CHAPTER 4

1366 Words
CHAPTER 4 “Oh, my God! Maam, sorry po,” natarantang ani ng isang babaeng nakauniporme. Base sa suot nito’y nalaman niyang isa itong waitress. Hindi ito magkandatuto sa pagdukot ng tissue paper para tulungan siyang tuyuin ang kaniyang damit. “No, it's okay. I'm fine, malumay niyang pigil sa babae. Nginitian niya ang babaeng putlang-putla dahil sa takot sa aksidenteng pagkakatapon nito ng wine sa kaniya. May ilang mga bisitang natawag ang pansin sa eksenang iyon. “Sorry po talaga, maam. Hindi ko po sinadya,” ulit ng babae. “I said I'm fine, so don't worry. It was an accident. Just continue your job. Don't mind me. I can handle this.” Totoo sa loob niyang ayos lang siya. Aksidente naman ang nangyari, kaya't wala siyang karapatang pagalitan ang babae. Nahihiyang napayuko ang babae, pero hindi pa rin ito kumilos para iwan siya. “Drew,” tawag sa kaniya ni Monica. Napaangat siya ng mukha. Palapit ito sa kinaroroonan niya at may dalawang lalaking kasama. Napanganga siya nang mapagsino ang isa, ito ang lalaking pinagpapantasyahan niya kani-kanina lamang. Bigla niyang nabitiwan ang hawak na tissue paper at napako ang kaniyang mga mata sa mukha nito. Bigla ring kumabog ang kaniyang dibdib. Pakiramdam niya'y mas nakabibingi ang lakas ng dagundong ng kaniyang dibdib kaysa sa lakas ng tugtugin mula sa malaking speaker. “Hey, andito ka lang pala.” Saglit na natigilan ang kaibigan at napako ang mga mata nito sa kaniyang dibdib. “Ano'ng nangyari sa ’yo?” Nag-alalang bigla si Monica. Ngunit hindi pa rin siya makahuma at tila nalunok niya ang kaniyang dila habang titig na titig sa mukha ng lalaking katabi ng kaibigan. Napansin naman agad iyon ni Monica at hindi mapigilan ang pilyang ngiti na gumuhit sa mga labi nito. Hindi nga siya nagkamali kanina nang sabihin niyang guwapo ito kahit na nasa veranda siya't hindi pa nalalapitan ang lalaki. At mas guwapo pa pala ito sa malapitan. Gumuhit ang mga ngiti nito na nagpalitaw sa mapuputit pantay-pantay na mga ngipin nito. She smiled back. Hindi rin nito inaalis ang mga mata nito sa kaniyang mukha. Bagay na lalong nagpalakas at nagpabilis sa t***k ng kaniyang puso. “Ehm,” tikhim ni Monica habang palipat-lipat ang tingin kina Drew at sa kaniyang pinsan. “Ah, by the way, Shane Brian, meet my best friend, Daphne Drew Samonte. And Drew, siya ang sinasabi ko sa iyong pinsan ko, si Shane Brian de Riva.” Nang walang umimik sa dalawa ay siniko ni Dylan si Brian. Hindi nakaligtas sa matatalas na mga mata ni Dylan ang direksiyon ng mga mata ni Brian. He's eyeing the lady wearing a uniform na nasa likod ng babaeng ipinakilala ni Monica. Nakayuko ang babaeng hinuha niya ay isang waitress. Malamang ay isa ito sa mga serbidora ng restaurant na nag-cater sa party. Habang ang magandang kaibigan naman ni Monica ay nakatulala sa mukha ni Brian. Tila naman nagulat at natauhan si Brian. “Ahm, hi, I'm Brian and you?” Sabay lahad ng palad sa kaharap. Sa halip na matuwa si Monica ay nadismaya ito lalo na si Daphne. Ngunit hindi nagpahalata ang huli. Ngumiti siya at inabot ang kamay ni Brian. “Daphne. Im glad to meet you, Brian,” aniya na agad ding binawi ang kamay mula rito dahil sa tila napaso siya sa mga kamay nito. “I'm pleased to meet you, Daphne.” Ngumiti ito at pagkuwa’y tinawag ang pansin ng babaeng nasa likuran ni Daphne. “Miss, could you bring us drinks, please?” ani Brian na titig na titig sa mukha ng babae. Biglang napasimangot si Monica dahil sa reaksyong iyon ng kaniyang pinsan. Saglit niyang tinapunan ng tingin si Daphne na tila napahiya. Malamang ay napansin na nito na hindi siya ang tinititigan at nginingitian ni Brian kanina. “I’ll have a Bordeaux wine,” ani Dylan. “Two glasses of Bordeaux,” sabi ni Brian sa babae at saglit na bumaling kina Daphne at Monica. “And you, ladies?” “Margarita. Pareho kami ng taste,” si Monica na hindi makuhang ngumiti. Sa katunayan ay mas maasim at mapait pa ang mukha nito kaysa kay Daphne. “Okay, plus two glasses of margarita.” Agad tumalima ang waitress. Iginiya sila ni Brian sa isang mesa habang hinihintay ang mga inumin. Hindi mapakali si Daphne dahil sa bakat pa rin ang natapong red wine sa kaniyang damit, kaya't nag-excuse siya sa mga ito para tunguhin ang washroom. Sumama sa kaniya si Monica. “She's pretty, isn't she?” ani Brian nang makaalis ang dalawang babae. “Oh, she is beautiful. Body and height, Megan Fox. And the face, Camilla Belle.” Bakas pa rin ang paghanga sa mga mata ni Dylan. Napakunot noo si Brian at tumingin kay Dylan. “Megan Fox and Camilla Belle?” nawiwirduhang ulit niya sa sinabi ni Dylan. “Oh, hindi ba totoo naman? Daphne Drew is really beautiful.” “Im talking about the lady behind her,” pagtatama ni Brian. Mali ang kaniyang pinsang si Dylan. Akala nito'y si Daphne ang tinutukoy niya. Gayunman, tama rin ito— maganda si Daphne. She looked exactly like Camilla Belle and her curvacious body was like Megan Fox. Ngunit mas nakaagaw ng kaniyang pansin ang simpleng babaeng nasa likod ni Daphne. She's pretty with mischievous eyes. Natigilan si Dylan. Siya naman ang nawirduhan kay Brian. Hindi nga siya nagkamali. Ang babaeng waiter ang nakahuli sa atensyon ng pinsan at hindi si Daphne. What? “The lady,” aniya sa pinsang hindi makapaniwala. “The waitress, isnt it?” Tumango si Brian. “You mean, hindi mo napansin ang ganda ng best friend ni Monica? Wow! Bakit bigla yatang nag-iba ang trip mo, bro? Hindi ba't ang tipo ni Daphne ang eksakto sa panlasa mo?” “Sa States, yes. But when I laid my eyes on that lady, I felt something I can't explain,” sinubukang ipaliwanag ni Brian habang nakaukit pa rin isipan ang mukha ng simpleng babaeng serbidora. “And speaking of the unlucky one, she's coming” sabay nguso ni Dylan sa direksiyon ng babaeng papalapit. Dala nito ang isang tray ng mga inuming sinabi ni Brian. Hanggang sa makalapit ito sa mesa nila at ilapag ang mga inumin ay hindi inalis ni Brian ang paningin sa babae. “May kailangan pa po kayo, sir?” magalang nitong tanong nang mailapag lahat ang mga inumin. Magsasalita na sana si Brian nang mabilis na sumabat si Dylan. “Ehm, yeah, Miss. We need your name. I mean, he needs to know your name,” sabay baling kay Brian na tila nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Dylan. “Ah, hindi po kasali sa trabaho ang magpakilala sa sinisilbihan, sir. Pasensya na po. Napayuko ito at tila nahiya pagkasabi niyon. Parang gusto tuloy batukan ni Brian ang pinsan. “Ahm, okay lang, Miss. Huwag mo nang pansinin ang pinsan ko. Palabiro lang siya,” pampalubag-loob ni Brian sa babae. “No. Not exactly, Miss. Actually, nanganak kasi ang misis ko at hindi pa napapangalanan. Babae at wala kaming maisip ipangalan. And we saw you an attractive woman, kaya't naisip ko na baka mas okay na gayahin ang pangalan mo. Malay namin kung maging kasing-ganda mo,” hirit pa ni Dylan. Namula sa hiya ang babae. Mukhang hindi ito sanay na pinupuri. At mas lalo namang naging kaakit-akit ito sa paningin ni Brian. “Ah, ganon ba? Congrats, sir,” anito na ikinangiwi ni Dylan. Kailangan pa talaga niyang magsinungaling para malaman lang ang pangalan ng babaeng nakahuli sa atensyon ni Brian. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Well, okay naman ito. Sa tingin lang niya'y hindi ito ganoon kaalindog, pero may mapapansin ka talagang maganda rito. And that is her eyes. Maamo ang mga mata nito at may makakapal at mahahahabang pilik-mata. Marahil ay iyon ang napansin ng kaniyang pinsan. “Mas matutuwa kami kapag malaman namin ang pangalan mo, Miss.” Hindi pa rin sumusuko si Dylan. Kiming ngumiti ang babae. “Janice po.” Napangiti si Brian pagkarinig sa pangalan ng babae. “JANICE, hmm...” bulong pa niya sa hangin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD