Kabanata 7 Matagal ko ng isinampal sa aking sarili na kahit kailanman ay hindi nila ako matatanggap. Pero mas masakit pa rin pala kapag ibang tao na mismo ang nagsampal sayo na walang tatanggap sa kung anong klaseng pagkatao ang mayroon ka at sa kung ano ang ginawa mo sa nakaraan. Kahit na sabihin natin na nakaraan na ang lahat nang 'yon ay nag-iwan pa rin iyon ng malalim na sugat sa kanilang lahat lalo na sa akin. The reality hit me so hard that I couldn't even take it. Kahit na sabihin ko sa kanila ngayon na nagbago na ako at sinusubukan kong itama ang pagkakamali ko, hindi pa rin no'n mababago ang nangyari sa nakaraan. Patuloy pa rin nila maalala kung anong mga ginawa ko noon na nagresulta kung nasaan man kami ngayon. What can I only do is to make my future better in my own hands.