Kabanata 4

2201 Words
Kabanata 4 Minsan iniisip ko kung ano ba talaga ang tumatakbo sa utak ng mga tao at nakakagawa sila ng mga maling desisyon sa buhay nila. They are doing some reckless decisions that they will regret later. Iniisip ko nga rin kung talaga bang pinag-isipan nila ang mga desisyon nila o nadala lang sila dahil sa mga taong nakapaligid sa kanila? Pwede rin na kaya sila pumayag ay dahil naipit sila sa sitwasyon at iyon na lang ang pagpipilian nila at inaamin ko na isa na ako roon. Minsan naiisip ko na dapat hindi na lang ako pumayag sa kasunduan na 'to. Nakakaisip na nga rin ako ng mga paraan kung paano maisasalba ang kumpanya ng pamilya ko sa utang at si daddy na nasa ospital ngayon kasama si mommy pero kahit nakakaisip na ako ng iba pang paraan maliban sa ginagawa kong ito ay hindi pa rin sasapat para sa kanila. My father wanted me to save our company at alam ko na tanging pagpapakasal lang ang paraan para maayos ko ang kumpanya na iniwan at ipinagkatiwala nila sa akin. I'm not the best daughter they wished to have so I'm trying my best to do what they want. I'm trying to pay our debts as soon as I can dahil iyon lang naman ang magagawa ko. I guess, sinisingil na ako ng karma sa lahat ng kahibangan na ginawa ko noon. At sisimulan ko ang pagbayad sa lahat ng ginawa ko noon sa pamamagitan ng pagsalba ng kumpanya ng magulang ko at sa pagpapatali sa tatay ng anak ko. I rather end up with the father of my son than ending up with a stranger I barely knew. Alam kong matagal na binabalak nila mommy na ipakasal ako sa mayaman na kilala nila. They want me to get married to someone who could pay their debt and can afford to give them the luxury life that they want. They really don't care about the person as long as he is a business man who will help me to save the company. Pero dahil sa ginawa ko ay hindi na iyon nangyari. Kaya ngayon ay ganoon na lang ang pagtulak sa akin ni mommy kay Gio dahil alam niyang siya lang ang makakapagpaahon sa buhay namin. Mabuti na lang at hindi kami totoong kasal. I didn’t want him to pay our debts because I am his wife. Ayoko na tumanaw pa ng magandang loob sa kanya. Hindi ako nagsasalita. Sila lang ni Mr. Del Valle ang nag-uusap. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sinama pa niya ako dito. Kaya ko nga gusto magpaiwan ay para tapusin ang mga files niya na malapit na maipon at sa malamang ay nadagdagan na iyon ngayon. Hindi ko magalaw ang inorder na pagkain ni Gio para sa akin. It was a seafood pasta and it was my favorite but I think I’ve just lost my appetite. Kung sabagay, sinong hindi mawawalan ng gana pagkatapos niyo mag-away ng kasama mo? Hindi naman ako iyong tipo ng tao na kayang magkunwari sa ibang tao lalo na kapag sobra-sobrang inis at galit ang nararamdaman ko. I know that his opinion about me doesn’t matter to me. Kaya ko naman umakto na hindi naririnig ang mga sinasabi niya tungkol sa akin dahil alam kong hindi ko na iyon mababago pa. Pero nakalimutan niya ata na tao lang ako at nakakaramdam din ng emosyon. Nasaktan ako sa sinabi niya dahil kung tutuusin, pinipilit ko naman ma-improve iyong sarili ko. Ginagawa ko rin ‘yon hindi lang para sa iba kundi pati na rin sa sarili ko. "Are you okay?" tanong sa akin ni Mr. Del Valle dahilan para tumingin din sa akin si Gio. "You looked pale," muling wika ni Mr. Del Valle na ikinangiti ko na lamang. Tinignan ko si Gio at nakita na nakatingin din ito sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin dahil naiinis pa rin ako sa kanya sa mga bagay na ibinibintang niya sa akin. Nakukuha ko naman na ayaw niya sa akin pero kailangan naming mapalagayan ang loob ng isa’t isa dahil sa anim na buwan na napagkasunduan namin! Kung ito pa lang ay nag-aaway na kami, malabo na matapos namin ang napagkasunduan. At saka sino ba siya sa akala niya para husgahan ako ng gano’n? Oo, nagpakabaliw ako kay Zeus noon but I am not a manwhore katulad ng iniisip niya. Marami na akong problema at ang pakikipagrelasyon sa kung sinong lalaki ang pinakahuling bagay na maaari kong gawin sa sarili ko. Inilipat ko na lamang ang tingin kay Mr. Del Valle bago umiling at ngumiti sa kanya. "I'm okay, sir." "Are you sure?" Tumango muli ako at uminom na lang ng tubig. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko ng makita ko na may ilang text sa akin si Jant na ikinangiti ko. Jant Jimenez: Birthday ni Manang Fe ngayon. May cake dito. Pumunta ka dito pagkatapos mo kumain ha? Ako: Sige. Malapit na matapos ang meeting na 'to. See ya! Nagpatuloy ang pagtetext namin ni Jant. Sabi niya ay nagkayayaan na magpunta sa isang bar na hindi kalayuan sa opisina pagkatapos ng trabaho at tinatanong nila ako kung makakasama ba ako. I really don’t like crowded places dahil maraming pupwede mangyari sa lugar na ‘yon pero ang tagal na nga rin pala noong huli akong pumunta ng bar upang magsaya. Habang magkatext kami ni Jant, naririnig ko ang pinag-uusapan nila Gio. They were talking about the business proposal. Nais mag-invest ni Mr. Del Valle sa kumpanya nito at maging business partners silang dalawa. Malaking asset nga naman si Gio sa kahit anong kumpanya. Hindi rin lingid sa kaalaman ko na talagang pinag-aagawan siya ng iba’t ibang kumpanya para maging business partners. Isa lang siya sa mga CEO na may malaking negosyo at pinag-aagawan. Ako: Hindi ko alam kung pupwede ako but I’ll try. Jant Jimenez: Sige, pero sana makasama ka. I was about to reply him nang tawagin ni Gio ang atensyon ko. "Aren't you hungry?" Umiling ako at hindi siya pinansin kahit na halata ko na ang medyo pagkainis sa kanyang boses. Mas lalong lumukot ang mukha niya sa ginawa kong pagtingin sa kanya na tila ba wala akong pakialam pero agad din iyon napalitan ng ngisi. Ginalaw niya ang tinidor na nasa plato ko at saka pinaikot ang pasta bago inangat ‘yon. "Say ahh." Parang literal na nalaglag ang aking panga sa ginawa na 'yon ni Gio. Hindi ko malaman ang gagawin ko dahil ramdam ko ang pagkakatitig sa akin ni Mr. Del Valle. Maging ang mga tao sa amin paligid ay nakatingin din sa amin. Iyong iba pa nga ay parang kinikilig pa pero para sa akin? Isa itong laro na sinimulan niya and I was very eager to finish and win this game. "Open your mouth," He almost said in a soft voice. I heard my heart beat like a crazy bastard. I licked my lower lip after staring at him. Walang silbi kung magmamatigas ako sa larong sinimulan niya. I slowly opened my mouth and eat the pasta carefully. I licked my lower lip again while staring at him and didn’t mind the people who is looking around us. Inagaw ko sa kanya ang fork pagkatapos at ngumiti sa kanila. Ibinalik ko ulit ang tingin sa kanya pagkatapos at ngumisi ng makita ko ito na puno ng galit ang mata. Napatigil ako sa pagkain ng pasta ng magvibrate na naman ang cellphone ko at kinuha ‘yon sa loob ng bag ko. Nakita ko na si Jant ang nagtext and I was about to check his message ng kunin nang mapangahas kong boss ang cellphone ko ng walang pakundangan sa harap ni Mr. Del Valle na maging siya ay nagulat sa inasta nito ngunit hindi niya ito pinansin. Kinakausap na niya ito ngayon na para bang walang nangyari at wala siyang kinuha sa akin. Tinignan ko siya at hinihintay na ibalik sa akin ang cellphone ko pero mukhang walang balak ito na ibalik sa akin dahil nakuha niyang itago ito sa kanyang bulsa. Nakaramdam na naman ako ng matinding inis para sa kanya. Bawat tingin na ipinupukol ko sa kanya ay masasama. Pinipilit ko na lamang kalmahin ang sarili ko alang-alang sa meeting nilang dalawa ni Mr. Del Valle. Kinain ko na lang tuloy ang natitirang pasta sa plato at saka kinuha ang tissue sa tabi ko para punasan ang labi ko kahit na nairita na ako sa ginawa ni Gio. "Let's talk this on our board meeting, Mr. Del Valle,” pormal na sabi niya rito. "Okay, thanks for the lunch." Umalis na si Mr. Del Valle sa harap namin habang si Gio naman ay awtomatikong nauna na maglakad palabas ng restaurant kaya binilisan ko ayusin ang gamit ko at saka siya hinabol. Hindi na rin ako nagulat nang makita ko siya na nakatayo sa tapat ng pintuan ng sasakyan na tila ba hinihintay ako habang nakataas ang kanyang kilay. "Akin na ang cellphone ko," matigas kong wika sa kanya. Sinamaan niya ako ng tingin pero nilabanan ko iyon. Ano ba ang akala niya sa akin? Kilala niya naman siguro ako at alam niya na hindi ako nagpapatalo basta-basta. I won’t back down without trying. Kinuha niya ang cellphone ko sa kanyang bulsa at ibibigay na niya sa akin ng bigla itong ngumisi sa akin at mabilis na itinapon sa gitna ng daan dahilan para masagasaan ng sasakyan na dumadaan at mawarak ito. Tumingin ako sa kanya na parang hindi makapaniwala. Did he just throw my phone? "Anong ginawa mo?” tanong ko sa kanya sa pinakakalmado kong boses dahil ayoko mag-eskandalo sa harap ng restaurant. Ayoko na pagtinginan kami ng mga tao dahil lang sa itinapon niya ang telepono ko. “Stop whining like a baby, Elise,” malamig na turan niya bago pumasok sa loob ng sasakyan. Naiwan ako sa labas ng sasakyan habang nakatulala. Whining? Talaga ba na ganoon na lang ang tingin niya sa ginawa ko? Ang magmaktol na parang bata! Hindi ba niya alam na nandoon lahat ng files na kailangan niya?! Pumasok ako sa loob ng sasakyan na nagpupuyos sa galit. I glared at him pero binalewala niya lang ang tingin ko sa kanya. If looks could kill, malamang ay mamatay-tao na ako ngayon dahil sa kanya! Hindi ba niya alam na lahat ng importanteng files ay nandoon? Tapos itatapon niya lang sa gitna ng kalsada at sasabihan ako na tumigil na ako sa pagmaktol na parang bata? “I’m not whining! Bakit mo tinapon ang cellphone ko? Talaga bang may saltik ka na sa utak? You’ve just grabbed my phone earlier and now, tinapon mo?” sunod-sunod kong sabi sa kanya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na hindi siya pagtaasan ng boses. Sino ba naman hindi tataasan siya ng boses, eh gago siya. “I can buy another cellphone for you if you want.” “Hindi porket makakabili ka ay may karapatan ka na itapon ang cellphone ko! Para kang bata!” singhal ko sa kanya. Akala ko ay papaandarin na niya ang sasakyan pero imbes na ganoon ang gawin niya ay tumingin ito sa akin na puno ng galit ang kanyang mata. Gusto ko matawa dahil bakit ako pa ang may kasalanan kung bakit niya itinapon ang telepono ko? Eh siya nga itong basta na lamang hinablot ang cellphone ko sa harap ni Mr. Del Valle at itinapon ‘yon sa daan pagkatapos! “You’re texting someone else infront of me. Sinong hindi magagalit doon?” wika niya sa seryoso at kalmadong boses. Napailing ako at tinignan siya ng hindi makapaniwala. Hindi kapasok-pasok ang rason niya sa akin dahil ano ang masama sa pagtext ko kay Jant? Obvious naman na iniimbitahan niya ako dahil birthday ni Manang Fe at wala akong nakikitang masama roon! “At ng dahil lang doon, itatapon mo ang cellphone ko? Saan ka nakakita ng business man na itatapon ang telepono ng secretary niya out of nowhere just because she’s texting someone else!” “You’re not just my secretary because you are my wife too!” malakas na lamang akong napahalakhak sa kanya pagkatapos ko marinig ang mga salitang lumabas sa kanyang bibig. “We’re just pretending a married couple Gio! And still, it doesn’t give you the right to grab anything you’d like and throw it away!” mariing giit ko sa kanya dahil parang nakalimutan niya na ‘yon. Lalong sumama ang pagkakatitig niya sa akin dahil sa sinabi ko pero hindi ba ay tama naman ako? Nagpapanggap lang kaming mag-asawa at ginawa lang naman ito dahil pareho naman kaming makikinabang kaya ano ngayon kung kasal kami? Kung pinoproblema niya na dala ko ang apelyido niya, eh di gagamitin ko na lang ang last name ko! Siya lang naman itong nagpumilit sa akin na dalhin ang pangalan niya tapos ngayon aakto siya na parang bata? My god! “Yeah. We’re just pretending to be a married couple but you are still mine. Mine alone.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD