CHAPTER 3

1246 Words
HE was against his father's idea about throwing a big welcome party for him. As usual though, he can do nothing about it. Desisyon iyon ng kaniyang ama at ayaw niya itong kontrahin pa. His father might be insulted if he opposed. Dylans piece of advice had sunk through his head. Isa pa, he just arrived. It might be the best if he could at least show his father respect by abiding by his decision. Brian’s parents had no expense when it came to their only son. They got him a grand house in Pangasinan. Iyon ang regalo ng mga magulang niya sa kaniyang pagbabalik and the big welcome party is a kind of peace-offering. He knew that his father is trying to reconcile with him. “I couldn’t wait any longer for tonights event,” komento ni Dylan na abala sa pagsi-shave. Napalingon dito si Brian na nakatanaw sa labas ng glass window ng kaniyang condo unit. “Who knows, bro, baka dito sa Pinas ko mahahanap ang kahati ng puso ko,” dugtong pa nito. Natawa si Brian. “Ang sabihin mo, dito mo mahahanap ang hahati sa puso mo.” Supalpal niya sa ideya ng kaniyang pinsan. Hindi naman kasi lingid sa kaniya kung gaano rin katinik at kaloko si Dylan pagdating sa mga babae. They share the same feather; they relate to each other in almost every way. “Karma ang aabutin mo rito kapag nagloko ka pa.” “Huh! Bakit ako lang? Mas lalo ka na. Siguradong sisingilin ka na ng Dios sa mga pinaggagawa mo sa mga kalahi ni Eva sa States,” baling naman ni Dylan. “If Eve did not eat the apple, then she wouldn't be poisoned,” natatawa niyang sabi. “Serpyente ka talaga.” Tuluyan nang natawa si Dylan. “Iba pa rin ang Pinay, bro. Mas masarap pa rin silang magmahal kaysa sa mga puti.” Nagkibit balikat si Brian. Wari ay hindi ito lubusang sang-ayon sa sinabi ni Dylan. “All women are the same. They look fragile, pero kapag tipo nila ang lalaki bibigay rin.” “It's called LOVE,” pasaring ni Dylan. Something I don't think you know of.” “Tado! Kailan ka pa natuto sa salitang yan?” ani Brian. “As I have said, nandito ang kahati ng puso ko. Kaya bago ako bumalik sa Virginia ay kailangang mahanap ko na siya.” Tila nagbibiro pero totoo iyon sa loob ni Dylan. “Tamang-tama, maraming mga babae tonight. Ang mga anak ng mga kaibigan ni Papa, siguradong a-attend sa party ko. Good luck!” ani Brian. Tingin nito'y nagbibiro lang si Dylan. “Likewise. ” Ngumisi pa si Dylan bago tumalikod at pumasok sa banyo. And don’t let your serpent around Eve's apple again. Mahirap matodas sa erpat mo,” natatawang pahabol ni Dylan. “Ulol!” angil ni Brian. ITO ang unang party na kaniyang dinaluhan simula nang umuwi siya sa bansa sa Grand Island na ayon kay Monica ay private property ni Don Alvaro de Riva, ang tiyuhin ng dalaga. Sa tingin niya ay isa ito sa magarbong mga okasyon na kaniya nang dinaluhan. Halata sa mga bisita na katulad niyang nasa mataas o mas angat pa sa kanila ang antas ng lipunan. The loud music was pounding through the night air. Mula sa veranda ay tanaw niya ang dagat. Ang mga along humahampas sa buhanginan. Iginala niya ang kaniyang paningin sa mga bisitang nasa malawak na bakuran ng Grand House na walang kapaguran sa pakikipagkumustahan at pakikipagkuwentuhan habang abala sa pagkain at inumin. Hindi pa bumabalik si Monica sa kanilang mesa kanina kaya't naisip niyang maglibot muna, at sa veranda siya ng Grand House napadpad. Sariwa ang hangin at medyo malayo sa mga bisita. Naagaw ang kaniyang atensyon mula sa mga bisita nang matanawan niya ang tumigil na puting limousine sa harap ng gate ng Grand House. Marahang bumukas ang drivers door, at ang kaniyang puso— ang lintik niyang puso, traydor na puso— tinakasan siyang bigla nang masilayan niya ang bumaba mula sa magarang limousine. For the first time, she was left speechless by a goddamn handsome… badass hottie. Napahawak siya sa kaniyang dibdib dahil sa lakas ng tahip nito. His gray suit fits him well. At kahit nasa verandah siya ng Grand Ville house ng Grand Island na pagmamay-ari ng mga de Riva ay hindi naging hadlang ang distansiya niya mula rito para hindi siya ma-hook at mataranta sa kaguwapuhang iyon. God, he looked great in his suit. Hindi naitago ng suot nitong long sleeve polo ang totally yummy-in-her-tummy six pack. Any woman would drown in him, panties on-fire. Ano kaya kung naka-topless ito? He could seriously induce a visual orgasm. Naipilig niya ang kaniyang ulo at mariing ipinikit ang kaniyang makasalanang mga mata. “Drew!” si Monica na agad na nagpadilat sa kaniya nang bigla itong sumulpot mula sa sliding door. “He’s here!” tili nito at mabilis siyang hinila patungo sa direksiyon ng mga taong bagong dating. Hindi pa man sila nakalalapit sa kinaroroonan ng guwapong lalaking umagaw ng pansin sa mga kababaihan ay napahinto siya nang marinig ang ring ng kaniyang hand phone. Bigla niyang naisip ang kaniyang papa. Ngayong gabi pala ang sinabi nitong dating ng ama mula sa business trip sa Hongkong. Ayaw niyang mag-alala ito kapag nalaman nitong wala siya sa kanilang bahay. Hindi pa man niya nabanggit dito ang tungkol sa party na kaniyang dinaluhan. “Mon, wait,” aniya kay Monica na bakas ang pagkadismaya dahil sa pagtigil sa paglakad. Dumarami na ang mga taong lumalapit sa kaniyang pinsan na nakikipagkamay at nakikipagkumustahan. Karamihan dito ay mga babae. “Drew, mamaya mo na sagutin `yan. Ipapakilala muna kita kay Shane,” tutol ni Monica. “Shane, who?” tanong niya habang abala sa pagdukot sa kaniyang handphone sa loob ng kaniyang pouch. “Pinsan ko. Iyon, oh,” sabay nguso sa gawi ng dalawang lalaki. Parehong gwapo, macho, at matangkad. Ngunit mas nakaagaw ng kaniyang pansin ang isa, ang lalaking unang bumaba kanina sa limousine. “Sino sa dalawa?” tanong ulit niya, pero hindi na niya naintindihan ang sagot ni Monica dahil abala na siya sa pakikipag-usap sa ama. Bahagya pa siyang lumayo doon dahil napakalakas ng tugtuging pumapailanlang. Hindi tuloy niya marinig ang ama sa kabilang linya. “DD, Im home now. Nasaan ka, Hija?” masaya pero mapag-alalang tinig ni Don Roberto Samonte. “Dad, Im sorry. Hindi ko pala nasabi na may importanteng event akong dinaluhan ngayon. Dont worry, Pa. I'll be at home before midnight,” hinging paumanhin niya sa ama. “It’s alright, Hija. Nag-alala lang ako sa 'yo. I miss you, DD.” Napangiti si Daphne dahil sa pagtawag ng ama sa kaniya gamit ang kaniyang initials. Small girl pa rin talaga ang turing sa kaniya ng kaniyang ama. At ang kaniyang ama lang ang tumatawag sa kaniya ng DD. Daddy’s girl talaga siya. “I miss you too, Daddy,” malambing niyang sagot bago pinindot ang end button ng tawag. Natanawan niya si Monica malapit sa buffet table at may mga kausap ito. Pumihit siya para tunguhin ang kinaroroonan ni Monica nang biglang may tumilapon sa kaniya a glass of red wine. “Ahh!” Napasinghap siya nang umagos sa kaniyang dibdib ang likido. Basa na ang kaniyang white cocktail dress. Ang masama pa’y namantsahan na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD