dapat yata may kasama ako sa pag-stalk, hindi maganda kung maliligaw ako rito!”
Naglakad na ako pabalik. Nakakapanlumo na hindi ko man lang siya nakita. Hay.
Nakuha ng kaluskos ang atensiyon ko, nang tingnan ko ‘yon ay may isang park bench—park bench sa gitna ng kakahuyan! Nilapitan ko kung sino ang tila nakahiga roon, halos pigilin kong mapatili pero hindi ko mapigil ang pagtalon ko dahil sinusuwerte ako na mismong Raven pa ang nakita ko!
“Ano bang ingay ‘yon,” iritang umayos nang upo si Raven, saktong nahagip ako nang kanyang paningin.
“Aah!” nabiglang napakaripas ako ng takbo.
Nagulat ako nang nasa harapan ko na siya.
Bakit bigla-bigla siyang nakarating sa harapan ko?!
“Paano ka nakapasok dito? Sinong may sabi na puwede ka rito?” tumungo siya para pantayan ako at pagkatitigan. Mukhang galit siya!
“Ah, k-kasi naliligaw ako!”
Halos magdikit ang kilay niya. Mukhang hindi naniniwala.
“T-totoo ‘yon, naliligaw ako, h-hindi talaga ko maalam kasi sa direksiyon,” please, maniwala ka na! Pero mas guwapo nga talaga siya sa malapitan.
“Parang kilala kita,” mas lumapit ang mukha niya.
Baka mahalikan naman niya ‘ko nang biglaan nito. Hindi naman ako handa!
“Nakita na kita,”
Nangiti ako nang alanganin, “H-hindi pa tayo nagkikita.”
“Tuwing umaga,”
Mukhang alam niya na isa ako sa mga nagsusumigaw hanggang mamaos matawag lang ang pangalan niya.
“Ikaw ‘yong parang timang na tumatawag sa ‘kin tuwing umaga, right?”
Nangiti ako nang alanganin.
“Timang talaga?”
Tumango siya, “So, narito ka para ano?”
Halos lumabas ang puso ko nang hawakan niya ang baba ko para iangat ang mukha ko sa kanya.
“Lumabas ka na, baka mapaalis ka pa sa eskuwelahan kapag nalaman nilang pumunta ka sa dorm ng night class,” nginisian niya ‘ko kasabay ng pagpisil sa ‘king baba saka ako iniwanan. Nang lingunin ko ang dinaanan niya ay nawala siya na parang bula.
“Isa ba siyang ninja?”