Chapter 5
Madalilang ipatanggal ang alaala ng babaeng si Shina, pero hindi niya iyon ginawa. Inilapag ni Raven ang ang libro sa side table ng kanyang kuwarto. Sa bintana siya tumayo at pinagmasdan ang kabilugan pa ring buwan. Kagabi lang, ang Party na naganap ay piyesta lang ng mga bampira sa mga tao na kanilang biktima na tatanggalin din nila ng alaala. May isa silang kasama sa Night Class na may kakayahang magpalit ng memorya, at lahat ng mga nabiktima ng mga katulad niya ay ito na ang bahalang gumawa ng pekeng memorya.
Siya naman, dahil may kakaiba sa kanilang pamilya, hindi nila pangunahing pangangailangan ang dugo. Pero nawawalan sila ng kontrol oras na makaamoy ng dugo mula sa taong may matinding dinadalang galit—iyon ang kanya. May iba-iba silang dugong kinakailangan at silang mga Nightray ang may ganoong klase ng pangangailangan, labis na pag-ibig, labis na galit, labis na pagnanasa at kung ano-ano pang labis. Ang tawag sa kanilang sitwasyon ay ‘Blood Link’ nagiging atraktibo sa kanila ang mga dugo dahil sa koneksiyon niyon sa kanila. Lahat ng kakagatin niya na may matinding galit ay magigising na nakalimutan na nito ang mga dahilan ng labis na galit, parang magkakaroon ang mga ito ng amnesia na pili lang depende sa kung sino ang dahilan kaya may labis na galit ang taong iyon.
Sa ngayon, naninirahan siya sa dormitoryo para pansamantalang malayo sa kanyang angkan—masyado na siyang dinidiktahan ng mga ito. Kung may toxic na relasyon, may toxic din na pamilya.
Silang mga Nightray, dahil sa kanilang kaibahan, importante sila katulad ng mga Pureblood Vampire. Sila pa lang ang may salinlahi na may Blood link. Kaya masyadong nagiging kontrolado ang mga galaw nila, dahil hangga’t maaari, ang kaibahan nila ay hindi maisalin sa iba, kaya nga ang pamimili ng mapapangasawa sa kanila ay is ang tradisyon na dapat sundin.
“Kailangan kong burahin ang alaala ni Shina—“ marahil sa susunod na lang. Hindi pa naman nito alam ang lihim ng buong night class, mabuti na rin at hindi nito namukhaan ang lalaking bampira.
*
Siyang-siya si Shina nang gabing isayaw siya ni Raven at damang-dama niya ang kamay nitong nanlalamig habang titig na titig sa mukha ni Raven—mapula ang labi, matangos ang ilong, malalamig pero napakagandang pares ng abuhing mga mata.
Pero maglilimang-araw na niya itong ‘di nasisilayan kahit pa ang mga fans club ay worried na.
“Sayangin mo pa ang oras mo hanggang magkabagsak-bagsak ka at pauwiin tayo ng magulang natin sa Japan dahil nagsayang lang sila ng malaking pera para sa panaginip mo!”
Nagitla si Shina nang sabihin iyon ng kuya niya na nasa sofa.
“Wow, ha! Ikaw nga puro ka basa ng comics!”
“Kahit puro basa ako, nasiguro ko naman na papasa ako ‘no.”
“Hmp!”
“Mabuti pa para makatulong ka sa bayarin at hindi ka puro sigaw na parang baliw sa mga night class, patusin mo na ‘tong trabaho—“ may iniabot si Kenjie sa kapatid na isang maliit na karton. “Isa ‘yang cosplay café, hindi ba mahilig ka naman mag-gano’n kaya easy lang sa ‘yo iyan!”
Nanlaki ang mata ni Shina at kaagad natuwa, “Wow! Gusto ko ‘to!”
“Pero kung mababastos ka naman, tumigil ka na lang.”
“Huy, nag-aalala ang kuya ko!”
“Lol!”
**
Sa tuwing papasok ako tinitingnan ko na lang ang gate kung nasaan ang dorm ng night class student. Umaasa siya na makasilay kay Raven, pero bigo talaga siya. Ngayon na magta-trabaho na si Shina, pakiramdam niya hindi na rin siya mapapadalas na makapaghihintay nang maagang-maaga sa paglabas ng mga nasa night class.
Uwian na at kasabay niya si Sahara nang biglang may umakbay sa kanya.
“Oh, gosh!” gulat na bulalas ni Sahara.
Nag-angat nang tingin si Shina kahit pa amoy niya na kung sino ‘yon.
“Oh, gosh, Shina, si Kenjie ba ‘yan?!”
Tiningnan ni Shina ang kaibigan, “Oo, bakit?”
“Akala ko ba!” pinanlalakihan siya ng mata ni Sahara.
“Akala na?”
“Si Night class—“ mas pinanlakihan siya nito ng mata.
“Ano tara na ba?” ani Kenjie sa kapatid.
“Oo nga pala,” tiningnan ni Shina si Shara, “Alis na ‘ko, bes!”
“H-ha-“
Sinabayan na niya maglakad si Kenjie, pinagtitinginan sila ng mga kababaihan.
“Babaero ka talaga!” ani Shina sa kuya.
“Alam mong anime lang ako,” sagot nito.
“Sus! Ewan ko ba bakit sinasabi nilang guwapo ka, nakakasuka na ‘yong mga fans club mo!”
Hindi naman nahirapan si Shina na maging cosplay maid waitress sa isang Japanese Restaurant lalo pa at no’ng nasa Japan naman siya ay mahilig siya dumalo sa mga cons. Ang kuya naman niya at part-timer sa isang bookstore at kaya naman pala hindi bored dahil may free reading ng mga comics!
Binaling na lang niya sa cosplay ang sariling atensiyon at hindi na pumasok ng maaga para sumilay kay Raven. Hindi na rin naman niya magawang gumising ng maaga. Nalulungkot na siya nang sobra kaya pinapagod talaga niya nang husto ang sarili ‘wag lang itong maalala maya’t maya. Pero hanggang ngayon, iniiisip pa rin niya na ito ang destiny niya—sana matauhan.
Iniayos ni Shina ang wig niya para ganapan si Rem ng Re:Zero. Nakikisalamin din sa likuran niya ang gumanap na Ram na kakambal niyang si Queenie. Fifteen minutes before opening, handang-handa na silang lahat. Sa ngayon, Re:Zero ang team nila. Marami silang mga bisita gabi-gabi, iyong iba dumarayo pa para lang makakuha ng picture sa kanila at sa magandang lugar na talagang pinagkagastusan. Bukod sa lugar at sa kanila, masasarap din ang mga Japanese Food na inihahain, may ilan ding Filipino dishes with touch of Japanese art ang inihahain nila para sa mga hindi sanay kumain ng Japanese Food.
Katulad nang madalas, maraming tao kaya kinakailangan na plaster ang kanilang mga ngiti. Enjoy naman siya dahil hilig naman talaga niya ang ginagawa.
“Welcome Goushujin-sama,”ngiting ngiti si Shina na lumapit sa nakaupo sa puwesto ng VIP sa second floor. Yakap yakap niya ang menu list. Pero kaagad napaawang ang labi ni Shina nang makita kung sino ang lalaking titig na titig din sa kanya at pareho pa silang nabigla sa isa’t isa. Kaagad pinamulahan si Shina dahil kay Raven.
“Isang kawaii step naman diyan,” sabi ng isa sa limang kasama nito.
Lalong namula si Shina, parang biglang umatras ang kanyang confidence.
“Oo nga, dali, sobrang cute niya, oh,” sabi ng isa pa.
Huminga siya nang malalim at ngumiti nang husto, narinig niyang naghiyawan ang mga ito. Umikot siya at sumayaw ng ilang cute step saka kinindatan ang mga ito. Nagpalakpakan naman ang mga ito.
“Woah! Magiging favorite place ko talaga ito kahit hindi ako mahilig sa Japanese food!”
Pilit si Shina na ngumiti habang pinakikinggan ang mga order nito. Pakiramdam niya pinagkakatitigan din siya ni Raven kaya hindi niya mapigil mas mapamulahan.
“Cute,”
Nabaling ang atensiyon ni Shina kay Raven. Sinabi ba nitong cute?
“Iyon lang,” sabi ng isa sa mga ito.
“Thank you!” masiglang aniya at muling gumalaw ang katawan at kinindatan ang mga ito. Kita ang paghanga sa mukha ng mga ito, hindi niya alam kay Raven dahil iwas na iwas siya rito. Pero ang trabaho ay trabaho!
“Oh, anong nangyari sa ‘yo at pulang-pula ka?” si Queenie iyon na nakasabay niya papunta sa counter.
Para talaga siyang tinakasan ng lakas.
“May bumastos ba sa ‘yo?!”
Umiling si Shina.
“Wala. Pero—“
“Pero?”
Huminga nang malalim si Shina, “Naroon ‘yong lalaking gustong-gusto ko at nakita niya akong magpa-cute,” halos ipagwagwagan niya si Queenie na natawa naman.
“Boyfriend mo na ba?”
Umiling si Shina, “Hindi pa.”
“Eh, ‘di mas magpacute ka para makuha mo na,” kinindatan siya ni Quennie. “Walang magagawa ang hiya!”
“Quennie—“
“Aarte pa?”
Umiling siya, “Magre-retouch ako!” Kinindatan niya ito.
“Iyon, very good!”
**
“Young Master,” napasimangot ang isa sa mga lalaking kasama ni Raven.
“Sinabi ko na ‘di ba? Ipinatatawag kayo ni Gabriel.”
“Tara na,” sabi ni David kay Gino na ayaw pang tumayo.
“Pero gusto ko pang makita iyong cute na cosplayer, isa na lang—“
“Okay, I’ll tell Gabriel na mas inuna mo pa ang cosplayer na ‘yon kesa s autos niya.”
Sabay-sabay na nagtayuan ang tatlo at nagpaalam na sa kanya.
Napailing siya, Gabriel Nightray is scarier than demons.
May tinawagan si Raven sa cellphone at dumating naman kaagad doon ang tinawagan niya.
Dumating naman si Shina dala ang mga inorder ng grupo nila Raven. Nagtaka si Shina na naroon si Aries, ang manager nila.
Pilit ngumiti si Shina habang sinasabi isa-isa ang mga order ng mga lalaking nawala na at si Raven na lang ang naiwanan.
“Shina,”
Nabigla si Shina sa boses ng kanyang manager. May sinabi ba si Raven dito?!
“This is Young Master Raven Nightray,”
Tumango si Shina. Kinakabahan.
“Kapag narito siya, I want you to serve him personally, just him when he’s around.”
Iyong magpa-cute lang nang kaunti rito ay parang natutunaw na siya, ano pa kung ito lang ang kanyang pagsisilbihan?!
“Shina?” untag ng kanyang manager na pinanlalakihan na siya ng mata.
Tumango siya, “Y-yes, sir—“
Nakita ni Shina na iminumuwestra ng manager niya sa sariling mukha na ngumiti siya kaya napilitan siyang ngumiti.
“Hindi niya yata gusto—“
“Gustong-gusto ko!” mabilis na sagot ni Shina.
Nangiti si Raven kasunod nang pag-iling.
Hindi siya dapat mahiya, hindi ba nga at sinabi na niya sa sarili na hindi niya pangungunahan ang hiya, kahit ligawan niya ito ay gagawin niya dahil gano’n niya ito kagusto! Ano at nahihiya pa siya!
Umalis na ang kanyang manager.
“S—“
“Sit.”
“H-huh?”
“Maupo ka.”
“P-pero—“
“Manager—“
“Uupo na nga!” kaagad naupo si Shina. Bakit ba ngiti nang ngiti si Raven? Katawa-tawa ba siya sa paningin nito?!