Chapter 6

1227 Words
Chapter 6 “Ubusin mo ‘yan,” Hindi malaman ni Shina kung kikiligin siya o matataranta na nakaupo siya sa harapan ng guwapong-guwapo na si Raven. “H-hindi ka ba kumakain ng gulay?” Umiling si Raven at mas tinabunan ang pinggan niya ng mga gulay mula sa kung saan-saang inorder nito. “Sa mga kaibigan mo ‘yan ‘di ba?” tanong  uli ni Shina. “Oh,” Namula si Shina nang may isinusubo itong side dish na gulay na inipit na chopstick. “Dali,” naiinis na sabi nito. Kaagad siyang ngumanga. Peste, malulusaw yata ako nang maaga! Kung isa itong panaginip, ‘wag naman sana akong magising! “Kumain ka na, anong gusto mo subuan pa kita?” Namula si Shina at nagsimula nang iangat ang kubyertos. Nangingiti naman si Raven nang palihim, mukha talagang anime na lumabas mula sa isang palabas. Habang tumatagal ang pagiging mahiyain nito ay napalitan na ng Shina na nakilala niya—madaldal at may kalakasan ang boses. Ikinuwento nito ang buhay nito sa kanya nang walang hiya-hiya hanggang sa panaginip nito kung saan daw siya nito nakilala. Gustuhin man niyang isipin na biro ‘yon at pinaniniwala lang siya nito sa kuwentong walang katotohanan, hindi niya magawang pagdudahan ang sinseridad sa boses nito—maging ang mga mata nito ay hindi niya maimahe na nagsisinungaling pagdating sa mga kislap niyon. Napakasuwerte ng nilalang na naging maligaya sa buhay katulad nito. Walang lihim o hinanakit ang masasalamin sa mga magagandang mata ni Shina. “Napakadaldal mo.” Nangiti lang si Shina. “Sa susunod kumain ka ng gulay masarap naman ‘yon,” Umiling si Raven, “No.” Matigas na tutol nito. “Ipagluluto kita ng masarap na pagkaing may halong gulay!” Tumango si Raven, “K.” “P-pumapayag kang ipagluto kita?” malakas ang boses na tanong nito. Kahit naman si Raven hindi inaasahan ang kanyang reaksiyon sa dalaga. Hindi niya gustong makipagkaibigan sa tao, pero hindi niya alam kung bakit magaan ang loob niya kay Shina. “Salamat, balik ka uli!” masiglang sabi ni Shina nang maihatid si Raven sa labas. Mamaya na niya haharapin ang mga kasamahan na pinanlalakihan siya ng mata. Sa ngayon, lumulutang pa siya sa kilig. “Ba-bye!” kinawayan niya uli si Raven. Oras na rin nito sa night class. May lalaki nang lumapit kay Raven na mukhang butler nito at siyang naghatid kay Raven sa itim na sasakyan. “Woah!” “Sino ‘yon, ha?” si Queenie na ikinabigla ni Shina dahil nasa likod na niya. “Future boyfriend ko!” “Ayon!” Nagkatawanan kami. Sobrang kinikilig ako, hindi yata ako makakatulog. Sulit na sulit ang mga araw na hindi ko siya nasilayan. Mukhang hanggang bukas, ready ako na magsumigaw para sa fans club!     Nang matapos ang oras ni Shina, nakareceive naman siya ng text mula sa kapatid na hindi siya nito masusundo kaagad kaya hintayin siya nito dahil kailangan lang nito mag overtime dahil sa mga bagong libro na dumating at kailangan i-check. Nagmessage siya na mauna na siya dahil gusto niyang magpahinga pero gusto niya lang mapaaga ang kanyang daydream. “Hi, sexy,” Iyong ngiti ni Shina nauwi sa pagkabigla ng makarinig ng boses na tila lasing. Walang dumadaan para hingian niya ng tulong. Napalibutan siya ng tatlong lalaki. “Ano bang pangalan mo, cutie?” Nanlalabo din ang ilaw sa bahaging ‘yon dahil sa alikabok na nagpapalabo sa ilaw. Nagmamadali siyang naglakad pabalik pero kaagad siyang hinablot ng isa, “Saglit lang, magpapakilala ka lang naman.” “Bitiwan mo ‘ko!” nahintatakutan na itinulak ni Shina ang lalaking lasing na mukhang nasa treinta higit na ang mga edad. Tatakbo na sana siya pero hinarangan siya ng dalawa at pinakitaan ng kutsilyo’t icepick. “Huwag—“ may humawak sa bibig niya at s*******n siyang hinila sa mas madilim na kalye. “Ahhgh!” Pilit nagwawala si Shina, sobra ang takot na nararamdaman niya. Mabibilis ang mga luha niyang nag-unahan sa labis na takot. “Ahh!” Nabigla ang mga lalaki nang tila may hangin na humablot sa kanila at ibalibag sila nang malakas sa daanan. “Raven—“ halos hindi lumabas ang boses ni Shina. Ibinukas ni Raven ang kanyang mga braso, kaagad napaluha si Shina at tumakbo nang mabilis papunta kay Raven. Hindi niya napigilang yakapin ‘to. Hindi na niya pinansin kung anong nangyari, kung posible ba ang ginawa ni Raven kung bakit tumalsik ang mga lalaki. “Shh,” inaalo siya ni Raven. Lalong naiyak si Shina, akala niya talaga ay mababastos na siya ng tuluyan. Tila naman nakakita nang demonyo ang mga lalaki at nagsisigaw pang bumangon at nagtakbuhan. Napansin nilang nagpupula ang mata ni Raven at ipinakita pa nito ang pangil sa kanila dahilan para magkandarang tumakbo ang mga lalaki. Sabay nang naglalakad si Shina at Raven. Umiiyak pa rin si Shina. “Kung wala ka baka kung ano na ang nangyari sa ‘kin,” nananakit na ang mata ni Shina kapupunas ng panyo sa kanyang mga mata. “Bakit ka naman nag-iisang lumalakad?” “Sinusundo naman ako ni nii-chan, ngayon lang talaga hindi dahil gusto kong mauna sa kanya para makapagpahinga na at makapasok ng maaga—“ hindi na itinuloy ni Shina na gusto niyang magsisinigaw na naman kasama ang fans club ng mga night class. “Sasakay na ako sa bus, salamat, ha?” ani Shina, “Baka na-late ka na sa klase mo.” “Ihahatid na kita.” Umiling si Shina, gusto niya dahil natatakot pa rin siya pero hindi naman niya gustong perwisyuhin pa ito. Isa pa may klase ito. Hindi na pinansin ni Raven si Shina at hinawakan na ito sa kamay nang may humintong bus. Naikuwento nito kung tagasaan ito kaya alam niyang tama ang bus na sinakyan nila. Kinilabutan naman si Shina sa pagkakakapit sa kamay niya ni Raven. Pinapasok siya nito sa isang upuan patungo sa bandang bintana at naupo naman ito sa kanyang tabi. Hindi kaagad sila nakapag-usap dahil may lumapit nang kundoktor sa kanila at si Raven na rin ang nagbayad. “Sa susunod ‘wag ka nang maglakad mag-isa.” Baling sa kanya ni Raven. Pinamumulahan si Shina, napakabango kasi ni Raven at masyado itong malapit sa kanya. “S-salamat, b-buti nakita mo ako.” Hindi na kumibo si Raven. “Hindi ko nakita kung anong ginawa mo kanina, p-pero siguro bihasa ka sa karate ‘no?” Nanghihinayang si Shina na hindi niya nakita. Hindi niya kasi maimahe kung paano nito napatalsik ang mga lalaki ng sabay-sabay at sa laki ng mga katawan nito tila natakot ang mga ito nang sobra kay Raven. Nang makababa sila Shina at Raven ay inihatid pa rin ni Raven si Shina. “H-hindi mo naman kailangan mag-abala.” Tinatablan nan ang hiya si Shina, pero may mga kilig na nabubuhay sa kanya. “Wala kang ibang kasama sa bahay?” tanong ni Raven. “Kami lang ng kuya ko ang magkasama.” Nang mahinto na si Shina sa gate nang kanilang tinitirhan ay namumula siyang tumungo kay Raven. “Thank you, Raven. G-gusto mo bang pumasok?” Umiling na si Raven. “Pumasok ka na.” Tumango naman si Shina, “S-salamat,” pigil na pigil ni Shina ang kilig. Nanghihinayang siya na tumanggi itong pumasok pero tama naman iyon dahil babae siya at lalaki ito. Wala na si Shina sa harapan ni Raven pero nanatili pa rin siya sa lugar—sa isang sang ang puno siya naupo na tila lang siya magaan na bulak. Pinagmasdan niya ang pag-ilaw mula sa ilalim na bahagi ng bahay hanggang second floor nila Shina. Nakita pa niyang nagbukas ito ng bintana at tila may hinahanap bago nangiti at marahang isinara ang bintana. Nangiti rin si Raven. Napansin ni Raven na may lalaki nang naglalakad na pareho sa uniporme nila sa morning session. Tumingin ito sa taas ng bahay para siguro tingnan kung bukas na ang ilaw ng bahay at nang masiguro ay nag doorbell na lang. Nabigla si Raven nang bumaling ang tingin nito sa bahagi niya. Nagkatitigan sila iyon ang alam ni Raven. Pero bumaling na ang kapatid ni Shinas a gate nang bumukas ‘yon at nakangiting si Shina na ang lumabas. Inakbayan ito ng kapatid papasok sa loob.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD