Chapter 04

3347 Words
SAKTONG alas-dies nang umaga nakababa ang eroplano na sinakyan niya galing Great Britain, walang idea si Ruhk sa kung anong gagawin niya sa pilipinas at gaano siya katagal mananatili sa bansang pinili niyang puntahan upang malayo pansamantala sa kaniyang lolo. Graduating na naman si Ruhk sa college at naayos niya na ang dapat niyang ayusin kaya kahit ipakuha niya nalang ang diploma niya sa isa sa lima niyang butler ay pwede siyang hindi nalang umattend ng graduation ceremony. Nang binigyan na sila ng babaeng attendant na pwede na silang bumaba nang eroplano ay tumayo na si Ruhk sa pagkaka-upo niya nang maalala niyang wala siyang nadala kahit isang suit ng mga gamit niya na bahagya niyang ikinamura. Napapailing na naglakad nalang si Ruhk palabas ng eroplano, nag-isip nalang siya kung saan siya hahanap nang matutuluyan niya o kung bibili siya nang titirahan niya habang nasa pilipinas siya. Dere-deretso lang siya sa paglalalakad niya kasabay nang mga pasaherong kasama niya sa flight niya kanina nang pumasok sa isipan ni Ruhk si Paxton na hindi niya na nakita. Alam niyang kasabay niya ito ng flight pero nakalabas na siya sa eroplano ay hindi na niya ito nakita na bahagyang ikinibit balikat nalang ni Ruhk. Nang makalabas na siya sa departure area at naisip na maghanap nang landline sa airport para tawagan sina Vincenzo ay may dalawang naka suite na lalaki ang humarang sa daraanan niya na seryosong ikinatitig niya sa mga ito. “Mr. Ruhk Verchez?”sambit na tawag ng isa sa dalawa sa pangalan niya na sinisigurado nito na siya nga ang may ari ng pangalan na binanggit nito, na hindi ikinaimik ni Ruhk sa mga nasa harapan niya pero may kutob siya. “We were sent here by Prime Minister Verchez to pick you up here and take you to your place that you’ll going to stay while you are here in the Philippines.”pagbibigay alam nito na ikinatama ng kutob ni Ruhk sa naiisip niya. “What is he doing? Why is he helping me?”napapaisip na tanong ni Ruhk sa kaniyang sarili sa ginagawa nang kaniyang lolo. Pakiramdam ni Ruhk ay hindi lang siya basta-basta hinayaan ng kaniyang lolo na umalis sa kanilang bansa at payagan na gawin ang gusto niya, na hind ilang basta tulong ang binibigay nito sa kaniya kundi may dahilan ito, hindi lang malaman o maisip ni Ruhk kung anong pinaplano nang kaniyang lolo. Pero ayaw isipin ni Ruhk ang kung anong agenda nang kaniyang lolo dahil ‘yun ang dahilan kung bakit umalis siya sa kaniyang bansa, gusto niyang hindi muna isipin ang buhay niya sa Greatr Britain at mamuhay muna nang mag-isa. At dahil ayaw ni Ruhk na mahirapan sa paghahanap niya ng pwede niyang tirahan ay wala na siyang nagawa kundi ang sumama sa dalawang lalaki na sumundo sa kaniya. Nakasunod lang siya sa likuran ng mga ito at tahimik na naglalakad hanaggang sa makalabas sila ng airport, agad na nakita ni Ruhk ang isang itim na BMW na nilapitan ng dalawang sumundo sa kaniya at nakita niyang pinagbuksan siya ng pintuan ng isa sa dalawa kaya wala nalang siyang imik na sumakay sa loob. Tahimik lang si Ruhk sa likuran ng sasakyan habang nakatingin sa may bintana, pinagmamasdan niya angg bawat nadadaanan nang kaniyang mga mata. Ito ang kauna-unahang nakatuntong si Ruhk sa pilipinas kaya masasabi niya na malaki ang pagkakaiba ng bansa niya sa bansa na kinalalagyan niya ngayon. Madalas niyang naririnig sa kaniyang ina ang tungkol sa pilipinas dahil minsan nang naikwento sa kaniya ng kaniyang ina na nagbakasyon dito ang kaniyang mga magulang, at sa bansang ito siya pinanganak pero pinauwi lang ng kaniyang lolo ang mga ito kaya sa Great Britain siya lumaki. Ang kaniyang ina ang dahilan kung bakit siya marunong magtagalog dahil tinuruan siya nito at sina Vincenzo ang mas naghasa sa kaniyang magsalita ng tagalog simula ng ibigay ang limang ‘yun nang kaniyang ama bilang kaniyang butler. Noong una ay naguguluhan siya kung bakit mga kilala din sa society at mayayaman din ang limang butler na binigay sa kaniya, at sa mga dumaan na panahon, nalaman niya na ang bawat pamilya ng mga ito ay may malaking ugnayan sa kaniyang lolo dahilan upang ang loyalty ng mga ito ay para lang sa kanilang pamilya. Hindi gustonoong una ni Ruhk sina Vincenzo pero nang tumagal na naging butler niya ang mga ito ay nakasundo niya ang lima at masasabi niyang okay din ang mga ito kasama. “What is that?” biglang tanong ni Ruhk nang may makita siyang parang parke na madaming tao ang naroon at nakikita ni Ruhk na matatanaw niya ang dagat sa nadadaanan nila. “Stop the car.”utos ni Ruhk sa dalawang kasama niya na agad itinabi ang kotse sa may gilid ng kalsada habang hindi inaalis ni Ruhk ang tingin niya sa nakikita ng mga mata niya. “That is Manila Bay, Mr. Ruhk, pasyalanan ng mga malalapit dito at minsan ay dinadayo ng mga taga ibang lugr.”pagbibigay alam ng isa sa dalawang kasama niya na ikinabukas niya sa pintuan malapit sa kaniya na sabay ikinalingon ng dalawa sa kaniya. “What are you doing Mr. Ruhk?” “Stay here, I’ll be back.”seryosong utos ni Ruhk bago siya bumaba sa kotse at bago siya tuluyang lumiban papuntang manila bay na sinabi sa kaniya ng isa sa kasama niya ay binalingan niya ang mga ito na nakatingin sa kaniya. “Don’t follow me, wait here.”bilin niya bago siya tumawid sa kalsada at naglakad na palapit sa manila bay. Nang makarating siya doon ay nilibot niya angg tingin niya sa paligid kung saan marami tao ang naroon na may mga kasama, may mga bata at may iba na nakatingin sa may malawak na dagat. May ilang kababaihan na napapadaan sa harapan ni Ruhk na napapatingin sa kaniya na hindi niya pinapansin. Dere-deretso si Ruhk sa paglalakad niya hanggang makarating siya sa may malapit sa barracks na humaharang sa mga tao para maiwasan na mahulog sa dagat. Tumayo si Ruhk doon at itinutok niya ang tingin niya sa malawak na dagat, dama ni Ruhk ang hangin na nagmumula doon at masasabi niya na maganda ang lugar na kinatatayuan niya. May ganitong lugar din sa bansa nila pero para kay Ruhk, mas maganda at magaan sa pakiramdam ang tanawin na nakikita ng mga mata niya na bahagyang nagbibigay ng gaan sa dibdib niya. “This place is good.”sambit na bulaslas ni Ruhk sa kaniyang sarili nang may maalis ang tingin niya sa may dagat ng may maramdaman siyang may bumangga sa may hita niya na ikinababa niya ng tingin dito, at makita ang isang bata lalaki na hawak-hawak ang ilong nito na napatingala sa kaniya. “Sorry po, hindi ko po sinasadya.”ani nito na ikinapatong ni Ruhk sa ulunan nito at bahagyang ginulo ang buhok. “Be careful next time.”ani niya dito na ikinatakbo na nito palayo sa kaniya na ikinahabol niya ng tingin dito nang hindi pa ito masyadong nakakalayo nang bigla itong madapa. Narinig ni Ruhk ang biglang pag-iyak ng batang lalaki na akmang lalapitan niya nang matigilan siya nang may dumaan na isang babae sa may gilid niya na may mahaba at kulot na buhok sa dulo nito na nakalugay dahilan upang hanginin ito ng hangin. Naka suot ito ng dress na puti at naka heels na lumapit sa batang lalaki na umiiyak at tinulungan itong tumayo, hindi inaalis ni Ruhk ang tingin niya sa mga ito habang nakikita niyang pinapatahan ng babae ang batang lalaki. “Huwag ka ng umiyak, dapat ang isang lalaki ay matapang at hindi umiiya.”rinig ni Ruhk na sambit ng babae sa battang lalaki sa malamyos na tinig nito na dahan-dahan na ikinahikbi ng bata. “H-hindi dapat umiiyak ang lalaki?”tanong ng bata na ikinatango ng babae dito. “A man like you should be strong, kaya don’t cry na okay?”pag-aalo nito na bahagyang ikinaingos ni Ruhk sa narinig niyang sinabi ng babae. “He’s just a kid, not a man.”mahinang kumento ni Ruhk nang marinig niya ang mabini at mahinhin na bahagyang tawa ng babae sa batang lalaki na ginulogulo ang buhok ng bata. “Ayan, dapat strong ka at hindi umiiyak. Pag nadapa ka, bangon ka lang ulit.”payo pa nito sa bata nna ikinatango nito bago ito patakbong iniwan ang babae na hinahabol tingin ang batang lalaking kumaway pa dito bago tuluyang tumakbo palayo. Nakatingin lang si Ruhk sa nakalayo ng bata nang ibagsak niya ang tingin niya sa babaeng dahan-dahang tumayo at ibinaling ang tingin sa may dagat kung saan hinangin ang mga buhok nito dahilan upang makita ni Ruhhk ang gilid ng mukha nito na bahagyang napalingon sa side niya na hindi alam ni Ruhk kung bakit hindi niya maalis ang tingin niya sa maamo at magandang mukha ng babae na malayong tinatanaw ang kalawakan ng dagat. Madami ng nakikita si Ruhk na mga babae att karamihan sa mga iyon ay naglalakas ng loob na lapitan siya at nagpapacute at nagpapakilala pa sa kaniya, pero iba ang magandang babae na natititigan ng kaniyang mga mata. Nakita niya ang malalim na pagbuntong hininga nito nang bahagyang tumatabing na sa mukha nito ang mahaba at kulot at itim nitong buhok na hinawakan nito nang makita ni Ruhk ang ekspresyon ng mukha nito na parang may naalala. “Meeting!”rinig niyang bulaslas nito nang nagsimula itong tumakbo kung saan dumaan ito sa gilid niya na ikinahabol tingin ni Ruhk dito hanggang sa makita niya itong sumakay sa isang itim na kotse na nagsimula ng tumakbo palayo sa manila bay. “Beautiful….”mahinang bulaslas ni Ruhk sa kaniyang sarili na parang hindi naalis sa kaniyang isipan ang maganda at maamong mukha ng babaeng nakita niya. Ilang saglit pang nanatili si Ruhk sa kinatatayuan niya nang magpasya na syang umalis doon at bumalik sa kotse kung saan naghihintay ang dalawang tauhan ng kaniyang lolo. Nang makabalik siya sa kotse ay agad siyang sumakay at sumandal sa kinauupuan niya nang paandarin na ang kotseng sinasakyan niya habang ang isipan ni Ruhk ay hindi maalis sa magandang babae na bahagya niyang ikinangisi at ikinapikit sa pagkakasandal niya. “That woman must be a witch.”mahinang sambit ni Ruhk sa kaniyang sarili dahil ito ang unang pagkakataon na hindi naalis sa isipan ni Ruhk ang mukha ng isang babae. Ilang oras ang lumipas sa biyahe ni Ruhk ay nakarating na sila sa isang malaking bahay sa isang village na pinasok nila na ikinakunot ng noo ni Ruhk dahil sa malaking bahay na binigay ngg kaniyang lolo, gayong sya langg mag-isa ang titira doon. “Everything you need was already in that mansion, Mr. Ruhk, and as for the Prime Minister instruction to us, were just going to bring you in this mansion, so we will take our live Mr. Ruhk.”pahayag ng isa sa dalawang naghatid sa kaniya sa tapat ng malaking mansion bago sumakay ang mga ito sa loob ng kotse at umalis at iniwan na siyang mag-isa sa labas. “That old man wants me to live in this big mansion, and I’m fvcking alone. I will appreciate his help if he get me a small house that’s I can fvcking stay as long I want to stay here.”ani ni Ruhk na naiiling na wala nalang nagawa kundi ang maglakad papasok sa loob ng malaking mansion. Pagpasok niya sa loob ay kumpleto sa gamit ang nakikita niya, living room, dining room, even the refrigerator and cabinet are fool of foods at pagtaas niya sa second floor at pag bukas niya ng isang kwarto ay kumpleto narin ang gamit doon. Pagbukas ni Ruhk sa malawak na walk in cabinet ay may mga designers clothes ang naroon, mga suit, slacks, leather jacket, rubber shoes at may nakikita pa siyang mga iba’t-ibang klase ng relo at shades na bahagyang ikinangisi ni Ruhk sa ginawang paghahanda ng kaniyang lolo na parang alam nito ang plano niyang pag-alis ng bansa. “Unbelievable.”sambit ni Ruhk na ikinaalis niya sa walk in closet at ikinaderetso niya sa kama at pabagsak na humiga doon. “I thought I can stay away and live alone hiding my fvcking self here, but that old man prepared everything as if I ask all of these.”Pahayag ni Ruhk na ikinapatong ng kanang braso niya sa kaniyang mga mata at napabuntong hininga sa pagkakahiga niya nang biglang pumasok muli sa isipan niya ang mukha ng magandang babae na pakiramdam niya ay gusto niya muling makita. “This is fvcking weird.” MABILIS ang takbo ni Liana papasok sa loob ng company niya kung saan binabati siya ng mga nakakasalubong niyang mga employee na ikinayuyuko niya nalang sa mga ito. Agad siyang sumakay sa elevator at hindi siya mapakali dahil late na siya sa meeting niya ngayong umaga, 10:30 ang meeting na binigay niya sa mga ito nang magsend siya ng email pero mag 11am na at kararating niya lang sa kumpanya niya. Hindi napansin ni Liana ang oras habang naisipan niyang mamasyal sa manila bay upang makaramdam ng hangin, dumadaan siya sa manila bay dahil nagpapagaan sa loob niya ang hangin na dumadampi sa balat niya at ang mga batang masayang naglalaro doon kasama ang mga magulang ng mga ito. Ito ang unang beses na nalate siya sa meeting niya at inaasahan niya na madi-dissapoint sa kaniya ang mga staff niya. Bahagyang natataranta si Liana sa loob ng elevator at ng magbukas ‘yun ay dali-dali siyang lumabas at dere-deretsong pumasok sa meeting room niya kung saan lahat ng mga mata ng mga naroon ay bumagsak sa kaniya na nahihiyang ikinapunta niya agad sa harapan at ikinayuko niya sa mga ito. “I apologize for coming late in this meeting, it’s just….” “Hindi niyo naman po kailangang humingi ng apology, boss Lia, ikaw ang boss namin at hindi naman kami umaangal.”ngiting pahayag ng isang staff niya na sa pagkakatanda nmnmiya ay sa program committee niya ito. “Still, ilang minut din akong late sa meeting. I’m sorry talaga.”guilty na paghingi niya ng sorry sa mga ito bago siya muling yumuko sa mga ito bago umup sa harapan ng mga ito. “Lunch is on me as my apology for being late.”saad niya sa mga ito na kita niyang ikinatuwa ng mga ito. Alam niyang mababait ang mga team leader ng bawat committee ng kumpanya niya pero ayaw niyang abusuhin ang mga kabaitan ng mga ito. “Let’s start our meeting.”ngiting ani niya sa mga ito na ikinahanda na ng kaniyang mga committee team kaya nagsimula na siya ng kanilang meeting. Magkakaroon sila ng isang fashion show kung saan irarampa ang mga bago nilang design, binigyan niya ng mga assignment ang bawat team kung paano paghahandaan ang fashion runaway nila. Nagbilin na din siya na mag-invite sila ng mga fashion journalist at ilang media para sa mabilis na makita ang mga bago nilang design. Naisip din nila na magpa-bid ng mga limited designs nila para sa mga aattend sa fashion runaway nila, at ang kalahati ng kikitaain nila ay ido-donate nila sa mga batang cancer patient. Matapos ang meeting nila ay nagpa-alam na ang ga committee teams niya para magsimula nang gawin ang kanilang mga assignment para sa sa fashion runaway nila, for the next three weeks. Bumalik na rin si Liana sa kaniyang opisina at umupo sa kaniyang office chair, binuksan niya ang kaniyang laptop upang magsimula na sa ilan sa mga kailangan niyang i-check ng may kumatok sa may pintuan niya na ikinalingon niya doon at makita niya ang isa sa employee niya na naka-assign bilang team leader niya sa design team na may malawak na ngiting pumasok sa loob ng opisina niya. Masasabi ni Liana na kahita papaano ay ito ang matuturing niyang kaibigan sa loob ng kumpanya niya, na isa sa dahilan kung bakit mas gusto niyang lagi siyang nasa kumpanya kaysa sa malaking mansion nila na tanging ang yaya Meldy niya lang ang kaya niyang kausapin ng kumportable. “Gusto koi tanong kanina sayo sa meeting pero pinigilan ko ang sarili ko, pero bakit ka ba late?”tanong nito sa kaniya ng makaupo na ito sa tapat niya. “Dumaan kasi ako sa manila bay, Kyla, namasyal ng kaunti. Hindi ko naman inakala na makakalimot ako sa oras kaya nalate ako, nakakahiya sa inyo dahil naghintay kayo ng matagal sa akin.”ani ni Liana dito. “Ano ka ba, understanding ang mga team leader’s mo. Habang wala ka pa nga kanina ay nag-aalala sila sayo dahil late ka nga sa meeting. They are good to you because you are good to all of us kaya wala sa amin kung maghintay kami ng matagal, besides, may good effect naman ‘yun, you’ll treat us lunch.”pahayag na ani nito na bahagyang ikinatawa ni Liana dito. “Sasabay ka naman sa amin kumain ng lunch right? Ilang beses na kitang niyaya na sumama sa amin pero gusto mong kumain mag-isa dito sa opisina mo, ayaw mo ng secretary kaya wala kang mauutusan na bumili ng pagkain mo.” “Nagdadala ako ng lunch box ko, Kyla, besides, sanay kasi akong kumain mag-isa. Gusto ko man na sabayan kayo, hindi ko alam kung paano ako makikisama sa inyo, I grow up alone so for me, I better be alone.”pahayag ni Liana na buntong hiningang ikinatitig ni Kyla sa kaniya. “Bakit hindi mo i-try kahit isang beses lang? Sanayin mo na kasama mo ang team leaders mo tuwing lunch time para maging kuportable ka sa lahat.”suhestiyon ni Kyla na ikinatutok ni Liana sa kaniyang laptop. “Hindi ko alam Kyla, maybe I can face all of you in a meeting but in a casual talks. I don’t know if I can catch up.”sambit ni Liana dito. Liana has a social anxiety disorder, she was diagnosed by their family doctor when she feels that there’s a time that she felt fear by being watch or judge by the people around her. Naglalaro sa isipan ni Liana nap ag nakisalamuha siya sa iba at hindi magustuhan ng mga ito ang ugali o kilos niya ay i-judge siya ng mga ioto at ayaw niyang makitaan siya ng mali ng mga tao, kaya hanggat kaya niya nagiging propesyonal niya sa kaniyang trabaho at tanging mga kumportableng tao lang ang magaan niyang kinakausap katulad ng yaya Meldy niya. “I understand, but I think you need to step out in your comfort zone Liana.”sambit ni Kyla ng may maalala ito. “OMG! May dapat pa pala akong asikasuhin for our designs, boss you need to send in my email your design, we need it.”pahayag nito na nagmamadaling umalis at lumabas ng opisina ni Liana na ikinabuntong hininga niya sa kinauupuan niya. “Gusto ko naman eh, hindi ko lang kaya.”malungkot na ani ni Liana nang mapalingon siya muli sa pintuan ng opisina niya ng humahangos na bumalik si Kyla sa loob at hinihingal na itinuon ang dalawa niyang kamay sa mesa ni Liana. “M-may nakalimutan ka ba?”takang tanong ni Liana dito na huminga muna ng malalim. “Paalalahanan lang kita, may nababalita na may mga gumagala ngayon na nambibiktima ng mga babae at kinukuha nila, lalo na pag alam nilang solo lang ang target nila kaya ikaw boss, mag-ingat ka. Wala kang driver, kahit bodyguard wala ka kaya huwag ka na kung saan-saan pupunta, okay? Tandaan mo okay?”pahayag na paalala nito sa kaniya na nagpaalam na ulit at lumabas naa muli ng kaniyang opisina. “They targeted a solo one?”sambit ni Liana na ikinakuha niya sa purse bag niya at inilabas niya ang pepper spray at isang stun gun with 25,000 volts that she can use for defensing herself if bad guys try something bad on her. “I can protect myself with these, I don’t need a bodyguard.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD