KINAGABIHAN ay kadarating lang ni Ruhk sa mansion nina Liana, agad niyang ipinarada ang motorbike na ipinahiram ni Paxton sa kaniya na gamit niya sa kaniyang pag-uwi. Mag-aalas nuebe na ng gabi ng makauwi si Ruhk mula sa bahay ni Paxton. Hindi natuloy ang ikalawang shipmet nina Paxton sa North Harbor Pier dahil sa nangyaring aberya sa pagitan ni Paxton at sa weird na lalaking naghamon ng suntukan dito, at matapos mapabagsak ni Paxton ang weird na naghamon sa kaniya ay wala silang choice kundi isama ito pauwi sa bahay ni Paxton. At sa pag-gising nito ay parehas nagugulahan sina Ruhk at Paxton dahil parang nag-iba ang awra at ugali ng lalaking naghamon ng suntukan kay Paxton. *FLASHBACK* “Si-sino kayo?” Parehas na nagkatinginan sina Ruhk at Paxton sa tanong ng lalaki na naghamon ng suntu