Kabanata 6
"Move what?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"Titira ka na sa bahay ko," seryosong wika niya sa akin. Hindi ko mapigilan na mapaawang ang labi dahil sa kaalaman na titira na ako sa bahay niya.
Hindi kahit kailanman dumating o pumasok sa utak ko ang pagsasama naming sa iisang bahay dahil hindi naman naming iyon napapag-usapan. Buong akala ko nga ay okay na iyong hindi kami magsama sa iisang bahay. Pero mukhang kinakailangan na dahil alam na nang lahat ang tungkol sa amin. Kahit pa sabihing nagpapanggap lang naman kaming dalawa at palabas lang ang marriage certificate na hawak naming dalawa ay hindi pa rin tama na hindi kami magkasama sa iisang bahay. Baka magtaka ang iba at magtanong pa, or to make the situation worst, malaman nila ang totoo.
"Bakit?" Iyon agad ang unang tanong na lumabas sa aking bibig kahit na alam ko na ang punto niya.
"Because practically, you are my wife. Ano na lang ang iisipin nila kapag nalaman nila na wala tayo sa iisang bahay ? That you are not living with me like a marriage couple should do?" mahinahong wika niya.
Sa totoo lang ay gusto kong tumutol sa gusto niya gawin. Hindi ko makakaya na magkasama kami sa iisang bahay pero ano pa ba ang pagpipilian ko? Ngayong alam na nga nang lahat na kasal nga kaming dalawa, dapat lang talaga na iisa kami ng bahay na titirhan.
“You planned it all, didn’t you?” tanong ko sa kanya. Tinignan niya lamang ako ng diretso sa aking mata at hindi nagsalita. Isang mala-demonyong ngisi ang isinagot niya sa akin. Doon ko nakumpirma na pinlano niya nga ito kaya lalo akong nakaramdam ng inis at galit sa kanya. Hindi ko na talaga mabasa ang iniisip niya. Sobrang labo ng mga aksyon na ipinapakita niya sa akin kaya hindi ko magawang sundan ang mga binabalak niya.
Tumira sa iisang bahay? Ha? Nagpapatawa ata siya eh. Sinong gugustuhin na makasama siya sa iisang lugar? Nag-aaway na nga kami sa loob ng kumpanya dahil sa mga pinaggagawa niya tapos gusto pa niya na hanggang bahay magkasama kami? I know that we're technically a husband and wife at dapat nga ay magkasama nga sa iisang bahay ang mag-asawa pero hindi naman talaga kami mag-asawa! We're just pretending for fvcking sake and now, I have to live on his house too?
Napailing ako. Pinapakalma ang sarili sa mga nangyayari. Kahit saang banda, hindi ko maintindihan kung bakit kailangan namin tumira sa iisang bahay. Mas gusto ko pang manatili rito sa maliit na apartment at malubog sa bayad kesa ang makasama siya. Kaya lang alam kong hindi siya papayag. He's not the Gio that I used to know anymore. Dahil ang Gio na nandito at kilala ko ngayon ay isang arogante at mayabang na lalaki. Once he decides on something, you have no choice but to agree on it.
Kung nababasa ko lang ang nasa isip niya katulad noon ay madali kong mahuhulaan ang gusto niyang gawin. Hindi ko alam kung ako ba ang naging transparent sa amin dalawa dahil nababasa niya ang nasa utak ko o sadyang nagbago lang siya.
“Say everything you want to say, Elise. But there is nothing you can do about it,” seryosong wika niya sa akin. Lalong napuno ng halo-halong emosyon ang puso ko at alam kong nangingibabaw doon ang nararamdaman kong pagkamuhi sa kanya. Kahit awayin ko pa siya ngayon, alam kong wala akong magagawa dahil ako mismo ang nagpasok ng sarili ko sa ganitong sitwasyon.
Kahit gustong-gusto ko na magalit sa kanya dahil sa pangit niyang ugali ay mas pinili ko na lamang na manahimik siya at bigyan ito ng matatalim na tingin bago naunang pumasok sa sasakyan. Nang mailagay na ang lahat ng mga gamit sa truck ay saka ito sumakay sa sasakyan at pinaandar ito.
"I already paid your rent,” basag niya sa katahimikan na namumuo sa pagitan namin dalawa. Hindi ulit ako nagsalita. I didn’t want to argue with him anymore at ayoko na rin dagdagan pa ang inis na nararamdaman ko sa kanya mula kanina. Pagod na ako at ang gusto ko na lamang gawin ngayon ay matulog ng maayos.
"Don't worry, hindi naman tayo magsasama sa iisang kwarto. You'll be sleeping next to my room,” dagdag pa niya. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. "Sino ba may sabi na gusto kita makatabi sa kama?" naiinis na tanong ko.
Ano ba ang akala ng lalakeng 'to? Ang hayaan ko ang aking sarili na makatabi siya ay isang malaking kabaliwan na para sa akin. Itong pagpapakasal nga na ginawa namin na ito ay parang pinagkalulong ko na ang sarili ko sa demonyo tapos magsasama pa kami sa iisang kwarto? No way!
Sinundan namin ang truck dahil nandoon ang mga gamit ko sa loob no’n. Dumeretso ang truck habang kami ay lumiko. Nagtataka akng tumingin sa kanya. “Bakit tayo lumiko? Akala ko ba sa bagong bahay ang punta natin?”
“We’re going somewhere else. Don’t worry about your things. Inutos ko na ilagay lahat ng gamit mo sa kwarto.”
Kung ganoon ay saan naman kaya kami pupunta nitong mokong na ‘to? Wala siyang sinabi sa akin kaya buong akala ko ay sa bahay na kami didiretso dahil gusto ko na rin magpahinga.
Maya-maya ay wala pang ilang minuto nang makarating kami sa isang bahay. Hindi nga isang bahay kundi mansion dahil sa laki. Kung titignan nga ay parang dalawang malaking bahay na ipinagdugtong. Malawak ang bakuran at may sariling parking lot.
Hindi ko pinansin ang Gio na kakabababa lamang sa sasakyan dahil diretso pa rin ang tingin ko sa bahay. Nagulat na lang ako nang hilahin niya ako at mabilis na ipinulupot ang braso sa aking bewang. Nakuha pa nga niya ako alalayan papasok sa loob ng bahay. Nanatili naman akong walang reaksyon kahit kating-kati ako na itulak siya palayo sa akin.
Bumungad sa akin ang magulang niya na nakatingin sa akin ngayon. Tumingala ako at nagtataka na tumingin sa lalaking katabi ko ngayon na wala atang balak sabihin sa akin na makikilala ko ang magulang niya. Gusto ko tuloy siya pagsasampalin dahil sa sobrang kahibangan! How could he let me meet his parents on this kind of situation? He didn’t even tell me that I’m going to meet his parents tonight!
Pamilyar naman na ako sa pamilya niya pero hindi ko sila lubos na kilala. At isa pa, pamilyar lang naman sila sa akin dahil isa sila sa mga nag-invest sa kumpanya naming noon bago ito mawala. They have the biggest share next to ours kaya hindi na rin ako kataka-taka kung bakit binili iyon ni Gio.
"Kanina pa namin kayo hinihintay," sabi noong matanda, or should I say Donya Matilda. Mas malusog ito ngayon at parang bumata ang itsura kumpara sa huling beses ko ito nakita noon bago ako pumunta sa ibang bansa. Ang pagiging istrikta nito kahit kailanman ay hindi nawala.
"Good evening po," pormal na sabi ko ngunit hindi ako nito sinagot. Inaasahan ko na hindi magiging maayos ang pagtrato nila sa akin lalo na si Donya Matilda pagkatapos ng mga nangyari noon. Bakas rin sa mukha ng matanda ang galit na handa niyang ilabas para lang sa akin sa kahit ano mang oras mula ngayon.
Inabala ko na lamang ang aking sarili sa pagsipat sa loob ng buong mansyon mula sa moderno nitong mga gamit hanggang sa modernong kulay.
Hinila ako ni Gio papunta sa hapagkainan. Bigla naman lumabas si Tita Clara galing sa kusina na may dalang pagkain, ang mommy ni Gio. Ngayon ay alam ko na kung saan talaga nagmana si Gio ng kaputian at kahabaan ng pilik-mata. Hindi lingid sa aking kaalaman na nag-asawa ulit ng panibago si Tita Clara pagkatapos mamatay ng daddy ni Zeus noon.
Ang lamesa ay mahaba. The long dining table and it's chair is made of wood it can accomodate to 6-8 person lalo na kapag may bisita. Ang mga katulong naman ay isa-isang inilagay ang mga pagkain sa lamesa.
"Good evening po,” pormal na bati ko sa kanila. Ngumiti sa akin si Tita Clara at saka tinapunan ng pasimpleng tingin si Gio. Kung wala lang kami sa harap ng magulang niya ngayon ay nagwala na ako. Balak ba niya talaga akong ipahiya sa buong angkan niya? Ni hindi nga namin napag-usapan na ipapakilala niya ako sa pamilya niya. At kung napag-usapan man ay malamang hindi pa rin ako papayag. Sinong gugustuhin na makilala ang pamilya na halos isuka ka dahil sa nagawa mo noon?
Tita Clara is wearing her blue kitchen apron. Nakatali rin ang kanyang buhok sa ponytail na ayos. Pumunta siya sa kusina at hinubad ang apron na suot bago bumalik at umupo sa tabi ni Donya Matilda.
"Where's Dad?" tanong niya rito.
"Pauwi pa lang. Mabuti at nagtext ka na pupunta kayo ni Elise. Nakapaghanda ako ng maraming pagkain.”
"How about Sam?" Umupo ako sa bakanteng upuan na katabi niya. Si Samantha ang nakababatang kapatid ni Gio kay Tito Samuel. Pagkatapos magbunga ang pag-iibigan ni Tita Clara at ng daddy ni Zeus ay muling nakahanap ng panibagong pag-ibig ang mommy niya and that’s when she got married to his step-father. Mas matanda rin si Gio ng sampung taon kay Sam.
"She can't come. Gabi na 'yon makakauwi dahil may program daw sa school," paliwanag niya.
"Do you know that she's dating Fortaleza' s youngest son?" tanong ni Gio kay tita. Tinignan siya ng ginang at saka sumagot.
"Oo. Pero hayaan mo na ang kapatid mo anak. Matanda na 'yon para sermonan mo pa," natatawang sagot nito. Sumimangot si Gio at saka umiling. I even heard him tsk. Gusto ko tuloy matawa dahil hindi ko akalain na ganito siya kaprotective na kuya sa kapatid niya.
Tahimik lang akong nakaupo rito at hindi nagsasalita. Mas pinili ko na manahimik kesa sa makisali sa kanila. Hindi ako kumportable sa sitwasyon ngayon pero wala na naman akong choice kundi hintayin na matapos ang gabing ito. Siguro ay kaya hindi sinabi sa akin ni Gio ang tungkol dito ay dahil alam niyang magmamatigas ako. Alam ko na alam niya rin sa sarili niya na kahit kailanman ay hindi ako matatanggap ng pamilya niya. What happened on the past will never change at naiintindihan koi yon dahil kung tutuusin ay may karapatan nga naman silang magalit.
Hindi pa kami nagsisimula kumain dahil hinihintay namin ang daddy ni Gio na siyang paparating na ngayon. Kailangan ay kumpleto kami bago magsimula kumain dahil iyon ang mahigpit na sabi ni Abuela.
"So when are you going to leave my grandson?" malamig na sabi sa akin ni Donya Matilda. Inaasahan ko na ganito na ang pangingitungo niya sa akin simula noong nagkaroon kami ng kontrata ni Gio, pero hindi ko akalain na mas malala pa ito kesa sa inaasahan ko.
"Mom!" suway ni tita ngunit ngumiti lang ako ng tipid habang sinasagot ang mabibigat na tingin ni Donya Matilda sa akin. Hindi nagsasalita si Gio at nanatili lamang na tahimik habang ako ay nagsisimula na kabahan,
"Alam naman natin lahat na hindi natin matatanggap ang kagaya niya. Lalo na ako o kahit ang papa mo, kung nabubuhay pa nga si Matteo ay alam ko na ganito rin ang sasabihin niya,’’ matigas ulit na sagot ni Donya Matilda.
"But he's your grandson's wife!" giit ni Tita Clara. Alam ko na kahit anong paliwanag pa ang idahilan nito ay hindi makikinig si Donya Matilda sa kanya. Kahit noon pa ay alam ko na ang pagkamuhi ni Donya Matilda sa aming mga De Guzman lalo na sa aking mga magulang. Hindi ko alam kung ano ang puno’t dulo ng pagkamuhi niya sa amin. Basta ang tanging alam ko lang ay lalo ko lamang iyon pinalala sa ginawa ko noon kaya ngayon ay sukdulan ang galit na mayroon siya sa amin.
"Kahit siya pa ang asawa ng apo ko, hindi ko siya matatanggap! Tinanggap ko na ang pagkakamali mo noon Clara! Kaya hindi ko na ito matatanggap ngayon. That girl is not welcome to our family!"