“Eh?! Shinken ni? Naze kare wa kon'ya Firipin ni iku nodesu ka? (Seriously? Why is he going to the Philippines tonight?)”
Hindi makapaniwala ang apat na butler ni Ruhk na itinalaga ng ama nito bilang katulong nito hindi lang sa negosyo, kundi sa mga bagay na hindi kaya ni Ruhk ng solo. Limang butler ang meron si Ruhk at ang limang ito ay loyal sa kaniya simula ng magsimula ang mga ito na magtrabaho sa kaniya, kahit na anak ng mayayaman at kilalang tao ang lima niyang butler.
Nasa malaking bahay sila ni Ruhk na binili nito upang paglipasan ng oras at araw sa tuwing umuuwi ang lolo nito sa bahay nila. Dahil hindi siya malapit dito at hindi niya gusto ang presensya nito ay hindi siya nagpapakita sa kaniyang lolo, at sa binili niyang malaking bahay siya umuuwi kung saan dito narin natuloy ng magkakasama ang lima niyang butler.
“Kung gusto mong sagutin ‘yang tanong mo hilaw na hapon, tanungin mo si Bianco ng tagalog, hindi ba at sinabi na sa’yo ni master Ruhk na bilisan mong matuto ng tagalog words?”sitang saad ni Charles Vidalgo kay Itsuki Ishikawa na napasimangot sa panenermon nito.
“I’m trying here, Vidalgo, sono gengo o manabu no wa kantande wa arimasen'node, watashi ni awarende kudasai. (Learning that language is not easy, so please be merciful to me.)” angal na reklamo ni Itsuki na bahagyang ikinatawa ni Samuel Miranda, ang purong pinoy sa kanilang lima.
“Huwag kang mag-alala, Vidalgo, matututo din si Ishi ng salitang tagalog. Kaunting pasenya pa, and try Ishi, try to speak more in English.”saad ni Samuel na ikinasandal ni Itsuki sa kinauupuan niya.
“Wakatta! (Okay!)”sagot nalang ni Itsuki na ngiting ikinabaling ng tingin ni Vincenzo Bianco sa kasama pa nilang si Damian Martinez, ang tahimik at seryoso nilang kasama sa malaking bahay.
“Have you fixed our boss's ticket and passport?”ngiting tanong ni Vincenzo kay Damian na seryosong lumingon sa kaniya habang prente itong nakaupo sa upuan nito.
“Ya hecho. (Already done.)” maiksing sagot ni Damian sa kaniya na mabilis na ikinaturo ni Itsuki dito na agad ikinababa ni Charles sa nakataas na braso nito, na ikinalingon nito sa kaniya.
“Huwag ka ng umimik, marunong magtagalog si Martinez, tamad lang minsan. Samantalang ikaw, wala talagang alam kaya manahimik ka na lang at mag-aral ng tagalog. Pasalamat ka nga hindi pa sumasakit ang ulo ni Miranda sayo.”saad na pahayag ni Charles na bahagyang ikinasimangot at ikinahalukipkip nito sa kinauupuan nito.
“Ijime-kko. (Bully.)”mahinang ani ni Itsuki nang lahat sila ay mapalingon sa bagong dating na si Ruhk na kakagaling lang ng University nito at dumaretso sa malaking bahay.
Seryoso lang ang mukha nitong dumaretso ng lakad hanggang sa makalapit na ito sa pang-isahang sofa at pabagsak na umupo doon, habang nakatingin sa kaniya ang kaniyang limang butler.
“You looked tired, young master, did something happened in your University?’kalmadong tanong ni Vincenzo dito na ikinasandal nito sa kinauupuan nito.
“Nothing, I just escaped to the guards that the old man sent to watch my every fvcking single move. I'm starting to get annoyed by them, damn it!”angal na reklamo ni Ruhk sa kaniyang limang butler.
“Guards? Wakai masutā, anata ni totte no watashitachi no yakuwari wa nandesuka? (Young Master, what is our role for you?)” saad ni Itsuki na si Charles ang sumagot sa kaniya.
“Oy hapon, don’t you heard what young master said? May guards na ibinigay ang Prime minister to watch him, but we chose solely by young master, sa tingin mo ano tayo sa kaniya?”saad ni Charles na bahagyang ikinanguso lang ni Itsuki sa kaniya.
“If you are kept under guard by the Prime Minister's guards, how will you leave for the Philippines later?”tanong ni Vincenzo kay Ruhk na ikinaayos ng pagkaka-upo nito bago nilingon si Damian.
“Is everything I need to go in the Philippines are ready?”seryosong tanong nito, na ikinatayo ni Damian sa pagkaka-upo nito at kinuha an gang isang brown envelop sa may likuran ng mga malaking art frame sa dingding bago lumapit kay Ruhk at ibinigay iyon kay Ruhk.
“Everything is settled, I already booked you an economy flight to mix in to all passengers this night.”seryosong sagot ni Damian na ikinabuntong hininga ni Ruhk sa kinauupuan niya.
“All I had to prepare for was to leave without being stopped by that old man, damn! Why is he interfering now in my fvcking life?”ani na reklamo ni Ruhk sa ginawang paghihigpit ng lolo niyang Prime Minister.
Napagdesisyunan ni Ruhk na umalis sa bansa nila upang takasan ang biglaang pangingielam at paghihigpit sa kaniya ng kaniyang lolo. Walang alam ang kaniyang mga magulang sa gagawin niyang pag-alis pero alam niyang mauunawaan siya ng mga ito, alam din niya na sa pag-alis niya at sa oras na malaman iyon ng lolo niya, alam niyang may gagawin ito at ‘yun ang paghahandaan niya. May hint si Ruhk na pwedeng ipa-freeze ng kaniyang lolo sa kaniyang ama ang mga credit card at ATM cards na meron siya na bigay ng mga ito, walang kaso ‘yun sa kaniya dahil meron siyang sariling bank account at alam niyang hindi iyon magagalaw ng lolo niya o kahit ng ama niya dahil ang pumapasok na pera dito ay mula sa sarili niyang kumpanya.
“Just one question lang, young master, bakit wala ka ni isa sa aming lima ang gusto mong isama papunta ng pilipinas.”tanong ni Samuel na ikinalingon ni Ruhk sa kaniya.
“Because the five of you will stay here for the Zamora Real State, that old man might pull something against my business, so all of you need to handle it. Besides, all of you will stay here to report everything to me whatever happens here. Hindi kayo pwedeng pumunta sa pilipinas hangga’t wala akong sinasabi sa inyo, are we clear?”sagot na pahayag ni Ruhk na ikinatango ng lima sa kaniya.
“Naka ready na ang mga dadalhin mong gamit sa pag-alis mo mamaya, young master, be careful when you leave this night.”ani na paalala ni Vincenzo sa kaniya.
“Oh? May naalala ako Bianco, hindi ba at nagbabalak ka ding pumunta sa pilipinas because you searching for you missing childhood friend right?”pahayag na tanong ni Charles ng maalala nito ang minsan nilang napag-usapan ni Vincenzo na ngiting ikinalingon nito sa kaniya.
“I have plan for that, Vidalgo, but now that young master told us that no one should not go the Philippines without his consent then, I can postponed my personal things.”ngiting sagot ni Vincenzo.
“How about you Itsuki? As fvcking as I remembered, you mentioned to us that you need to go back to your hometown in Japan because the name Elias wants to see you, right?” baling na tanong naman ni Charles kay Itsuki na bahagya nitong ikinasimangot.
“Wakai masutā ga itta koto o kikimashita ka? Watashitachi 5-ri wa samorariarusutēto o kanshi suru hitsuyō ga arimasu, anata wa watashi ga watashi no furusato ni modoru koto ga dekiru to omoimasu ka? (Did you hear what the young master said? Five of us need to monitor the Zamora Real State, do you think I can return to my hometown?)”
“Tss! Dami mong sinabi, sasagutin mo lang ako ng oo at hindi. And will you fvcking speak tagalog or fvcking English when you’re talking to us? Sanayin mo na ang sarili mo pwede ba!”singhal na sermon ni Charles na ikinaingos lang ni Itsuki sa kaniya.
“Huwag na kayong mag-away na dalawa, wala na sa mood si young master kaya huwag niyo ng dagdagan.”kalmadong paalala ni Samuel sa dalawa.
Walang imik na tumayo nalang si Ruhk sa kinauupuan niya at nagsimula ng maglakad paakyat sa kwarto niya sa ikalawang palapag upang magpahinga. Buo na ang pasya niya na lumayo muna sa bansa nila dahil pakiramdam niya masasakal na siya sa paghihigpit na ginagawa sa kaniya ng kaniyang lolo. Alam niyang mag-aalala at magtatampo ang kaniyang mga magulang sa desisyon na gagawin niya pero alam niyang mauunawaan siya ng mga ito. Ngayon, iisipin nalang ni Ruhk kung paano siya makakaalis ng UK ng hindi napapansin ng mga tauhan ng kaniyang lolo na nagbabantay sa kaniya.
Nang makarating si Ruhk sa kwarto niya ay dumaretso muna siya sa banyo at naligo upang mapreskuhan, masyado syang pinagod ng mga tauhan ng kaniyang lolo sa ginagawa niyang pagtakas sa mga ito. Kailangan niya munang magpahinga para sa pag-alis niya mamaya, at alam niyang sa oras na lumabas siya sa mansion niya ay alam niyang susulpot nalang ang mga tauhan ng Prime Minister.
Matapos makaligo si Ruhk ay dumeretso na siya sa closet niya at nagbihis ng simpleng short at tsirt, bago siya naglakad palapit sa kama niya at pabagsak na humiga doon. Napatitig si Ruhk sa kisame ng kwarto niya ng bigla niyang maalala ang confession na natanggap niya kanina lang sa isang babaeng matuturing niyang kaibigan sa Univeristy na pinapasukan niya.
*FLASHBACK*
“What did you just say, Hillary?”
“I like you, Ruhk, not just a friend but as a man. I hope you can give my feelings a chance.”sambit ng babaeng kahit papano na itinuturing na kaibigan ni Ruhk sa University na seryosong ikinatitig niya dito.
“How do you want me to reject you, Hillary?”sambit niya na kita niyang ikinagulat ng ekpresyon nito sa kaniya.
“H-huh? What do you mean, Ruhk?”
“I don’t like you as a woman, though thank you for the feelings but I don’t feel anything for you but as a friend. But because of that feelings, maybe strangers might good relation between the two of us.”seryosong sambit ni Ruhk na bago iwan ang babae na nasaktan sa sinabi niya ay may iniwan pa siyang sabihin dito.
“Keep this rejection on your own, Hillary, it’s good in your reputation.”sambit pa ni Ruhk bago iwan ang babae na napahiyang nasaktan sa pagre-reject niya dito.
*END OF FLASHBACK*
Ruhk always get a confession from a woman in the University he’s studying, at may pagkakataon na harsh way siya kung i-reject ang mga ito. Hindi sa ayaw ni Ruhk na magmahal, wala palang siyang nakikitang babae na nakikita niyang magbibigay ng rason sa kaniya para ito ang ilaban nito sa kung anong pwedeng mangyari pag nagka relasyon ito sa kaniya.
Ipinikit na ni Ruhk ang kaniyang mga mata upang matulog sa ilang minute na lumipas ay nakatulog na siya sa kaniyang pagkakahiga sa kama ng may isang bulto ng isang babae ang biglang pumasok sa isipan niya na tanging likuran lang nito ang nakikita niya na pilit niyang inaabot pero hindi niya magawa lalo na ng magpakita sa panaginip na ‘yun ang kaniyang lolo at ang isang bulto ng isang lalaki sa tabi nito na tanging malawak na ngisi lang nito ang nakikita niya dahilan upang magising na si Ruhk sa pagkakatulog niya.
Paupong bumangon si Ruhk sa kama niya habang nakakunot ang kaniyang noo dahil sa weird na panaginip na pumasok sa isipan niya. Wala siyang maisip na dahilan kung bakit may panaginip siyang ganun na nagbigay katanungan sa kaniya.
“Who’s that woman I’m reaching for?”tanong ni Ruhk sa kaniyang sarili ng mapalingon siya sa wall clock ng kwarto niya at makitang isang oras nalang bago mag alas-syete ng gabi at bago ang paglipad niya papunta ng pilipinas.
Buntong hiningang bumangon si Ruhk sa pagkakahiga niya at hindi na inisip ang weird na napanaginipan niya, naglakad siya papunta sa walk in closet niya at nagpalit na ng pormal na damit para sa pag-alis niya. Matapos siyang makapag-ayos ay kinuha niya na ang maliit niyang maleta at lumabas na ng kwarto niya.
Pagkababa niya sa hagdanan ay naabutan niya sina Vincenzo na alam niyang hinihintay ang pagbaba niya sa kaniyang kwarto.
“How’s your rest, young master?”ngiting tanong ni Vincenzo sa kaniya.
“Good and weird.”sambit ni Ruhk bago dinampot sa center table ang ticket, visa at passport niya na inihanda ni Damian para sa kaniya.
“I’ll give a call if I need one of you, and call me whenever that Oldman do something against my company.”seryosong bilin ni Ruhk na ikinatango ni Vincenzo sa kaniya.
“No need of anyone of you escort me to the airport, I can handle myself.”ani ni Ruhk na nagsimula ng lumabas ng mansion at tulad ng utos nito ay hindi mga nagsikilos ang lima niyang butler sa mga kinatatayuan ng mga ito hanggang sa makalabas siya ng mansion.
Sumakay siya sa kotse niya at wala ng inaksayang oras at pinaandar na ‘yun paalis ng mansion at makapunta na sa flight niya. Ilang minutong biyahe niya papuntang airport ay napansin niya ng may nakasunod sa kaniyang itim na kotse na alam niyang tauhan ng kaniyang lolo dahil sa dalawan flag ng bansa nila na nalagay sa harapan ng kotse na sumunod sa kaniya.
“Fvck! How do they know where I am? Tss, they know my mansion, so in other words, they will just follow me like dogs when I leave.”pahayag na sambit ni Ruhk na ikinabilis niya sa kaniyang pagpapatakbo ganun din ang sumusunod sa kaniya.
Kalahating minuto nalang ang natitira para sa flight niya at ayaw niyang mapigilan siya ng mga tauhan ng kaniyang lolo kung saan siya pupunta. Pinilit niyang iniligaw ang mga sumusunod sa kaniya hanggang sa ipasok niya ito sa isang gasoline station, maingat siyang bumaba doon dala-dala lamang ang mga papel niya sap ag-alis niya at patagong lumayo sa sasakyan niya ng may makita siyang isang itim na kotse na naka bukas ang pintuan ng backseat nito na agad niyang ikinapasok sa loob nito at agad sinara ang pintuan.
Pinilit niyang silipin ang kotse ng sumusunod sa kaniya ng makita niyang naglabasan ang mga ito at nilapitan ang kotse niya, at ng makita ng mga ito na wala siya ay agad nag-ikot ang mga ito sa kabuuan ng gasoline station para hanapin siya. Nakamasid lang siya lalo na at sinisilip ng mga ito ang mga kotse na nasa gasoline station ng mapalingon siya sa may-ari ng kotseng sinakyan niya na napatingin sa rear mirror at nakita niya na kita niyang ikinasalubong ng kilay nito.
“What the fvck?! What the fvck are you doing in my fvcking car?”singhal na baling sa kaniya ng lalaking may ari ng kotse na sinakyan niya.
“There’s people whose chasing after me, I have a flight this night, help me escape.”saad niya sa lalaking kumunot ang noong nakatingin sa kaniya.
“Idadamay mo pa ako sa ginagawa mo, nanahimik sasakyan ko di—teka nga paano ka nakapasok?”
“The door was open.”
“Damn! I left my fvcking car door open? Langya.”ani nito ng parehas silang mapalingon sa isang tauhan ng kaniyang lolo na kumakatok sa salamin ng kotse ng may ari ng kotse ng lalaking kasama niya sa loob.
“Tinted ang bintana ng kotse ko, pero kung sila an humahabol sayo at ayaw mong mahuli ka nila, baka gusto mong ayusin ang pagtatago mo.”aning pahayag sa kaniya ng lalaking bahagya niyang ikinatigil dahil sa tingin niya ay tinutulungan siya nito na poker face na ikinalingon nito sa kaniya.
“Aba, baka gusto mong magtago? Ano kotse ko pa mag-aadjust sayo?”sita nito sa kaniya na agad niyang ikinatago sa likura ng upuan nito at dahil madilim ang backseat nito ay alam niyang hindi
siya basta-basta maaninag ng tauhan ng kaniyang lolo.
Miya-miya pa ay narinig niya na ang pagbaba ng salamin ng kotse ng lalaking kasama niya.
“Something you need, dude? I’m in a hurry you know.”rinig niyang pahayag ng lalaki na hindi ikinasagot ng tauhan ng lolo ni Ruhk na pasimpleng sinisilip ang likuran ng kotse bago ito walang paalam na umalis.
“Tangna, bastos na gago ‘yun ah, hindi man lang sinagot tanong ko? Taniman ko kaya ng bala katawan nun.”rinig ni Ruhk na inis na sambit ng lalaking may ari ng kotse hanggang sa maramdaman niyang umaandar na ang kotse nito.
“Just dropped me in the nearest place from air---“
“Marunong kang magtagalog? Kasi wala ako sa mood mag ingles ngayon.” putol na tanong nito sa kaniya.
“Oo, marunong ako.”
“Good. Pinasok mo nalang din naman ang kotse ko lubusin mo na, minsan lang ako maging good citizen kaya maswerte ka. Papunta din ako sa airport papuntang pilipinas and I think we have the same flight. You’re lucky dude, itinago na kita, free ride ka pa.”pahayag ng lalaki sa kaniya na ikinatitig lang ni Ruhk dito sa rear mirror nito.
Hindi niya inasahan na tutulungan siya nito dahil pwede naman siya nitong ituro sa mga tauhan ng lolo niya dahil walang paalam niyang pinasok ang sasakyan nito, pero tinulungan siya nito. Ngayon, makakapunta siya ng pilipinas ng hindi mahaharang ng mga tauhan ng lolo niya na ikinaayos niya sa pagkaka-upo niya sa back seat.
“I owe you this one.”sambit niya dito na kita niyang ikinangisi nito sa rear mirror.
“Maganda ‘yan, mukhang marunong kang tumanaw ng utang na loob. Sakaling magtagpo ang landas natin sa pilipinas tsaka na ako maniningil.”sambit nito na ikinatingin nito sa kaniya mula sa rear mirror.
“Pero kung trip mong hanapin ako para makabayad sa pagtulong ko sayo, Paxton Ignacio is my name. Ayoko ng cash ah, marami ako niyan. At kung makalimutan kita, magpakilala ka, gwapo lang ako pero hindi ako palatandain.”saad nito na hindi na ikinatango nalang ni Ruhk dito.
Masasabi ni Ruhk na malaking bagay ang pagtulong na ginawa nito sa kaniya at kung magkita muli sila sa pilipinas, tsaka na siya mag-iisip kung paano niya maibabalik ang tulong na ginawa nito sa kaniya. Sa ngayon, walang ibang nasa isip si Ruhk kundi kung anong gagawin niya sa pilipinas sa oras na makarating na siya doon.