SUMAPIT na ang dilim sa kalangitan ay hindi na naiwasan ni Liana na mag-alala dahil simula ng umalis si Ruhk sa kaniyang kumpanya ay hindi pa ito nakakabalik. Nagpaalam na ang kaniyang mga employees na hindi na muna niya pinapapasok bukas dahil sa nangyari kanina sa kaniyang opisina. Nakaupo lang si Liana sa kaniyang office chair habang nakaupo sa harapan niya si Kyla na hindi umaalis sa tabi ni Liana tulad ng bilin ni Ruhk sa kaniya. Nakatayo naman si Rico sa may pintuan ng opisina ni Liana habang pinapanuod ang tinawag nilang magkukumpuni ng pintuang sinira ni Ruhk dahil sa malakas na pagsipa nito. “Hindi ko na siya makontak.”saad ni Liana na kababa lang ng kaniyang cellphone dahil kanina pa niya sinusubukang tawagan si Ruhk sa number ni Kyla. “Baka na traffic lang ang bodyguard mo, b