Chapter 2

866 Words
  Chapter 2 Nag-alarm siya ng 4:00 a.m para makapasok ng maaga kahit ang normal class hour niya ay 8:00 a.m. Nagmamadali siya para makaabot bago ang uwian ng night class. Nagdahan-dahan siya para hindi magising ang kanyang kuya at masasabihan na naman siyang desperada. Pagdating sa eskuwelahan nabigla pa siya dahil sa kapal ng mga tao na naroon na tila may artistang pinagkakaguluhan. May shooting ba? Wrong timing ba siya? Halos magkandaihi kasisigaw ang mga naroon nang magbukas ang pintuan ng isang building, may mga men in black na pumigil sa mga nagwawalang babae na daig pang takas sa mental at pinagwawagwagan ang mga banner. Gusto kong malaman kung guwapo ba ang pinagkakaguluhan nila. Napatili ako nang makita ko ang mga guwapong lalaki pero ang nakapagpatalon sa akin at nakapagpa-join sa akin na humila ng banner at magwala na parang nasa rock concert ako ay nang makilala ko kung sino ang may pulang-buhok! “Raven! Raven! Raveeeeeeen!” halos maubos ang boses ko kasisigaw. “Raven!” Pinagsasabunutan ko ‘yong babae sa harapan ko habang tili nang tili. Parang iritang napatingin siya sa ‘kin pero kaagad din naman siyang nag-iwas nang tingin sa ‘kin. “Tiningnan ako ni Raven! Tiningnan niya ako puwede na akong mamatay!” May ilan lalaki na kasama nito na nagbibigay atensyon sa mga babaeng kilig na kilig. Sabi ni Kuya na pili lang ang Night class students marahil sila ang mas nakakaangat sa buhay, pero hindi kaya sila inaantok sa oras ng klase nila? Kung ako siguro yon isang kilo na ang eyebag ko pero parang fresh na fresh silang lahat na lumabas at tunay nga na iilan lang sila na parang isang classroom lang.       #1 WISH LIST 1.      Eye to eye contact with my destiny! ( Check! ) Napaka-effort kong gumising ng maaga at magpacute sa salamin tapos wala pang  sampung segundo niya kong tiningnan. Paano ko naman siya makakaclose kung araw-araw silay lang ako ng silay ng saglit? Pero mas okay na ‘yon, atleast, alam ko na nasa iisang eskuwelahan lang kami at kahit araw-araw akong gumising ng 4:00 a.m at magmadaling pumasok, kahit isang sulyap lang ay ayos na ayos na ako. Hanggang sa makasakay siya sa sasakyang kulay pula na halatang mamahalin talaga at hanggang makaalis ang sasakyan na ‘yon ay hinatid ko pa rin siya ng tingin. Hindi lang sa picture niya kamukha ang lalaki sa panaginip ko kundi siyang sya talaga at hindi ako nagkakamali. Nagpunta ako sa cafeteria na malapit kesa maligaw pa ako. Tatlong oras pa akong magpapaikot-ikot dito, siguro hindi na ako gagawa ng assignment sa bahay para makatulog ako ng maaga, at itong tatlong oras na tutunga ako ang oras na gagawin ko ang mga assignment ko—iyon lang, kapag hindi ko masagot, wala akong kuyang tatawagin! Hay. “Paano ko kaya siya makakausap?” nangalumbaba ako, “Hindi naman puwedeng habang-buhay kaming ganito, ‘di ba?” Nagpunta ako sa pinakamalapit na mall at hindi na ko nagtaka na naroon ang ibang school mates ko siguro ganito din ang ginagawa nila pagkatapos nilang silayan ang mga nasa Night class.  “Anong isusuot mo sa party? For sure may mga night class doon, medyo pricey lang ang entrance ticket,” naupo ang isang babae na mukhang katulad ko lang na nagsumigaw kanina at ngayon ay magpapalipas sila sa cafeteria. “Oo naman, pinag-ipunan ko na ‘yon, ‘no!” tuwang-tuwang sabi ng katapat nito. “Kainis may nanabunot sa akin kanina, hindi ko namukhaan kasi nga todo tingin ako sa mga night class, parang nahigit sa anit ko ang buhok ko.” Nangiwi ako. Tama siya nga ‘yong sinabunutan ko kanina sa sobrang kilig. Nagkunwari na lang akong nagbabasa para marinig ang tungkol sa party. Sa totoo lang nanlulumo siya habang naririnig kung magkano ang kailangan sa party at siyempre gown pa na susuotin niya at wala naman siyang ganoon na dala-dala pag-uwi sa Pilipinas. May kaya lang din sila, at mahal nang makapag-aral silang dalawang magkapatid sa isang international school at may date lang ng padala ang parents namin at ang party one week from now na.   #2 Wish List To be his Friend Mukhang matatagalan pa bago kami maging magkaibigan.  After an hour, umalis na rin ako sa cafeteria, iniisip ko pa rin kung paano ko magiging kaibigan si Raven, at kung dapat ba na i-let go ko ang ipon ko para sa party na hindi ako sure kung kasama siya? “Ouch!” Nabunggo ako sa malaking lalaki. “S-sorry,” nag-angat ako nang tingin. Ginulo kaagad ng kapatid ko ang buhok ko, “Daydream na naman, Shina.” Sinundan niya ‘yon ng tawa. “Nii-chan!” “Oh,” iniabot niya sa ‘kin ang isang plastic ng favorite kong fastfood. “Hindi na ako nakapagluto, kumain ka nang hindi palaging sabaw ‘yang utak mo.” Sinimangutan ko siya pero tinawanan lang ako at iniwanan. Kahit paano nahimasmasan naman ako sa pagkain ng fried chicken pero sa klase ko na ‘yon kinain dahil wala pa naman gaanong tao sa room. Buong araw, busy ako kaiisip kay Raven pero naaantala ‘yon ng masisipag kong mga guro na palaging overtime. Nananakit na p***t ko sa pagkakaupo ay hindi pa rin sila natitigil kasasalita—sobrang gustong-gusto nilang nagtuturo kahit marami sa ‘min ang kinakamote na. Pagod na pagod ako nang makauwi. Wala ang kuya ko kaya sa sofa ako nahiga. “Nasaan kaya si nii-chan?” “A-attend ba ako ng party oo o yes?” “Pero pang important matters ko ang ipon ko,” “Pero nakasalalay dito ang destiny ko—“ “Hay!”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD