Kabanata 3
"Sasama pa ba ako sa meeting mo?” tanong ko sa kanya. Mabilis ko siyang pinasadahan nang tingin. Wala na sa ayos ang kanyang buhok at mahahalata rin na hindi pa siya gaanong nakakatulog ng maayos dahil sa tambak na paper works. Madalas siyang mag-overtime nitong mga nakaraang araw kung kaya’t late na rin ako nakaaalis ng office.
Hindi kami nagsasama ni Gio sa iisang bahay There’s no reason for that since we’re just pretending to be a husband and wife. Ang marriage contract na inihanda niya ay peke. Inihanda niya lang naman ‘yon dahil baka may magtanong kung kailan kami kinasal. Ang totoong pinirmahan naming dalawa ay ang contract na magpapanggap akong asawa niya sa loob ng anim na buwan. Pagkatapos no’n ay wala na.
Kakatawag lang ng secretary ni Mr. Galvez na hindi na ito makakapunta sa sinabing lunch meeting dahil masama ang pakiramdam nito pero may panibagong meeting si Gio kay Mr. Del Valle ngayong tanghali na dapat puntahan. It was an urgent meeting about the expansion sa Saubea. Gio was trying to expand his business on other part of Metropolis.
Tumingin siya sa akin at saka umiling.
"No. Mabilis lang naman ang meeting na 'to at alam ko na mabobored ka lang doon.” Kung minsan kasi ay sinasamahan ko siya sa mga meeting niya para magsulat ng mga dapat tandaan pero madalas ay iniiwan niya ako rito sa opisina dahil walang sumasagot ng tawag sa mga gusto kumausap sa kanya kapag sumasama ako sa kanya. Isa pa, abala rin ako dahil ang dami kong tinatapos na mga paper works din. Hanggang sa pag-uwi ko ng bahay ay iyon ang ginagawa ko dahil ayoko na nagka-cramming ako.
Matipid akong tumango sa kanya. Tinitigan ko siya saglit at nang alam ko na titingin siya sa akin ay saka ako umiwas ng tingin, "Check my schedule tomorrow.”
Muli akong tumango sa kanya pero ngayon ay ibinalik ko na ang aking tingin. Nakakuha tuloy ako ng pagkakataon na pagmasdan siya sa kahit kaonting segundo lamang.
"Okay ka lang?" tanong niya sa akin. Hindi ko siya inimikan habang pasimpleng hinahabol ang aking paghinga.
Sa sobrang pagka-occupied ko, hindi ko na napansin ang ginawa nitong pagtayo at paglapit. Kung hindi pa niya hinawakan ang aking balikat at dahan-dahan na inangat ang tingin sa kanya ay hindi ko iyon mapapansin. Mabilis na tumibok ang puso ko at animo’y kakapusin ng hininga. Napaayos tuloy ako nang tayo habang pilit ginagawang kalmado ang sarili bago dali-daling umatras palayo sa kanya. Kumunot naman ang noo niya sa aking ginawa ngunit hindi ko iyon pinansin at mas pinagtuunan ng pansin ang orasan na nakasabit sa pader.
"You'll be late on your meeting," paalala ko sa kanya. Ayoko rin naman na ma-late siya dahil nakakahiya iyon lalo na at isa pa sa mga investors ng kumpanya ang kikitain niya ngayon.
Sa gilid ng aking mata ay nakita ko itong nakakunot pa rin ang noo at nakatitig sa akin na tila binabasa ang aking bawat galaw. Ibinalik ko ang tingin sa kanya bago ngumiti. Wala itong imik na tumayo sa kinauupuan bago napabuga sa hangin at saka inayos ang suitcase na dala at binitbit iyon. Sinamahan ko siya sa paglabas ng kanyang opisina. Hindi ko na rin ikinagulat ang mga nakakatunaw na tingin sa amin ng mga empleyado. Nakita ko nga rin si Bearose na pangiti-ngiti sa amin dalawa ni Gio. Siya lang ata ang nagsasabi na may pag-asa kaming dalawa at ramdam daw ang sobra-sobrang chemistry namin dalawa na alam kong imposible dahil pareho lang naman kami gumagamit sa isa't isa.
He needs a wife kaya pumayag ako, kapalit ng pagsalba sa kumpanya ni daddy at sa pagpapagamot sa kanya para gumaan ang loob ni mommy. Iyon lang naman ang pangunahing dahilan kung bakit namin naisipang magpakasal at wala ng iba pa. Alam ko na tutol si mommy sa naging desisyon ko noong huli ko itong nakausap sa telepono dahil wala na itong magawa pa pero pagkatapos ng ilang buwan ay narealize niya na wala siyang dapat problemahin kung ito ang gusto ko. Ngayon nga ay maya-maya pa ang tawag niya sa akin kung kamusta na raw kami ni Gio. Hindi niya alam, nagpapanggap lang kaming dalawa.
Malaki ang ipinagbago ni mommy simula nang mawala ang lahat sa amin. Sa gusto ko makapagsimula ulit ng bagong buhay at maiayos ang buhay na mayroon kaming tatlo ay pumunta kami sa ibang bansa. Mahirap sa una pero nakayanan naman namin. Iyon nga lang, maya’t maya rin ang pabalik-balik ni daddy sa ospital kaya may mga oras din na nagigipit kami. Hanggang sa naisipan kong bawiin ang kumpanya. Tutol si mommy sa gusto kong gawin pero tinuloy ko pa rin ito hanggang sa nandito na nga ako sa sitwasyon kung saan wala akong magawa kundi sundin ang gusto ni Gio.
“Makipag-ayos ka na sa kanya Elise. Kesa naman sa maghiwalay kayo.” Iyan ang mga salitang sinabi sa akin ni mommy noong huli kaming nagkausap. Tila nag-iba ang kanyang timpla pagdating kay Gio dahil noong ipinagbubuntis ko pa lamang si Deo ay sobrang pagkadismaya ang ipinakita sa akin ni mommy ng malaman niya na siya ang ama ng dinadala ko.
“Alam niyo naman na imposible ang sinasabi niyo Mommy,” wika ko dahil imposible talaga. Kung may mga tao man na sobra-sobra ang galit sa akin bukod sa kanya ay walang iba kundi ang pamilya niya at naiintindihan ko kung bakit sila nagagalit. For them, I was their son’s mistake. A big mistake on his life kaya maiintindihan ko kung hindi nila ako tatanggapin sa pamilya nila, hindi rin naman ako nag-aalala doon dahil alam ko na pagkatapos ng anim na buwan ay maghihiwalay na kami.
“Basta makipag-ayos ka na sa kanya. This is your opportunity to be rich again.”
“Mommy! Hindi iyon ang dahilan kaya ako nandito ngayon! I am here because I want our company back! Pinaghirapan niyo iyon nila Daddy!” natatarantang wika ko sa kanya. Akala ko ay nagets na ni mommy kung bakit ako nandito ngayon pero hindi pa rin pala. Akala niya ay ginagawa ko pa rin ito para maging mayaman kami samantalang ang gusto ko lang ay mabawi ang mga bagay na sa amin naman na talaga.
“I don’t care. Basta makipag-ayos ka na sa kanya. Mas mabuti nga kung magkakaroon na agad kayo ng anak para wala ng makakahadlang pa sa inyong dalawa.”
“You know that I can’t do that,” mariing sabi ko sa kanya.
“Then di—“Mommy! Naririnig niyo ba ang sinasabi niyo?” pagalit kong sabi sa kanya. Hindi na siya nakapagsalita dahil bakas na sa boses ang inis ko sa sinasabi niya. Ibinaba ko na lang ang tawag pagkatapos. Hanggang sa maibaba ko ang tawag ay talagang ipinipilit niya pa rin sa akin si Gio. I can’t believe her. Talagang iyon pa ang inisip niya sa mga oras na ito?
Inihatid ko si Gio hanggang sa labas ng kumpanya ng dumating naman ang isa sa mga investors ni Gio na si Mr. Del Valle. Siya ang kameeting nito ngayon. Matangkad si Mr. Del Valle at may matipuno rin na pangangatawan. May pagkamaputi rin ito. Hindi nga halatang nasa late 40's na ito dahil sa itsura. May tatlo siyang bodyguard na nakatayo sa kanyang likuran at palaging nakabantay sa kanya. Hindi na ako magtataka kung bakit palaging may nakabantay sa kanya, dahil kagaya ni Gio ay may malaki rin itong pangalan sa industriya at maraming nagtatangka na pabagsakin ito o kaya naman ay patayin siya. Ang alam ko ay marami na naagrabyado na tao si Mr. Del Valle, at marami sa kanila ang hindi natakot na magsampa ng kaso kahit mahirap lamang sila pero ni isa ay walang lumabas sa balita na ganoon, at pinalabas na sadyang marami lamang ang bumabatikos sa kanya at gustong pumalit sa buhay na mayroon siya.
Tumingin sa akin si Mr. Del Valle at nginitian ako."You're beautiful."
Nginitian ko ito ng pabalik. "Thank you."
Tinignan din ako ni Gio ngunit seryoso na ang mukha nito kumpara sa kanina. Para bang may nagawa na naman akong hindi niya nagustuhan para tignan niya ako ng ganoon. Ano na naman ba ang nagawa kong pagkakamali?
"Let's continue our talk on the nearby restaurant," natatawang sabi ni Mr. Del Valle. Naglakad na ito papalayo sa amin kasunod si Gio nang bigla itong humarap sa akin. Tumigil kasi ako sa paglalakad ng malapit na kami sa pinto.
"Aren't she’s going to come with us?"
Umiling kaagad si Gio sa tanong ni Mr. Del Valle. Umalis na rin ako sa harap nila pagkatapos ko magpaalam at pabalik na rin sana sa opisina. Hindi ko na rin masyadong narinig ang usapan nila dahil lumapit sa akin si Jant. Isa siya sa mga empleyado rito sa kumpanya.
"Elise, hindi ka ba sasama sa kanila?" tanong niya sa akin. Mabilis naman akong umiling sa kanya.
"Hindi eh. May tinatapos pa akong paper works para sa kanya." Sumulyap ako kay Gio at agarang napakunot ang noo ko ng makita ko na nandito pa rin sila at nag-uusap. Hindi pa ba sila maglalunch?
Ibinalik ko ang tingin kay Jant. "Kumain ka na ba?" muling tanong niya sa akin.
Mabilis ulit akong umiling. Sa katunayan nga ay balak ko talaga kumain sa cafeteria pagkaalis nila Gio. Sa tuwing umaalis lang siya ako nakakakain at nakakapag-isip ng matino dahil sa oras na wala siya ko lang nagagawang kalmahin ang sarili ko na walang kaba na nararamdaman.
"Sabay na tayo kumain kung ganoon,"
I was about to answer him when Gio suddenly pulled me away from Jant, “As far as I know, hindi ko pinapayagan ang mga empleyado ko na makipagtsismisan during office hours," malamig na sabi nito kay Jant.
Pinilit kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa kamay ko pero sadyang malakas siya kesa sa akin. Nakatingin siya ngayon kay Jant na walang halong emosyon habang kita ko naman kay Jan tang takot dahil sa sinabi ni Gio. Gusto ko nga rin sana sabihin na hindi naman kami nakikipagtsismisan dahil tinatanong lang naman niya ako kung gusto niya akong kumain ng lunch kasama siya at wala akong nakikitang masama roon. Everybody hates me here at kung may nagtatyaga man na kausapin ako, iyon ay walang iba kundi si Bearose at si Jant! Mabuti nga at may nagtatyaga pang kausapin ako eh.
"I-I’m sorry sir.”
Binitawan na ako ni Gio habang si Jant naman ay nakatayo pa rin sa harapan namin. "Go back to your work Jimenez and..." Tumingin sa akin si Gio na seryoso habang nakaigting ang panga at tila nababalutan ng masamang awra.
"You. Come with me," matigas at malamig na sabi niya sa akin. Hindi na ako umimik at sinundan lang siya. Nasa unahan lang namin si Mr. Del Valle. Nakakahiya pa nga dahil nagawa pa namin siya paghintayin dahil bigla na lamang ako isinama nitong si Gio sa lunch meeting nila.
"Ano ba ang naisipan mo at isinama mo pa ako?" naiinis na tanong ko sa kanya. Umigting muli ang kanyang panga sa aking sinabi na ikinakunot na naman ng noo ko ng bahagya. May mali ba sa sinabi ko? Wala naman ah?
"Mas masarap ang pagkain doon sa kakainan naming." Doon na naningkit ang mata ko. Ano ba talaga ang ipinaglalaban ng mokong na 'to?
"Wala akong sinabi na hindi masarap ang pagkain sa kakainan niyo. What I'm trying to say is you could've left me on the office. Alam mo naman na marami pa akong tatapusin na mga papeles at aayusin ko pa ang schedule mo para sa susunod na linggo."
"At para ano? Para hayaan ka na makipaglandian ka doon sa Jimenez na ‘yon?” pagalit niyang sabi sa akin. Doon na ako tuluyang nalaglagan ng panga dahil sa sinabi niya. I'm not flirting with him! Bakit ba lahat na lang ng ginagawa ko ay minamasama nitong lalakeng 'to? Kung hindi lang talaga siya tatay ni Deo o kung hindi lang ako pumayag sa set up namin na 'to, ay baka wala ako ngayon dito! Tsk.
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko Trinidad o sadyang bingi ka lang? Maraming papeles akong dapat ayusin sa trabaho at kailangan ko pa ayusin ang schedule mo next week!” puno ng gigil na sabi ko sa kanya. Ipinikit ko ng mariin ang aking mata at pilit na kinalma ang sarili.
“At sa huling pagkakataon, uulitin ko, hindi ako nakikipaglandian sa kanya Gio. Yinayaya niya lang ako-- "Pero hindi iyon ang nakikita ko. He likes you and I'm not that stupid, De Guzman." malamig na sabi niya habang nakatingin ng diretso sa aking mata na nagpairap na lang ng tuluyan sa akin.
“Naririnig mo ba ang sinasabi mo Trinidad?” sarkasmong tanong ko sa kanya. Nagsisimula na talaga ako mainis sa mga akusasyon niya sa akin na wala naman patunay. Ito ang pinakaiinisan ko sa lahat eh, iyong akusahan ako na wala naman sapat na ebidensya. At saka si Jant? May gusto sa akin? He has his own family for fvcking sake at wala akong balak na makasira ulit ng pamilya sa panibagong pagkakataon na ibinigay sa akin! I won’t waste it on useless things!
“Oo, naririnig ko,” pamimilosopong sagot niya sa akin.
This man! I can’t!
“Eh ano naman kung may gusto sa akin iyong tao? That doesn’t mean na makikipaglandian na ako sa kanya! I really hate you and your useless accusations!” mariing sigaw ko sa kanya na nagpatahimik sa amin dalawa.