CHAPTER 2

1078 Words
          HINUBAD niya ang robang suot at tanging naiwan ay ang kaniyang black two-piece. Masigla siyang lumusong sa tubig at ikinampay-kampay ang kaniyang mga kamay at paa. Hobby niya iyon tuwing umaga ang mag-swimming. Nakagagaan ng pakiramdam ang maligamgam na tubig sa swimming pool. Ito na ang kaniyang ehersisyo every morning. Sa loob ng tatlong taon niyang paninirahan sa Canada ay ngayon lamang siya umuwi. Hindi man lang siya nagbakasyon dito sa Pilipinas sa loob ng tatlong taon. Well, mas mainam na iyon nang hindi na siya sisihin pa ng kaniyang ama dahil nawalan ito ng mapagkakatiwalaang empleyado sa kanilang kompanya. She didnt even feel guilty nang mag-resign si Rolan sa Samonte Enterprise na pag-aari nila. Nagpakatotoo lang siya sa kaniyang mararamdaman. Sawa na siya sa relasyon nila ni Rolan. Hindi niya matiis ang isang boring relationship. So, ano pang dapat niyang pahalagahan sa relasyon? She doesnt like him anymore. Iniisip ng kaniyang papa na siya ang dahilan ng pag-alis ni Rolan sa kanilang kompanya, pero hindi na siya nagkomento pa noon. She flew to Canada para makaiwas sa paninisi ng kaniyang ama. Rindi na siya sa palaging sinasabi nito na kung magpalit daw siya ng boyfriend ay parang damit. Sabagay, tama naman ang kaniyang ama dahil hindi tumatagal sa isang linggo ang pakikipagrelasyon niya. Gayunman, hindi pa rin nagbago ang kaniyang ama. Napaka-supportive pa rin nito. Lahat ng layaw at luho sa buhay ay kaniya pa ring ipinagkakaloob kahit na puro sakit ng ulo ang kaniyang ginagawa. Her father loves her so much. Hindi siya kailan man tiniis kahit na minsan ay labag sa kalooban nito ang kaniyang hiling. Ibinibigay pa rin nito sa kaniya. Nakasasama man ito sa kaniya o nakabubuti. Kaya naman lumaki siyang matigas ang ulo. Nakapagtapos naman siya sa kolehiyo, pero tambay lang siya. Lakwatsa palagi ang inaatupag niya. Nag-e-enjoy pa siya sa kaniyang buhay kaya naman ayaw niyang magtrabaho. Kahit tulungan man lang sana sa pamamalakad sa kompanya ang kaniyang ama ay hindi niya ginawa. Ayaw niya ng responsibilidad. Para sa kaniya, pabigat at hadlang lang ang trabaho sa kaniyang layaw.  “Daphne Drew!” malakas na tawag ng bagong dating na dalaga. Kumaway pa ito sa kaniya nang kaniya itong lingunin. “Monica?” bulalas ni Drew sa pangalan ng matalik niyang kaibigan. Mabilis siyang lumangoy patungo sa gilid ng pool kung saan naroon ang kaniyang panauhin. “Hey! I missed you so much. Gosh! Kumusta ka na?” saad ni Monica na agad yumakap sa kaniya nang makapagpunas siya ng basang katawan. “I missed you too, Monica.”  Oh, life in Canada was so good, but the best pa rin dito sa ‘Pinas. That is why I've decided to come home,” aniya saka mahigpit ding yumakap sa kaibigan.  “Sabi ko na nga ba, magsasawa ka rin doon. I know you, Drew, hindi ka marunong makontento.” Kumalas siya sa pagkakayakap kay Drew. “Oh, c'mon, Monica. Alam mo naman ang dahilan kung bakit ako napilitang umalis, 'di ba?” Iginiya niya ang kaibigan patungo sa hut malapit sa gilid ng pool. “Of course I do know. At alam mo ba kung ano na ang nangyari kay Rolan?” nananantiyang si Monica. “The hell I care! Matagal ko nang itinapon ang isang iyon.” Nanulis pa ang nguso ni Daphne nang sabihin iyon. Halatang ayaw niyang marinig ang anumang balita tungkol kay Rolan. “Alam ko. But I know you will be interested sa kung sino'ng sumalo sa basura mo,” ani Monica matapos umupo. Napakunot ng noo si Daphne at naudlot ang paghila niya sa isang silya. “What do you mean? At sino ang sinasabi mong...” “See? Sabi ko na mga ba't magkaka-interes ka,” nangingiting sabi si Monica. “Hey! Mon, alam mo naman na ayaw ko kay Rolan, kaya ayaw ko siyang pag-usapan.” Napasimangot pa siya bago tuluyang umupo. “Remember Roxie? Roxie Ferrer. Iyong mahigpit mong katunggali sa beauty contest noon sa Saint Louis University.” Napahagikgik na nang tuluyan si Monica. “What?! Si Roxie?” bulalas ni Daphne. Hindi siya makapaniwala na sinalo na naman ni Roxie ang naging ex niya. “She never changed. Lahat na lang sinasalo niya. Oh, her ass!” Hindi niya alam kung maiinis siya sa pananadya ni Roxie o masisiyahan dahil naging dustbin na naman niya ito. “And another news, Drew. My cousin has arrived from USA. Naisip ko lang, tutal dumating ka na, e, dapat bonding ulit tayo. At baka gusto mong makilala ang pinsan ko. My uncle will throw a party for him. He's the only son. And take note, guwapo. Iyong tipong hindi mo na ibabasura.” May kislap ang mga mata ni Monica habang nagsasalita. “What do you mean by that?” kunot noong baling ni Daphne. Kapag ganito ang tabas ng dila ng kaibigan, may tinutumbok ito. Katulad ng dati, gawain na nitong i-match siya sa mga lalaking pakiramdam nito'y seseryosohin niya. “I could sense you both having good chemistry. Kilala ko ang tipo ng pinsan ko sa babae. At alam ko ang tipo mo sa guy. He fits your category, I swear,” ani Monica sabay taas ng kanang palad nito. “Na naman. Gasgas na ang linya mong iyan, Mon.” “Who knows? The probability that it will work this time is pretty high,” pangungumbinsi ni Monica. “Uh! Don't throw your overly used lines at me again, Monica. Nakailan ka na bang reto sa akin? Hindi na mabilang, but I don't think I have been in love with those men. Wala, e. Walang spark kahit umabot pa nang ilang linggo ang pakikipag-date ko sa kanila.” Napaismid si Daphne. “Daphne, last na ito, believe me. Guwapo, mayaman, at alam kong he's qualified na para sa iyo. I bet it. Para maniwala kang seryoso ako, sumama ka sa akin sa Linggo. Sunday night sa Grand Island. Deal or no deal?” Umingos si Daphne. She rolled her eyes. Here they go again. She knows her best friend very well. Kahit sabihin pa niyang ayaw niya, gagawa at gagawa ito ng paraan para sumama siya rito sa party. Halos maglulundag sa tuwa si Monica nang mag-thumbs up siya bilang tanda ng kaniyang pagpayag. Animo batang nabiyayaan ng kendi. Napangiti siya. Wala pa ring ipinagbago ang kaniyang kaibigan.  Tutal wala naman siyang pinagkakaabalahan, bakit hindi siya papayag na makipakipagkita at makipagkilala sa inirereto ng kaibigan. Balik sa dating gawi. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD