Chapter 05

2944 Words
BUNTONG HININGANG isinandal ni Liana ang kaniyang likuran sa kaniyang upuan matapos niyang mapirmahan ang kalahati sa mga documents na kailangan nila para sa fashion runaway nila na inihahanda nila three weeks from now. Marami pa siyang babasahin na documents at iapproved na mga ideas na magdidilim na ay hindi parin niya natatapos, bahagyang hinaplos ni Liana ang kaniyang leeg na nakaramdam na ng pangangawit na muli niyang ikinabuntong hininga. “Ang dami ko pang dapat ayusin para sa event namin, wala pa akong naa-approved na stage design, hindi ko pa nare-ready ang designs ko for the bidding. I’m exhausted for this whole day, but I don’t want to go home yet.”pahayag na sambit ni Liana ng mapalingon siya sa pintuan ng opisina niya ng magbukas iyon at sumilip si Kyla na nakangiting tuluyan ng pumasok sa loob ng opisina niya hanggang makarating ito sa harapan ng mesa niya. “Pauwi na ang lahat ng employee mo, don’t tell me magpapa-iwan ka pa mag-isa dito sa opisina mo?”tanong ni Kyla na bahagyang ikinangiti ni Liana dito. “Madami pa akong tatapusin na kailangan kong pirmahan, pipili pa akong ng mga designs, kaya mago-overtime ako ng ilang oras pa.” “Magpapa-abot ka na naman ng gabi dito sa opisina mo, boss? Ikaw lang mag-isa ang maiiwan dito, Liana.”ani ni Kyla na ikinatayo ni Liana at inunat ang mga brasong humarap sa transparent window niya kung saan natatanaw niya ang mga buildings na kasing taas ng sa kanila. “I’m used being alone, Kyla, besides lagi naman talaga akong umuuwi ng late sa bah---“ “Ayaw mo pang umuwi sa bahay mo dahil ikaw lang mag-isa sa malaki mong mansion na ilang katulong lang ang kasama mo na hindi naman pwedeng makipag-usap sayo maliban sa Yaya Meldy mo, tama?”putol na pahayag ni Kyla na hindi nagawang ika-imik ni Liana. Alam ni Kyla ang sitwasyon ni Liana sa mansion nito dahil minsan na itong nakapunta sa mansion niya at nalaman nito na hindi niya kasama ang magulang niya sa malaking mansion nila nang dalhin nito ang ilan sa dapat na pipirmahan. Isa ‘yun sa dahilan kung bakit bahagya siyang napalapit dito, ayaw din ni Liana na malaman ng iba niyang employee na may mga magulang nga siya pero hindi naman niya kasama dahil mas mahalaga ang mga business trip ng mga ito kaysa sa nag-iisa nilang anak. “I told you, Kyla, okay lang ako. Sanay na akong mag-isa.”sagot na ani ni Liana na hindi magawang lingunin si Kyla. “Sanay ka nga na lagi kang mag-isa, pero gusto mo ba na lagi kang mag-isa? Hindi masaya ang laging mag-isa, Liana, sasabay---“ “I can handle myself alone, Kyla, please, don’t mind me. Hindi mo kailangan na samahan ako at ayokong may kasama ak—“ hindi natuloy ni Liana ang sasabihin niya ng marealize niyang hindi magandang pakinggan ang mga sinasabi niya na ikinalingon niya kay Kyla na kita niyang kalalabas lang ng opisina niya. Alam ni Liana na naapketuhan si Kyla sa mga sinabi niya, mula pagkabata sanay na si Liana na siya lang mag-isa at si Yaya Meldy niya lang ang nakakasama niya. Hindi niya kayang makihalubilo sa iba kaya noong elementary, high school at mag college niya ay kahit isang kaibigan ay wala siya. Maituturing siyang introvert noong nag-aaral siya dahil gusto niya lang ay mag-isa siya, bahay at school lang siya noon dahil ‘yun din ang bilin ng kaniyang ama. Kahit manliligaw hindi pinayagan ng kaniyang mga magulang, na ayaw din naman niya. Masaya siyang overprotective ang kaniyang mga magulang pagdating sa kaniya pero hindi niya madalas makasama ang kaniyang mga maggulang. “Alam ko naman na malungkot ang mag-isa, pero nasanay akong ako lang. I can communicate with other, but I can’t be friends with them dahil hindi ko alam paano maging isang kaibigan.”pahayag ni Liana sa kaniyang sarili na ikinabalik niya sa kaniyang mesa at nagsimula na muli siyang mag-trabaho at para hindi masyadong tahimik ay binuksan niya ang maliit niyang flat screen tv at nanuod siya ng balita tungkol sa mga entertainment news na ginagawa niya pag mag-isa nalang siya sa opisina niya. Isang babae ang natagpuan sa isang eskinita malapit sa Amorsolo St. Makati city na wala ng buhay…. Natigil si Liana sa kaniyang ginagawa at napadako ang kaniyang tingin sa screen ng at sa news caster na nagbabalita. Kinilalang si Sheila Ortega ang biktima na isang modelo sa isang pasikat na modeling agency, ayon sa mga pulis ginahasa muna ang dalaga bago pinatay. Pinag-iingat ang mga kababaihan na maging mapag matiyag sa kanilang paligid, hindi pa natutukoy kung sino ang mga criminal na malaya parin na gumagala, kaya ibayong pag-iingat ang ating gawin hanggang sa mahuli ang mga halang ang kaluluwang mga taong ito. Ito po si Bonnie Xiao Salvador mula sa ICBC News nag-uulat. Bahagyang napatigil si Liana sa kaniyang kinauupuan matapos niyang mapanuod ang balita tungkol sa babaeng hinalay at pinatay dahil malapit lang ang lugar kung saan natagpuan ang bangkay ng babae sa kaniyang kumpanya. Inaamin ni Liana na bahagya siyang kinabahan sa balita, hindi niya akalain na may mga taong kayang gumawa ng mga masasamang gawain sa kapwa tao nila na parang walang mga kunsensya. Pinatay nalang ni Liana ang tv at huminga ng malalim bago muling sinimulan ang ginagawa niya at inaalis sa isipan ang napanuod niya sa balita. “I can protect myself, as long that I have my pepper spray and stun gun, no one can harm me.”ani na pagpapalakas ng loob ni Liana sa kaniyang sarili bago niya pinagpatuloy ang kaniyang ginagawa. Tuluyan ng kumalat ang dilim sa kalangitan nang iunant ni Liana ang kaniyang mga braso matapos niyang magawa lahat ang mga dapat niyang tapusin na ngiting ikinasandal niya sa kaniyang kinauupuan. “Atlast I’m all done.”satisfied na ani ni Liana na ikinalingon niya sa wall clock sa pader niya sa taas ng pintuan nang makita niya kung anong oras na. “8 pm na pala, hindi ko napansin ang oras. Kailangan ko ng umuwi para makipag pahinga, I think my shoulder will hurt again for almost an hour of working.”pahayag ni Liana na ngiting ikinatayo niya sa kinauupuan niya at sinimulan na niyang ayusin ang kaniyang mesa. Nang maligpit na niya lahat ng mga documents sa mesa niya ay inayos na rin niya ang kaniyang sarili, kinuha na niya ang slin bag niya at ang susi ng kotse niya bago siya nag-umpisang maglakad palabas ng kaniyang opisina. Pinatay na ni Liana ang ilaw sa opisina niya bago siya nagsimula ng maglakad kung saan dadaanan niya ang madilim na pwesto ng mga team leaders at employee niya na sobrang tahimik at madilim na din. Dere-derettso lang ang paglalakad ni Liana hanggang sa makasakay na siya ng elevator kung saan tumunog ang cellphone niya na agad niyang kinuha sa loob ng sling bag niya at sinagot ang tawag niya. “Hello po Yaya Meldy.” (Liana, pauwi ka na ba? Napanuod ko sa balita ang tungkol sa babaeng natagpuang patay malapit sa kumapanya.) “Don’t worry Yaya Meldy, pauwi na po ako. Madami lang po akong tinapos kaya gabi na po ako makakauwi, huwag po kayong mag-alala sa akin.”ani ni Liana nang magbukas ang elevator na sinasakyan kung saan nasa groundfloor na siya (Mag-iingat ka sa pag-uwi mo Liana, hindi na ligtas ang paligid natin ngayon kaya sa tingin ko hija dapat kailangan mo talaga ng body guard. Bukas ay darating na ang mga pagpipilian mong magiging body guar---) “Palabas na po ako ng company, Yaya Meldy, mag-iingat po ako.”putol na ani ni Liana na ikinapatay niya na sa tawag ng kaniyang yaya na agad ikinawalan ng ngiti sa labi niya. “Hindi ko kailangan ng magbabantay sa akin, kaya kong mag-isa.”sambit ni Liana sa kaniyang sarili bago siya dere-deretso nang naglakad palabas ng exit ng kumpanya niya kung saan binata pa siya ng guard na tinanguan lang niya. Naglakad na si Liana papunta sa parking lot di kalayuan sa company niya, malapit na siya sa kotse niya ng matigilan siya sa kalagitnaan ng paglalakad niya dahil pakiramdam niya may nakatingin sa kaniya. Hindi napigilan ni Liana ang mapalingon sa madilim-dilim na parking lot kung saan mga poste lang ng ilaw ang nagbibigay ng liwanag sa parking lot. Iginala ni Liana ang kaniyang mga mata pero wala naman siyang makita na tao sa parking maliban na bahagyang ikinasalubong ng kaniyang kilay. “Pakiramdam ko lang ba ‘yun?”tanong ni Liana sa kaniyang sarili na muli niyang ikinalakad palapit sa kaniyang kotse. Nang makalapit na siya sa kaniyang kotse ay akmang bubuksan na niya ang pintuan nito nang gulat na matigilan siya ng may brasong pumigil sa pagbubukas niya sa pintuan ng kotse niya na ikinasimulang ikakabog ng dibdib niya. “Oy Ms. Beautiful, hindi magandang tingnan sa magandang babae na gaya mo ang nag-iisa lang. Mukhang wala ka pang driver, gusto mo bang ihatid kita sa uuwian mo?”rinig ni Liana na pahayag ng lalaking nasa likuran niya na dama niya ang lapit nito sa kaniya ng kilabutan siya ng maramdaman niya ang paglapit ng katawan ng lalaking nasa likuran niya sa kaniya na patulak niyang ikinalayo dito. “Eh? Nagulat ba kita?”ngising ani nito sa kaniya na mas ikinakaba ni Liana nang makita niya ang kalahati ng mukha nito na may sunog. “Si-sino ka?” “Ah? Mukhang wala ka pang alam sa mga balit---“ Hindi na natatapos ng lalaki ang sasabihin nito ng may takot na mabilis na tumakbo si Liana palayo sa parking lot dahil sa tingin niya ang lalaking may sunog ang mukha ang pumatay sa babaeng nasa balita. Hindi niya gusto ang presensya nito at ramdam niya ang panganib sa katauhan nito. Mabilis ang pagtakbo na ginagawa ni Liana nang lumiko siya sa isang kalsada na may kadiliman at napasandal sa may pader dahil hindi sanay ni Liana sa mahabang takbuhan. Abot-abot ang kaba ang nararamdaman ni Liana sa mga oras na ‘yun, hindi niya inakala na siya ang isusunod ng taong pumatay sa babae sa balitang napanuod niya kanina. Nagsisimula ng manginig ang mga kamay niya na agad niyang ikinahalungkat sa sling bag niya at agad kinuha ang pepper spray nang makarinig siya ng yabag na agad niyang ikinalingon ng manlaki ang mga mata niya ng makita niya ang lalaking may sunog na nakahabol sa kaniya. “Do I look scary enough for you to run away? Huwag mo naman akong takbuhan, masama bang ihatid kita pauwi sa inyo ng ligtas?”ngiting ani nito na mas ikinakilabot ni Liana sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. “A-anong k-kailangan mo sa akin?”natatakot na tanong ni Liana na ikinahakbang niya paatras nang matigilan siya ng makita niya ang pag-iling ng lalaki di kalayuan sa kaniya. “Huwag mo nalang subukann na tumakbo, dahil mapapagod ka lang. Isa pa, hindi mo na ako pinahirapan na dalhin ka sa ganitong lugar.”pahayag nito na agad na ikinataas ni Liana sa hawak niyang pepper spray. “H-huwag kang lalapit sa akin, diyan ka lang sa kinatatayuan mo!”pahayag ni Liana na tinapangan ang sarili na rinig niya lang na ikinatawa nito kaya muli siyang tumakbo palayo dito. “Hindi ka makakalayo sa akin kahit tumakbo ka ng tumakbo, makikipaglaro ako sayo ng habulan kung ‘yan ang gusto mo!”rinig ni Liana na sigaw ng lalaki na pinigilan niya ang kaniyang sarili na mapaluha sa takot. Gusto niyang sumigaw upang humingi ng tulong pero alam niyang walang makakarinig sa kaniya sa lugar na napuntahan niya makalayo lang sa lalaking may sunog ang mukha. “Someone help me please?!”hiyaw ni Liana na dumagundong sa kabuuan ng kalsadang tinatahak niya. NAKAPAMULSA naman si Ruhk na naglalakad sa may tabi ng kalsada dahil naisipan niyang libutin ang lugar na malapit sa mansion na tinutuluyan niya. Hindi niya magawang makatulog agad kaya nagpasya siyang mamasyal upang maging pamilyar siya sa bansang pansamantala niyang titirahan. Maraming tao ang nakakakasalubong ni Ruhk na kita niyang nag-eenjoy sa paglalakad ng may mga kasama, para kay Ruhk ibang-iba ang pakiramdam niya hindi katulad noong nasa Britain siya na kahit malaya siyang naglalakad ay nakakulong parin siya. Tuloy-tuloy lang si Ruhk sa kaniyang paglalakad ng tumunog ang cellphone na kabibili niya lang dahil ayaw niyang gamitin ang cellphone na inihanda ng kaniyang lolo. Nang makita niyang si Vincenzo ang tumatawag ay sinagot na niya ang tawag nito. “Why did you call Bianco?” (How’s your first day on the Philippines?) “Not bad, I feel more freedom here than Britain. How’s my company? Did that old man do something?”seryosong tanong ni Ruhk habang hindi niya pinapansin ang mga tumitingin sa kaniyang mga babae. (The Prime Minister didn’t do anything against the Zamora Real Estate, sa tingin ko ay alam niya ang pag-alis mo pero parang wala lang ‘yun sa kaniya.) “He knew that I’m here in the Philippines, hindi ko alam kung bakit hinayaan niya akong manatili sa bansa na ‘to. I don’t trust whatever he was plotting, I know he was planning something that includes me.” (Kung ganun, mukhang matatagalan ka diyan sa pilipinas. Enjoy your vacation, young master.) “Yeah.” (Just call us kung kailangan mo kami, you know that we are one call awa---) “Walang tutungtong dito sa pilipinas hanggat wala akong sinasabi, Bianco, stay there in Britain and watch my companies.”putol na bilin ni Ruhk na bahagyang ikinatawa ni Vincenzo sa kabilang linya. (Copy that, ipapaalala ko ‘yan kina Ishikawa. Anyway, mukhang pababayaan ka nga ng Prime Minister ngayon sa gusto mong gawin, but what will you do now that he freeze all your bank accounts, na kahit pagpapadala namin ng mga card mo hinaharang niya, what will you use while you are in there?) “So he freeze all my fvcking money so that I will have no choice but to use his money, he thinks I will use his money?”ani ni Ruhk na masasabi niyang iba ang mag-isip ang kaniyang lolo dahil kahit hinayaan siya nito, alam niyang may gagawin ito upang bumalik na siya agad sa Brazil. (What will you do?) “I still have money, I’ll find a job that will pay me, hindi ko gagamitin ang pera niya. You take care of the company, and don’t let that old man intimidate all of you, understand?”bilin na pahayag ni Ruhk kay Vincenzo. (Yes, young master.) Ibinaba na ni Ruhk ang cellphone niya at tinago na sa bulsa niya, nang makita niyang may lilikuang kalsada mula sa kanan niya ay akmang dadaan siya doon ng may biglang bumangga sa kaniya, dahilan upang paupo siyang mapasalampak sa kalsada na ikinalingon ng mga nakakakita sa kaniya na mahinang ikinamura ni Ruhk ng matigilan siya at ibaba niya ang kaniyang tingin sa isang babaeng nakasubsob sa dibdib niya na ramdam niya ang pangi-nginig ng buong katawan nito. “He—“ Hindi natuloy ni Ruhk ang sasabihin niya ng biglang tumunghay ang babaeng bumunggo sa kaniya na kita niyang umiiyak at puno ng takot ang mga mata nitong tumingin sa kaniya, na hindi napigilan ni Ruhk na matitigan ang babae dahil sa pagkakatanda niya, ito ang magandang babaeng nakita niya sa Manila bay na hindi mawala sa isipan niya. “H-he-help me, s-someone i-is ch-chasing me…”nanginginig na iyak na sambit nito na may takot sa boses nito nang mapalingon si Ruhk sa may kalsada na pinanggalingan ng dalaga kung saan naaninag niya sa may madilim na part ang isang bulto ng tao na nakatayo doon at nagsimula ng maglakad palayo. Inihiwalay ni Ruhk ang dalaga sa kaniya at akmang hahabulin niya ang lalaking sinasabi ng dalaga na humahabol sa kaniya, ay hindi naman niya nagawa ng hawakan siya nito sa braso niya na ikinabalik niya ng tingin dito. “H-huwag k-kang umalis, b-baka balikan niya ako…please, stay…”iyak na ani nito na ikinatitig ni Ruhk dito na ikinabalik ng upo ni Ruhk sa kalsada upang samahan ang babaeng hindi tumitigil sa pag-iyak dahil sa takot habang pinagtitinginan sila ng mga dumadaan na mga tao. “He already run away, miss.”sambit na pagbibigay alam ni Ruhk dito na dahan-dahang ikinalingon ng dalaga sa bandang likuran nito kung saan nakita niyang huminga ito ng maluwag na napayuko at napatukod ang dalawang kamay sa kalsada. “I’m s-safe…” “Are you okay?”tanong ni Ruhk dito na ikinabalik ng tingin nito sa kaniya dahilan upang magtagpo ang kanilang mga mata na hindi maiwasan ni Ruhk na hindi maialis ang pagkakatitig nito sa dalaga. Ganito din ang nangyari kay Ruhk ng makita niya ito sa manila bay na hindi niya magawang i-divert sa iba ang kaniyang tingin kundi sa magandang mukha ng babaeng nasa isipan lang ni Ruhk kanina na nasa harapan niya na ngayon, na biglang umisod palayo sa kaniya nang sa tingin niya ay narealize nito ang pagkakalapit nilang dalawa. “You want me to take you in the police station to report the one who’s chasing after you?”tanong ni Ruhk dito na kita niyang ikinapag-alinlangan ng mga mata nito. “Hindi kita sasaktan kung ‘yun ang inaalala mo.”ani ni Ruhk na ikinatayo niya sa pagkakasalampak niya sa semento at inalok ang kanang kamay niya sa magandang babaeng nakatitig sa kamay niya na dahan-dahang ikinalingon nito sa kaniya. “Tara na.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD