Chapter 19 Lies Hidden from a Handsome Beggar. KINAUMAGAHAN ay dahan-dahang iminulat ni Liana ang kaniyang mga mata ng tumama na ang solay ng araw sa kaniyang mukha. Agad niyang nakita si Yaya Meldy na itinataas ang kurtina ng kaniyang kwarto na dahan-dahan na din niyang ikinatayo sa kanyang kama. “Goodmorning po, Yaya Meldy.”bati ni Liana na ikinalingon sa kaniya ng kaniyang Yaya Meldy at ngiting lumapit sa kaniya. “Magandang umaga din, hija. Mukhang napasarap ang tulog mo kaya late ka ng nagising, nabanggit sa akin ni Ben na wala kang pasok ngayon kaya hindi na kita inistorbo.” saad nito na ikinalingon ni Liana sa side table niya kung nasaan ang alarm clock niya. “Alas-dies na po pala, umalis na po ba si Ben, Yaya Meldy?”tanong ni Liana na umalis na sa kaniyang kama na siyang ikina