Kabanata 8 Nababaliw na nga siguro ako dahil hinayaan ko siya na halikan ako at nakuha ko pa na pumayag sa kabila ng maraming rason para makuha kong tumanggi. I know it's already wrong the moment I felt his lips on mine. Alam ko na kung sakali man na mahulog ako sa lalakeng 'to ay masasaktan lang ako. Wala akong mapapala dahil alam ko kung gaano niya ako kinasusuklaman. Hindi rin siya iyong tipo ng tao na magsasayang ng oras lalo na sa isang kagaya ko. And I know better. This is just another game to play for him. And I refuse to be his victim. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Trinidad?” malamig na saad ko. Umawang ang labi niya sa sinabi ko at pagkatapos ay tinikom ang bibig. Tinignan niya ako gamit ang madilim nitong mukha. Marahil nainis na naman siya sa ginawa ko pero hindi ba ni