CHAPTER 5

1425 Words
CHAPTER 5 PALABAS na si Janice mula sa VJC Building nang mahagip ng kaniyang paningin ang anino sa may kadilimang bahagi ng pasilyo. Bigla siyang kinabahan sa pag-aakalang may masamang taong nagtatago at nag-aabang ng mabibiktima sa madilim na parte ng gusali. Ginabi na siya sa pag-uwi dahil nag-over time siya sa kaniyang trabaho. Binilisan niya ang kaniyang mga hakbang kahit parang sasabog na ang kaniyang dibdib dahil sa labis na takot. No, there's nothing to worry about. Sigurado siyang nakabantay si Dindo, ang panggabing security guard ng VJC. Kung masamang tao ito at may masamang balak sa kaniya ay siguradong masasaklolohan siya agad ng guard. Nang lumabas ito mula sa madilim na sulok at masilayan ng ilaw ay naaninag niyang isa itong lalaki. Lalo siyang kinabahan nang humakbang ito palapit sa kaniya. Napatigil siya sa paglakad at napaurong. Kung masamang tao itoy may pagkakataon pa siyang tumakbo pabalik sa loob ng opisina ng kaniyang boss at saka siya tatawag ng pulis para saklolohan siya. Pumihit siyang pabalik sa opisina nang magsalita ang lalaki. “Wait, Janice,” tawag nito sa kaniya. Kilala siya nito? “Don't be frightened. I mean no harm.” Hindi man lumingon si Janice ay alam niyang patuloy pa rin ito sa paglapit sa kaniya. “This is Brian,” dugtong pa nito. Brian? Sinong Brian? Hinagilap niya sa isip kung may kilala siyang Brian, pero wala naman siyang matandaan. “The son of VJC's owner.” Nang marinig iyon ay lalong bumilis ang tahip ng kaniyang dibdib. Hindi dahil takot siya na baka may masama itong gawin sa kaniya, kundi takot na masilayan ang guwapo at mayamang binata. Dalawang beses pa lamang niya itong nakita. Una ay sa welcome party na inistima ng Barvican Resto and Catering. Nakasama pa siya sa catering noon bago matanggap ang kaniyang application sa VJC at mag-resign bilang waitress sa Barvican. Dalawang linggo pa lamang siya sa Velvet Jewelry Company nang may bumangga sa kaniya paglabas sa elevator at nalaglag lahat ang mga hawak niyang papel. And there was a handsome man who helped her to pick up the scattered papers and return it on the envelope. Hindi niya kilala ito, pero pag-angat niya ng kaniyang mukha ay nakita niya si Don Alvaro, the president and owner of VJC. “Let's go, Hijo,” the board executives are waiting, Ma-otoridad na boses ni Don Alvaro ang nagpahiwalay ng kanilang mga mata sa isat isa. “Yes, ’Pa,” sagot ng binata at ngumiti pa sa kaniya bago ito tumalikod at pumasok sa loob ng bumukas na elevator. Doon niya nalaman na anak ito ni Don Alvaro. “Did I scare you?” Napapitlag siya nang hindi niya namalayang nasa likuran na pala niya ito. “Sorry, I didn't mean to frighten you.” “No. I- I'm fine. Bakit ka nagtatago sa dilim?” Pinilit niyang huwag mag-stammer. “Oh, sorry. Hindi ako nagtatago, but as you can see.” Itinaas nito ang kamay na may hawak ng upos ng sigarilyo. “Baka kasi makita ako ng guard at isumbong ako kay Papa. May binalikan lang ako sa opisina ko at inuubos ko ang sigarilyo ko nang makita kita,” dugtong pa ni Brian. Sa isipan ni Brian ay maganda at sumasang-ayon ang pagkakataong iyon para sa kaniya. Tumangu-tango naman si Janice sa kawalan ng masabi. She looked more enticing when she's speechless. Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Brian bago nagsalita. “Nag-overtime ka pala sa trabaho mo. I wonder if my cousin gives you a hard time.” Tinutukoy niya si Monica na pinaglilingkuran ni Janice bilang sekretarya. “She's good to me. May mga kailangan lang talaga akong tapusing trabaho bago ang deadline, sir,” sagot ni Janice. “Hindi na office hour, just call me Brian.” He smiled. Bakas ang hindi pagsang-ayon ng dalaga sa kaniyang mga mata. Para sa kaniya ay kabastusan na kung tawagin niya ito ng walang 'sir'. “I bet you haven't eaten dinner yet. Tara sabay na tayo. Hindi pa rin ako naghahapunan, e,” aya nito. “Ahm, sorry, s-Brian. Gabi na, kailangan ko nang umuwi,” tanggi niya. “Hindi naman tayo magtatagal. And don't worry, I will drop you home after dinner.” “Pero...” “Please?” Nag-atubili siya sa alok nito, pero sa bandang huli ay pumayag din si Janice. Doon nag-umpisa ang magandang samahan nina Janice at Brian. They are compatible in many ways. Wala ring oras na naging boring sa kanilang dalawa. Maraming natutunan si Brian kay Janice. Mga bagay na hindi niya binigyang halaga noon, lalo na nang nasa States pa siya. Isa sa hinangaan ni Brian sa katangian ni Janice ay ang pagiging mapagmahal nito sa pamilya, mahinhin, at palasimba. Mga katangiang wala sa kaniya. Dahil sa mga katangiang iyon ay lalong nahulog ang loob ni Brian dito. At sa wakas ay nasabi niya sa kaniyang sarili na, Janice is the woman for him. Kay Janice niya nakita ang mga katangian ng isang babae na kailan man ay hindi niya nakita sa mga babaeng nagdaan na sa kaniyang buhay. Inaamin niya sa kaniyang sarili na isang challenge si Janice sa kaniya, but he loves it. Kay Janice lang din siya nakaramdam ng takot na mabigo. Yes, he's scared of rejection. Ngunit nawalang parang bula ang takot at pangamba sa kaniyang dibdib nang sa wakas ay sagutin siya nito after two months nang panliligaw niya. Masayang-masaya siya dahil nakamit din niya ang matamis nitong oo. He promised her to be a good boyfriend and that shell be the only woman in his life. And he is now looking forward to their relationship. He bears in his mind that if he intends to choose a lifetime partner, it would be Janice. Ngunit sa kabila ng saya at pagdiriwang ng puso niya dahil sa pagdating ni Janice sa buhay niya ay gano'n din ang pagluluksa ng puso ni Daphne. She and Monica did everything para mapansin siya ni Brian, pero walang nangyari. Napunta pa rin si Brian kay Janice. Hindi tuloy niya maiwasang mainggit kay Janice. It was her first heartbreak ever. Ang hindi niya maintindihan ay kung anong nagustuhan ni Brian kay Janice. Ano bang meron si Janice na wala siya? She has everything in life. Money, cars, houses, and beauty. She is almost perfect, more than enough to be Brians girlfriend. But Janice Janice won over her. “Is he blind?” tila wala sa sariling ani Daphne habang nakatanga sa kaniyang pagkain. Kasalukuyan silang nasa isang restaurant ni Monica at ang paksa ng kanilang usapan ay ang magkatipang Brian at Janice. “Of course he is. That punk! How could he aggrr!” Animo'y uusok ang ilong ni Monica sa galit dahil sa pagkapurnada ng kaniyang mga plano. “I lost. Ganito pala ang pakiramdam ng masawi sa pag-ibig.” “But you'll never quit, will you, Drew?” Malungkot siyang napatingin sa kaibigan. “We already did everything, but did any of our plans worked?” Dismayado si Daphne. Inaya na nila ni Monica kung saan-saan si Brian para masolo niya ito at magkakilala sila nang maigi, pero itinuring lang siya nitong parang kaibigan at parang katulad ni Monica just like a cousin or a younger sister. “Ah, the game isn't over yet. May magagawa pa tayong paraan,” mariin at determinadong saad ni Monica. “Are you insane? Sila na nga, e.” “But not official yet. We must do something before they become an official couple. Once that happens, you...YOU LOST him for good,” anito bago uminom ng tubig. Hindi ito mapakali dahil sa ibinalita sa kaniya ni Brian na napasagot na nito si Janice. Napaisip si Daphne. Kailan man ay hindi siya tumanggap ng pagkatalo. She hates rejection. At maaaring tama si Monica, may paraan pa para makuha niya si Brian. But how? “Do you know what Im thinking, Drew?” Gumuhit ang nakakalokang ngiti sa mga labi ni Monica nang sabihin iyon. “Perhaps a date with Brian? Hindi ba ginawa na natin, pero hindi man lang niya pinansin. At kapag pinapaunlakan ang mga imbitasyon natin, hindi naman siya sumisipot.” Napaismid si Daphne. “Nah! This is different. It's a mandatory invitation. Tingnan ko lang kung makaiiwas pa siya. Don't worry, I'll take care of Janice,” she stated with a wicked smile. “Ano'ng binabalak mo?” She sensed something not good sa plano ng kaibigan. But if it's only the way to win Brian, e, di susuportahan niya si Mon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD