Chapter 21 Lies Hidden from a Handsome Beggar PAREHAS na nakatutok ang tingin ni Paxton at Maki kay Ruhk na dumating na nakasimangot ang mukha at ramdam nilang wala ito sa mood. Pabagsak na umupo si Ruhk sa pang-isahang sofa at malalim na napabuntong hininga na ikinalakad ni Paxton palapit sa kaniya at ikinatayo nito sa harapan ng kinauupuan ni Ruhk. “Anong mukha ‘yang ipinapakita mo sa akin, Verchez ng ganito kaaga? Ano hindi ba maganda ang tulog mo?”punang tanong ni Paxton kay Ruhk habang si Maki ay nakatayo lang di kalayuan sa dalawa dahil hindi pa siya sanay presensya ng dalawa lalo na kay Ruhk. “This is fvcking nothing.”seryoso pero ramdam ni Paxton ang pagka-inis sa boses nito na ngising ikinapamewang niya sa harapan nito. “Talaga ba? Kaya lang hindi ‘yun ang nakikita ko sa hila