PAGDATING NI Ruhk sa airport kasama si Paxton na tumulong sa kaniya para makatakas siya sa mga tauhan ng kaniyang lolo ay hindi muna bumaba si Ruhk sa kotse na dala ni Paxton dahil nag-iingat siya na baka pati sa airport ay natunugan na siya para harangin. Palingon-lingon si Ruhk sa paligid ng labas ng airport habang hindi niya napapansin na kanina pa nakatingin si Paxton sa kaniya.
“Wala ka bang balak na bumaba sa kotse ko?”punang tanong ni Paxton sa kaniya na ikinalingon ni Ruhk sa kaniya.
“I’m sorry, I’m just checkin---“
“Kung sinisigurado mo hindi ka nasundan ng mga humahabol sayo, magbunyi ka. Inaabangan ka nila.”pahayag na ani ni Paxton na ikinasalubong ng kilay ni Ruhk sa sinabi nito bago niya mabilis na inilingon ang kaniyang mga mata sa may entrance ng airport na mahina niyang ikinamura.
“What the fvck?! How did the fvcking know?!”
“Hmm? Sa tingin ko nahulaan nila na aalis ka ng bansa na ‘to, not bad. They are smart eh. Sino ba ‘yang mga humahabol sa’yo?”tanong ni Paxton kay Ruhk na kinuha ang cellphone niya para tawagan sina Vincenzo ng matigilan siya ng pigilan siya ni Paxton, na ikinalingon niya dito.
“Hands off.”seryosong saad ni Ruhk kay Paxton.
“I save your fvcking ass dude, so show some gratitude. I’m asking you kung sinong humahabol sa’yo, dahil kung mga pulis ‘yan ng bansang ‘to hindi kita pwedeng itago sa kanila, gwapo ako pero ayokong maging criminal.”ani ni Paxton bago inalis ang pagkakahawak niya sa cellphone ni Ruhk.
“Isa pa, kung may tatawagan ka gamit ang phone mo baka mas maaga nilang malaman kung nasaan ka, maybe they knew that you’re going here because of the GPS of your phone.”ani pa ni Paxton na narealize ni Ruhk na point ito sa mga sinabi nito.
Agad na pinatay ni Ruhk ang kaniyang cellphone at walang pag-aalinlangan na binuksan ang bintana malapit sa kaniya at tinapon ang cellphone niya na bahagyang ikinangisi ni Paxton.
“Akala ko ba may tatawagan ka?”ngising pang-aasar ni Paxton kay Ruhk na hindi pinansin ang pang-aasar na ginawa niya.
Ngising naiiling na kinuha ni Paxton ang cellphone niya sa bulsa ng leather jacket niya bago niya inabot kay Ruhk na kunoot noong ikinabaling niya ng tingin dito.
“Lubusin mo na ang pag-iistorbo mo sa akin ngayong gabi, tawagan mo na ang tatawagan mo. Don’t free charge ang pag-gamit mo sa phone ko, pakibilisan lang dahil thirty minutes nalang aalis na ang flight ko pa pilipinas.”ani ni Paxton na ikinatitig ni Ruhk sa kaniya.
“Your flight is in Philippines?”ani na tanong ni Ruhk na ikinatango ni Paxton.
“Kakasabi ko lang diba?”sagot ni Paxton na ikinaseryoso ng tingin ni Ruhk dito bago ibinalik kay Paxton ang cellphone nito.
“Ang sabi mo lubusin ko na ang pang-iistorbo ko sa’yo ngayong gabi, then ‘yun ang gagawin ko. My flight is in the Philippines too, help me to escape on those dogs of my grandfather.”ani pahayag ni Ruhk kay Paxton na nakatitig sa kaniya bago nilingon ang mga nasa airport na maiging binabantayan ang entrance ng airport.
“Mukhang mahihirapan tayo, pero swerte mo at si Paxton Ignacio ang natagpuan mo.”ngising ani ni Paxton na kinuha ang cellphone niya at nang makita ang numero ng tatawagan niya ay tinawagan niya na agad ito.
“Hello? Oldman, may kaunt---“
(Anong oldman pinagsasabi ng bibig mo, Paxton? Kung ang nanay mo ang nakasagot ng tawag mo baka nasermunan ka na niya. Tapos ka na ba sa misyon mo diyan sa Britain)
“Kaya nga tinawagan kita daddy, may kaunting problema ako. Happy ka na dun?”pang-aasar ni Paxton sa kaniyang ama na ikinatawa niya lang ng murahin siya nito.
Nakatingin lang si Ruhk kay Paxton habang kausap nito ang ama nito na hindi niya alam kung paano makakatulong sa kaniya. Habang nakatingin siya kay Paxton ay masasabi niya na nalalapit sa awra ni Charles ang awra na nararamdaman niya kay Paxton, ang pinag-kaiba lang may panganib siyang nararamdaman sa presensya nito na natatago sa ugali nito na parang normal na binata.
“Yeah, may nakaharang sa dadaanan ko papasok sa airport, you need to do something on this. Ayokong maiwanan ng flight ko, may laban ako sa underground society bukas ng umaga.”ani Paxton na isang minuto pa ang lumipas sa usapan ng mag-ama ay pinatay na nito ang cellphone nito nang makita nilang kusa nang nag-alisan ang mga nagbabantay sa labas ng airport at kaniya-kaniyang sakay na ang ginawa paalis na parehas ikinakunot nina Ruhk.
“What happened? Kababa ko lang sa tawag ng tatay ko tapos umalis na agad sila?”nagtatakang ani ni Paxton na kahit si Ruhk ay nagtataka sa bilang pag-alis ng mga tauhan ng kaniyang lolo.
“Mukhang wala ka ng problema.”ani ni Paxton na hindi ikinaimik ni Ruhk nang lumabas na si Paxton sa kotse nito.
Lumabas na din si Ruhk na hindi na hinintay ni Paxton dahil nauna na itong naglakad papunta sa entrance ng airport na sandaling ikinalingon ni Ruhk sa paligid niya bago siya naglakad na din papunta sa entrance ng airport.
Nang makapasok na siya ay saktong pagtawag sa flight nila ni Paxton papuntang pilipinas na ikinalingon nito sa kaniya.
“Mukhang hanggang dito nalang ang pagiging good citizen ko, maybe we have the same flight pero hindi naman kailangan na pati sa biyahe ay magsasama pa tayo. We’re strangers to each other, but if our paths cross again maybe you can pay me for saving your ass, dude. Ciao.”ani ni Paxton bago nauna ng maglakad papasok sa departure area habang nakasunod ng tingin si Ruhk dito.
“Paxton Ignacio, I’ll pay your help on me if our paths cross again like what you said.”ani ni Ruhk bago nagsimula naring ikalakad niya papasok sa departure area.
Nang makarating si Ruhk sa loob ng eroplano ay dere-deretso na syang umupo sa uupuan niya, hindi na hinanap ng kaniyang mata kung saan maaaring nakaupo si Paxton dahil alam niyang wala din naman itong pakiealam kung saan siya uupo. Tahimik na umupo si Ruhk sa kaniyang upuan at akmang pipikit ang kaniyang mga mata nang marinig niya ang kaniyang pangalan na tinatawag ng isang flight attendant.
“Mr. Ruhk Verchez? Is Mr. Verchez here?”paghahanap ng flight attendant na babae sa kaniya na hindi alam ni Ruhk bakit bigla tinatawag niya gayong ibang pangalan ang gamit niya sa pag-alis niya.
Hindi malaman ni Ruhk kung magpapakita siya sa flight attendant nang magsalita ulit ito.
“Mr. Verchez, the Prime Minister is on the phone to have some talk with you.”ani pa nito na bahagyang ikinagulat ni Ruhk sa kinauupuan niya.
Sa sinabi ng attendant, nakakasiguro si Ruhk na alam ng kaniyang lolo na nakasakay na siya sa eroplano. Walang nagawa si Ruhk kung hindi ang tumayo sa kinauupuan niya na hindi lang ang flight attendant ang napalingon sa kaniya, kundi ang mga pasahero na ikinalapit ng flight attendant sa kaniya ng may ngiti sa labi nito.
“Are you Mr. Ruhk Verchez?”tanong nito na ikinatango ni Ruhk.
“Yeah.”
“This way sir.”magalang na ani ng attendant na ikinasunod ni Ruhk dito.
Iba ang nararamdamang kutob ni Ruhk sa pagtawag ng kaniyang lolo sa eroplanno na sinasakyan niya, alam nito na nakasakay na siya at hinayaan siya nito. Ibig sabihin, ang pag-alis ng mga tauhan ng kaniyang lolo na nagbabantay sa harapan ng airport ay dahil sa kaniyang lolo. Pagkarating nila sa may crew cabin ay ngiting tinuro ng attendant ang telepono ng eroplano na nilapitan na ni Ruhk at kinuha nito bago siya iwan ng attendant mag-isa.
(You’re already on the line, isn’t apo?)
“You knew my plan of leaving this country, aren’t you?”seryosong saad ni Ruhk sa kaniyang lolo.
(When it’s about you apo, I should know everything that you will do or where you would go. If you just told me that you want a vacation, I will let you.)
“Are you?”seryosong tanong ni Ruhk sa kaniyang lolo.
Hindi ganun kalapit si Ruhk sa kaniyang lolo, masyado abala at tutok bilang Prime Minister ng Great Britain. Walang matandaan si Ruhk kahit isang ala-ala na meron sila ng kaniyang lolo kaya malayo ang loob niya dito. Sa tagal ng panahon na hindi naman niya ito nakakausap at limitado lang ang mga araw na nakikita niya ito, hindi niya alam kung bakit bigla itong nanghimasok sa buhay niya na kahit ang ama niya ay walang nagawa dito.
(Do what you want, Ruhk, I will not stop you from where you want to go or what you want to do. You’re free to do whatever you want, enjoy your vacation Hijo, and don’t worry, no one in my men will foloow you to watch over you. Take care, apo.)
Agad na naputol ang tawag ng kaniyang lolo sa kaniya na labis na ikinagulo ng isipan ni Ruhk sa mga sinabi nito na pagpayag sa pag-alis niya. Hindi niyaalam kung anong iniisip ng kaniyang lolo, pero hindi niya mapigilang mainis dahil nagpakahirap pa siya sa pagtatago sa mga tauhan nito at pagpalit nito ng pekeng pangalan pero alam naman pala ng kaniyang lolo ang plano niya na hindi niya alam ang rason nito bakit siya nito hinayaan.
Ayaw ni Ruhk na pagka-isipin ang kung anong iniisip ng kaniyang lolo kaya umalis na siya sa cabin crew at naglakad pabalik sa kaniyang upuan, hindi niya pinansin ang tingin na binibigay ng mga pasahero sa kaniya. Buntong hininga siyang sumandal sa upuan niya ng makabalik na siya at ipinikit niya ang kaniyang mga mata, na miya-miya ay iminulat na din niya at ikinalingon niya sa may bintana kung saan nag-uumpisa ng lumipad ang eroplano na sinasakyan niya.
“What will I do in the Philippines when I arrive in that country? How long will I fvcking stay there?”sambit na mga tanong ni Ruhk sa kaniyang sarili hanggang sa nasa himpapawid na ang eroplanong sinasakyan niya papunta sa Pilipinas.
TITIG NA TITIG lang si Liana sa bintana ng kwarto niya habang nakatingala siya sa kalangitan kung saan nakikita niya ang isang eroplano sa himpapawid na ikinatitig niya dito. Kakaalis lang ng kaniyang mga magulang para sa overseas work ng mga ito at siya nalang muli ang naiwan mag-isa sa malaki at napakalawak na mansion nila na tanging mga tauhan nila ang kasama niya. Simula ng bata pa si Liana ay sa pag-aalaga ng kaniyang yaya Meldy siya lumaki dahil ang kaniyang mga magulaang ay tutok sa kanilang mga business na kahit isang segundo ay hindi siya mabigyan ng panahon ng kaniyang mga magulang. Dumating man sa mansion nila ang isa sa kaniyang mga magulang ay parang nag-iisa parin siya dahil ayaw ng kahit isa sa mga ito ng istorbo.
Si Liana ay nag-iisang anak ng kaniyang mga magulang, wala siyang kapatid at masasabi niyang kahit binibigay ng kaniyang mga magulang ang gusto niya ay hindi niya magawang maging masaya. Hinayaan siya ng kaniyang ama na magtayo ng isang fashion boutique kung saan isa siya sa nagdedesign ng mga magagandang dresses at gown. Masaya si Liana sa kaniyang ginagawa dahil sa tuwing nasa trabaho siya ay pansamantala siyang nagiging masaya dahil alam niyang sa pag-uwi niya ay mababalutan na naman siya ng kalungkutan sa pagiging mag-isa niya na simula pagkabata niya ay nararanasan na nya.
Masasabi ni Liana na lahat ng bagay ay meron siya, pero para sa kaniya walang halaga ang mga bagay na meron siya kung hindi naman niya maramdaman ang pagmamahal at pag-aalaga ng kaniyang mga magulang.
Maganda si Liana, mabait at minsan kung kinakailangan niyang maging matapang para hindi siya malitin ng mga kalaban niya sa industriya na pinili niyang tahakin. Maraming inggit sa kaniya lalo na ang pinsan niya na alam niyang kinukumpetensya siya sa lahat ng bagay, na hindi nito alam na may inggit siya dito dahil kasama nito ang mga magulang nito. Marami ding mga kalalakihan ang nagkakagusto sa kaniya at humihingi ng permiso na makapangligaw sa kaniya pero ayaw niyang mag-entertain ng kahit na sino, ayaw niya munang pumasok sa ganoong relasyon sa isang lalaki na hindi niya sigurado kung aalagaan siya nito o hindi.
Ayaw niyang magaya sa kaniyang ina na pinakasalan ang ama niya pero may kaniya-kaniyang piinagkaka-abalahan ang mga ito na hindi man lang nakit ni Liana kahit isang beses na naglambingan ito, madalas pa niyang marinig na magtalo ang mga ito kahit sa maliit na bagay at ang kaniyang ama ay hindi kayang unahin ang kaniyang asawa at pamilya dahil sa trabaho nito. Ayaw ni Liana na makaranas ng ganun kaya hindi siya sigurado sa mga lalaking nagbibigay ng motibo sa kaniya.
Naputol lang ang pagtingin ni Liana sa kalangitan ng marinig niya ang pagkatok sa kaniyang pintuan na ikinalingon niya doon.
“Liana, nakahanda na ang tanghalian mo”
Nagsimula ng maglakad si Liana papunta sa pintuan niya at nang makarating siya doon ay agad niyang pinagbuksan ng pintuan ang kaniyang yaya Meldy na itinuturing niyang parang totoong ina kaysa sa kaniyang biological mother. Sa lahat ng tauhan sa mansion nila, sa kaniyang yaya Meldy lang siya may tiwala.
“Nakahanda na ang tanghalian mo, hija, halika na at kumain kana.”ngiting ani ng yaya Meldy niya sa kaniya na ngiting ikinatango niya bago niya sinara ang pintuan at ikinasabay niya na sa paglakad sa kaniyang yaya Meldy sa pasilyo.
“Bakit hindi ka pumasok sa trabaho mo?”usisang tanong ng yaya Meldy niya habang naglalakad sila.
“Biglang sumama kasi ang pakiramdam ko, yaya meldy, tinawagan ko na naman po si Scarlet na bukas na po ako papasok.”
“Sumama ba ang pakiramdam mo dahil sa pag-alis muli ng ‘yong mga magulang na hindi man lang sumabay sa pagkain sa’yo?”sambit na tanong ng kaniyang yaya Meldy na masasabi niyang kilalang-kilala siya ng mga ito kaysa sa kaniyang mga magulang.
“Nasanay na naman po ako yaya Meldy, alam ko po na umuwi lang sila dito sa mansion to get some of their stuff, mom has a work in Thailand while dad is working in France. They can’t even bother to ask me if I’m good in my business as if that they don’t have a kid that’s left here.”pahayag ni Liana na nakikita ng kaniyang yaya Meldy sa kaniya ang lungkot sa mga mata niya na ikinahawak nito sa kaliwang braso niya.
“Abala man ang iyong mga magulang sa kani-kanilang trabaho, naniniwala akong hindi ka nila nakakalimutan.”
“I’m fine yaya Meldy, hindi niyo na po kailangang pagaanin ang loob ko. Kasama ko naman po kayo bilang kinikilala kong ina ko dahil simula pag-kabata ko kayo na po ang kinalakihan ko.”ngiting pahayag ni Liana na ikinangiti ng kaniyang Yaya Meldy sa kaniya hanggang sa pababa na sila ng hagdanan.
“Oo nga pala Liana, bago umalis ang iyong ama ay pinagbilin niya sa akin na kumuha ako ng baodyguard na magbabantay sa ‘yo. Hindi niya daw kasi maasikaso ang paghahanap sa pwedeng maging body---“
“Bodyguard? Pero yaya Meldy hindi ko naman po kailangan ng bodyguard.”ani ni Liana nang makababa na sila sa may sala at harapin niya ang kaniyang Yaya Meldy.
“Pero kabilin-bilinan ‘yun ng iyong ama, kailangan mo daw ng magbabantay sayo at sa tingin ko ay tama naman ang iyong ama. Sa panahon ngayon delikado na kung aalis kang mag-isa at maraming pwedeng krim---“
“Hindi ko po kayang ipaggkatiwala ang sarili ko sa isang bodyguard, yaya Meldy, hindi rin naman po tayo makakasiguro sa makukuha natin. “putol na ani ni Liana sa kaniyang yaya na hinawakan ang kaniyang kanang kamay.
“Hindi masamang magtiwala anak, para din sa kaligtasan mo ang pagkakaroon ng bodyguard. Hindi kita mamadaliin, pag-isipan mo.”ngiting pahayag nito sa kaniya na ikinahila na nito sa kaniya papunta sa dining area kung saan kakain na naman siyang mag-isa.
Hindi nagugustuhan ni Liana ang pagkuha niya sa isang bodyguard para bantayan siya, ayaw niya ng may susunod sa kaniya o magbabantay sa kaniya dahila alam niya sa sarili niya na kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya. Naka kotse naman siya pag-punta sa kaniyang opisina at sa pag-uwi sa kanilang mansion, at laging may pepper spray sa loob ng bag niya sakaling may gagawa ng hindi maganda sa kaniya.
“Wala akong mapagkakatiwalaan sa kahit sinong bodyguard na gusto ni daddy, yaya Meldy.”ani ni Liana nang makaupo na siya sa upuan sa hapagkainan at ngiting salinan siya ng pagkain sa kaniyang plato ng kaniyang Yaya Meldy.
“Malay mo naman anak, may makilala at mahanap kang isang tao na mapagkakatiwalaan mong maging bodyguard mo. Bakit hindi natin umpisahan bukas, tatawagan ko ang agency na binanggit sa akin ng ‘yung ama sa pagkuha ng bodyguard para sayo. Subukan mulang hija, hindi ba at expertise mong mangilatis ng isnag tao kung mapagkakatiwalaan ba ‘to o hindi?”pahayag ng kaniyang yaya Meldy na hindi na nakuhang ikatanggi ni Liana.