WITH the plane preparing for take off, Brian couldn’t help but sigh. Iiwan na niya ang kaniyang buhay sa Estados Unidos. The race, the golf, and many more games and luxuries.
The clubs, disco, the girls blondes, at mga babaeng mestisa. Hindi yata siya mabubuhay sa isang linggo na walang ma-i-date na babae, as well as nakakaniig.
Although walang babae ang tumagal sa piling niya ng isang linggo. Maximum of three days ang inilalagi sa buhay niya ng mga nagiging girlfriend niya. Hes enjoying life.
Ang sarap ng buhay kung malaya. Unfortunately, his freedom is in the United States at wala sa Pilipinas kung saan siya tutungo ngayon. Sanay siya sa buhay na malayo sa mga magulang sa kaniyang ama na walang ibang ginawa kundi ang sermunan siya at kontrahin sa lahat ng ginagawa niya.
He remembered how his father disciplined him when he was a child. Napaka-istrikto nito. Ang gusto nito ang dapat masunod. He never asked Brian what he really wants for his life. Not even what clothing he wants to wear, nor the people hell be with.
Lahat ay ang kaniyang ama ang pipili. Ang gusto ng kaniyang ama ay maging katulad na katulad siya nito. Respetado, kagalang-galang, and all the words synonymous with fame.
He wants him to be responsible kahit bata pa siya noon. Pakiramdamdam niya ay sakal na sakal siya sa piling ng kaniyang ama. Kung nagkaroon lang siya ng kapatid, hindi mangyayari ito. Turns out that being the only son of Don Alvaro de Riva is a curse when said Don wants him to be his imitation.
Kung iba ang nasa posisyon niya, malamang ay nagtatatalon na sa tuwa. After all, Don Alvaro is one of the richest hacienderos in the country. He does not only own vast land areas in different provinces in the Philippines, he is a successful entrepreneur and a retired politician.
Nasa kaniya na ang lahat sa piling ng mga magulang niya. Money, a grand house, cars, rich friends, and many more. What he doesnt have is the most important thing he could ever wish for freedom. Kalayaan na nakamtan lamang niya nang isama siya ng kaniyang mama sa Virginia, USA para magbakasyon.
Nang pabalik na sila sa Pilipinas after two months of staying in Virginia, he refused to go back home with his mom. Hindi siya napilit ng kaniyang butihing ina dahil alam nito ang hinanakit niya sa kaniyang papa.
A mother will always be a mother to her child. Lahat ng sama ng loob niya ay inunawa ng kaniyang mama. She gave him his freedom. Iniwan siya nito sa kaniyang Tito Noel, his mom's older brother. Biyudo na ito at may isang anak na lalaki na ka-edad niya si Dylan.
He and Dylan have several things in common, dahil na rin siguro sa magka-edad sila at magkadugo. Ang kaibahan nga lamang ay nagagawa lahat ni Dylan anumang gusto nito at suportado ang kaniyang Tito Noel. Unlike him, kahit malaki na siya ay kinokontrol pa rin ng kaniyang ama.
His father never fails to remind him to preserve his name their name. Huwag daw niyang dungisan ang malinis na pangalan at imahen ng mga de Riva. Sabagay, kailan nga ba nagtiwala ang kaniyang ama sa kaniya? Never. Never in his entire life. Kahit nga malayo na siya sa ama ay nagagawa pa nitong alamin ang mga bagay na ginagawa niya sa Estados Unidos.
His manipulative father would always contact him everytime he got into trouble. Mino-monitor siya nito wherever he is at syempre, sinesermunan palagi.
Katulad nang nakaraang linggo, nalaman ng kaniyang ama na nasangkot siya sa drug trafficking sa Virginia. Kung hindi ito pinigil ng kaniyang mama ay malamang lumipad ito patungong USA para komprontahin siya.
He tried to explain, but he was never given a chance. Hindi umobra ang paliwanag niya rito, bagkus pilit siya nitong pinapauwi sa Pilipinas.
Hindi naman talaga siya gumagamit ng bawal na gamot. He was framed by his ex-girlfriend, Milet, sa galit nito nang tapusin niya ang two day-relationship nila. Ang hiling ni Milet ay magkita sila sa isang bar at pinaunlakan naman niya, pero wala siyang nakitang Milet doon, bagkus five men attacked him.
Hindi naman siya nagpatalo, nakipagbunuan siya. Basagan na kung basagan ng mukha. Tutal sanay naman siya sa gulo. Nang dumating ang mga pulis ay inaresto silang lahat. Ang hindi niya alam ay kung paano napunta sa bulsa ng kaniyang jacket ang isang pakete ng shabu. Nalaman lang niya nang tumawag si Milet sa kaniya at sinabing gumanti lang siya sa panloloko niya rito.
Mabuti na lamang at tinulungan siya ng kaniyang Tito Noel kaya nakalabas siya sa kulungan at nalinis ang kaniyang pangalan. Palibhasa alagad ng batas ang kaniyang tiyuhin kaya hindi naging mahirap na patunayang wala siyang kasalanan.
Naalala niya kung paano siya sigawan ng amang galit na galit nang tumawag ito last week dahil sa umabot dito ang masamang balita na kaniyang kinasasangkutan.
Ikinahihiya kong naging anak kita, Brian! bungad agad nito nang sagutin niya ang tawag ng ama. Bakas ang galit at pagkamuhi sa kaniyang boses. Halos mabingi siya sa lakas ng boses nito.
You disappointed me. Again. Wala ka nang ginawa kundi magbigay ng konsumisyon at kahihiyan.
Sanay na siya sa mga linya ng ama kapag pinapagalitan siya nito. Memoryado na niyang lahat. Parang sirang plaka iyon na paulit-ulit sa kaniyang pandinig.
Kung hindi lang siya sinuyo ng kaniyang mama ay hindi talaga siya uuwi. Pakiramdam niya ay katapusan na niya nang pumayag siyang umuwi. Siguradong magiging impyerno ang buhay niya sa Pilipinas kapag kasama na niya sa isang bubong ang kaniyang ama. Ngunit alang-alang sa kaniyang mama ay pipilitin niyang pakisamahan ang kaniyang papa. Muli siyang humugot ng malalim na paghinga at isinandal ang ulo sa head rest ng upuan.
“Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa matanggap na uuwi ka sa Pilipinas?” basag ng katabi niyang si Dylan nang mapansin ang pagiging tahimik nito.
Nagdesisyon itong sumama sa kaniya sa Pilipinas para makapag-relax. Kabaligtaran sa kaniyang nararamdaman ang nararamdaman ng kaniyang pinsan. He is happy and eager to visit Philippines.
Nagsasawa na raw ito sa Virginia kaya gusto naman daw niyang maiba ang kaniyang environment. Kung katulad lang siguro ng kaniyang papa ang papa ni Dylan ay siguradong matutuwa rin siya na babalik sa sariling bansa.
“Is there any way out?” Pormal ang anyo nito na halatang hindi siya natutuwa sa sitwasyon.
“Bro, siguro tama si Tito na maging responsable ka na sa buhay mo. Para din naman sa yo, eh. Dapat maging seryoso ka sa mga gagawin mo. Kailangan mo nang magbanat ng buto. Sooner or later mag-a-asawa ka na,” susog ni Dylan.
Ito man ay nakikiramay din sa nararamdaman ni Brian, pero tinitimbang niya ang sitwasyon ng pinsan at ang kaniyang Tito Alvaro. Siguro hindi lang matanggap ni Brian na pinangungunahan siya ng kaniyang ama sa mga desisyon.
Kilala niya si Brian, he is stubborner than him. He will not let anyone manipulate him. Kaya ganoon na lamang ang gap nila ng kaniyang Tito Alvaro.
“May sarili akong pag-iisip, Dylan. Ayaw kong ipilit sa akin ang mga bagay na hindi ko pa handang gawin.”
“At kailan mo haharapin nang maayos ang buhay mo? Look, Brian. You are now matured enough para magdesisyon sa buhay mo, pero sana this time, don't make it hard for you and for Tito. Don't be selfish, bro. May edad na rin si Tito Alvaro. Dapat sana hindi na siya ang namamahala sa mga lupain at mga negosyo niyo. Dapat sana ay ikaw na, but you spent a long time sa mga bisyo at kapritso mo. Now, couldn't you do a little favor to your parents?”
Natigilan si Brian at saglit na napaisip nang marinig ang pahayag ni Dylan. Is that how insensitive and irresponsible he is?
Hindi na lamang siya umimik. Ayaw na niyang humaba pa ang usapan nilang magpinsan tungkol sa relasyon nila ng kaniyang ama. Alam niyang hindi titigil si Dylan hanggang sa hindi siya sumasang-ayon sa ideya nito.